“WOW, ASTRONOMER KA pala. Patingin nga,” tudyo ni Rosette nang maabutan si Eros sa balcony ng library. Birthday party ng daddy nila at puno ng bisita ang malaking garden ng mga Altamirano. But Eros was no where to be found. Hinanap talaga ni Rosette ang binata para ibalitang break na si Shaina at Sorell. Nagulat ito nang hindi naman sa langit nakatutok ang telescope. “Paano ka makakakita ng stars e sa ibaba nakatutok?” nakisilip pa ito pero ganoon na lang ang pagkagulat nang makita kung sino ang sinisilip ni Eros. “Ano bang ginagawa mo dito?” inis na tanong ni Eros. “Ipapahamak mo na naman ako e.” “Suplado nito,” natawa lang si Rosette. “Break na si Sorell at Shaina. Pwede ka nang manligaw ulit.” “Alam ko,” walang ganang sagot ni Eros. “Dahil sa kalokohan mo.” “Bakit mo ba sinisilip

