PAGKATAPOS KUMAIN AY umalis na si Edel para sa misyon na ibinigay ni Eros. Her first mission was to steal the cellphone of a high ranking general na naglalaman ng conversation nito at ng isang drug lord. Kung para saan, hindi niya alam.
Sanay na si Edel gumawa ng mga ganoong task kaya hindi siya nahirapan. Mayroon din naman siyang mga tao na kilala na tumutulong sa kanya. Once again, she tried to escape pero natagpuan niya na lang ang sarili na nasa loob ng itim na van at pabalik sa condo ni Eros. Inis na inis siya sa isiping siya na ngayon ang under nito samantalang utusan niya lang ito noon.
Bago siya umuwi ay muli itong tumawag.
“Dumaan ka pala sa mall at bumili ka ng lingerie, ‘yung small.”
Napanganga si Edel. Pati ba naman iyon sa kanya ipapabili.
“Tsaka one bouquet of red roses at isang bote ng red wine.”
Gusto nang sumigaw ni Edel sa sobrang inis nang ibaba ni Eros ang cellphone. Talagang sinasagad nito ang pasensya niya.
HININTAY NIYA MUNANG ipatawag siya nito bago niya muling nakaharap ang kapatid. Pakiramdam niya ay talagang pinaghintay siya nito. Lalo siyang naiinis sa ginagawa nitong pagtrato sa kanya. Humanda talaga ito kapag nakahanap siya ng pagkakataong maisahan ang lalaki at makatakas.
“You’re back,” kaswal na sabi ni Eros nang makita siyang papasok sa kwarto nito dala-dala ang mga pinabiling gamit.
“Kanina pa, actually,” halatang nagtitimping sagot ni Edel at inilapag sa center table ang mga plastic bag.
“Pasensya ka na, medyo busy lang.”
Inihagis ni Edel ang cellphone sa kama ng binata at napangiti naman ito.
“I’m impressed,” halata ang paghanga sa boses ni Eros. “Kaya pala ganoon na lang ang galit ni Hyde nang malaman na ako ang nakabili sa’yo. Akala niya kasi dirty old man e. Hindi niya alam na bata pa at sobrang hot ng ka-deal niya.”
Natawa si Eros sa nakitang reaksyon ni Edel. Alam niyang konti na lang ay sasabog na ito.
“I want to visit my brothers.”
“Later,” sagot ng lalaki habang nilalaro ang cellphone na ninakaw ni Edel. “I’ll drive you myself.”
Bago makasagot si Edel ay pumasok sa kwarto ang isang babae at halatang nagulat nang makita siya.
“A-andito pala si Ate Edel,” kinakabahang sabi nito. Hindi napigilang mapatingin dito ni Edel. Kung hindi siya nagkakamali, naging fling ito ni Xander.
“You may go now,” utos naman ni Eros bago yapusin ang babae.
Nag-init ang ulo ni Edel. Gusto niya nang makita ang mga kapatid niya tapos mas uunahin pa nito ang paglandi.
“Why don’t you ask one of your guys to drive me? Anong oras ka pa matatapos nito?”
“Bukas siguro,” walang pakialam na sagot ni Eros. “I’m planning to visit them too tsaka baka kung ano kasi ang sabihin mo sa kanila kaya kailangang bantayan kita.”
Gigil na gigil si Edel habang pinagmamasdan ang dalawa na naghahalikan at tila walang pakialam na nandoon siya. Hindi na napigilan ni Edel ang sarili at kinuha ang atensyon ng babaeng kasama ni Eros.
“Excuse me,” sarkastiko siyang ngumiti. “You’re Marika, right?”
Tumango si Marika at nagtatakang tumingin sa kanya. Gustong magdiwang ni Edel nang makita ang frustration sa mukha ni Eros dahil sa pang-iistorbo niya.
“Yeah.”
“Xander’s ex?”
Alanganin itong tumango.
“Sabi ko na nga ba,” patuloy ni Edel. “I remember when he brought you to his condo and I was occupying the room next door with our friends. Hindi nga kami nakatulog.”
“Edel, what are you saying? Get out of my room, now!” galit na utos ni Eros.
“Well, good luck,” nakangiting sabi ni Edel. “Hindi ko na kayo iistorbohin para matapos agad kayo kasi alam kong marami pang darating na babae mamaya. Alam mo naman ang kapatid ko, maraming reserba.”
Napatingin si Marika kay Eros na tila nagtatanong kung totoo ang sinasabi ni Edel.
“Don’t listen to her,” sabi ni Eros pero tumayo na si Marika.
“I-I need to go, Eros. May kailangan rin kasi akong puntahan,” nagmamadaling sabi nito. “Nice to meet you, Ate Edel.”
Walang paalam itong lumabas ng kwarto at iniwan ang magkapatid. Hindi na rin hinabol pa ni Eros ang babae dahil sa sobrang inis.
“Should we go?” tanong ni Edel kay Eros na tila walang ginawang kalokohan. “Tapos na kayo hindi ba? Puntahan na natin sila Emman.”
Galit na hinawakan ni Eros sa braso si Edel at halos mamula iyon sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya.
“One thing you should remember, don’t interfere with my business. Huwag mong sagarin ang pasensya ko. You should never come in my room kung may kasama ako. Huwag mo silang kakausapin at lalong huwag na huwag mo silang paaalisin.”
Hindi nakasagot si Edel dahil sa nakitang galit sa mga mata ni Eros.
“Unless kaya mong gawin ang ginagawa nila,” pahabol ng lalaki bago siya nito iwan at nagdadabog na lumabas ng kwarto.
TAHIMIK ANG DALAWA habang nasa byahe. Pagkatapos ng ilang oras ay muli siyang ipinatawag ni Eros para sabihing pupuntahan nila ang mga kapatid. Mukhang wala talaga sa mood ang lalaki dahil napakapormal nito.
Dahil ma-pride, hindi rin humingi ng tawad si Edel kay Eros. Bahala na ito kung kailan ulit siya kakausapin.
Malapit na sila sa university kung saan sila nag-aaral nang huminto sa pagmamaneho si Eros.
Napatingin si Edel sa gawi kung saan nakatingin ang lalaki. Hindi maiwasang makaramdam ng lungkot si Edel nang makita ang reaksyon ni Eros habang nakatingin sa isang babaeng estudyante na naghihintay sa labas ng gate.
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Eros nang mahuling nakatingin siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Pero hindi pa rin nawala sa isip ni Edel ang nakita. Eros is obviously in love with the girl na nakita nila kanina. It was Shaina, ang tanging babae na nagpatino kay Eros.
PAGKATAPOS KUMAIN KASAMA ang mga kapatid, umalis na rin ang dalawa. Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa ang mga ito kung bakit sila magkasama samantalang madalas silang aso’t pusa. Dahil sa banta ni Eros, mas pinili ni Edel na huwag magsumbong kay Emman. Baka pati ang kapatid nila ay idamay nito ngayon pang mukhang wala talaga itong sasantuhin, makaganti lang sa grupo.
Hindi niya na talaga kilala ang kapatid at gusto niyang sisihin ang sarili dahil doon.
Muntik na siyang mauntog nang biglang magpreno si Eros. Nagtatakang napatingin ang babae sa kasama na tahimik na nakatingin sa kung saan. Sinundan niya ang tingin nito at hindi niya alam kung maaawa o matatawa kay Eros. He was staring blankly at Shaina na sweet na sweet kasama ang bago nitong nobyo.
“If you want to kill yourself, huwag kang mandamay,” may halong pang-aasar na sabi ni Edel. How could she forget that time na mas pinili nitong iligtas ang babae kay sa sa kanya?
Hindi sumagot si Eros habang tahimik pa ring pinapanood ang dalawa. The two were teasing each other at ngayon ay hawak na ng boyfriend nito ang kamay ni Shaina.
Hindi pinatulan ni Eros ang pang-aasar niya kaya lalong ginanahan ang babae.
“They look cute together,” nangingiting sabi ni Edel. “I heard, matinong lalaki si Sorell. He’s salutatorian ng highschool batch, ‘di ba? Crush na crush ‘yan ni Rosette noon.”
“Alam mo, pumapatay ako ng mga tsismosa,” madilim ang mukhang sabi ni Eros.
Ngumisi lang si Edel nang muling paandarin ng kapatid ang kotse. Sa wakas, nakaganti rin siya sa pang-aasar nito.
ISANG LALAKI ANG naghihintay sa kanila sa bahay at nakaramdam ng pag-asa si Edel nang makilala ito.
“Wesley, buti nakarating ka,” nagkamay ang dalawang lalaki at ngumiti sa kanya si Wesley.
“You remember my sister, right?” tanong ni Eros pagkatapos. “This is Edel, ang traydor kong ate.”
Hindi pinansin ni Edel ang kapatid at iniabot ang kamay kay Wesley. Kung alam lang ni Eros ang totoo.
“Nice to meet you,” isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Edel sa lalaki.
“It’s a pleasure to meet you, Edel,” tinanggap naman ni Wesley ang kamay ng babae.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Eros sa dalawa. Halatang nagdududa ito dahil sa ipinakitang pagkagiliw ng dalawa sa isa’t isa.
“What do you mean it’s a pleasure to meet her?” tanong ni Eros kay Wesley. May bahid ng inis ang boses nito.
“May masama ba sa sinabi niya?” ganting tanong naman ni Edel.
“Wala naman, nagtataka lang ako dahil I was expecting you to hate each other. Magkaaway ang mga grupo niyo, hindi ba?” nagdududa pa ring tanong ni Eros.
“But she’s on our side now,” katwiran ni Wesley. “And I bet you’re gonna ask us to work together kaya dapat lang na magkasundo kami.”
“He’s right,” seryoso nang sabi ni Edel, “Magaan ang loob ko sa kanya. I think we can trust him.”
“I’m not asking for your opinion,” malamig na sabi ni Eros kay Edel. Halata namang nagpipigil ng ngiti si Wesley. “I know that I can trust him kaya ko nga siya tinawagan. It’s you who I can’t trust.”
Hindi nakapagsalita si Edel sa sobrang inis. Sana lang ay magkaroon siya ng pagkakataong makausap si Wesley at baka sakaling matulungan siya nitong makatakas.
“Anyway, ano ba ‘yung ipapagawa mo?” seryoso nang tanong ni Wesley kay Eros.
“I need to borrow the file of Blacksmith. Hindi ba nasa iyo ‘yon?”
Hindi nakasagot si Wesley at napatingin ito kay Edel.
“May kilala akong hacker,” dagdag pa ni Eros.
“I-I was robbed one night at nakuha ulit nila iyon,” mahinang sagot ni Wesley. “I’m sorry. Alam kong mahalaga iyon para sa’yo but they used my kids para mabawi ang usb stick.”
Halatang nadismaya si Eros pero sinubukang maging kalmado. Naiintindihan niya na mahalaga kay Wesley ang mga anak nito.
“I understand. I just wish we could do something to steal it again.”
“I’ll help Wesley to steal it,” presinta ni Edel.
Sarkastiko namang natawa si Eros, “Nice try, Edel. Ikaw nga ang may pakana ng paggamit sa mga anak ni Wesley kaya paano ko ipagkakatiwala sa’yo ang trabaho? You’ll stay here while Wesley will do the work. Maglalaba ka ng mga damit ko.”
Hindi napigilang tumawa ni Wesley habang pulang-pula sa inis si Edel.
“I need to go,” napapailing na sabi ni Wesley. “May lakad pa ako. I’ll talk to you on the phone, Eros.”
“Salamat. Anything you need, just call me,” nakangiti nang sabi ni Eros.
Matagal na nagkatinginan si Edel at Wesley na tila ba nag-uusap ang mga mata at napansin naman iyon ni Eros.
“Wesley is taken, Edel. He already has two kids. And for Christ sake, he’s too young for you,” inis na sabi ni Eros.
Gusto nang sapakin ni Edel ang lalaki sa sobrang inis. Nailang tuloy siya na tumingin ulit kay Wesley dahil baka maniwala ito sa sinasabi ni Eros.
Natatawa namang tinapik ni Wesley ang balikat ni Eros, “Stop being overly protective with your sister. She’s almost twenty seven. Isa pa, I don’t really mind dating an older woman. Mas matured kasi silang mag-isip.”
“Isa ka pa,” Lalo namang uminit ang ulo ni Eros. Mukhang kailangan niyang paghiwalayin ang dalawa dahil baka makaapekto sa trabaho. Baka mamaya ay magkampihan pa ang mga ito laban sa kanya.
Natatawang umalis si Wesley habang nawala ang mga ngiti ni Edel. Sana pala ay hindi niya na lang inasar si Eros. Baka hindi na siya nito palapitin sa lalaki. Ito na lang ang pag-asa niyang makatakas bukod kay Emman na hanggang ngayon ay hindi pa alam ang sitwasyon niya.
“Ano pang ginagawa mo dito?” Eros asked nang makitang hindi pa rin siya umaalis, “Go back to your room.”
“Yes, boss,” sarkastikong sagot niya.
Nagulat siya nang hilahin siya nito pabalik, “And stay away from Wesley. This is a serious order. Ayokong maapektuhan ang trabaho niya.”
Hindi napigilang matawa ni Edel, “Are you seriously thinking na papatulan ko iyon? You’re still immature, Eros. I won’t be surprised kung hindi ka magtatagumpay sa plano mo dahil hindi ka marunong mag-isip ng tama. Pero come to think of it, gwapo naman si Wesley. Don’t worry, pag-iisipan ko kung tototohanin ko ‘yang sinabi mo.”
Nagpupuyos ang dibdib ni Eros nang iwan siyang mag-isa ni Edel. Gusto namang matawa ni Edel nang maalala ang utos na ibinigay ni Eros kay Wesley. She could feel that Wesley is on her side. Mamamatay sa paghahanap si Eros pero hindi nito mababawi sa Blacksmith ang usb. Dahil wala naman talaga iyon sa grupo.
NAGPAPAHINGA SI EROS sa kwarto nang biglang mag-ring ang cellphone sa tabi niya. It was Edel’s phone. Nagtataka niyang kinuha iyon at bumangon nang makitang tumatawag si Emman. Dahil na-curious siya ay sinagot niya ang cellphone.
“Emman, it’s Eros.”
Bakas ang pagkagulat sa boses ni Emman. Alam niyang maghihinala ito dahil alam nito ang nakaraan nila ni Edel.
“Bakit hawak mo ang cellphone ni ate?” nagtatakang tanong ni Emman.
“N-naiwan niya sa condo ko,” bahagya pa siyang nautal. Siguradong aasarin siya ni Emman.
“Anong ginawa niya sa condo mo?” halatang nanunudyo ang boses ng kapatid.
“May kinuha lang. Umalis rin.”
Narinig niya ang malakas na tawa ni Emman sa kabilang linya.
“What do you need from her?” pag-iiba niya sa usapan.
“If you see her, tell her that Axel is looking for her. One week niya na raw hindi tinatawagan.”
“Axel?” napakunot-noo si Eros. “The basketball team captain?”
“Yeah,” pagkumpirma ni Emman. “Apparently, they’re dating.”
“Axel is only twenty three.”
Natawa si Emman, “You’re only twenty one.”
“Huwag mo akong idamay dito,” inis na sabi ni Eros. Hindi niya alam na may boyfriend pala ito, “Are they seriously dating?”
“How will I know? Kay Axel ko nga lang din nalaman. Si ate kaya tanungin mo.”
“You know we don’t talk about personal stuff.”
“Mukhang seryoso naman si Axel,” kwento ni Emman, "tsaka mukhang seryoso sa relasyon ang isang ito. Walang image na playboy.”
Lalong dumilim ang mukha ni Eros. Alam niyang pinaparinggan siya ng kapatid kaya nagpaalam na siya.
“Sige na, I need to go. May importante lang akong gagawin.”
“Bye, Bro,” natatawang paalam ni Emman pero hindi na iyon sinagot ni Eros. Nagmamadali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang isa sa mga tauhan.
“Rex, I want you to do something for me,” seryosong utos niya, “kumalap ka ng impormasyon tungkol kay Axel Pangilinan, team captain ng Northwood basketball team.”
“Bakit, boss? Sangkot ba siya sa kaso?”
“N-no. Wala itong kinalaman sa Blacksmith. Basta gusto ko lang malaman ang tungkol sa kanya, personal details including dating background.”
“Masusunod po.”
Frustrated na napaupo sa kama si Eros. Nagmuka tuloy siyang bakla sa ginawa niya. Baka isipin ni Rex ay interesado siya sa lalaki. But he couldn’t help it. Gusto niyang malaman ang tungkol sa dalawa. Baka pwede niya ring magamit ang lalaki para i-blackmail si Edel.
Napatingin siya sa cellphone ni Edel at naisipang isa-isahin ang mga tumawag dito. Nakita niya ang lahat ng mga miscalls nito na puro galing kay Axel. Nahigit ni Eros ang paghinga. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagkabata. Those days na palihim niyang binubura ang mga text na galing sa manliligaw ni Edel at hindi niya ibinibigay rito ang telepono kapag may tumatawag na lalaki sa bahay nila.
Nag-init ang ulo ni Eros sa nabasang text ni Axel. This guy is not good for her. Mainit ang dugo niya sa lalaki. Baka perahan lang nito si Edel. Ganoon naman talaga kapag mas bata ang lalaki. Ginagawang sugar mommy ang karelasyon. Mag concentrate na lang ito sa pagbabasketball.
Sa sobrang inis ay hindi niya napigilang replyan ito gamit ang cellphone ni Edel.
Stay away from my daughter, you son of a b***h. Ayaw kita para sa anak ko. I’m setting her up with a handsome guy with six pack abs at hindi lang basketball ang inaatupag. Go find someone na kasing edad mo!