CHAPTER 8: Unknown

1520 Words
TATUM'S POV "ARAY!" Agad na inilayo ni manang Louie ang bulak ba binasa niya ng alcohol sa siko ko. Hindi ko akalain na tadtad na ako ng sugat at pasa dahil lang sa ginawa ng mga ugok na yun. "Tiisin mo ang sakit." Aniya at muling idinampi ang bulak sa siko ko. Napasinghap nalang ako at kinagat ang pang-ibaba kong labi. Bumukas naman ang pintuan ng kwarto ko kaya napatingin ako roon at nakita si dad at Toose. "Nakausap ko na ang dean ng eskwelahan niyo, simula ngayon ay wala ng pangalan ang mga nambugbog sayo sa eskwelahan niyo dahil pinakick-out ko na sila." Pamamalita ni dad. "Sana lang ay maaalis ng ginawa mo ang mga pasa at sugat na natamo ng anak mo." Sabat ni manang Lou na tinawanan ko ng mahina. Narinig ko namang bumuntong hininga si dad at naglakad palapit sa akin sabay suklay paitaas ng aking buhok. "Magpahinga ka muna. Humingi na ako ng permiso sa dean niyo na liliban ka ng ilang araw upang magpagaling." Wika nito sa malambing na boses at tinapik-tapik ng mahina ang ulo ko. "Manang Louie, tara na sa ibaba at ng makapagpahinga na siya." Tumango naman si manang Lou at iniligpit na ang mga ginamit niyang panggamot sa akin sabay lakad paalis kasama si dad. Maingat ko namang hinaplos ang pisngi ko pero napangiwi ako ng masagi ko ang masakit na bahagi ng aking mukha. "Bakit mo ba kasi ginawa yun?" Napatingin ako kay Toose ng magsalita siya. Namayani ang katahimikan sa apat na sulok ng kwarto habang nakatingin lang kami sa isa't isa. Hindi nagtagal ay nagsalita narin ako. "Dahil kapatid mo ako." Sagot ko. "Hindi ko kayang nakikita lang nasasaktan o sinasaktan lalo na sa harapan ko kaya pinatulan ko siya." Dagdag ko pa na sininghalan niya. "Bakit ba nakikialam ka sa buhay ko?! Una ay nagkaroon ka ng record sa guidance office at ikalawa ay nabugbog ka pa!" Sermon nito sa akin. Inosente ko lang itong tinignan hanggang sa nginitian ko siya. "Ano namang pakialam ko kung may record na ako sa guidance office? Sa katunayan nga ay pangarap kong magkaroon ng record roon, subalit palaging umaayon sa akin ang kabutihan kaya hindi ko magawa-gawa. Isa pa, wala lang sa akin ang mga pasang ito, kaunting alcohol lang ang katapat ng mga yan at ayos na. Hindi katulad noon na kung ano-anong tubong nakasalpak sa akin at tinulungan pa akong buhayin ng makina. Napakaliit lang ng bagay na ito." Mahaba kong paliwanag sakaniya. Naglakad ito palapit sa akin at binatukan ako na ikinangiwi ko. "Paano mo nagagawang ngumiti ng nasa ganiyang kalagayan? Parang kanina lang ay halos maubusan ka na ng dugo at mukha lang nag-aagaw buhay." Ngumuso naman ako at hinaplos haplos ang aking batok. "At parang kanina lang ay tinawag mo akong ate." Saad ko na agaran niyang ikinahinto. "Nag-alala ka sa akin, hindi ba? Alam ko at ramdam ko kahit na hindi mo sabihin." Mapang-asar kong wika na ikinasalubong ng kaniyang kilay. "At bakit naman ako mag-aalala sayo gayong alam mo na mas nais ko pang mamatay ka?" Pinakatitigan ko ang mga mata nito hanggang sa mag-iwas siya ng tingin kaya naman natawa ako. "Rule number 4, hindi ka pwedeng magsinungaling sa akin. Alam ko kung nagsisinungaling ka kaya wag mo ng subukang itago pa sa akin." Turan ko na sininghalan niya. "Oo na, oo na! Nag-alala talaga putangina!" Inis nitong pag-amin na tinawanan ko. "Pero mas lalo akong naiinis sayo dahil napaka pabida mo. Alam mo ba na napagalitan ako ni dad at ako ang sinisisi sa nangyari sayo? Sana nga ay ako nalang ang bumugbog sayong gago ka." Halata ngang inis na inis siya dahil sa tono ng pananalita niya. Bumuntong hininga ako at napakamot sa aking batok. "Pwede bang tigilan mo na ang kaiisip na nagpapasikat o nagpapabida ako kay dad? Dahil sa totoo lang ay hindi naman ako nakikipagkumpitensya sayo. Buong buhay ko ay wala akong ibang ninais kundi ang ituring mong kapatid. Ano pa ba ang kasalanan ko sayo para panlamigan mo ako?" Linatana ko rito na ikinairap niya sa hangin. "Gusto mong malaman ang totoo?" Aniya na agaran kong tinanguan. Yumuko ito hanggang sa maglapit ang aming mukha at magkatinginan kami ng diretso sa mata ng isa't isa. "Dahil napaka perpekto mo." Aniya at umayos ng tayo. "Hindi ako perpekto." Giit ko na ikinataas ng kilay nito. "Lahat nalang ng tao ay gusto ka, lahat ng tao ay sumasang-ayon sayo, lahat ng tao ay nag-aalala sayo, at lahat ng tao ay mahal ka. Ngayon sabihin mo, hindi ka nga ba talaga perpekto?" Wika nito. Napakurap-kurap ako sa sinabi nito at sunod-sunod na umiling. "Sa nakikita ko ay naiinggit ka at hindi naiinis." "Inggit man yan o inis, wala akong pakialam. Ang alam ko lang ay galit na galit ako sayo at sumasama ang araw ko kapag nakikita ko ang pagmumukha mo kaya umalis ka na diyan at matutulog na ako." Sumbat nito. Bumuntong hininga nalang ako at umalis na sa kama kaya naman nahiga na siya roon sabay talikod sa akin. Naglatag nalang ako ng mahihigaan ko sa sahig at nahiga roon. Hindi man ako kumportable dahil kahit na saan ako pumwesto ay sumasakit ang sugat at pasa ko lalo na't matigas ang hinihigaan ko. Bahala na. •|||• Iminulat ko ang aking mata at bumungad ang nakakasilaw na sikat ng araw. Nag-inat ako at sinundan pa ng paghikab, napasarap ang tulog ko. Nahinto ako at kinapa ang hinihigaan ko. Napa-upo ako at napagtantong nakahiga na ako sa ibabaw ng kama. Sinuklay ko paitaas ang aking buhok at inalala kung paano ako napadpad rito pero wala akong maalalang bumangon ako at nahiga rito. Hindi kaya dinala ako ni Toose dito? Agarang sumilay ang ngiti sa aking labi ng maisip ang pangyayaring iyon. Alam kong imposible iyon dahil natulog siyang inis na inis sa akin, pero alam ko rin naman na hindi siya ganun kasamang tao. Habang iniisip na tinawag niya akong ate at umamin siyang nag-alala sa akin ay mas lumalamang ang paniniwala kong kaya ko siyang mapagbago. Kaunting oras pa at mamumulat na siya sa katotohanang ilang taon niyang hindi nakikita. Akmang aalis na ako sa kama pero bigla nalang akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Ngumiwi ako at nasapo ang aking noo ng hindi nalang basta-bastang pagkahilo ang nararamdamdaman ko dahil sinundan iyon ng matinding pagkirot ng aking ulo at para bang may nabibiyak na kung ano sa loob ng aking ulo. Ilang sandali lang ay may nakita ako sa aking isipan na larawan ng dalawang bata, isang babae at isang lalaki, subalit sigurado akong hindi si Toose ang lalaki roon. Suminghap ako ng mas lalong sumakit ang ulo ko at gumalaw ang dalawang batang kanina lang ay mukhang mga larawan lang. Masaya ang dalawa sa paglalaro pero naputol iyon ng may umalog sa katawan ko. "Tatum, ayos ka lang ba?" Puno ng pag-aalalang tanong ni manang Louie na tipid kong tinanguan at hinabol ang aking paghinga. Inabutan naman ako ng isang baso ng tubig ni yaya Britney na agaran kong ininom upang pakalmahin ang aking pakiramdam. "Yaya Brit, manang Lou, kasambahay na kayo ni dad ng magising ako mula sa pagkawala ng ala-ala ko. Pwede niyo bang ipaliwanag sa akin o ipakita ang larawan ni Simon? Pakiramdam ko kasi ay nakita ko siya sa ala-ala ko." Hayag ko at nagkatinginan naman ang dalawa. "Pasensya na pero nasa pangangalaga ng ama mo lahat ng litratong kinunan bago ka maaksidente. Sagot ni yaya Britney na ikinapanlumo ko. "Kung gayon ay ipaliwanag niyo nalang ang hitsura niya." "Kung tama ang pagkaka-alala ko ay blonde ang buhok niya noon, inaasar nga siya noon ni Toose na amerikanong bulol dahil hindi siya ganun kasanay sa pagsasalita ng tagalog." Paliwanag naman ni manang Lou. "May bangs rin siya na ikaw mismo ang nagputol. Panay ang pag-iyak niya ng mga oras na iyon, pero mas lumakas pa ang pag-iyak niya ng mapagtantong pati ang pilikmata niya ay nagunting mo. Sa hitsura naman ay wala masyadong nagbago, nagbinata lang siya at mas lalong gumwapo at naging astig." Pagpapatuloy ni yaya Brit. Panay lang ang pagtango ko habang nakikinig sakanilang dalawa. "May nakalaro ba ako noon na batang lalaki na kaedaran ko lang din na may asul na buhok at berdeng mata? Siya kasi ang nakita ko kanina sa isipan ko. Nakikipaglaro ako sakaniya ng habulan at malakas na nagtatawanan." Muling nagkatinginan ang dalawang katulong at nagkunutan ang noo. "Wala kaming naaalalang ganung bata." Sagot ni yaya Britney. "Tama. Isa pa, hindi ka mahilig makipaglaro at wala ring nakapagpapatawa sayo. Ang totoo ay naturingan ka pa ngang bully sa school niyo at halos isumpa ka na ng mga kaklase mo sa sobrang sama mong bata. Dahil sa pagiging maloko mo ay wala kang ibang naging kaibigan maliban kay Simon dahil kaibigan ng ama mo ang mga magulang niya." Pagkukwento naman ni manang Louie. Ganun ba ako kasama noong bata ako? Mas malala pa pala ako kay Toose. Pero kung wala silang kilalang batang lalaki na nakalaro ko noon, kung ganun ay sino ang nakita ko sa mga ala-ala ko? At bakit siya napadpad roon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD