(PRESENT)
December
Salaez’ Residence
HINALUNGKAT AT isa-isa kong sinuri ang mga gamit na nilagay namin doon ni Rancel. We were in high school when we started collecting memories. Karamihan na gamit na naroon ay akin, because what he has is his camera to capture all the memories we don’t want to forget.
May notebook, photo album, mayroon din ng box ng chocolate at bulaklak na ginawa niya sa papel. Just some random stuff that we know brings so much impact and joy to us, the reason why we kept it in our love box.
Kinuha ko ang album at binuksan iyun. Unang bungad sa akin ay larawan namin nung mga bata pa kami. Our parents are good friends, dahilan para kaming dalawa ay naging magkaibigan din kalaunan. I was wearing a ponytail on both sides while holding a lollipop and innocently looking at the camera habang sa tabi ko ay si Rancel na nakatingin sa akin at may konting ngiti sa labi niya. Mataba ang pisngi at lumilitaw ang sobrang puting kulay niya. He was a fat kid. I laughed a bit remembering that he gets annoyed every time people pinched his cheeks.
And I remember how we were always present to our families on occasions and gatherings. I will wear a cute dress and he will wear charming formal clothes. And then the party will become like a fairytale in the books I always read. Even when we were young, he never forgot to take care of me.
I turned to the next page of the album. It was us, we were in high school in the picture. Just wearing our uniform on simple days. Who would imagine that… those days we were together are now painful to bring back, each time I try to recall and reminisce the memories. Hindi ko mapigilang masaktan ng sobra sorba. Hindi ko rin mapigilan na matuwa. Halo-halong nararamdaman.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
FLASHBACK, Spring Season
Prestige International School
I heard the clicking sound of the camera, dahilan para mapabaling ako kay Rancel na umiwas ng tingin at agad binaba ang kanyang hawak na mamahaling camera. Nakita ko ang pagngisi ni Lucianda sa likod nito at kinuha ang camera.
“Why are you taking stolen shots from Cami?” sita nito at tinaasan ng isang kilay si Rancel.
“Akin na. Sinong may sabing kinukuhanan ko siya ng litrato? I am documenting everything for the school program.” Mabilis na hinablot iyun nito.
Tahimik lang akong pinapanuod sila at umiwas ng tingin. Hindi na iyun pinansin at nagpatuloy sa pagsusulat sa notebook, copying what is on the board.
“Ano? Ano?” Rancel is being defensive. “Palibhasa wala kang alam kundi makipag-date. Classroom president pero laging wala sa mga meetings.”
“Sssssh! Ang ingay niyo!” Pagpapatahimik sa kanila ni Ninya na nasa likod ko. Iritabli dahil kanina pa nadi-distrak sa kanilang pagtatalo.
Lucy just chuckled mockingly and went in front of us. Tinakpan ng katawan niya ang nasa pisara. Pumalakpak para kunin ang atensyon naming lahat.
“Malapit na yung foundation day. May naisip na ba kayong booth?” She put her hands on her waist and waited for a response.
“Kissing booth. Ikaw representative para maraming kita!” sigaw ng isa sa lalaki sa likod namin. Nagsigawan ang mga lalaki sa likod, nagpatuloy lang ako sa pagsusulat habang nag-uusap sila. Ang lalaki ay nakatikim ng sapak mula kay Sandro kaya mas umingay ang tawanan nila.
“Hindi yan papayagan, may boyfriend yan,” nakangising saad ni Sandro at umupo sa lamesa, nakikisabay sa gulo ng mga lalaki sa likuran namin.
I raised my hand to contribute a better idea. Tutal may magaling na photographer namin kami sa room, bakit hindi na lang siya ang pagkakitaan namin.
“Why don’t we do a photo booth? We can use some creative materials to make it more engaging, para hindi rin boring.” Napasulyap ako kay Rancel sa likod na nakaupo at naabutan kong nakatitig sa akin. “Si Rancel na lang ang photographer natin. Kilala siya bilang maging na photographer ng school.”
“I am busy,” agad nitong sagot kaya naglaho ang ngiti sa labi ko at napahiya ng konti roon.
Saglit natahimik ang classroom. That seems a rejection to me, to hear that from him. Usapan ay crush niya ako pero nung diretso niya akong tanggihan ay naisip ko na baka nga isa lamang iyung rumors na walang katotohanan. Si Lucy at Sandro lang naman ang nagkakasundo na biruin si Rancel pagdating sa akin, sa kanila rin naman nagsimula iyun.
“Ah… okay,” nahihiya kong sambit at dinaan na lamang iyun sa pagngiti. Napalunok ako at nagpatuloy na lang sa pagsusulat.
“Hindi ako pwedi dahil abala ako sa pagkuha ng larawan kasama ang mga journalist org.”
Okay.
“Okaaay. So, hindi pwedi ang photobooth.”
“We can still choose it. Everyone can take pictures,” mahinang sambit ko pero narinig nila iyun lalo na at nasa unahan lang ako. May kapitan pa kay Rancel.
“Yes, but not as good as a pro.” Napalingon ako kay Rancel at napanguso dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “Are you saying that our job is too easy? That everyone can do it without sweat?”
“Ah… hindi naman iyun ang ibig ko.”
I remember that we were close when we were just kids. Pero nung nagtungtong kaming high school ay nagkahiyaan at hindi na ganun nag-uusap. Kahit may family gatherings ay batian lang ang nagaganap sa pagitan namin.
Nabasag ang katahimikan sa pagpasok nina Siv at Rico.
“Narinig namin sa kabilang section marriage booth ang gagawin nila!” anunsyo ni Siv. Bukas ang dalawang buttones ng polo, the usual thing about him. “Masaya yun! Dapat mas maganda yung sa atin.” Paglapit nito kay Lucy.
“Confession broadcast confession or dedication,” Aubrey said and stood up. Umupo siya sa lamesa sa unahan at pinagkrus ang hita habang ang dalawang palad ay nasa lamesa. “We can dedicate a song. Message. Or confess. They can use codenames or their real name. How about that?”
Napaisip si Lucy at nilahad ang dalawang palad sa mga kaklase namin na agad naman nilang sinang-ayunan.
WHEN I CAME back to the room while on our PE subject in the gym, naabutan ko roon si Rancel na mag-isa. Mag-isa rin akong pumunta rito para kumuha ng tubig dahil nakalimutan ko. He seemed to be looking in his bag for something also.
“May naiwan ka rin?” palakaibigan kong tanong. Ang alam ko ay magkakaibagan kami, but he is always with boys. That’s why I have less interaction with him now that we are in high school.
“Oo.”
Lumapit ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko.
“Sorry kanina. Were you offended?”
“I’m not. I just said what I wanted to say.” Humarap siya sa akin at lumapit hawak ang camera niya na mukhang iyun ang naiwan. “Hindi ka pumunta nung birthday ko.” He said out of nowhere. Nakita ko na mas lumamig ang titig niya sa akin.
“Ah… pumunta sila Mom and Dad.” Sinubukan kong ngumiti.
“Ikaw ang hinihintay ko. Hindi ka dumating ka,” diretsa niyang sagot kaya natigilan ako roon sa pagkamangha. “I am always present at your birthday. Ikaw din sa akin. Pero wala ka ngayon.” Kumunot ang nuo niya.
“Ahm…” hindi ko alam ang sasabihin. “Sorry. Bibigyan na lang kita ng regalo.” Para gumaan ang loob mo.
“Huwag na. Hindi naman yun ang gusto ko.”
Napanguso ako.
“Are you heading back to the gym?” tanong niya. “Let’s go back together.”
“Ah! Sige,” mangha ko pa rin na sagot at nginitian siya.
If I can remember it clearly, nagsimula sa simpleng interaksyon hanggang sa lumalim at mas napapalapit kami sa isa't isa. It eases the awkwardness we felt slowly, dahil sa pagpipilit ng mga magulang namin na maging magkaibigan kami. And we both know, we will never start as friends. There is still something between us. Something a bit awkward, something special, something that we both knew that doesn't end with friendship.
Hindi ko alam kung dahil na sa mga taong nakapalibot sa amin na kami ang gusto para sa isa't isa. O sadyang nagustuhan na nga talaga namin iyun kalaunan.