♫ Nasa ‘yo na ang lahat
Minamahal kita ‘pagkat
Nasa ‘yo na ang lahat
Pati ang puso ko… ♫
"GRRR!!! Kainesssshhh!!!" Sigaw ng dalagitang si Rica sabay bato ng remote sa screen ng TV.
Naabutan siya ng roommate niya na si Joyce. "Hoy, Rica! Bakit binabato mo iyang TV? Alam mo bang sa roommate ko pa yan dati na si Akira. Ang saklap lang ng naging kapalaran ng hitad na iyon. Panget na nga, panget na bulag pa ang inasawa..."
Humalikipkip si Rica. "Eh, sa naiinis ako, Joyce! Did you know what just happened? Isang chakang kaderder na girl ang hinalikan ang Grampy Love Daniel Padilla ko!"
"Hay nakow, Rica. Artista iyan si Daniel at para sabihing sa iyo siya ay isang kabaliwan! Ilusyunada! Bwahaha!" Natatawang umalis si Joyce.
Busangot ang mukha niya.
♫ Nasa ‘yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa ‘yo na ang lahat
Pati ang puso ko… ♫
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang boyfriend...
Matagal bago ito nasagot ng nasa kabilang linya.
"Hello, Granny Love?"
Granny Love at Grumpy Love ang tawagan nila ng kanyang bi-ep.
"Bakit ang tagal mong sagutin ang phone?!" Galit-galitan agad si Rica.
♫ Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa ‘yo na ang lahat
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa ‘yo na ang lahat ♫
"Pasensiya ka na, Granny Love. Katatapos lang ng prod ko sa ASAP eh. Napanood mo ba?" Pa-cute na sabi ni Daniel sa kanya.
"Oo naman. Napanood ko. At nakita ko kung paano ka i-kiss ng malanding babaeng iyon!"
"Granny lo-- "
"Hep! Granny love your face! Mukhang nag-enjoy ka pa nga eh."
Tumawa si Daniel sa kabilang linya. "Ang rude naman siguro, Granny Love, kung papalag ako. Ikaw eh, nagboyfriend ka ng pogi at artista..."
♫ Lahat na mismo nasa ‘yo
Ang ganda, ang bait, ang talino
Inggit lahat sila sa’yo
Kahit pa tapat man kanino ♫
Nag-pout si Rica. "Hmpft! Yabang mo."
"Sorry na, Granny Love. Wag kang mag-alala, hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kanino, okey? Saka tanga na lang ako kung hahanap pa ako ng iba ano? Nasa iyo na ang lahat eh! Maganda, mabait...Smart pa!"
"Bola mo! Bumawi ka. Kailangang bumawi ka, Grumpy Love, sa akin!" At ibinaba na ni Rica ang cellphone.
♫ Kaya nung lumapit ka sa’kin
Ay, bigla akong nahilo
Di akalaing sabihin mong ako na ‘yon
Ang hinahanap mo… ♫
Biglang dumating si Joyce. Nakita nitong nakasimangot siya.
"Ay, teh! Hindi ka pa rin nakakamove-on sa nanghalik kay Daniel? Artista yun, ano ka ba. Malay mo gimik lang iyon para pag-usapan siya. Para mag-trending siya sa Twitter!" Umupo ito sa tabi niya at nakinuod din ng TV. ASAP pa rin ang palabas.
"Eh kasi naman nangako siya sa akin na ako lang kikiss sa kanya!"
Sinalat-salat bigla ni Joyce ang leeg niya. "Wala ka namang lagnat bakit kung maka-hallucinate ka ay severe?"
"Bakit ba ayaw mong maniwalang boyfriend ko si Daniel Padilla?" Himutok niya.
"Ewan ko," umiiling na sabi nito.
♫ Nasa ‘yo na ang lahat
Minamahal kita ‘pagkat
Nasa ‘yo na ang lahat
Pati ang puso ko… ♫
An hour later...
Ding dong! Ding dong!
Doorbell iyon.
"Joyce, pabukas naman ng door. Nasa banyo ako eh..." sabi ni Rica.
"OK."
Halos tatlong minuto pa rin ang lumipas pero wala siyang narinig kung sino ang bisita nila.
"Joyce, sino iyon? Yung naniningil ba ng Avon at Natasha?" sigaw na tanong niya habang papalabas na siya ng banyo. At natigilan siya ng makita niyang nakatumba sa sahig si Joyce habang hinihipan ni Daniel ang mukha nito.
"OMG, Grumpy Love!" Sigaw ni Rica. "A-anong ginawa mo sa kaibigan ko? Pinatay mo siya!"
♫ Nasa ‘yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa ‘yo na ang lahat
Pati ang puso ko… ♫
"Granny Love, hindi. Eh nanghimatay bigla ng makita ako... Paano ba 'to?" Napakacute ng expression ni Daniel. Para itong nag-aalalang natatakot.
Hinila niya sa paa si Joyce at inilagay sa isang tabi. "Hayaan mo na muna siya diyan. Gigising din iyan...Oo nga pala, bakit ka andito? May kasalanan ka pa!" At galit-galitan na naman ang drama ni Rica.
Bigla siyang hinawakan sa kamay ni Daniel and gave little kisses sa kamay niya. "Kaya nga ako andito para bumawi diba? Magbihis ka na at may pupuntahan tayo..." Ngumiti ito sa kanya.
♫ Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa ‘yo na ang lahat
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa ‘yo na ang lahat ♫
Umirap si Rica. Ganda-gandahan pa ang loka.
"Kung inaakala mong madadala mo ako sa pagti-treat mo sa akin for dinner, nagkakamali ka!"
Tinitigan siya ng mataman ni Daniel. "Hindi naman iyon ang gagawin natin eh..."
Kumurap-kurap si Rica. Matutunaw siya sa titig ng boyfriend niya. "Eh ano?"
"Basta! Bihis ka na, Granny Love!"
"O-okey, Grumpy Love..." at nagtungo na si Rica sa kanyang kwarto para magbihis...
♫ Kinikilig pa rin ako
Ang sarap magmahal ‘pag panalo
Nag-iisa sa puso ko
Ito’y kaya ‘di na ba magbabago ♫
Paglabas niya ay napasipol si Daniel sa outfit niya na summer dress. "Wow! Ang ganda naman ng Granny Love ko!"
Kinikilig na kinurot ni Rica sa tagiliran si Daniel. "Bolero ka talaga porket may kasalanan ka eh."
"Bakit, totoo namang ang ganda mo eh. Ako na nga ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo kasi akin ka..."
"Kanino mo naman natutunan ang linyang iyan? Sa Tito Robin mo?"
Natatawang sumagot si Daniel. "Hindi ah. Oh pakiss muna sa Granny Love ko..." Hiling sa kanya ni Daniel.
♫ Ako ang pinili sa dami
Ng ibang nirereto
Hindi akalaing
Sabihin mong ako na lang
Ang hinahanap mo… Ohh ♫
Akmang hahalikan na siya ni Daniel nang pisilin ni Rica ang manipis at malambot na labi ni Daniel.
"Bakit, Granny Love?" Nagtatakang tanong ni Daniel.
"Naglinis kaba bago mo ako i-kiss? Tandaan mong may ibang kumiss sa iyo kanina!" aniya.
"Granny Love naman... Hindi naman niya ako nahalikan sa lips. Dito lang oh," sabay turo ni Daniel sa sariling ilong. "Sa ilong."
"Kahit na!"
"Oo na. Naligo na ako. Nag-alcohol at sanitize pa nga eh."
Pagkasabi noon nito ay mabilis na hinalikan sa labi si Daniel.
KYAAAAAAAAAAAAA!!!
♫ Nasa ‘yo na ang lahat
Minamahal kita ‘pagkat
Nasa ‘yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh ♫
Nangingiti matapos si Daniel. Medyo tulala rin.
"Oh ano, Grumpy Love? Lets go?" aniya.
"Pwede mag-request, Granny Love?"
"Ano 'yun, Grumpy Love?"
"Pwedeng isa pa?"
"Isa pang...?"
"Kiss!" Mabilis na sagot sa kany ni Daniel.
"Tama na nga. Tara na." At nauna na siyang lumabas ng pintuan.
"Granny Love naman eh!" Himutok ni Daniel.
♫ Nasa ‘yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa ‘yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh ♫
"DANIEL, bahay niyo ito ah. B-bakit mo ako dinala dito?" Hindi talaga makapaniwala si Rica sa lugar na pinagdalhan sa kanya ng kanyang boyfriend.
"Oo nga. Ipapakilala na kita kay Mommy!"
"What?!" Nanlalaki ang mata na bulalas ni Rica. "Dapat sinabi mo. Nakakahiya itong ayos ko... Hindi ako nakapag-ready!" Pagkasabi noon ni Rica ay inilabas niya sa kanyang shoulder bag ang four-inch stiletto niya at isinuot iyon. Tapos ay inilabas niya ang make-up kit at nag retouch ng bongga.
"Hindi ka nga ready..." Natatawang sabi ni Daniel.
♫ Nasa ‘yo na ang lahat
Minamahal kita ‘pagkat
Nasa ‘yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh ♫
Pagpasok nila ni Daniel ay nakita niya ang masasarap na pagkain na nakahain sa malaking hapag-kainan.
Nakangiting sinalubong siya ng mommy ni Daniel. "Naku, andito ka na pala. Ikaw pala si Rica... Napakaganda mo nga pala like DJ said..."
"Thank you po, Tita Karla, and good evening na rin po..." Medyo nahihiyang sabi pa ni Rica.
"Halika na kayo... Masamang pinaghihintay ang pagkain!" Anyaya ng mommy ni Daniel.
♫ Nasa ‘yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa ‘yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh ♫
Masayang-masaya si Rica ng gabing iyon dahil napatunayan niyang seryoso si Daniel Padilla sa kanya. Ipinakilala siya nito sa buong family nito. The next day ay isinama siya nito sa ABS-CBN at ipinakilala rin siya nito kay Kathryn Bernardo at Enrique Gil. Proud na proud pa itong sabihin sa lahat na girlfriend siya nito...
Labis na nagulantang ang buong Pilipinas sa balitang taken na si Daniel Padilla. Maraming kababaihan at kabaklaan ang nalungkot at halos magpakamatay sa katotohanang nakita na ng isang Daniel Padilla ag babaeng hinahanap-hanap nito dahil nasa babaeng iyon na ang lahat at walang iba iyon kundi si Rica.
♫ Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa ‘yo na ang lahat
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa ‘yo na ang lahat ♫
"HOY... Gising... Gising na."
"Huh? Panaginip lang?" Nanghihinayang na sabi niya.
"Ano bang pinagsasasabi mo, DJ? Bumangon ka na diyan at male-late ka na sa taping mo..." sabi sa kanya ng mommy niya.
Kakamot-kamot sa ulo na bumangon si Daniel. Kinuha niya ang kanyang laptop at inopen ang kanyang f*******: account...
Tinignan niya agad ang profile ng babaeng gusto niya.
Ang profile ni Rica...
Napanaginipan na naman niya ito...
Hay...Sana ay masabi na niya ang nararamdaman niya para dito...
♫ Nasa ‘yo na ang lahat... ♫