TATUM'S POV Mariin kong ikinuyom ang aking kamao habang nakatanaw sa mga kandida't kandidatong nasa entablado at nagtatagisan ng gandahan at talento. "Hoy! Wala kang karapatang kabahan dahil hindi ka naman rumarampa," wika ni Simon na nakatayo sa tabi ko. Epal neto. Ngumuso ako at bumuntong-hininga. "Kinakabahan ako para kay Toose. Ito ang unang beses na sumalang siya sa isang pagligsahan at ganitong uri pa," sagot ko at sinuklay paitaas ang aking buhok sa sobrang kabado. Legit ang kaba ko para kay Toose, alam ko namang kakayanin niyo ito, pero hindi ko pa rin talaga maiwasang 'wag mag-alala. Napunta naman kay Simon ang atensyon ko nang bigla nalang niya akong inakbayan. Tatanungin ko sana siya kung anong ginagawa nito nang mapansin kong may nakatayong babae sa harapan namin. "Hi."

