CHAPTER 10: Kisses

2046 Words

TATUM'S POV Huminto sa paglalakad si Dad sa harapan ko at sinulyapan naman si Toose na nakatayo sa aking tabi. Umiling-iling si Dad na para bang dispointed ulit siya Kay Toose. "Dad, kung iniisip mo na may kinalaman si Toose dito ay nagkakamali ka. Kusang loob akong tumakas para sunduin siya sa eskwelahan dahil alam kong hindi siya sanay magcommute," agaran kong pagpapaliwanag kahit na wala pa itong sinasabi. Mas mabuti na ang mas maagang magsalita bago niya pa mahusgahan si Toose, lalala lang ang problema kapag nangyari iyon, at ayoko namang lumala pa ang sitwasyon namin. Bumalik sa akin ang mga mata ni Dad, kaya napayuko ako. "Kung nag-aalala ka edi sana ay inutusan mo na lang ang guwardiya nating sunduin siya," wika nito kaya naman nag-angat ako ng mukha upang tignan siya ng dire

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD