TATUM'S POV Hinawi ko ang kulay itim na kurtinang nagsisilbing harang upang hindi makita sa labas ang mga narito sa loob. Bumungad sa amin ni Toose ang madilim na paligid, subalit mayroong kulay pulang ilaw na gumagabay sa amin upang kahit papa'no ay makita ang daraanan namin. "Horror house ba ito o comedy bar?" bulalas ko habang sinusubukang suriin ang paligid. Para lang naman kaming pumasok sa isang madilim na kuweba. Ano bang nakatatakot dito? 'Yang mga sapot at kunwariang gagamba? Napakaboring. "Ang sabihin mo ay naiihi ka na sa takot. Isa pa, namamasa na ang kamay mo," pambabara sa akin ni Toose na nakatayo sa aking tabi, at iniangat ang kamay naming hanggang ngayon ay magkahawak pa rin. "Sadyang pasmado lang ako. At saka bakit ba kasi ayaw mo paring bitawan ang kamay ko? Ano ka?

