"I love you," nakangiting sabi ni Eros na tila ayaw bumitaw kay Edel. Lihim ding napangiti si Edel. Hindi niya akalain na babalik pa sila sa ganito pagkatapos ng mga nangyari. Nasa harap sila ngayon ng Montenegro Empire building kung saan nakatira ang ama ni Eros. Gustong malula ni Edel sa taas noon. May kaya rin ang pamilya niya pero walang-wala iyon sa yaman ng daddy ni Eros. "Pumasok ka na," utos niya. Marahas na napabuga ng hangin si Eros. Ang totoo nyan ay hindi pa siya handang makita si Aries Montenegro. Hindi niya alam kung paano magpapanggap sa harap nito. The truth is, hindi siya interesadong makilala ang ama. Pero nangako siya kay Edel, at kung iyon ang hiling ng babae, gagawin niya. "One year is too long," hindi naitago ni Eros ang lungkot. "Pwede bang magkita pa rin tayo?

