FLASHBACK, Spring Season
Prestige International School
ILANG ARAW ANG lumipas matapos ang naging interaksyon namin ni Rancel sa classroom. Mas naging malapit kami sa isa’t isa. Mas naging madalas ang aming pagsasama. Na kung minsan ay bumubisita na siya sa bahay dahilan ng pagtataka ng aking mga magulang.
“Natutuwa akong malapit na kayo sa isa’t isa. Ngayon lang ito nangyari, ang makita kita rito sa bahay na walang okasyon.” Mom gestured to the maid to put the food under the table.
“Narito siya para tulungan ako sa Math,” agap kong paalam kay Mama para naman ay hindi na siya mag-isip ng kung ano. Alam niyang gusto niya kami ni Rancel para sa isa’t isa, pero ayoko na pinapangunahan kami. Lalo na at magkaibigan pa lang naman kami sa ngayon.
Tipid na ngumiti si Rancel at sinulyapan ako. Hindi ako makatingin dito kaya uminom na lang ako ng juice at inalok siya.
“Magsimula na tayo?” Ngumiti ito at nanatili ang titig sa akin. Tumango ako agad at narinig ang halakhak ni Mama sa tabi.
“I like it, Rancel. That you go to our house. If ever, don’t bring Cami anywhere out of the house. Without our permission. Mas matutuwa ako kung narito lang kayo sa bahay.” Banayad na ngumiti si Mama at hindi maitago ang pagkatuwa sa mukha. “Our family is conservative and follows traditional rules. You know what I mean… Cami is our only child. If you want her, follow the rules of our house and the family.”
Napanguso si Rancel at nagpakawala ng marahan na halakhak.
“Yes, tita. Hindi naman mahirap ang hinihingi ninyo. I respect that and I will follow what you want, for Camille.”
Uminit ang pisngi ko at tinignan si Mama. Bakit ganito ang usapin? Magkaibigan lang naman kami?
“Then I’ll leave you two here.” Pinagsiklop niya ang dalawang palad at umalis na para ipagpatuloy ang pinagkakaabalahan niya sa kusina.
“Dito ka,” sambit ni Rancel at tinapik ang espasyo sa kanyang tabi. Sumunod naman ako at tinignan ang libro na hawak niya. “Mas magaling si Rico sa subject na ‘to. Sigurado ka ba na sa akin ka magpapatulong?” Napahawak siya sa batok.
“Ikaw naman ang nag-suggest.”
Ang sabi ko kasi ay nahihirapan ako sa Math, tapos sabi niya pwedi naman kaming mag-group study. Pero mukhang kami lang ni Rancel ang natuloy ngayon. Dahil si Lucianda ay may lakad kasama ang ilan niyang kaibigan. Si Sandro naman ay may date. Sina Rico at Siv nagbasketball.
WHEN THE EVENT of our school happened, I was the one who was in charge of the broadcasting room. Ito ang aming booth na naisip. Akala namin nung una ay hindi magiging patok sa estudyante pero laking tuwa namin at marami ang mga letter sender.
“Atom,” I whispered and handed him a letter. It was a confession incorporated with a dedication song. Kaya natutuwa ako na nandito.
“Oh! Chocolates,” abot ni Lucy at umupo sa tabi ko. She is swaying the swivel chair making it move slightly.
“Saan galing?” ngisi ni Atom at inabot ko sa kanya ang box.
“Ewan ko, nasa taas ng locker ko.” She shrugged her shoulders.
Tumikhim si Atom at hinawakan ang mic para basahin ang letter. He has a good quality voice, kaya siya na ang may hawak ng mic. Palitan sila ni Lucianda. Tumutulong na lang ako pagdating sa mga letters.
“Now playing, You and Me by Lighthouse.” He pressed the button and leaned on the chair. “Ayos ‘to, daming senders.” Ngumisi siya sa akin.
“I like hearing confessions. Kahit para sa ibang tao.”
Kumuha ng chocolate si Atom.
“Talaga? You’re an old fashion, mahilig ka pala sa letters ah.” Tukso ni Lucy at pabiro akong kiniliti. Natatawa akong umiwas.
May kumatok sa glass window mula sa labas kaya napabaling kami roon. Isa sa mga kaklase namin.
“Pre! Tawag ka ni Mam.” The guy said it pertained to Lucy. Agad naman itong tumayo at umalis.
“Balik ako agad.” She winked and left the room.
Hindi nagtagal ay patapos na ang kanta kaya mabilis ko ng hinanda ang panibagong letter na isusunod naming isalang.
“Cami, next sender,” bulong ni Atom na naghihintay sa akin dahil sa pagkatulala ko nung makita ang pangalan ko sa pink na mabangong papel at may isang bulaklak sa gilid. “Bakit?” He grabbed the letter and his eyebrows met. Taka ito nung una at namangha pero kalaunan ay napangisi tsaka ako tinignan.
“The letter was for me,” bulong ko at hindi makapaniwala.
“Mukhang may admirer, ah!” tudyo niya at nagmamadali iyung binuksan. Tumikhim pa ito bago basahin ang letter. “Some people are old souls and the next letter is for one of the people I am talking about. She is a grade 8 student from Aguinaldo Section, Camille Romero. Camille Romero, if you’re listening, this letter is for you.” Pinigilan niyang mapahalakhak nang sulyapan ako.
Uminit ang pisngi ko at kabado na medyo excited na marinig ang nasa sulat. Nagseryoso na si Atom tulad ng kanyang ginagawa tuwing nagbabasa na ng mga letters.
“Dear Cami… nung makita kita na pumasok sa silid last year, you already caught my attention and made my heart fall for your kindness. Your beauty is radiating from the outside. You’re a good person that should be taken care of…” He chuckled a bit so I looked at him. He is destroying the vibe with his playfulness. “I’ll take care of you. I’ll be here guarding you. Cam, I like you so much.” There was a long silence before Atom pressed the button to insert sound effects.
Napangiti ako at biglang natunaw sa mga narinig. Hindi naman ito ang unang beses na makarinig ng confessions. Pero yung maisip ako sa ganitong paraan at sitwasyon ay nakakatunaw ng puso. And the letter, I like it.
“I will dedicate this song to her, ‘Synesthesia’ by Mayonnaise.”
Mayabang na humilig si Atom sa swivel chair at nilagay ang dalawang braso at hinilig ang ulo habang nakaupo.
“Asan na yung letter? Pwedi bang kunin?”
'Stay with me
Yes, I know, this can't be
As morning comes
I'll say goodbye to you when I'm done
Through the sun'
He shrugged his shoulders and put the letter on the desk. Napangiti ako at kinuha yun tsaka inamoy. He looked at me a bit weirdly. Pero wala akong pakialam.
‘Because I'm waiting for you
Waiting for this dream to come true’
Nagpatuloy ang kantang hindi pamilyar sa akin.
‘I'm always here, guarding you
Slowly falling into you’
Nabulabog ang silid sa pagpasok ni Lucy at sumisigaw na lumapit sa akin. I thought at first because of the confession. Pero mukhang may iba pang rason.
“Punta ka sa soccer field. May surprise! Si Rancel! You have to come with me.” Hinila niya ako patayo.
“Huh?” Lito kong nilingon si Atom.
“Iiwan niyo ako rito?” hindi niya makapaniwalang tanong.
“Saglit lang kami, promise!” She excitedly dragged my bag.
Nung malapit na kami sa field ay doon na natapos ang huling linya ng kanta.
‘And if I die
Remember these lines
I'm always here, guarding your life’
Saktong naabutan namin si Rancel at iba pa naming mga kaibigan na agaw pansin sa gitna ng field. Holding a banner asking if I can allow him to court me. Naroon sina Sandro, Rico, Ninya at Aubrey. Marami ang students na nakapaligid sa eksena. But my attention was only on Rancel. Holding a beautiful bouquet of flowers.
Slowly walking in my direction. Nakaramdam ako ng kaba at malakas na pagkalabog ng aking dibdib. Pinipigilan niya ang pagngisi at ramdam kong kinakabahan din siya. Napapahid siya sa nuo dahil sa butil na pawis doon. Marahil sa init o kanina pa sila rito sa paghahanda.
Naningkit ang mga mata ko, kaya pala wala sila sa loob ng broadcasting room? They were all here, huh?
“Camille Romero, pwedi na ba kitang ligawan?”
Nabingi ako sa tilian pero hindi iyun naging rason para maalis ang titig ko kay Rancel. His charming smile and good-looking appearance. Pasok na pasok sa aking ideal man. I didn’t have feelings for Rancel, but upon going out together… it grew.