TATUM'S POV "AYOKO." "Sige na please?" pagmamaka-awa ko kay Toose at ginaya ang pagpa-puppy eyes ni Peewee, pero imbes na tumalab ay pinandirihan pa nito ang hitsura ko. "Kaunti nalang talaga at magiging magkamukha na kayo ng ulol mong aso." Tinapal nito ang mukha kong nakalapit sa kaniya, kaya naman ngumuso ako at lumayo na. Ang hirap niyang pilitin. "Pumayag ka na kasi," pagpupumilit ko pa. "Apat na araw na akong nakakulong dito sa bahay at bukas ay papasok na ulit ako sa school, kaya pumayag ka na. Nagpaalam na ako kay Dad at pumayag na siya kaya halika na!" Pagpapatuloy kong pangungulit at hinila-hila ang kamay niya para lang pumayag siya. Suminghap ito at tinaasan ako ng kilay. "Ano namang mapapala ko sa pagsama sa'yo?" untag nito. Napanguso naman ako at nag-isip ng matibay

