TATUM'S POV Tahimik lang naming tinahak ni Maldito ang daan pabalik. Sa tuwing nakaririnig ako ng kakaibang tunog ay agaran akong napapakapit sa braso ni Maldito, sa takot na baka maulit ang nangyari kanina. Nakakatrauma. "Damn it, lady! Bitawan mo nga ako!" reklamo ni Maldito kaya naman suminghap ako at bumitaw mula sa pagkakakapit ko sa kaniyang braso. "'Yun na ang una't huling taong balak kang hawakan. Don't you dare think na hahalayin ka niya dahil ang totoo ay papatayin ka lang niya kanina." "Hoy! Hindi kaya! Alam ko namang balak niya akong reypin kanina. Wala akong dala diba at babae ako. Kahit naman na ako na ang pinapangit na tao sa mundo, babae pa rin ako, may pakinabang pa rin ako," tugon ko at ngumuso. Napakatalas ng dila ng monggoloid na lalaking 'to. Antisocial ata siya ka

