Chapter Two

1266 Words
MADALING ARAW NA ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Edel. Nagpupuyos pa rin sa galit ang dalaga dahil sa ginawa ni Hyde pero hindi na siya nagtaka. Isa pa, hindi naman talaga siya tapat sa lalaki bilang leader ng grupo. She's loyal to the group itself but not to him. She will murder him kung magkakaroon lang siya ng pagkakataon. Iyon nga lang, mukhang naisahan siya nito. Hindi niya lang alam kung swerte o malas na kay Eros pa siya napunta. Speaking of that devil, sino kaya ang bagong tao na pinagsisilbihan nito? Siguradong makapangyarihan iyon dahil bakas ang karangyaan sa condong tinitirhan nito ngayon. Mukhang desidido ito sa balak na pabagsakin ang grupo. Isang bagay na hindi siya papayag na mangyari. Baka mapahamak na naman ang kapatid niya. Napalingon si Edel nang marinig ang pagbukas ng pinto. Hindi man lang kumatok si Eros at pumasok sa loob. Still shirtless and holding his shirt, may bakas pa ng lipstick sa balikat nito. Tumaas ang isang kilay ni Edel lalo na nang umupo ito sa sofang nasa harap niya. "Sorry, I had to dismiss you. May ginawa lang akong mahalaga," seryosong sabi ng lalaki. Sarkastikong napailing si Edel, "I understand." "Good," tumango ang lalaki at pormal siyang hinarap. "Bukas darating ang ibang myembro ng grupo so we're going to have a formal meeting. You should be awake at seven thirty in the morning. You're not allowed to go out unless you ask for my permission. You can use the phone in the living room but only to call mom and dad and you're not allowed to talk to me unless I summoned you," mahabang litanya ni Eros. Speechless si Edel sa pinagsasabi ng nakababatang kapatid. Baka nakakalimutan nito na siya ang tagasuklay ng buhok nito dati. "Anything else you want to ask?" tanong ni Eros nang makitang natigilan siya. "How about Emman and the twins? What if I want to talk to them?" Saglit na nag-isip si Eros, "I'll call them for you." "Look, Eros, hindi mo ako pwedeng ikulong dito." "Then pay me forty million and a brand new townhouse gaya ng dapat ibayad ni Hyde." "That's unfair!" hindi na napigilan ni Edel na magtaas ng boses. "Hindi naman ako ang kalaro ng tauhan mo." "Pero ikaw ang ipinambayad niya," nakangising katwiran ni Eros. Gigil na gigil na napatitig si Edel sa lalaki. Sana pala tinuluyan niya na lang ito. Hindi sinasadyang napatingin siya sa tattoo nito. Burado na ang tattoo ng Blacksmith at iba na ang nakalagay roon. Latin script ang tattoo ng lalaki. Ano kayang ibig sabihin noon? Natigilan siya nang makita ang hindi pa masyadong naghihilom na tama ng bala nito sa tagiliran. Muntik niya na pala itong tamaan sa puso. Napapikit siya sa isiping iyon. No wonder, galit ito sa kanya. "You don't have to close your eyes," narinig niyang sabi ni Eros. Nakangisi ito habang nakatayo sa harap niya. "Hindi ko ipinagdadamot ang abs ko kaya you can stare at it. That's one thing you're allowed to do." Napanganga na lang si Edel. Hindi naman siya doon nakatingin. "I'm leaving. See you tomorrow," tumayo na si Eros at lumabas ng pinto. Wala na ang lalaki bago nakabawi sa pagkagulat si Edel. The nerve of that guy! Akala mo naman kung sinong gwapo e may gatas pa naman sa labi. Gagawa talaga siya ng paraan para makatakas. Napatingin siya sa bintana at lumapit doon. May terrace iyon kaya pwedeng lumipat sa kabilang kwarto pero nakalock ang bintana na gawa sa salamin. She took the chair at ipinalo iyon nang malakas sa bintana na lumikha ng ingay. Nagmamadali siyang lumabas bago pa marinig ni Eros ang komosyon. NAGPAPALIT NG PANTULOG si Eros nang may marinig na ingay mula sa kwarto ni Edel. Kinabahan siya kaya agad niyang tinawagan si Zack na kanang kamay niya. “Everything’s okay, Eros,” sagot ni Zack. “It’s just your sister, trying to escape.” Nagtagis ang bagang ni Eros. Matigas talaga ang ulo ng babaeng iyon. “Where is she now?” “In her room, tinurukan na namin ng pampatulog.” Nakahinga nang maluwag si Eros. Hindi pwedeng makawala ang babae dahil ito ang magiging sandata niya para mapabagsak ang grupo. Hindi niya lang maintindihan kung bakit ayaw pa nitong kumampi sa kanya at mas piniling maging loyal sa Blacksmith. Hihiga na sana siya nang makatanggap ng tawag. Napangiti si Eros nang makilala ang boses sa kabilang linya. “What’s up, Hyde? Napatawag ka.” “Nice try, bata,” sarkastikong sabi ni Hyde. “Naisahan mo ako doon. Pero huwag ka munang makampante dahil kahit magkampihan kayo ng ate mo at kahit sino pang pontio pilato ang nasa likod mo, hinding-hindi mo mapapabagsak ang grupo.” Natawa si Eros, “We’ll see. Ngayon ko lang na-realized na mas tuso ako. Hindi mo man lang naisip na walang bibili kay Edel sa ganoong halaga kung hindi kapamilya niya. Over-priced nga masyado, e.” Hindi nakasagot si Hyde kaya sinamantala iyon ni Eros para magpaalam. “Matutulog na ako,” paalam ng lalaki sa kausap pero may pahabol pa ito. “Sana nagustuhan mo ‘yung regalo ko.” Lalong napangiti si Eros nang maalala ang regalo niya ritong isang bouquet ng itim na rosas at pinagawa niyang lapida. NAPANGISI SI EROS nang makita si Edel na bagong gising. She looks innocent at kahit nasa late twenties na ito ay mukha pa ring teenager dahil sa maikling buhok at maamong mukha. Huwag nga lang gagalitin at nagiging mabangis na leon ito. Sexy rin ito dahil sa madalas na pag-gygym. No wonder, maraming nahuhumaling na classmate nila rito kahit mga bata pa, including him… Pilit na iwinaksi ni Eros ang isiping iyon at nagtimpla ng kape. Kumakain na siya noon ng breakfast at katatapos lang din ng meeting. “Late ka na. Nakatulog ka ba nang maayos?” sarkastikong tanong niya rito. Isang masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya. Hindi ito sumagot at walang paalam na kumuha ng toast sa table. “Who told you that you can eat with me?” nakataas ang kilay na tanong ni Eros. “I haven’t summoned you yet. Isa pa, hindi ba sinabi ko na seven o’clock ang meeting? Alas dyes na ha?” “Nang-aasar ka ba?” galit na tanong ni Edel. “Tinurukan ako ng mga alipores mo ng pampatulog tapos gusto mo akong gumising nang maaga. And if you don’t want me to eat breakfast with you, tell your maid to bring my breakfast in my room so I can have my breakfast.” Napailing si Eros, “Hindi ka talaga marunong matakot kahit kailan. Sige na, kumain ka na. May ipagagawa pa ako sa’yo.” “Nawalan na ako ng gana,” nagdadabog na tumalikod si Edel pero dulo ng baril ang sumalubong dito. “Sumunod ka sa utos ng boss,” pormal na sabi ng lalaking nakasuot ng itim na t-shirt at maraming tattoo. Walang nagawa si Edel kung hindi bumalik sa hapag at kumain kasabay ni Eros. She’s not scared to die but not yet. Kailangan niyang protektahan ang Blacksmith at pigilan si Eros sa mga kalokohan nito. “You’re so cute,” pang-aasar ni Eros habang pinagmamasdan si Edel na tahimik na kumakain. “I’ve never seen you so well-behaved.” Hindi siya pinansin nito at wala sa sariling kumain ng agahan. Lihim namang natawa si Eros. Having Edel will surely make this mission more exciting. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD