“Pero Dad—“ hindi na natuloy ni Trina ang sasabihin niya ng putulin ito ng kaniyang ama.
“No more buts Trina! You and the only one uniko iho of Dela Vegas group are getting married. Don’t disappoint me.” saad ng kaniyang ama sa kaniya saka siya nito tinalikuran. Wala naman ng nagawa si Trina, inis niyang itinapon ang hawak hawak niyang unan sa sofa. Paano niya pakakasalan ang lalaking hindi man lang niya kilala, ang lalaking hindi man lang niya mahal. Ganun talaga siguro ang kapalaran niya dahil anak lang naman siya ng kaniyang ama sa labas. Lumabas naman na siya sa loob ng opisina ng kaniyang ama at nakasalubong niya naman ang kapatid niya.
“Mukhang galit na galit nanaman sayo si Daddy, wala ka ng ginawa kundi ang ipahiya siya.” mataray na saad ng kaniyang ate, hindi niya naman ito pinansin at nilampasan saka pumasok sa loob ng kwarto. Simula ng kunin siya ng ama niya at itira sa pamamahay nito ay hindi na maganda ang relasyon nilang magkapatid. Hindi niya na lang minsan maiwasan na hindi maiyak sa tuwing naaalala ang yumao niyang ina. Apat na taon na simula ng mawala ang kaniyang ina pero tila parang kahapon lang ito nangyari para sa kaniya.
Bakit ba kasi siya pa ang nakita ng kaniyang ama para ipagkasundo na ipakasal sa isa sa mga anak ng kanegosyo nito. Hindi naman nalulugi ang kompanya nila, mas lalo pa nga itong umunlad eh pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang makipagmerge ng kompanya nila sa kompanya ng mga Dela Vegas na hindi niya naman mga kilala. Hindi niya maintindihan ang kaniyang ama, bakit kailangan niyang ibigay na lang ng ganun kadali ang anak niya. Hindi ba ito natatakot sa maaaring mangyari sa kaniyang anak? Kung sabagay, sino nga ba siya para alalahanin kung apat na taon pa lang niyang nakakasama ang kaniyang ama. Labing dalawang taon pa lang siya para ikasal.
Napasapo na lamang siya sa kaniyang noo at napabuntong hininga.
“Am I really going to marry a stranger? I can’t believe it.” Anas niya sa kaniyang sarili saka lumabas ng kwarto at nagtungo ng kusina para kumuha ng makakain. Hindi niya na sana papansinin ang ama niya pero napahinto na lang siya sa paglalakad ng magsalita ito.
“Mag-ayos ka Trina, ipapahatid ko na lang sa kwarto mo ang dress na gagamitin mo mamaya.”
“For what?” tanong nito ng hindi hinaharap ang ama.
“We’re having a dinner with the Dela Vegas.” Napairap na lang siya, hindi niya na sinagot ang ama at dumiretso na siya sa fridge para magtingin ng makakain niya saka nagtungo ng pool para naman ilibang pansamantala ang sarili. Ano pa bang ibang paraan ang pwede niyang gawin para hindi matuloy ang kasal kasal na ito. Hindi niya na mabilang kung nakailang irap at buntong hininga na siya sa maghapon.
“Ano ba kasing pinag-usapan niyo ni Daddy at may ibinigay pa siya sayong regalo?” sambit nanaman ng kaniyang kapatid.
“Why don’t you ask him instead? Wala akong gana makipag-usap ngayon ate. Kung gusto mong mapunta sayo ang regalo na yun kung regalo nga bang matatawag, kausapin mo si Daddy at sabihin mong ikaw na lang.” Saad niya, masama namang tiningnan ni Joyce ang kapatid niya.
“Huwag na, sayo na lang dahil kung hindi mo nagustuhan ang sinabi ni Daddy, alam ko ring hindi ko yun magugustuhan. Ayaw ko sa mundo ng negosyo, hindi ako nababagay dun dahil mas nababagay kapag ipinaparada ko ang kagandahan ko.” mataray nitong saad, hindi lang naman umimik si Trina dahil alam niya ang sinasabi ng kaniyang kapatid. Ayaw nito sa negosyo dahil mas gusto niyang maging model. Humiga naman na muna siya at ipinikit ang kaniyang mga mata. Ano bang nagawa niya para gawin ito sa kaniya ng kaniyang ama?
Nang magdapit hapon ay saka niya naisipang pumasok sa kwarto niya. Nakita niya naman ang isang box sa kaniyang kama na laman ay isang dress at maliit na kahon na ang laman naman ay heels. Hindi niya naman ito tiningnan, nilampasan niya na ito saka dumiretso sa banyo para makaligo. Ayaw pa naman ng kaniyang ama na pabagal bagal sa kilos, ewan nga ba, tingin niya yata sa kaniyang mga anak ay isang katulong na uutos-utusan sa lahat ng bagay kapag ginusto lang. Ibinabad niya ang kaniyang katawan sa tubig at hindi pa rin makapaniwalang mangyayari ito sa kaniyang buhay, ang akala niya kasi sa panahon ngayon ay hindi na iyun nag-eexist at sa palabas na lang iyun nangyayari. Hindi niya akalain na magiging biktima rin siya ng arrange marriage.
Matapos niyang maligo ay lumabas na rin siya at binuksan ang box kung saan nakalagay ang isang magandang dress. Mapait siyang napangiti, simula kasi noong tumira siya sa pamamahay ng Daddy niya hindi siya nito niregaluhan kahit na anong bagay, palaging cash ang ibinibigay niya para kung may gusto itong bilhin ay iyun ang gagamitin niya. Hindi naman nagkulang sa pagbibigay sa kaniya ng pera ang kaniyang ama pero mas maganda pa rin yung kahit minsan lang ay bigyan siya nito ng isang bagay na siya mismo ang bumili. Tiningnan niya ang dress, simple pero napakaganda. Nilingon niya ang orasan at quarter to seven na kaya isinuot niya na ito saka naglagay na lang ng kaunting kolorete sa mukha. Simple lang ang ayos niya dahil kahit hindi naman na siya ayusan ay maganda na talaga siya, bagay na namana niya sa kaniyang ina.
Kinuha niya naman ang heels, sa pagkakaalam niya ay may 5 inch itong taas. Hindi naman siya maliit pero iyun ang ibinigay ng kaniyang ama para bumagay sa suot nito. Nang matapos siya ay sinipat pa niya ang sarili sa harap ng salamin at malalim na bumuntong hininga.
Mabilis namang binuksan ng kaniyang ama ang pintuan ng may magdoor bell dito.
“Good evening Mr. and Mrs. Dela Vegas.” Nakangiti nitong bati, nabaling naman ang tingin niya sa binatang seryoso lang ang mukha.
“Good evening too Mr. Montenegros.”
“Come in, come in.” Saad nito, pumasok naman na sila pero hindi pa rin nalabas ng kwarto si Trina. Taka namang tiningnan ni Joyce kung sino ang mga bisita ng kaniyang ama kahit na gabi na. Nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata ng lumingon sa kaniya ang binatang kasama ng mga ito na si Darren. Mabilis niyang pinuntahan ang kaniyang ina para magtanong.
“Mom, hindi ba at si Darren Dela Vegas yun?” kinikilig niyang tanong sa kaniyang ina na nag-aayos din.
“Hmm, why?”
“Oh my God! For real? Bakit sila nandito?” tuwang tuwa niyang tanong, tiningnan naman siya ng ina ng nakataas ang isang kilay.
“Sila nga yun at may pag-uusapan sila ng Daddy mo, bakit ba? Para kang kinikilig na hindi mo maunawaan. Ngayon mo lang ba yan nakita?”
“Yes Mommy, sa magazine ko lang kasi palaging nakikita saka sa tv. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa bahay natin.” impit pa ang sigaw niya dahil sa nararamdamang kilig.
“Do you like him?” mapang-asar na tanong ng kaniyang ina.
“Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kaniya? ang lakas ng dating at ang gwapo pa tapos nag-iisang tagapagmana!” patuloy ang kilig na nararamdaman habang si Trina naman hindi na alam ang gagawin kung lalabas na ba siya o hindi pa. Kinakabahan kasi siya lalo na at hindi niya naman ito sila kilala.
Sabay naman ng lumabas ang mag-ina sa kwarto saka nagtungo ng garden kung nasaan ang mga Dela Vegas, maarte namang pangiti-ngiti si Joyce saka ikinawit ang buhok sa likod ng kaniyang tenga. Hindi naman siya tinatapunan ng tingin ni Darren. Naupo na siya sa tapat ng upuan ng binata pero sinabi ng kaniyang ama na sa tabi na siya ng kaniyang ina tumabi na ikinasimangot nito. Matagal na siyang may lihim na pagtingin dito pero hindi niya alam kung paano lalapitan ang binata, tila kasi kasingtaas niya ang langit at ang hirap na abutin.
“Ito na ba ang dalaga mo Zack?” tanong ng ama ni Darren.
“Siya ang panganay ko, nasan na ba ang kapatid mo Joyce?”
“Baka nasa kwarto pa niya Dad.” Maarte nitong saad, nilingon naman siya ni Darren na ikinangiti ni Joyce. Blangko lang siya tiningnan nito saka ibinaling uli sa ibang direksyon ang kaniyang paningin.
Humugot ng malalim na hininga si Trina, kanina pa siya tapos at alam niya ring nandiyan na ang mga bisita ng kaniyang ama pero hindi pa rin siya lumalabas. Maya-maya ay nakarinig na siya ng katok sa kaniyang pintuan kaya wala na siyang nagawa at binuksan ito.
“Tawag ka ni Daddy.” Masungit nitong saad saka nasa ibaba ang paningin niya. Lumabas naman na si Trina at tiningnan siya ni Joyce, naalis na lang ang pagkakakrus ng kaniyang mga kamay sa dibdib niya ng makita niya ang itsura ng kaniyang kapatid. “Bakit ganiyan ang itsura mo? una pa lang ba alam mo ng darating ang mga Dela Vegas kaya ka nagpaganda?! Hindi halatang pinaghandaan mo ah.” Inis na saad ni Joyce habang tinitingnan ang kaniyang kapatid, ngayon lang din ito nagsuot ng heels kaya hilaw siyang natawa. “Mas maganda nga yatang huwag ka na lang lumabas ng kwarto mo eh.” Anas pa nito.
“Ma’am pinapatawag na po kayo ng Daddy niyo.” Saad ng katulong na nasa ibaba kaya inis na naglakad pababa si Joyce, dahan dahan namang naglakad pababa si Trina dahil hindi biro ang taas ng heels nito, may kataasan din ang hagdan nila.
“Nasaan na ba si Trina?” tanong ng kaniyang ama ng pumasok ang nakabusangot na si Trina.
“Pasunod na po.” Anas niya, nabawasan lang ang inis niya ng nakatingin sa kaniya si Darren pero nananatiling blangko at seryoso ang mukha nito.
“Nandito na po siya.” agaw atensyon naman ng isang katulong. Napalingon silang lahat kay Trina, napangiti na lamang ang Mommy ni Darren dahil mas mabait at inosente itong tingnan kesa sa panganay na halata ang pagkamataray. Hindi rin naalis ni Darren ang paningin niya sa dalaga na bakas ang pagkamahiyain, napairap na lamang si Joyce dito.
“Maupo ka rito, anak.” Nakangiting saad ng kaniyang ama sa tapat na upuan ni Darren. Naupo naman siya dun at nanatiling nakayuko ang kaniyang ulo. “This is my 2nd child, meet Trina Montenegros.” Pakilala niya, bahagya niya namang inangat ang kaniyang ulo.
“Good evening po, I’m Trina.” Nahihiya niyang pakilala, hindi kasi siya sanay sa mga ganitong klase ng event lalo na at kasal ang pag-uusapan mamaya.
“You have a beautiful daughter Zack.” Nakangiting saad ng Mommy ni Darren, hindi naman na mabilang ang pag-irap ni Joyce dahil parang si Trina lang ang napapansin ng mga ito.
“Let’s have a dinner muna then let’s talk about it later.” Saad ni Zack na ikinatango naman ng mga matatanda. Naghain naman na ang mga katulong nila, tiningnan ni Trina ang binatang Dela Vegas. Hindi naman maitatago ang kagwapuhan nito at ang lakas ng dating niya pero masyadong seryoso ang mukha. Blangko siyang tiningnan ni Darren, nagsalubong ang mga tingin nila pero umiwas din ng tingin si Trina dahil hindi niya kayang salubungin ang mga tingin nito, tila ba matutunaw ka. Inis na tinitingnan ni Joyce ang dalawa, nasa dulo kasi siya, kung hindi lang siya pinaalis ng ama malamang siya ang katitigan nito ngayon.
Nagsimula naman na silang kumain at puro tungkol na lang sa negosyo ang pinag-uusapan nila, hindi na bago iyun kay Darren dahil kahit saan sila pumunta ay iyun ang pinag-uusapan nila.
“Kamusta naman ang trabaho iho?” tanong ng Daddy ni Trina kay Darren.
“Well, for now it’s okay. Hindi pa naman masyadong nakakapagod.” Sagot niya na ikinangiti ng mga ito maliban kay Trina na kumakain lang, kinikilig naman si Joyce dahil hindi pa rin siya makapaniwalang nandito ang lalaking matagal niya ng nagugustuhan. Napatingin si Darren kay Trina ng tinitingnan nito ang bowl ng mga hipon, hindi kasi niya abot nahihiya naman siyang kunin iyun o ipakuha kaya nanguha na lamang siya ng ibang ulam. Hinawakan naman ni Darren ang chop stick niya saka nanguha ng hipon na hindi kalayuan sa kaniya saka inilagay sa pinggan ni Trina, nagkatinginan naman silang lahat dahil sa ginawa ni Darren maging si Trina ay napatingin sa kaniya dahil sa ginawa nito. Patuloy niya lang na nilagyan ng hipon ang pinggan ni Trina saka niya tiningnan ang dalaga.
“Salamat,” nahihiya niyang aniya. Hindi naman na maipinta ang mukha ni Joyce dahil dapat siya yun, siya dapat yung nandun. Napangiti na lamang ang dalawang padre pamilya maging ang ina ni Darren pero hindi natutuwa ang mag-inang Montenegros lalo na at nalaman niyang may lihim na pagtingin ang anak niya sa binatang Dela Vegas.
“Siguradong mabilis kayong magkakasundo.” Nakangiting saad ng ama ni Darren, blangko lang naman ang tingin ni Darren saka pinagpatuloya ng pagkain.
Nang matapos silang kumain ay inayos naman na muna ng mga katulong ang pinagkainan nila saka nilagyan ng mga dessert.
“Mukhang meron kayong magaling na chef dito ah, amoy pa lang talagang masarap na ang mga dessert niyo.” Saad ni Charlotte, ina ni Darren.
“Hindi naman, sakto lang.” Saad ni Emily, ang ina ni Joyce subalit makikita mo ang pagmamayabang nito na hindi mo kaagad mapapansin. Kumain naman na muna sila ng dessert pero hindi na kumain si Darren at Trina.
“So let’s talk about it now, nasabi mo na ba ang tungkol sa bagay na iyun sa anak mo?” tanong ni Raul ang Daddy ni Darren. Hindi naman na nagulat pa si Darren at Trina dahil alam na nila ang ibig sabihin ng mga ito pero naguguluhan naman si Emily at si Joyce tungkol sa sinasabi ng Dela Vegas.
“Sure, we have no problem about it. Nasabi ko naman na ang lahat sa kaniya.”
“Then should we start planning about their wedding?” hindi makapaghintay na saad ni Raul.
“Excuse me, what is happening? I mean Dad, sino pong ikakasal?” takang tanong ni Joyce, hindi niya na mapigilan ang sarili niyang magtanong. Tila ba nakaramdam siya ng kasiyahan ng marinig ang kasal mula sa mga Dela Vegas, kung magkakaroon man ng kasal sa binata at isa sa mga anak ng Daddy niya ay handa siyang magpakasal dito lalo na at si Darren naman ang groom.
“Napagkasunduan namin ng Daddy mo na ikakasal ang anak naming si Darren sa isa mga dalaga niya.” sagot naman ng Daddy ni Darren. Nakangiti naman si Joyce dahil hindi na siya makapaghintay.
“Trina iha, are you aware with this?” baling naman ng Mommy ni Darren.
“Wait what? Si Trina po at si Darren ikakasal?” singit nanaman ni Joyce, pinanlakihan naman siya ng mata ng kaniyang ama kaya tinikom niya ang kaniyang bibig.
“Yes, Trina and Darren.” Saad pa ni Charlotte. Nanatili namang tahimik si Emily pero hindi na natutuwa sa nangyayari dahil iniisip niya ang kaniyang anak na si Joyce lalo na at may gusto ito sa binata. “Trina, iha?”
“Yes po, I know about it na po. Sinabi na po sa akin ni Daddy.” Malumanay niyang sagot habang pinaglalaruan ang mga daliri sa silong ng lamesa.
“Good, then. Paniguradong bagay na bagay kayo ng anak ko.” inis na kinakalabit ni Joyce ang kaniyang ina pero hindi siya nito pinapansin kaya galit siyang naupo ng maayos sa kaniyang upuan.
“Kailangan na nating pag-usapan ang lahat, ganun na rin sa date ng magiging kasal nilang dalawa. Mas mabilis mas maganda.” Wika ng Daddy ni Darren. Masaya naman nilang pinag-usapan ang tungkol sa kasal, tahimik lang naman si Darren at Trina. Tiningnan ni Darren si Trina at napangisi, pansin niyang hindi sang-ayon ang dalaga sa magaganap na kasalan.