TATUM'S POV Nakanguso lang ako habang pinagmamasdan ang aking hitsura sa glass window ng auditorium. Maingat kong hinaplos ang aking bukol sa aking ulunan, nauntog kasi ang ulo ko sa kanto ng aking kama nang himatayin ako kahapon. "Kanina mo pa 'yan pinoproblema ah," sita sa akin ni Flint na abala sa paglilinis ng bintana. Syempre, one week ang ibinigay sa kanilang parusa at dapat lang na magsimula sila agad. Nagpresinta akong tulungan sila pero lahat sila ay tumanggi kaya naman sitting pretty ako. Wala akong ibang ginagawa kaya naman pinoproblema ko na lang itong bukol ko. Hindi naman siya masakit kung hindi papansinin at hindi hahawakan. Ayoko namang nakatunganga lang kaya ginagalaw ko ito para may pagka-abalahan. "Napa'no ba kasi 'yan?" takang tanong ni Simon na abala naman sa pag-

