TATUM'S POV Dumaan ang ilang araw, ilang linggo, hanggang sa halos tatlong buwan na din ang nakalipas matapos kaming nagsimulang manirahan sa lugar na ito. Sa bawat araw, bawat oras, bawat minuto, at bawat segundo ay nasa tabi ko lang si Toose upang pasayahin ako hangga't kaya niya. Ibinuhos niya lahat ng oras niya sa akin, pero ni minsan ay hindi ko naramdaman na ginagawa niya iyon upang sulitin ang mga oras na kasama niya ako, ginagawa niya iyon dahil iyon ang gusto niya. Ni wala akong narinig na tanong mula sa kaniya patungkol sa sakit ko. Hindi siya nag-aabalang magtanong kahit na madalas niya akong nakikitang iniinda ang sakit ng aking ulo. Nakangiti lang ito at inaalayan ako upang dalhin sa kwarto namin. Hindi ito ang buhay na nakasanayan namin. Hindi kami nakatira sa malaking b

