Kabanata 4

2649 Words
“Nafinalize niyo na ba lahat ng gagamitin sa kasal niyong dalawa?” tanong ng Mommy ni Darren, nandito sila ngayon sa bahay nila Trina at muling pinag-uusapan ang tungkol sa kasal. “Okay na Mom, right Trina?” baling ni Darren kay Trina na kumakain pa. “Ah opo, okay na po lahat.” sagot niya naman saka sinamaan ng tingin si Darren. Walang araw na hindi siya nito bwinisit. Nang matapos na kumain ng tanghalian ay nag-usap usap na lang uli sila sa sala. Sinabi naman lahat ni Trina ang mga napag-usapan nilang dalawa ni Darren. Sa buong linggo na yun ay naging abala ang lahat sa kasal. Napapagod na rin si Trina dahil bawat araw ay may kinakausap siya sa mga nag-aasikaso sa kasal nila dahil sa susunod na araw na iyun magaganap. “Nakakapagod,” usal niya saka sumakay sa kotse ni Darren. Isinandal niya naman na ang kaniyang likod saka ipinikit ang kaniyang mga mata. Gusto niya na talagang matulog dahil kung saan saan sila nakakarating ni Darren sa pag-aasikaso sa kasal. Kagagaling lang nila sa isang hotel para rentahan ang isang malaking hall nila. Pinaandar naman na ni Darren ang sasakyan niya saka tinahak ang daan patungong bahay nila Trina. “We’re here,” aniya ng makarating sila pero hindi gumalaw si Trina. Nilingon niya naman ang dalaga dahil dun, mahimbing naman na itong natutulog sa sasakyan. Malamang dala ng pagod. Napabuntong hininga na lamang si Darren, kung sabagay ikaw ba naman ang araw-araw na mag-asikaso sa minamadaling kasal. Nanatili naman sila sa loob ng sasakyan pero maya maya ay nakakaramdam na ng ngalay si Darren paano pa kaya ang dalagang natutulog? Maging siya ay inaantok na kaya lumabas na siya ng sasakyan saka dahan-dahan na binuksan ang pintuan ni Trina. Maingat niya naman itong binuhat, hindi na nito naramdaman ang pagbuhat sa kaniya dahil sa himbing ng tulog niya. “Anong nangyari diyan?” tanong naman ni Joyce ng pumasok si Darren habang buhat buhat na parang bagong kasal si Trina. “Napagod yata,” blangko niya lang na sagot. Dumiretso naman na si Darren sa kwarto ni Trina saka ito binuksan. Inihiga niya si Trina rito saka kinumutan. Humiga naman na muna siya sa tabi ng dalaga dahil maging siya ay napapagod na. Ipinikit niya naman ang kaniyang mga mata at napansin na tila may nagagawa siya na nagagawa niya lang sa harap ng dalaga. Ang madalas nitong pagngiti at pagngisi sa tuwing nakikita niya ang naiinis ng mukha ni Trina. Malamang inaasar niya kaya napapangisi na lamang siya, si Trina lang din ang unang babaeng biniro at inaasar niya. Dahil sa pag-iisip ay hindi niya na namalayang nakatulog na rin siya. Dumating naman na ang Daddy nila, napatingin na lamang si Zack kay Joyce na nakamasid sa kwarto ni Trina. “Ano bang tinitingnan mo diyan?” tanong nito saka tiningnan ang kwarto ng isa pang anak pero wala namang bago ron. “Kanina pa po kasi pumasok si Darren sa kwarto ni Trina pero hindi pa rin siya lumalabas.” Saad niya, gusto niya sana itong makausap dahil tulog naman si Trina pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nalabas. “Nandun din ba si Trina?” “Opo, tulog siya na inihatid ni Darren.” Sagot niya, naglakad naman na paakyat si Zack para tingnan ang dalawa. Nakasunod lang naman sa kaniya si Joyce. Dahan dahan nitong binuksan ang hindi naman nakalock na pintuan. Nakaharang lang si Zack sa pintuan kaya isiningit ni Joyce ang sarili niya, nanlaki naman ang mga mata niya ng makita niyang magkatabing natutulog ang dalawa. Dinukot naman ni Zack ang cell phone niya saka kinuhanan ng litrato ang dalawa. “Dad, you’re okay with this?” mahinang tanong ni Joyce dahil tila mas natutuwa ang Daddy niya sa nangyayari sa dalawa. “Walang masama Joyce dahil magiging mag-asawa naman silang dalawa.” Sagot lang nito saka hinila ang anak at isinarado na ang pintuan para makapagpahinga ang dalawa. Nasipa na lamang ni Joyce ang pintuan ni Trina dahil sa inis. Akala niya makakausap niya na ng solo ang binata dahil tulog naman si Trina, yun pala natulog din sa kama ng dalaga. Lumipas pa ang ilang araw at ngayong araw na ang kasal ng dalawa. Tapos ng ayusan si Trina, nakaupo lang siya sa kwarto niya. Nilalaro na lamang niya ang kaniyang mga daliri at nag-iisip kung tutuloy pa ba siya sa kasal o hindi na pero alam niyang hindi basta-bastang mga tao ang kakalabanin niya kapag ginawa niya iyun, alam niya na ring baka lalong hindi na maging okay ang relasyon nilang mag-ama. Napahugot na lamang siya ng malalim na hininga. Ano mang oras ay magsisimula na nag seremonya. Mag-isa niya lang sa loob ng kwarto niya sa hotel at naghihintay na lang ng hudyat para lumabas siya. “Ma, I know you’re watching, ikakasal na po ako sa lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal. Ito na lang ba ang kapalaran nating dalawa? Nagmahal ka sa isang lalaking may asawa na pala tapos ako naman, ikakasal sa lalaking hindi ko naman mahal.” Malungkot niyang saad, hindi niya mapigilang hindi lumandas ang kaniyang mga luha. Mabilis niya namang pinunasan iyun dahil masisira ang make up niya. “Ma’am, kailangan na po nating lumabas.” agaw atensyong saad ng organizer ng kasal nila. Ngumiti lang naman siya saka niya binuhat ang kaniyang gown. “You’re so beautiful anak.” Saad ng bagong pasok niyang ama. Hinarap niya naman si Trina saka niya ito nginitian. “I know, you don’t want this marriage and I’m really sorry about it. Iniisip ko lang naman ang magiging magandang buhay mo.” “I understand Dad, wala naman na po akong magagawa.” “Don’t worry, alam kong balang araw ay mamahalin niyo rin ang isa’t isa.” Mapait namang ngumiti si Trina, sana nga, sana lang magawa niya itong mahalin balang araw, o magawa ng magiging asawa niyang mahalin siya balang araw. Ikinawit naman na ni Trina ang kamay niya sa braso ng kaniyang ama at sabay na silang lumabas ng kwarto. Iginiya naman na sila ng organizer sa hall kung saan magaganap ang kasal nila. Nang humudyat na ito ay bumukas naman na ang malaking pintuan. Sumalubong sa kaniya ang napakaraming bisita, punong puno ang hall na iyun at alam niyang puro mga nasa mundo sila ng negosyo. Bahagya lang siyang ngumiti habang dahan dahan silang naglalakad ng kaniyang ama sa pulang carpet. Tiningnan niya si Darren na nasa harap na nakatingin din sa kaniya. Hindi niya maitatago ang kagwapuhan ng binata lalo na ngayon sa ayos nito at sa maganda niyang buhok. Seryoso at blangko lang ang reaksyon ng mukha ni Darren, tila ba parang dadalo siya ng lamayan at hindi ng kasal. Bago pa man makalapit ang mag-ama ay sinalubong na siya ni Darren saka ngumiti sa ama ni Trina. “Ikaw na sana ang bahala sa kaniya, iho.” Saad nito. “I will, Tito.” Nakangiti niyang saad, hinawakan naman na ni Darren ang kamay ni Trina saka niya ito ikinawit sa braso niya at naglakad papalapit sa magkakasal sa kanilang dalawa. Nagsimula naman na ang seremonyo ng kasal at tahimik lang ang lahat. Hinarap naman na nila ang isa’t isa ng isusuot na nila ang mga singsing nila. They even exchange their vows at binalot ng palakpakan ang buong lugar. “You may now kiss the bride.” Anunsyo nito, hinarap naman na ni Darren si Trina at dahan dahan na inalis ang belo nito. Tinitigan niya si Trina, may make up man o wala ang dalaga ay maganda talaga ito. Naibaba na lamang niya ang kaniyang paningin sa labi ni Trina at tila sadyang inaakit siya nito. Dahan dahan niyang nailapit ang kaniyang mukha, naipikit na lamang ni Trina ang kaniyang mga mata. Hinalikan naman na ni Darren si Trina subalit sa gilid lamang iyun ng labi nito kaya napamulat siya kaagad. Ang akala niya talaga ay hahalikan siya ng binata, mabuti na lamang at sa gilid lamang iyun ng labi niya. Nagpalakpakan naman ang lahat ng tuluyan ng naging isa ang dalawa. Nagsimula na silang kumain, naupo naman na silang dalawa sa pwesto na nasa harap pa rin. Kaunti lang naman ang nakain ni Trina kaya napalingon sa kaniya si Darren. “Ang unti ng kinain mo?” “Wala lang akong gana, kakain na lang siguro ako mamaya.” Saad niya na hindi na pinansin pa ni Darren. Tumayo na lang silang dalawa ng maghihiwa na ng cake nilang dalawa para subuan ang isa’t isa. Inilibot ni Trina ang paningin niya at halos lahat ng mga bisita ay masaya sa nangyaring kasalan. Napabuntong hininga na lamang siya, pagkatapos ng kasal ay hindi na siya uuwi sa bahay ng Daddy niya dahil didiretso na silang dalawa ni Darren sa iisang bahay na ibinigay ng Lolo ni Darren. Mukhang kahapon pa nga yata nandun lahat ng gamit niya eh. “Ayos ka lang ba iha?” tanong ng Mommy ni Darren kay Trina ng mapansin nitong parang hindi mapakali. “Okay lang po ako, Tita. Pagod lang po siguro.” “From now on, call me Mommy okay? Dahil kasal na kayong dalawa ni Darren. Natutuwa akong ikaw ang napangasawa ng anak ko.” masaya nitong saad, ngumiti lang naman si Trina dahil sila lang naman ang natutuwa sa nangyayari. Hindi naman masaya si Joyce dahil tila bumagsak ang mundo niya, ang lalaking pinapangarap niya ay napunta lang sa kapatid niyang parang wala namang pakialam. “Where are you going?” tanong ni Emily ng tumayo si Joyce. “Restroom lang,” sagot niya saka umalis. Natapos naman na ang kasal nilang dalawa at bakas na ang pagod sa kanilang mga mukha dahil halos lahat yata ng bisita ay kinausap pa nila. Iniwan na nila ang mga ilang bisita at ang mga magulang nila sa loob. Gusto na nilang umuwi para makapagpahinga at matulog. Pumasok naman na sila sa loob ng sasakyan ni Darren, sa sobrang gentleman ni Darren ay hindi niya tinulungan na makapasok si Trina dahil sa haba at bigat ng gown niya. Sinamaan niya na lamang ito ng tingin ng makapasok siya. Nakapikit lang si Darren sa loob ng kotse, simula ng maghanda sila sa kasal ay wala na silang pahinga. Mabilis na bumaba si Darren ng makarating sila sa bahay na ibinigay ng Lolo niya, sumunod naman sa kaniya si Trina habang buhat buhat ang gown niya. Napakatahimik pa naman ng bahay nila dahil bago pa ito. Hindi pa man nakakabihis si Darren ng ibinagsak niya na ang katawan niya sa kama. Maya maya ay kumatok naman si Trina kaya napalingon sa pintuan si Darren. “Bukas lang yan.” Saad niya kaya pumasok na si Trina na nakagown pa rin. “Anong kailangan mo?” malamig nitong tanong dahil pagod na talaga siya at gusto niya ng matulog. “Hindi ko kasi maalis yung zipper ng gown ko, can you help me?” nahihiya niyang saad, tiningnan lang siya ni Darren saka siya tumayo. “Hindi mo ako katulong para gawin ko yun, alisin mo mag-isa mo.” saad niya saka pumasok sa loob ng banyo niya. Inis namang tiningnan ni Trina ang bastos na binata. “Hindi naman malaking bagay yung pinapagawa ko!! ang kapal ng mukha mo! magbababa ka lang ng zipper. Wala ka talagang kwenta!” sigaw niya. Inis niyang nasipa ang kama ni Darren saka siya lumabas ng kwarto nito. Magkatabi lang ang kwarto nilang dalawa at hindi nila gusto na magsama sila sa iisang kwarto. Hindi naman alam ni Trina kung paano maaalis ang gown niya, hindi niya maabot yung zipper. Wala namang katulong yung bahay o kahit sinong tao para hingan niya ng tulong. Kung si Nick naman ay umalis din naman kaagad kanina ng maihatid silang dalawa. Napahiga na lamang si Trina sa kaniyang kama, mukhang matutulog siya ng nakagown. Paano siya nito makakaligo kung nakasuot pa sa kaniya ang napakalaki niyang gown. “Napakagentleman talaga ng Dela Vegas na yun. Katulong na agad? Humihingi lang ng tulong eh!” inis pa niyang saad, nanatili siyang nakadapa sa kama niya. Maya-maya ay napalingon siya sa kaniyang pintuan ng marinig niya ang pagbukas nun at pumasok si Darren ng walang salita. Bagong ligo na rin ito. Tumayo naman siya para harapin ito. “Anong ginagawa mo rito? hindi ka ba marunong kumatok man lang?” tanong niya sa binata pero hindi siya nito sinagot saka siya nilapitan. Taka namang tiningnan ni Trina si Darren, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat saka pinatalikod niya ang dalaga. Naguguluhan man si Trina ay sumunod naman siya. Hinawakan na ni Darren ang zipper ng gown ni Trina at dahan dahan na ibinaba. Napahawak na lamang si Trina sa dibdib niya dahil malalaglag ang gown niya kapag hindi niya yun ginawa. Naibaba na ni Darren ang zipper pero hindi pa rin niya binibitawan ang zipper, napalunok na lamang siya ng makita ang maputi at makinis na balat ng dalaga. Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng kwarto ni Trina, pabagsak pa niyang isinarado ang pintuan niya. “Anong problema nun?” kunot noo pang tanong ni Trina dahil wala man lang lumabas na kahit anong salita sa bibig niya. Inalis niya naman na ang gown niya saka nagtungo ng banyo para makapaligo rin saka siya natulog dahil pagod na pagod na talaga siya. KINABUKASAN Maaga siyang nagising dahil walang pwedeng magluto ng kakainin nilang mag-asawa. Napakalaki ng bahay na ibinigay sa kanilang dalawa, pwede naman na yung maliit lang dahil dalawa lang naman sila sa bahay. Mabuti na lamang at may laman din ang fridge nila ng mga pagkain dahil kung nagkataon na wala, kailangan pa niyang pumunta ng supermarket. Inihanda na lang din niya ang magiging kape ni Darren mamaya para tubig na mainit na lang ang ilalagay niya. Nang matapos siyang magluto ay siyang pagbaba rin ni Darren. Napatingin na lamang si Trina kay Darren pababa saka napalunok. “Enjoying the view huh?—hey!” saad niya ng batuhin siya ni Trina ng hawak hawak niyang sandok. “May babae kang kasama Darren, magshort ka naman hindi yung lalabas ka ng nakaboxer!” inis niyang saad saka iniwas ang paningin sa binata. “Napakaganda ngang tanawin eh, pasalamat ka nga at ikaw lang ang nakakakita.” “Damn you!” saad ni Trina na ikinatawa ni Darren. Naupo naman na si Trina saka naghain ng kakainin niya, ng maalala niya ang kape ni Darren ay kinuha niya na ang heater saka nilagyan ng tubig na mainit ang tasa saka ibinigay kay Darren. “Nagreresearch ka ba tungkol sa akin? bakit lahat ng gusto ko sa umaga ay hinanda mo?” tanong nito habang tinitingnan ang lahat ng pagkain na hinanda ni Trina ganun na rin ang paborito niyang kape. “Nagtext sa akin kagabi ang Mommy mo at sinabi sa akin yan. Huwag kang assumero na akala mo ay may interes akong malaman ang lahat ng tungkol sayo.” sagot naman ni Trina saka kumain, nagkibit balikat lang naman si Darren saka kumain na rin. “Nga pala, alam mo ng darating mamaya ang mga katulong dito sa bahay?” “Oo nasabi na sa akin ng Mommy mo. Magtatrabaho rin ako sa kompanya niyo.” “For what?” “Hindi ako taong bahay lang Darren, gusto ko pa ring matupad yung mga pangarap ko kahit na nauna na ang pag-aasawa ko.” bahagyang napataas ang kilay ni Darren pero hindi na nagsalita pa. Kumain naman na silang dalawa dahil sabay pa silang papasok ng kompanya. “Kung papasok ka sa kompanya ay hindi ka sasabay sa akin, hindi nila alam ang kasal na nangyari sa akin.” saad ni Darren. “Huwag kang mag-alala hindi ko rin naman ikinatutuwang ikaw ang napangasawa ko.” sagot ni Trina na ikinaigting ng panga ni Darren.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD