Kabanata 3

2723 Words
“Totoo po bang may relasyon kayong dalawa? Nagkikita po ba kayo ng palihim?” sunod sunod na tanong ng mga ilang paparazzi. Tumayo naman na si Darren saka nilapitan si Trina at hinawakan sa magkabilang balikat habang nakalagay sa ulo niya ang coat ni Darren. “Excuse me,” tanging saad ni Darren subalit hindi man lang ito sila mga umalis. “Damn it!” mahinang mura ni Darren dahil hindi na sila makaalis sa kinalalagyan nila. “Excuse me ma’am, naaabala niyo na po ang mga customers namin. Sa labas na lang po tayo kung maaari.” Nakikiusap na saad ng manager ng coffee shop, kumilos naman na rin ang ibang staff para palabasin ang mga paparazzi. Napaupo na lamang uli si Darren at Trina ng makalabas na ang mga paparazzi. “Look what happened.” Pigil ang inis niyang saad dahil tila mas lalong lumala ang nangyari dahil sa lihim nilang pagkikita. “Are you blaming me? alam mo namang nasa public place tayo Darren so don’t blame me. Ikaw ang namili ng lugar na ito not me.” saad naman ni Trina, napahilot na lamang si Darren sa kaniyang sintido. Paniguradong wala silang kawala, ilang minuto pa silang nanatili sa lugar na iyun ng sabay na nagbeep ang cell phone nila kaya tiningnan nila ito. “f**k!” inis na talagang saad ni Darren, bahagya pa niyang nahampas ang mesa dahil sa nabasa nila. “Look what you have done, what are you going to do now?” kunot noong saad na rin ni Trina. Mabilis na kumalat sa social media ang larawan nilang dalawa at ang caption pa ay Darren secretly dating Trina Montenegros. Kahit pala tinakpan niya na ang mukha ni Trina ay nakilala pa rin nila ito. Mariing naipikit ni Darren ang kaniyang mga mata, wala na siyang magagawa. “I want to cancel this wedding dahil ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko kilala at mahal then this is what happened. Oh damn!” “Then do you want my sister instead?” napamulat naman si Darren at salubong ang kilay na tiningnan si Trina. “What? Your sister? I should marry you then.” Saad pa nito, napataas pa ang kilay ni Trina dahil parang ayaw nito sa kaniyang kapatid. Nang may tumawag sa cell phone ni Darren ay tiningnan niya ito at mas lalong hindi na maipinta ang kaniyang mukha ng Lolo niya ang tumawag. “Yes Lo?” “What are you doing Darren?! Bakit hindi ka makapaghintay sa kasal ninyong dalawa ng dalagang Montenegros para makasama mo siya?!” napapikit na lamang siya dahil ang akala nito ay talagang nakipagkita ito sa dalaga. “Iuwi mo na siya at huwag mong hahayaang umuwi yan ng mag-isa baka kung mapano pa yan kapag naabangan siya ng mga nasa media. Please apo, makakasama mo naman siya araw-araw kapag naghahanda na tayo sa kasal niyong dalawa. Maganda pala talaga kaya nahumaling ka kaagad.” Mapang-asar na saad ng kaniyang Lolo, hindi nila alam kung ano talaga ang motibo nito kung bakit siya nakipagkita sa dalaga. Dahil sa media ay nagiging totoo ang kasinungalingan. “What do I do now?” halos nasstres nitong saad ng mamatay ang tawag ng Lolo niya. Tiningnan niya naman si Trina na nasa labas naman ang tingin habang sumisimsim ng kape. Tinitigan niya ang kabuuan ng dalaga, taglay nito ang natural na ganda. Tila maganda rin ang kalooban nito kumpara sa kapatid niya. “Not bad,” usal niya sa kaniyang sarili, dahil maayos naman ang pagkakapili ng mga magulang niya sa magiging bride niya. Kinuha niya na lang din ang kaniyang kape saka uminom nun ng may bigla nanamang magflash na camera sa pwesto nila. Pinigilan na lamang ni Darren ang sarili at hindi na iyun pinansin pa. “Let’s go, ihahatid na kita.” Saad ni Darren ng matapos silang magkape. “Kaya ko naman, may sasakyan ako. Hindi mo na ako kailangang ihatid.” “But I need to, baka kung anong mangyari sayo diyan habang pauwi.” Saad nito, inalis naman na ni Trina ang coat ni Darren na nakalagay pa pala sa likod niya. “Here, thank you.” saad niya, isinuot naman na ni Darren ang coat niya saka sila sabay na lumabas. “Give me your key.” “Why?” “Ako na ang maghahatid sayo. Just give me your key.” Matigas nitong saad, ibinigay naman na ni Trina ang susi niya dahil ayaw niya ng makipagtalo pa. “Nick,” tawag nito sa sekretarya niya saka niya ibinato ang susi ni Trina. “Ihatid mo yang kotse niya later.” Saad niya saka nilingon si Trina at isinenyas na sumakay na. Umikot naman na siya para sumakay sa driver seat. Sumakay na lang din si Trina saka nila tinahak ang daan patungong bahay nila Trina. “Do you really hate this kind of set-up?” basag niya sa katahimikan nilang dalawa. “Hmmm, gaya mo ayaw ko pang ikasal lalo na sa lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal o minahal. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon, marami pa rin akong pangarap na gusto kong maabot. Do you think we can escape here?” “I don’t think so, lalo na ngayong kalat nanaman sa media ang tungkol dito.” problemadong saad ni Darren. Natahimik naman na silang dalawa hanggang sa makarating sila sa harap ng bahay nila Trina. Bumaba naman na silang dalawa saka nilapitan ni Trina si Darren. “Papasok ka pa ba sa loob para makapagmeryenda man lang?” “Hindi na, papasok pa ako ng kompanya.” Saad nito, napalingon na lamang sila sa bagong dating na sasakyan. Napakunot na lamang si Darren dahil kilala niya ang sasakyang iyun. Bumukas naman ang bintana nito saka dumungaw ang sakay. “Hindi pa ba kayo papasok? Maraming makakakita dito sa inyo sa labas. Pumasok na tayo.” Saad ng matandang Dela Vegas saka ipinasok na ang sasakyan sa loob ng bahay nila Trina. Napaigting na lamang ang panga ni Darren dahil mas lalo ng lumala, ang plano niyang ihinto ang pagpaplano sa kasal ay naudlot na dahil sa mga paparazzi na yun. Tiningnan niya naman si Trina, alam niyang anak ito sa labas at patay na ang kaniyang ina. Hindi niya naman maatim na pilitin itong ipahinto rin ang kasal dahil wala siyang pupuntahan kapag nagkataon na nagalit ang kaniyang ama. Napahugot na lamang siya ng isang malalim na hininga. “Let’s go.” Saad niya kay Trina saka ito hinawakan sa kamay at pumasok na sila sa loob. Nakangiti namang binalingan sila ng mga tao sa na nakaupo sa salas. “Come in,” masayang saad ni Zack dahil masaya sila sa nangyayari. Naupo naman na si Darren at Trina sa iisang upuan. Napairap na lamang si Joyce. “Mabuti naman at naisipan niyong magkitang dalawa, para ba mas lalo pa ninyong makilala ang isa’t isa?” tanong ng Lolo ni Darren, ngayon lang ito nakita ni Trina dahil wala naman ito kagabi sa pag-uusap nila. “Yes Lolo, gusto ko lang po makilala ang babaeng pakakasalan ko.” saad ni Darren, kunot noong nilingon ni Trina si Darren dahil bakit iyun ang sinabi niya? ito na yung pagkakataon na sabihin nitong ayaw niyang ituloy ang magaganap na kasal sa kanilang dalawa pero bakit siya umoo sa tanong ng matanda? Hindi niya maintindihan ang binata, ayaw nitong magpakasal pero kung ano-ano ang isinasagot na mas lalong ikinatutuwa ng mga matatanda. “So, kamusta naman apo?” “Not bad Lolo, she’s beautiful, you guys have a good taste.” Napairap na lamang si Trina dahil lalo ng naloko. Paano sila makakatakas sa kasal kung ito ang sinasabi ni Darren?! “Good to hear that then, so kailangan na nating planuhin ang lahat. Gusto ko kung makakaabot na ngayong buwan ay ipapakasal na natin sila.” “Po? That fast?” singit na ni Trina dahil sa gulat. Masyado naman yatang mabilis kung ngayong buwan din ang kasal nila. “Yes, iha. Mas mabilis, mas maganda. Ano sa tingin mo Zack? Kakayanin ba natin ngayong buwan?” tanong pa rin ng matanda. “Yes chairman, magagawa natin yun.” Bagsak ang balikat ni Trina na nanahimik sa upuan niya, sinamaan niya na lamang ng tingin si Darren dahil sa sinabi nito ay mas lalong napabilis ang kasal nilang dalawa. “Good,” masayang saad ng matanda. “Darren apo, pwede ka munang manatili rito huwag mo muna isipin ang kompanya basta uuwi ka rin mamaya dahil hindi pa kayo mag-asawa.” Panlalaki ng mata ng matanda. “Yes chairman, don’t worry.” Sagot niya na lang, tumayo naman na ang matanda at nagpaalam na dahil aalis na ito. Naiwan naman sa upuan si Darren, Trina at Joyce na masama ang tingin sa kapatid. Sinabi nitong ayaw niyang magpakasal pero nagawa pa niyang makipagkita. “Congrats,” mapait niyang bati saka umalis na at pumasok sa kaniyang kwarto. “What did you do?” tanong ni Trina ng hindi tinitingnan si Darren. “Isipin mo na lang na ginawa ko ito para sayo, maybe we can plan this soon.” “Soon? Narinig mo ba kung anong sinabi nila? Ngayong buwan na magaganap yung kasal.” “There’s a divorce paper woman, do you get it?” saad nito, natahimik naman si Trina. Meron mang divorce paper pero hindi nila mababago na ikinasal nga silang dalawa. Napabuntong hininga na lamang si Trina dahil hindi niya naman makakausap ang kaniyang ama tungkol sa bagay na yun. “Yaya, bigyan mo sila ng meryenda. Iho, iha dun muna kayo sa garden para makapag-usap pa kayong dalawa.” Saad ng Daddy ni Trina, tumango na lamang silang dalawa saka sila nagtungo dun. “Ano pa bang pag-uusapan nating dalawa? Tapos naman na lahat, wala na tayong magagawa para ihinto ang kasal na ito. Gusto mo bang maging runaway bride ako?” tiningnan naman ni Darren si Trina, desidido talaga itong hindi matuloy ang kasal. “Don’t do that, sa tingin mo may uuwian ka pa kapag ginawa mo yun? Mapapatawad ka ba ng ama mo kapag iyun ang ginawa mo? huwag mo akong bigyan ng sakit sa ulo babae.” Saad naman nito, inirapan naman ni Trina si Darren. Nanatili pa silang dalawa dun pero pareho ng tahimik at tila mga nag-iisip pero kahit anong gawin nila ay wala na silang magagawa. Kung alam lang ni Darren na mangyayari ito ay hindi na sana siya nakipagkita sa dalaga, kinausap niya na lang sana ito sa cell phone. Lumipas pa ang mga araw at halos tuwing umaga ay sinusundo ni Darren si Trina dahil sa paghahanda nila sa kasal. “Anak bumaba ka na diyan, kanina pa naghihintay sayo si Darren sa ibaba.” Saad ng kaniyang ama sa pintuan ng kwarto nito. Lumabas naman na si Trina at napangiti na lamang si Zack dahil hindi pa rin siya sanay na makita ang anak na magsuot ng magagarang damit na mas lalong bumagay sa ganda ng dalaga. “Ang ganda talaga ng anak ko, paniguradong mahuhumaling nanaman sayo ang binatang Dela Vegas.” “Dad naman, huwag niyo na akong purihin dahil hindi niyo naman po yan ginagawa sa akin, you make me uncomfortable po.” Saad nito na ikinatawa ng ama. Napatayo naman si Darren sa kinauupuan niya ng makita niya na si Trina na pababa ng hagdan. Hindi niya maalis ang paningin sa dalaga dahil tunay na napakaganda nito, hindi niya lang maintindihan ang sarili niya kung bakit hindi makita ito bilang babae, hindi naman siguro mahirap itong mahalin dahil mukha namang maganda ang pag-uugali base sa nakikita niya sa araw-araw. “Saan ba kayo ngayon iho?” tanong ni Zack ng makababa na sila. “We need to go in our designer Tito saka para makapamili na rin ng theme ng kasal namin.” sagot nito, tumango naman si Zack saka iniabot ang anak sa binata. “Ikaw ng bahala sa kaniya Darren, I trust you.” “Don’t worry Tito.” Inilahad naman na ni Darren ang kamay niya at hinawakan naman iyun ni Trina saka sila lumabas ng bahay nila. Pinagbuksan naman ni Darren ng pintuan si Trina saka sila umalis na dalawa at nagtungo na sa designer nila na designer lang din ng kompanya nila Darren. “Anong theme ba kasi ang plano mo?” tanong ni Trina sa binata, kinuha naman ni Darren ang magazine saka nagtingin pero ibinaba niya rin iyun. “Sa tingin ko wala diyan yung theme na pwede nating ilagay sa kasal natin.” “Anong theme ba kasi ang gusto mo?” “All black tapos gown mo black kasi para kang pinaglalamayan sa itsura mo.” saad nito na ikinainis ni Trina. “Alam mo, wala ka talagang kwentang kasama. Anong tingin mo sa akin patay? Eh kung ikaw kaya patayin ko para yung kasal na magaganap ay paglalamayan.” Napangisi naman si Darren dahil sa itsura ni Trina, nasisiyahan kasi siya sa tuwing nakikita nito ang naiinis na mukha ni Trina. Tumayo naman si Trina saka iniwan dun si Darren na hindi pa rin maalis ang pagkakangisi. Sinukat naman na si Trina ng mga designer habang nakaupo si Darren at nagbabasa ng magazine. Nang maboring siya sa ginagawa niya ay nilapitan niya si Trina. “I thought you don’t like this marriage pero parang sa nakikita ko parang excited ka pa, nagbago ba isip mo dahil ako ang mapapapangasawa mo?” muli nitong pang-aasar sa dalaga, hindi maiwasang hindi maikuyom ni Trina ang kamao niya dahil ang sarap suntukin ng pagmumukha ng lalaking ito sa sobrang kapal ng mukha. “Kung ikaw lang din naman ang mamahalin ko? mas pipiliin ko na lang sigurong itakwil ako ng mga magulang ko kesa ikaw ang makasama ko habang buhay. Huwag kang mag-alala balang araw ako mismo ang maghahatid sayo ng mga divorce paper, maraming copy na para sigurado. Ipapakain ko sayo lahat ng iyun.” Inis niyang saad, nang matapos siyang sukatan ay hinarap niya ang nagsukat sa kaniya. “Ako na lang ang magsusukat sa kaniya.” nakangiti niyang saad na ikinangisi ni Darren. Sinamaan naman siya ng tingin ni Trina saka kinuha ang medida at siya naman ngayon ang ngumisi. “Unahin na natin sa leeg mo.” saad nito, inilagay naman na ni Trina ang medida sa leeg ni Darren saka niya ito hinigpitan na parang sinakal. “Damn!” galit na wika ni Darren ng mapaubo siya dahil sa ginawang iyun ni Trina. “What do you think you’re doing?!” inis niyang sigaw. “Gawin niyo ng 7 feet ang kabaong niya kapag namatay siya. Sagot ko na lahat.” saad nito saka niya tinalikuran si Darren na hawak hawak pa rin ang leeg niya. “Damn this woman,” hindi niya makapaniwalang saad, kahit kailan ay walang babaeng naglakas loob na saktan siya pero hindi niya alam kung anong lakas ng loob meron ang babaeng ito para gawin sa kaniya ang mga bagay na iyun. Malakas siya mang-asar at mang-inis pero parang hindi niya matanggap na sa huli siya ang maiinis. Inis niyang inihagis ang medida na pinangsakal sa kaniya ni Trina. Diretso naman na siyang tumayo at inumpisahan ang pagsusukat sa katawan niya para sa isusuot niya. Sinabi naman na ni Trina ang gusto niyang mangyari sa kasal nila, kahit na hindi niya man mahal ang lalaking pakakasalan niya ay mabawi man lang niya sa ayos ng kasal nila ang lahat, kahit iyun na lang ang maging memorable sa kasal niya. nang matapos na sukatan si Darren ay tiningnan niya si Trina na nakikipag-usap pa rin sa organizer din ng kasal nila. “Interesting,” nakangising saad ni Darren, he finds Trina interesting dahil hindi ito pumapayag na naiisahan lang siya. “Are you hungry my future wife?” lapit niya kay Trina, napalingon naman si Trina dahil nasa likod niya si Darren habang nakasandal ang ulo nito sa balikat niya. “What are you doing?” kunot noong tanong ni Trina. “Bawal bang yakapin ko ang magiging asawa ko?” saad nito pero may ngisi sa kaniyang labi. Inis namang inalis ni Trina ang pagkakayakap sa kaniya ni Darren. “Nakakaasiwa ka,” saad ni Trina saka umalis, naiwan namang nakabuka ang bibig ni Darren dahil sa binitawang salita ni Trina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD