TATUM'S POV
"...Tatum."
Nahinto ako sa paglalakad ng marinig na binanggit ni dad ang pangalan ko habang may kausap siya sa telepono.
"Dad." Pagtatawag ko rito kaya naman napatingin siya sa akin. Naglakad na ako palapit sakaniya at naupo sa katabi nitong silya. "Bakit niyo po nabanggit ang pangalan ko?" Tanong ko rito.
"Wala naman. Kinakamusta ka lang ng tito Aaron mo." Sagot niya naman na tinanguan ko.
Binalewala ko nalang iyon at kumuha na ng makakain ko. Tahimik lang akong kumain pero napansin kong may kakaiba kay dad kaya tinignan ko siya at nandatnan itong nakatitig sa akin. Walang kaemo-emosyon ang kaniyang mukha kaya naman hindi ko mabasa kung ano ang kaniyang iniisip.
"Bakit po?" Tanong ko sakaniya at uminom ng tubig ko.
Umiling ito at pinunasan ang kaniyang labi sabay tayo. "Mauna na ako sayo at may trabaho pa ako. Magpahinga ka nalang rito para mabilis mong mabawi ang lakas mo." Pamamaalam nito at hinalikan ang ulo ko bago naglakad paalis.
Weird.
Isinawalang bahala ko nalang iyon at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Pagkatapos ko namang kumain ay ginamot ni manang Lou ang mga sugat ko habang si yaya Brit naman ang umasikaso sa mga pasa ko.
Ramdam ko ang pagkirot ng mga iyon sa tuwing nagagalaw kaya todo ingat ang dalawa upang hindi ako masaktan, subalit hindi talaga iyon maiiwasan. Siguro nga ay tama si Toose, lahat ay pumapanig sa akin. Kapag siya ang may pasa o sugat ay binabalewala lang nila at sinesermunan pa siya, habang ako naman ay alagang-alaga.
Wala akong ginawa maghapon kundi ang mahiga sa kama, matulog, kumain, ipagamot ang sugat ko, hanapin ang wallet ko, at mamasyal sa bawat sulok ng bahay.
"Manang, ano pong ginamit na sasakyan ni Toose para pumasok sa eskwelahan?" Tanong ko.
Abala ako sa paglalakad-lakad sa hardin ng matanaw ko ang parehong kotse namin ni Toose na nakaparada.
"Sa palagay ko ay naglakad siya, wala siyang hawak na pera, hindi ba? Kaya hindi siya makakapag commute." Sagot naman ni manang Lou na nginiwian ko.
Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi ko mahanap-hanap ang wallet ko. Pero bakit pati ang papel na ibinigay ni tito Aaron ay nawawala? Hindi kaya naisama iyon ni Toose?
Pero imposible, sa kabilang bahagi ng bulsa ko inilagay ang papel na naglalaman ng kaparusahan ko. Pero bakit naman magkakaroon ng interest si Toose na kunin iyon?
"Siya nga pala, manang Lou, natapunan ko po ng juice yung kama ko. Pwede po bang pakilinis iyon? Hindi kasi ako makagalaw ng normal sa sobrang sakit ng katawan ko." Hayag ko rito at ipinakita sakaniya kung gaano ako nasasaktan sa bawat paggalaw ko.
Natawa naman ito at mariing pinisil ang pisngi ko na ikinangiwi ko sabay layo sakaniya, napisil niya kasi ang masakit na bahagi ng mukha ko.
Ang totoo ay masakit any lahat ng bahagi ng mukha ko.
"Oo na, pasensya na sa ginawa ko ha?" Aniya at pumasok na sa loob.
Sinilip ko muna siya hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa loob kaya naman agaran akong tumakbo patungo sa gwardiya namin.
"Kuya, tinawagan po ako ni dad at sabi niya ay dalhin ko sakaniya ang mga naiwan niyang mahahalagang papeles sa opisina niya kaya buksan mo ang gate." Aligaga kong sambit upang magmukhang totoo na mukha namang umubra.
Binuksan nito ang gate kaya naman nagtungo na ako sa kotse ko at pumasok roon. Nagseatbelt na muna ako bago binuhay ang makina ng sasakyan.
Natural lang na madali akong paniwalaan dahil kilala nila ako bilang matapat na bata at hindi ako gumagawa ng kalokohan. Mukhang ito na ang oras para sirain ko ang pagkakakilala nila sa akin bilang isang mabuting bata.
Pinaharurot ko na palabas ang kotse ko bago pa ako maabutan ni yaya Brit at manang Lou.
•|||•
"Toose!"
Inosenteng napatingin si Toose sa direksyon kaya naman nginitian ko siya ng malawak at kanawayan siya. Naglakad ako palapit sakaniya at nakita agad ang nakakunot nitong noo.
"Bakit ka nandito? Tignan mo nga yang hitsura mo, hindi ka pa nga gumagaling." Sermon nito sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Alam kong pabida ka, pero ang ibida yang bugbog sarado mong mukha at nakakaputangina." Dagdag pa niya.
Napanguso naman ako pero bumalik sa pagngiti ang aking labi sabay lahad ng aking palad sakaniyang harapan.
"Akin na yung wallet ko." Wika ko na sininghalan niya.
"Sabihin mo muna kung bakit ka nandito at ibabalik ko iyon sayo." Hayag naman nito.
"Oo na, nandito ako para sa pinakamamahal kong bunsong kapatid. Nag-aalala ako sayo dahil wala kang dalang kotse, alam kong hindi ka sanay sa pagco-commute o paglalakad kaya naman narito ako upang sunduin ka." Sagot ko at malawak itong nginitian subalit ikinainis niya naman iyon.
"Ano namang pakialam mo?" Sambit nito at padabog na ibinalik sa palad ko ang aking wallet.
Agaran ko naman iyong ibinulsa at nginitian siya. "May pakialam ako dahil ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid at ayokong nahihirapan ka." Sagot ko naman at muling inilahad ang aking palad sakaniyang harapan. "Yung papel?"
Kumunot ang noo nito hanggang sa may mapagtanto siya. "Yung basurang papel na listahan ng ibinigay sayong kaparusahan ni tito Aaron? Tinapon ko na tutal doon naman iyon nararapat at hindi mo rin naman matatapos iyon." Paliwanag nito na tinanguan ko lang.
"Tara na." Aya ko sakaniya at kumapit sa braso niya.
Panay ang pagrereklamo nitong tanggalin ko ang pagkakakapit ko sakaniya pero hindi ko siya sinunod. Hinayaan ko lang siya habang sabay kaming naglalakad patungo ng kotse.
Pagkapasok na pagkapasok namin ng kotse ay pinaandar ko na agad iyon. Sinulyapan ko si Toose na nakaupo sa tabi ko at napansing pagod na pagod siya.
"Siya nga pala Toose, salamat sa paglipat sa akin sa kama. Pero sana ay ginising mo nalang ako para hindi ka nahirapang buhatin ako, ang bigat ko pa naman." Pagbubukas ko ng usapan upang hindi nakakabagot ang biyahe namin pauwi.
"Asa ka naman. Bakit ko naman bubuhatin ang taong nagpapakulo ng dugo ko para dalhin sa kama? Mas gusto ko pang mamatay ka sa malamig at matigas na sahig." Mataray nitong sagot at humalukipkip.
"Rule number 4, hindi ka pwedeng nagsinungaling sa akin. Tatlo na ang utang mong parusa sa akin." Sambit ko at tumawa na sininghapan niya.
May naalala akong gamit na dala-dala ko kaya naman inilabas ko iyon mula sa aking bulsa at iniabot sakaniya ang sarili niyang cellphone.
"Kinuha mo kay dad? Napaka-tanga mo talaga. Ako nanaman ang mapapagalitan nito kapag nakita niya akong hawak ko ito." Sunod-sunod niyang sermon sa akin na sinundan pa ng pagsuklay niya paitaas ng kaniyang buhok.
"Chill ka lang. Kapag nag-ingat ka edi hindi ka mahuhuli, pero kung gagaya ka sa aking siraulo edi malilintikan talaga tayong dalawa." Wika ko at sinulyapan siya sabay kindat sakaniya pero ibinalik ko rin ang atensyon ko sa harapan.
Mas mabuti ng hindi niya alam na nasa akin rin ang iba niya pang gamit dahil baka magmakaawa ito at bumigay agad ako. Hindi ko pa naman matitiis ang lokong ito. In short, marupok ako.
"Ayaw mo ba?" Tanong ko at akmang babawiin na ang phone niya na kanina ko pa inaabot sakaniya pero mabilisan niya iyong kinuha na ikinatawa ko lang. "Wala man lang bang thank you?"
"f**k you." Tanging usal nito.
Bumuntong hininga nalang ako at naagaw ng atensyon ko ang lalaking nasa harapan ng gate ng bahay namin, si Simon. Ihininto ko ang kotse ko sa tapat niya at ibinaba ang bintana.
"Simon." Bati ko rito at napatingin sa paligid. "Bakit ka nandito sa labas?" Pagtatanong ko naman sakaniya.
"Sinabi in manang Lou na tumakas ka kaya naman nandito ako sa labas upang hintayin ka, nag-aalala kasi ako." Sagot naman nito na tipid kong tinanguan.
"Dapat ay sa loob mo nalang ako hinintay." Saad ko at bumisina upang pagbuksan kami ng gate na agaran namang ginawa ng gwardiya namin. "Tara sa loob." Alok ko rito at ipinasok na ang kotse ko.
Pagkahintong-pagkahinto palang ng kotse at lumabas na ako pero agaran naman akong natigilan ng nakita si manang Lou at yaya Brit na bakas ang inis sa mga mukhang nakatingin sa akin.
"Ikaw na bata ka!"
Piningot ni yaya Brit ang tenga ko na agaran kong nginiwian at nagpa-aray.
"Hindi ka pa nga gumagaling pero lumabas ka na ng bahay at talagang tinakasan mo pa kami? Kailan pa naging ganiyan katigas ang ulo mo?" Panenermon pa nito sa akin at binitawan na ang tenga ko.
Hinaplos ko naman iyon at lumayo sakaniya upang hindi na masaktan. Ramdam ko ang pag-iinit nun sa sobrang sakit.
Grabe, yaya ko ba siya o nanay?
"Tatum."
Natigil ako at napangiwi ng marinig ang seryosong boses na iyon. Nilingon ko si dad na naglalakad palapit sa amin na gaya ng dati at walang emosyon ang mukha.
Hindi ko alam kung sesermunan ako nito o hindi dahil sa ginawa ko. Ang alam ko lang ay...LAGOT AKO.
|•••|
Author's Note: Omogorsh, Under Review na ang kwentong ito na in-apply ko for contract. Thank you for still reading this story. I hope you enjoy reading it, labyeo