TATUM'S POV Pinagmasdan ko ang kabuoan ng bahay, halos kasing lawak lang ito ng kwarto ko pero ayos na. Matapos ang ilang oras na biyahe ay napadpad kami sa kung saan, lugar na alam naming hindi kami mahahanap, lugar na hindi namin alam kung saang lupalop ng Pilipinas. "Ano sa tingin mo?" tanong ni Toose habang nakangiting nakatingin sa akin. Tinignan ko naman siya at nginitian ng matamis. "Hindi mahalaga sa akin kung nasaan tayo, basta kasama kita, kuntento na ako." Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Toose at naglakad palapit sa akin, hanggang sa magkapantay na ang aming mukha. "Kung sabagay. Kahit na kama lang ang rentahan ko ay ayos na," saad naman nito at hinalikan ako kaya naman kumapit ako sa batok niya at pinalalim pa ang aming halikan. Abala kaming dalawa sa paghahalika

