TATUM'S POV Nagsibabaan kaming lahat sa sinasakyan naming bus nang makarating na kami sa aming paroroonan. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong hinarap ako ni Toose at umuwang ang labi nito, para siguro kausapin ako pero mabilis akong umalis upang tumulong sa mga maaarte kong mga kaklaseng babae na maraming dalang gamit, pwede na atang pang isang buwan ang mga dala nila. Hindi ko tuloy alam kung field trip lang ito o pinalayas na sila ng magulang nila. "Nailabas niyo na ba lahat?" Nagsitanguan na lang kami nang magkaharap na kaming lahat at nagkukumpulan sa isang park. Hindi lang iisang section 'to, pero hindi din gaano karami. Pinagmasdan ko ang mga estudyante at napangiwi nang mabilang kung iilan lang kami. Saktong tatlumpu lang kami kasama na si Sir Mendez, maging ang mga nasa

