I WATCHED RANCEL kissed Akki while holding it in his arms. Nakangiti siyang bumaling sa akin kaya ngumiti ako pabalik. Hanggang sa nilapitan ko na siya at agad niyang binitawan ang alaga namin para ako ang yakapin.
“How’s Singapore?” tanong ko at inayos ang kanyang buhok. Brushing it using my fingers. He looks pleased as I continue doing it. Habang ang kanyang mga kamay ay nasa aking baywang.
“It was fine.” He lazily answered. “Kumusta ang procedure? May result na ba?”
Tumango ako at nahihirapan na lumunok. Mas umangat ang ngisi sa labi niya at hinawakan ang aking tiyan. He caressed it like already expecting it. Mariin akong pumikit at tumigil sa ginagawa hanggang sa napansin niya at umangat ang tingin sa akin. Our eyes met and I didn’t smile back.
“Was it not successful?” mahina ngunit may kamaligan niyang tanong.
Hindi ako kumibo.
“Impossible. Seryoso ka ba Cams? O nagbibiro ka lang?” sinubukan niyang humalakhak.
I pushed his shoulders a bit to distance myself. Until I heard him cursed in the air. Hanggang sa nagpakawala siya ng mabigat na pagbuntong hininga habang nakapamaywang. He watches Akki roam around the garden. In our backyard. Hindi maitago ang pagkadismaya niya at panandalian na pagkatulala.
“Rance…”
“Anong sabi ng Doctor? Pwedi pa bang subukan ulit?” he persistently questioned. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng bigat. I was at least… expecting him to also… comfort me? Not to sound demanding like this.
“Pwedi naman daw ulitin.” Sinubukan kong maging maayos.
“Then we will try again,” he remarked and loosen his necktie. Tsaka siya naglakad para lampasan ako. “Kakauwi lang problema na naman,” I heard him mumble before he left me in the garden.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at sinaksak sa dibdib nung marinig iyun sa kanya. Kahit hindi niya sinasadyang masaktan ako o saktan sa salitang iyun, hindi maiiwasan na iyun ang maramdaman ko.
Akki barked and went to my feet. Tila may bara sa lalamunan ko nung umupo ako at hinawakan siya sa ulo. Pinipilit na intindihin na lang ang nangyayari.
PAGPASOK KO sa kuwarto ay naabutan ko si Rancel na nakatulog na sa kama nang hindi pa naaayos ang ilan niyang mga gamit. I went to his luggage to put some of his things in the cabinet.
When I saw him move a bit, I stopped.
“What are you doing?” paos niyang tanong at nakakunot ang nuo. Umupo siya at bumaba ang kumot dahilan para makita ko ang hubad niyang katawan, walang damit pang-itaas.
“Inaayos ko lang. Go to sleep.”
“Come on, Babe. Matulog kana, bukas na yan.” he tapped the bed beside him. He pinched his eyes, halatang antok na antok pa.
“Matulog kana, ayos lang ako. Aayusin ko lang ito.” I managed to smile at him.
“Baby, come here. Sige na,” he said gently. “Dito kana sa tabi ko. I want to hug you.” He glanced at his things and his jaw tightened a bit, mabilis na bumalik sa akin ang titig niya.
He licked his lower lip when I finally put down his stuff and went to the bed beside him. Hinila niya ako sa kanyang dibdib at mabilis na niyakap. He buried his face on my neck, minsan ay nararamdaman ko ang paghalik niya roon. Hanggang sa umibabaw siya sa akin at sinimulan akong halikan sa labi. But something is bothering me. I have known about Rance for too long. His small actions… I already memorized it.
“I love you,” he whispered and sealed my lips for another longing kiss.
“I love you too, Rance,” I expressly said. Hinawakan ko ang panga niya at banayad niya akong nginitian. His eyes were filled with lust and undeniable thirst. “I love you so much,” I said, putting a mark on my words. Gusto kong maalala niya kung bakit niya ako niligawan, kung bakit naging kami, kung bakit niya ako pinakasalan. Because we love each other… We love each other without looking for what is missing. We just love each other like what matters is us, together.
THE NEXT MORNING, maagang umalis si Rancel at nangakong hindi magpapagabi para magkasabay kaming kumain ng dinner. Dahil doon ay pumasok ako sa opisina ni Rancel, maliit lang iyun. Hinalughog ko ngunit sa huli ay wala rin akong nahanap.
I sighed heavily as my body fell slowly on the floor. Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ako. Hanggang sa napansin ko ang mga damit ni Rancel na dapat ko ng i-laundry ngayon. I stood up and took all the clothes.
Pero nung i-check ko ang bulsa ng isa sa mga paboritong suotin ni Rancel ay nakapa ko ang isang maliit na papel. Napanguso ako at napagtantong bill iyun.
“This was two days ago,” I mumbled and checked the time. Gabi iyun, isang restaurant. And the bill was for two people.
My lips parted a bit. Nanghihina akong napakapit sa upuan.
“Business meeting? Probably a client?” sambit ko sa sarili upang maibsan ang pag-iisip ng kung ano-ano. Mariin akong pumikit at napaupo na lang habang paulit ulit na binabasa ang lugar.
Ang lugar ay nandito sa Pilipinas, hindi pamilyar sa akin ang restaurant. Malayo rin dito sa amin. Napahilamos ako at kinalma ang sarili. Tama si Aubrey kung ganun? Nakauwi na siya ng Pilipinas pero nagsinungaling siya sa akin at sinabing nasa Singapore pa?
Am I missing something?
KASAMA KO sina Atom at Aubs para puntahan ang lugar kung saan nakita ko ang bill. As much as I don’t want to tell them this, magtataka lang silang dalawa kung kaya ay pinaalam ko na rin ang totoong dahilan.
“That’s impossible, Cams. Ilang taon na kayo ni Rancel, kailan ba siya nagloko? Mas iisipin ko pa nga na ikaw ang unang magloloko sa inyo kaysa sa kanya.” Aubrey is beside me, si Atom naman ay nasa likod namin at tahimik lang na nakasunod. “Kailan ba pinaradam ni Rancel na may iba siya. You don’t even get jealous because he never made you feel that way… Anyway, you should talk to him about it instead of getting anxious. Baka naman maling hinala lang.”
Pumasok kami sa loob at pumuwesto malapit sa bintana. The restaurant doesn’t look fancy. Simple lang at mukhang hindi rin dinadayo ng mga tao. Kaunti nga lang ang narito dahil masyadong malayo at mahirap hanapin.
“Alfredo pasta po, dalawa.” Aubs smiled at the waitress who took our order.
“Bakit dalawa lang?” Angal ni Atom. “What am I? Invisible?”
Masamang tinignan ni Aubs si Atom na nasa tabi ko.
“Dalawa lang yung nasa bill, oh! Hindi tayo nandito para kumain.” Pinakita ni Aubs iyun sa kanya. “Share kayo ni Cams, mukhang wala namang gana si Camille kumain.”
The table went silent when the food was served under our table. Tinitigan ko ang dalawang pasta at dalawang drinks na nasa lamesa. Napabuntong hininga ako at nahihirapang iproseso ito.
“Baka hindi kay Rancel yan. Hindi naman yun kumakain ng Pasta.” Aubs commented. Atom looked at me seriously, worried and problematic.
“I don’t know…” paos at garalgal kong pahayag. Pinipigilan ang pagpatak ng luha sa aking pisngi.
Bago pa bumagsak ang luha ko ay hinila na ako ni Atom para yakapin. Aubs stood up and went beside me, to also rub my back. Para pakalmahin ako.
“Hindi ‘to magagawa ni Rancel. Hindi naman gago yun.” He held my head while I was crying on his chest. “Let’s give him a chance before we jump and conclude. Let’s give him the benefit of the doubt. Hindi ganito si Rancel, he wouldn't do anything stupid. He waited for you, malaki rin ang sinakripisyo niya para mahintay ka at maging kayo. Pinaghirapan ka niya, Cams. Kung itatapon niya ito dahil lang sa temptasyon, he must not be on his right mind.”