Napahiga na lamang siya sa kaniyang higaan ng makauwi na ang mga Dela Vegas. Hindi naman siya masyadong nagsalita pero iba pa rin yung pakiramdam na mailagay ka sa hot seat. Parang medyo mabait naman ang binata na yun pero parang itinatago niya talaga yung nararamdaman niya. Para saan ang paglagay niya ng hipon sa pinggan niya kanina? Gusto niya ng hipon dahil isa sa mga paborito niya iyun, masyado ba siyang naging halata na gusto niyang manguha ng hipon?
“Nakakahiya,” usal niyang saad sa kaniyang sarili. Natakpan na lamang niya ang kaniyang mukha ng unan dahil nahihiya pa rin siya hanggang ngayon dahil parang masyado siyang halata kanina para mapansin iyun ni Darren.
“Ano? Kinikilig ka naman diyan?” napalingon na lang siya sa bandang pintuan niya ng magsalita ang kapatid niya kaya naupo siya sa kama.
“No, para saan sana para kiligin ako?”
“Dahil ikakasal ka na kay Darren, palagi akong natutuwa sa tuwing may ipinapagawa sayo si Daddy pero hindi ako natutuwa ngayon! bakit sa lahat ng pwedeng ipakasal sayo si Darren pa?! bakit hindi na lang ako?!” hilaw na natawa si Trina.
“Gusto mo palang magpakasal sa kaniya bakit hindi mo kinausap si Daddy para ikaw na lang? Para tahimik lang ang buhay ko.”
“Kunwari ka pang hindi natutuwa pero ang totoo kinikilig ka na! halata naman sayo eh! Bakit kung hindi mo talaga gusto bakit hindi ka tumanggi?!” napabuntong hininga na lamang si Trina, mukhang malalim talaga ang pagtingin nito sa Dela Vegas na yun.
“Ginawa ko na yan, sinabi ko na kay Daddy pero wala akong nagawa. Bakit hindi mo kausapin si Daddy na ikaw na lang ang ipakasal sa kaniya baka sakaling matuwa ako sa gagawin mo Ate.” Malumanay niya lang na sagot saka nahiga sa kama. Ayaw niya ng makipagtalo sa ate niya dahil palagi lang nauuwi sa away nilang dalawa tapos sa huli siya pa yung pagagalitan dahil siya lang naman yung parang hindi belong sa pamilya niya. Hindi naman nagagalit sa kaniya ang ama niya, mabait naman ito pero palaging mas inuuna ang negosyo kesa sa mararamdaman ng anak. Narinig niya na lang ang galit na pagsarado sa pintuan niya.
Natutulog siya sa malambot na kama, nakakakain ng masasarap na pagkain, nasa kaniya na ang lahat pero parang palaging may kulang, may kulang sa puso niya. All she need is support and love from her family pero kahit kailan yata hindi niya na iyun mararanasan.
Bumaba naman na ng hagdan si Joyce at dumiretso sa office ng kaniyang ama sa bahay nila saka ito kumatok. Nang magsalita ang ama niya ay pumasok na siya.
“What do you need para puntahan mo pa ako ng ganitong oras sa office ko?” tanong nito habang nasa laptop pa rin ang tingin.
“Bakit si Trina pa? bakit si Trina ang ipinagkasundo niyo sa mga Dela Vegas Dad?!” naagaw naman nito ang atensyon ng kaniyang ama kaya nilingon siya nito.
“And what do you want Joyce? Ikaw ang ipagkasundo ko sa kanila? sa tuwing may ipapagawa ako palaging si Trina na lang ang itinuturo mo, ito namang kapatid mong sunod sa utos sumusunod kaya para saan pa na kausapin kita para ipakasal sa anak ng mga Dela Vegas kung si Trina pa rin ang ituturo mo?”
“Pero iba na yun Dad sa mga iniutos mo, bakit hindi mo ako sinubukang kausapin muna malay mo pumayag ako diba? Tulad ngayon, payag naman ako dun eh kaya sana kinausap niyo man lang muna sana ako.”
“Stop pretending like you care in my every decision Joyce, si Trina naman ang palaging sumusunod sa akin, magrereklamo siya oo pero susunod din sa huli. Nasubukan na kita, mahirap kang pakiusapan. Gusto mong sumunod kasi you like that young man, right? Kung iyan naman pala ang dahilan kung bakit ka susunod sa akin dahil mapapakinabangan mo, hindi na kita kakausapin Joyce. Si Trina pa rin ang kakausapin ko at ipagkakasundo ko sa kanila kaya huwag mo na akong kakausapin tungkol sa magaganap na kasal ng kapatid mo. Now, leave.” Malumanay na saad ng kaniyang ama, inis namang lumabas ng opisina si Joyce. Napapailing na lamang si Zack saka pinagpatuloy ang naudlot na ginagawa.
Nakita naman ni Emily na galit na lumabas ng opisina ng asawa niya ang anak niya kaya siya rin ang pumasok dito. Kita naman ni Zack ang pagpasok ng asawa niya pero hindi siya nito nilingon at patuloy ang pagtipa sa laptop.
“Balak mo pa lang makipagsundo sa mga Dela Vegas bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Biglaan lang din yun, ng tanungin ako ng mga Dela Vegas kung gusto ko bang makipagmerge sa kanila ay pumayag ako yun nga lang ang kapalit, ang ipakasal ang anak nila sa isa sa mga anak ko.” sagot nito habang patuloy ang ginagawa.
“Bakit si Trina agad ang naisip mo? Alam mo namang anak mo lang siya sa labas, hindi ba nakakahiyang ipakasal mo ang anak mo sa labas? Isang malaking kahihiyan iyun sa pamilya nila Zack.” Pigil naman ang galit ni Zack dahil sa sinabi ng kaniyang asawa, anak man niya ito sa labas o hindi walang nakakahiya dun. Ang pagkakamali niya ay hindi kasalanan ng anak niya.
“Pabor kayo sa kasal dahil gusto ni Joyce ang binatang yun? Kailan ba ako pinakinggan ng anak mo Emily.”
“Hindi mo man siya mapakiusapan minsan malay mo sa ibang bagay diba?”
“Katulad nito? Ganun ba? Nasabi ko man sa inyo ng mas maaga ay si Trina pa rin ang kakausapin ko. Pareho ko silang kwenekwento sa mga Dela Vegas but they finds Trina different from her sister. Hindi ko sinabi na ikwenento ko ang nakakahiya kay Joyce, sinabi ko lang na mas active ito sa labas kesa kay Trina na palaging nasa loob ng bahay. They like Trina for their son kahit na hindi pa nila ito nakikita, I told them too that Trina is my daughter from another woman but they don’t care about it kaya bakit mas nag-aalala kayo kesa sa mga magulang ng magiging groom?”
“Pero kasi diba, hindi naman payag si Trina sa kasal na yan?”
“Gusto man niya o hindi wala na kayong magagawa sa desisyon ko. Walang hilig si Joyce sa negosyo kesa kay Trina, tinanong din ako ng matandang Dela Vegas kung ano ang kinahihiligan nilang dalawa, ng malaman niyang mahilig sa drawing si Trina sa mga damit ay siya rin ang sinabi niyang ipagkasundo ko. Hindi lang ako ang namili kay Trina kundi ang mga Dela Vegas din.” pagpapaliwanag pa nito pero hilaw na natawa si Emily at inis na tiningnan ang asawa.
“Palibhasa kasi anak siya ng babae mo, babaeng kinahumalingan mo kaya mas gusto mo yung magandang buhay para sa kaniya dahil gusto mong bumawi, gusto mong bumawi sa naging anak niyo. You’re so unfair Zack!” inis na nitong saad.
“Stop blaming Trina, Emily! Nagkamali ako, inaamin ko yun pero kailanman ay hindi ako naging unfair sa mga anak ko.”
“Dahil ang pagkakamali mong iyun ay hindi mo pinagsisisihan! Dahil minahal mo ang babaeng yun kaya mas mahal mo ngayon ang anak niyo kahit na patay na siya!”
“Stop with your dramas Emily!” galit na nitong saad, nasuntok pa nito ang lamesa niya dahil nagsisimula nanaman ang asawa niya. Matagal ng panahong nangyari iyun pero hanggang ngayon palagi pa rin niyang binubuksan ang nagawa niyang pagkakamali. “Pinagsisisihan ko mang naloko kita noon pero kailan man ay hindi ko pinagsisisihan na naging anak ko si Trina. Mula umpisa naibigay ko lahat kay Joyce ng kailangan niya pero si Trina naranasan ang lahat ng hirap sa buhay. Pagtatalunan pa ba natin ‘to Emily? Hindi na tayo mga bata para sa mga ganitong bagay. Kung dahil lang sa kasal kung bakit nanaman tayo nagkakaganito, ask the Dela Vegas instead to cancel their wedding and tell them that you want Joyce and Darren to get married.” Inis nitong saad saka naupo sa kaniyang upuan at muling hinarap ang laptop.
Nasa labas naman ng pintuan si Trina, hindi niya na tinuloy ang balak niyang pagkatok. Napangiti na lamang siya dahil ang alam niya ay hindi siya mahal o minahal ng kaniyang ama dahil palaging malamig ang pakikitungo nito sa kaniya, hindi niya lang napapansin na may halaga pala siya sa kaniyang ama.
‘Kailan man ay hindi ko pinagsisisihan na naging anak ko si Trina.’ Muling ulit sa kaniyang tenga, ang sarap palang pakinggan kapag ipinagtatanggol ka na yung ama. Nilagyan niya ng tubig ang pitsel niya saka pumasok sa loob ng kwarto niya. Hindi man sila madalas magkaroon ng oras ng kaniyang ama ay sapat na sa kaniyang malaman niyang may care ito sa kaniya kahit kaunti, masaya na siya dun.
Ipinikit niya naman na ang kaniyang mga mata at natulog ng may ngiti sa labi kahit na iniisip pa rin ang kasal na magaganap kahit hindi niya gusto.
KINABUKASAN
Lumabas na siya ng kaniyang kwarto at dumiretso na sa kusina, sakto ring naghahanda na ang mga katulong nila para sa agahan. Naupo naman na siya at naabutan pa niyang nagbabasa ng dyaryo ang ama. Kahit na nasa moderno na silang panahon ay mahilig pa rin itong magbasa sa dyaryo.
“Milk po ma’am?” tanong ng katulong kay Trina ng umiling ito.
“Marami akong pinabiling bagong damit mo Trina ganun na rin sa mga heels dahil kapag maghahanda na para sa kasal ay iyun ang isusuot mo, makakasama mo ang binatang Dela Vegas na yun. Ikaw naman Joyce naglagay ako ng pera sa account mo, bilhin mo ang gusto mong bilhin dahil baka hindi mo lang magustuhan ang mga ipapabili ko.” saad ng kanilang ama.
“Salamat po,” saad ni Trina, napairap na lamang si Joyce dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya tanggap na si Trina ang ikakasal sa lalaking matagal niya ng gusto. Kung alam niya lang na mangyayari pala ito balang araw ay sinunod niya na ang kaniyang ama dahil simula una ay siya ang palaging kinakausap sa iniuutos nito pero palaging si Trina ang itinuturo niya dahil may mas hilig ito sa negosyo.
Nang matapos silang kumain ay nagtungo ng garden si Trina, napatingin na lang siya sa kaniyang cell phone ng magbeep ito. Napakunot na lamang ang kaniyang noo ng makita niyang unknown number ang nagtext.
[We need to see each other now, exactly 9am in a coffee shop near in your company. If not, you will not going to like what I am going to do with you. Huwag kang magsasama kahit sino.]
-Darren
Basa niya sa text mula kay Darren. Para saan naman ang pag-uusapan nilang dalawa? Saka saan niya nakuha ang number nito? Kung makapag-utos akala mo kung sino, tsss. Napairap na lamang siya saka tiningnan ang oras, alas otso na kaya isang oras na lang ang paggagayak niya. Tumayo naman na siya saka pumasok sa kaniyang kwarto para maligo. Napansin pa niya ang nagkalat na mga shopping bag sa kama niya kaya binuksan niya ang isa. Hindi kasi siya mahilig bumili ng mga damit niya kahit na nagbibigay ang kaniyang ama, mas maganda na yung may naiipon ka para may mahugot kapag kinailangan. Iyun na lamang ang isusuot niya dahil parang luma na ang mga damit niyang paulit-ulit pa niyang isinusuot sa tuwing may okasyon ay sa pagdalo niya sa mga aral ng Diyos.
30 minutes naman siyang nagstay sa banyo niya bago siya nakalabas at nagbihis. Maganda naman lahat ng mga binibili ng kaniyang ama at tila ipinasadya pa iyun para sukat sa katawan niya. Tiningnan pa niya ang mga heels dun, kinuha niya na lamang ang isang 3 inch dahil mangangalay lamang siya kapag yung mataas pa ang isinuot niya.
Nang matapos siya ay saka siya lumabas ng kaniyang kwarto, napatingin naman sa kaniya ang kapatid niyang nakaupo sa salas.
“At saan naman ang punta mo para mag-ayos ka pa?” mataray nitong tanong.
“May pupuntahan lang ako saglit, maiwan muna kita.”
“Whatever, do whatever you want. Kung gusto mong huwag ng bumalik, pwede rin.” Irap nitong saad saka ibinalik ang paningin sa pinapanuod. Lumabas naman na si Trina saka sumakay sa kotse niya na bihira niya namang magamit, hindi niya na pinansin ang sinabi ng kapatid.
Napatingin na lang siya sa kaniyang relo ng maipit siya sa traffic. 5 minutes na lang at magnanine na baka nandun na ang binata. Para pa namang hindi ito makapaghintay, anong magagawa niya kung naipit siya sa traffic saka biglaan naman kasi ang pagtetext nito. Nang makaalis siya sa traffic ay mabilis na pinaandar ang kaniyang sasakyan hanggang sa makarating ito sa coffee shop na sinasabi ni Darren. Pumasok naman na siya sa loob saka inilibot ang paningin sa paligid. Napalingon na lamang siya sa bandang gilid ng may kumaway dun, nakita niya naman si Darren na salubong na salubong ang kilay.
“Pasensya ka na, naipit lang sa traffic.” Saad nito saka naupo. Tinawag naman na muna ni Darren ang waiter saka umorder ng makakain nila. Hindi naman na muna ito nagsalita, tiningnan niya ang kabuuan ni Trina at kita niya naman ang taglay nitong kagandahan saka siya napangisi.
“Girls is always girls, nagpapaganda ka ba?” tanong nito na ikatawa ni Trina dahil sa kapal ng mukha niyang sabihin iyun sa kaniya. Sinunod niya lang ang kaniyang ama kung ano ang isusuot niya, wala rin siyang nilagay sa mukha niya maliban sa lip tint na nasa labi niya, sadyang natural ang ganda niya.
“Anong tingin mo sa akin? may gusto sayo? hello, nasobrahan ka naman yata sa kapal ng mukha mo. Pakibawasan dahil ikaw lang ang mapapahiya sa huli, anong akala mo? lahat ng babae mahuhumaling o magkakagusto sayo? ibahin mo ako.”
“Then why did you accept this marriage?” tanong nito, nilingon naman na muna nila ang kararating na waiter.
“Enjoy ma’am, sir.” saad nito, nang makaalis na ito saka ibinalik ni Trina ang atensyon niya sa binata.
“Bakit ikaw? Bakit ka pumayag sa kasal na ito? bakit ako ang tinatanong mo gayong pumayag ka rin naman? Hmmm?” taas kilay nitong saad, inis namang tiningnan ni Darren si Trina dahil sa balik nitong tanong.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa babae, I want you to tell your parents that you’re going to cancel the marriage.” Diretsong saad nito, napangisi naman si Trina dahil sa wakas hindi lang siya ang may ayaw sa kasal na ito. May magiging kakampi siya.
“Sa pagkakaalam ko ay magulang mo ang lumapit sa Daddy ko, bakit hindi ikaw ang kumausap sa mga magulang mo?”
“Bakit ba ang hilig mong ibalik sa akin ang mga tanong ko?” pigil ang galit ni Darren dahil kanina pa si Trina.
“Dahil kahit kaya mo namang gawin ay ako pa ang uutusan mo, ang kakausapin mo. Ikaw itong lalaki pero ako pa ang kakausapin mo? sige sabihin na nating kinausap ko na ang Daddy ko tapos hindi pumayag, anong gagawin mo? hindi ba at kakausapin mo pa rin ang mga magulang mo?”
“You’re worthless.” Blangkong saad ni Darren dahil ang akala niya ay maaasahan niya ito pero ibinabalik niya lang sa kaniya ang lahat. Sinamaan naman ng tingin ni Trina si Darren.
“Ikaw ang gumawa kung gusto mo dahil kahit kausapin ko ang Daddy ko wala pa ring magbabago, sinasabi ko na sayo dahil kakausapin ko sana siya kagabi pero narinig ko silang nagtatalo ng step mother ko sa kasal at hindi siya payag na icancel.” Saad niya, napabuntong hininga naman si Darren. “Kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ako.” saad niya pero bago pa man siya makatayo ay sumilaw na sa kanilang mga mata ang pagflash ng camera, sabay nilang nilingon ito at nanlaki na lamang ang kanilang mga mata ng paparazzi ang nakita nila.
“Damn!” mahinang mura ni Darren ng sunod sunod silang kinuhanan ni Trina. Mabilis na inalis ni Darren ang kaniyang coat at pinangharang sa mukha ni Trina pero huli na ang lahat.