TATUM'S POV Nakataas ang kilay ko habang nakatingin kay Toose, ito naman ay nakayuko lang at halos hindi na makatingin ng diretso sa mga mata ko. Napakabaliw niya, malala. "Toose Lincoln. Balak mo ba akong pakainin ng singsing? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ano ngayon ha? Ikaw ang nakalunok. Pa'no kung ako ang nakalunok niyan at nagkaroon ng komplikasyon? Magpapa-opera na naman ako para matanggal 'yan," mahaba kong sermon sa kaniya na nginiwian nito. "S-sorry na," mahina nitong sambit at suminghap. "Ako na nga itong nakalunok pero sinesermunan mo pa ako. Ni hindi ko man lang narinig mula sayo ang mga salitang, 'Toose, mahal ko, ayos ka lang ba?' o 'kawawa naman ang pinakamamahal ko, halika nga rito at yayakapin kita'," pangangaral naman nito sa akin. Umirap na lang ako sa hangin at napa

