AKIRA's POV
♫ Hindi alam kung bakit ako’y nahuhulog hulog sa’yo
Hindi alam kung bakit ako’y nahuhulog hulog sa’yo ♫
Six... Five... Four... Three... Two...
WAAAANNN!!!
Six-thirty naaa!!!
"Tahooo!!!"
Dali-dali akong kumuha ng pera at binilang iyon. Sampung piso. Sakto!
Dumungaw ako sa bintana namin...
"Ding! Pabili ako ng ten pesos na taho mo... Please?" Nilandian ko talaga ang pagkakasabi ko niyan.
"Oh eto taho mo, Akira. With extra s**o!" sabi niya at inabot ko agad ang taho.
♫ Naaalala mo ba dati nung una kang makita di’ba?
Wala ka ngang kagwapuhan na maipakita ♫
Pagkakuha ko ng taho ay agad kong hinigop ang matamis nitong arnibal. "Mmmm. Yum yum yum Ding! Tamis ng arnibal!" At naubo ako ng bongga dahil sa sobrang tamis.
"OK ka lang ba, Akira?"
"I'm OK..." Tinignan ko ang kanyang mukha. Grabe! Ang panget niya pero OK lang. Ang mahalaga naman ay ang nararamdaman ko sa kanya.
♫ Inaasar ka na kulang ka sa bitamina
At mukha mo daw nasabugan pa ng dinamita ♫
Naalala ko pa ng una kaming nagkita...
Oo nga pala. Ako ay may pagkamakata kaya patula kong ikukwento ang lahat...
Ganito kasi iyon...
Six o'clock ng umaga habang ako ay nagjojogging,
Hindi gaanong malakas ang ihip ng hangin,
Feel na feel ko kaya ako ay papaling-paling...
At dahil wala sa daan ang aking paningin, nabangga ko ang magtatahong si Ding!
Oh Ding! Ako ay nasabugan ng tahong sa balikat mo'y nakabitin...
Napasigaw ako ng: "Eeeeengggg!"
Agad kang lumapit sa akin, at ang sabi: "Bakit sa iyong dinaraanan di ka tumitingin?"
Hindi ako makasagot, namesmerize ako sa mata niyang duling!
Iyon ang una naming pagkikita ng panget na si Ding...
Sunod naman ay noong isang gabing madilim...
Nang ako ay pagtangkaang halayin, doon sa dilim sa tapat ng sibin-ilibin...
Pitong sanggano ang gustong ako'y pasukin, at si Ding ang tanging nagtanggol sa akin...
Tumawag ako ng pulis ng ikaw bugbugin...Pati ambulansiya ay dumating. Ang tunog: WENG! WENG! WENG!
♫ Pero kahit na pangit, bakit ba?
Gustung-gusto ko pa rin na mapa-sa’kin ka
Kahit mukha kang galit, sa akin happy ka
Kahit parang ‘di ka tinatablan ng mahika ♫
At simula nga noon, kay Ding ako ay nahumaling...
Walang ibang hiling kundi ang siya ay makapiling...
Kahit na laging ulam namin ay laing at daing basta sa pusikit na gabi siya ay makasiping!
♫ Hindi alam kung bakit ako’y nahuhulog hulog sayo
Hindi alam kung ano bang nadudulot dulot nito ♫
"Hoy bruha! Nangarap ka na naman!" putol ni Joyce sa pagbabalik-tanaw ko.
"I love you..." Wala sa sariling turan ko habang minamasdan ang papalayong si Ding.
Sinundan din ng tingin ni Joyce si Ding sabay sapak sa akin. "I love you kanino? Ke Ding? Gaga! Bulag ka ba Akira? Panget kaya noon! Mukhang paa!"
"OK lang. Sa lahat naman ng paa siya lang ang nagpapa-foot spa. Oh diba? Sa lahat ng mukhang paa siya na ang pinakagwapo!"
♫ Hindi ka naman gwapo
Macho, di masyado
Ngunit sabi ng puso’y oo oo ♫
"Malabo na nga ang mata mo bruha ka. O siya, aalis na ako. Pakawalan mo ang mga dobberman paglalayas ka ha! Babuu!" Pagpapaalaam ni Joyce.
Si Joyce ang roommate ko sa tinutuluyan kong apartment. Teka, bakit ba si Joyce ang topic? Dapat ang labidoo ko lang na si Ding, no.
Hmp. Marami nga ang nagsasabi sa akin na bakit daw sa panget na si Ding pa daw ako nagkagusto. Pumili-pili naman daw ako ng mas gwapo pa kay Ding ng kahit konti. Ang sagot ko na lang ay: Ano bang pakialam nila, eh sa kanya tumibok ang puso ko eh!
♫ Sabi ng barkada wag na lang daw sana
Ngunit sabi ng puso’y oo oo ♫
ISANG GABI...
"Oh, Akira. Gabing-gabi na andito ka?" Nagtatakang tanong sa akin ni Ding nang pagbukas niya ng pinto ng bahay niya ay ako ang nabungaran niya.
Ngumiti ako...
"Laing para sa iyo, Ding!" at tuloy-tuloy akong pumasok sa bahay niya. Pumunta ako sa kusina at inilapag doon ang ulam.
♫ Baka walang mag-iba kung sinapak ka sa
Iyong mukha pagka’t parang tinapakan ka
Baka sa galit ng diyos may kinalaman ka
O nagmadali lang siya nung ginawa ka niya ♫
Tinignan ko si Ding.
Parang ang sarap tumira sa ilong niya na parang kweba.
Siguro pag siya ang kasama ko, hindi ako mabobored kasi may libangan ako. Pwedeng gawing connect-the-dots ang mga pimples niya sa mukha.
Naaalala ko tuloy ang Webster Dictionary sa labi niya. Ang kapal!
"Salamat, Akira sa laing pero kumain na ako eh..." aniya.
"Ganun ba? Hmm... May labahin ka ba diyan? Lalabahan ko na!"
"Naku! Wag na. Nakakahiya naman!"
Mabilis akong lumapit sa kanya. "Don't be shy, Ding. Lahat ng ito ay ginagawa ko para sa iyo because I love you!"
♫ Pero kahit na pangit ka, akin ka
Ikaw ang baterya sa puso ko na makina ♫
Natigilan si Ding sa sinabi ko.
Sinamantala ko ang pagkabigla ni Ding. Sinabasib ko ng halik ang makapal niyang labi...
Lasang... Tahoooooo.....!!!
♫ Kahit mukha kang paa, nakaka-loose ka
At least ikaw yung tipong paa na naka-foot spa ♫
"B-bakit mo ako hinalikan?" tanong niya.
"Can't you see? I love you, Ding!"
Ngumiti siya. "Sa totoo lang, Akira... Mahal din kita!"
♫ Hindi alam kung bakit ako’y nahuhulog hulog sayo
Hindi alam kung ano bang nadudulot dulot nito ♫
WALA nang madaling salita at paligoy-ligoy. Isang buwan lang ang nakalipas ay nagpakasal na kami agad-agad ni Ding. Simple lang...
Kahit pinagtatawanan kami ng ibang tao sa kasal namin ay hindi ko sila pinansin.
Paki ba nila?!
♫ Hindi ka naman gwapo
Macho, di masyado
Ngunit sabi ng puso’y oo oo
Sabi ng barkada wag na lang daw sana
Ngunit sabi ng puso’y oo oo ♫
Isa pa, wala naman iyan sa hitsura diba?
Nasa nararamdaman iyan...
Kahit gaano pa kapanget ang isang tao, basta puso mo na ang nagdikta. Hay naku teh! Wag mo nang pakawalan. Once in a lifetime ka lang makakaramdam ng ganyan..
Ang ma-inlove sa isang panget!
♫ Kahit ano pang sabihin nila
Malabo daw ang aking mata
Alam ng pusong iibigin at ikaw ang para sa akin ♫
"Akira! Napakaswerte ko dahil ikaw ang napangasawa ko," minsan ay sabi ni DIng habang ako ay nagsasaing.
"Bakit naman?" Kinikilig na tanong ko.
"Eh kasi ang ganda-ganda mo..."
♫ Sayang daw ang pustura kung ganyan ang itsura
Alam ng puso’ng iibigin
at ikaw ang para sa akin ♫
Kinurot ko siya sa tagiliran. "Asus! Sige na. Paabot na lang ng sandok, please..."
Pakapa-kapa na sumunod sa akin si Ding. At inabot sa akin ang isang...
"Ding, hindi iyan ang sandok. Kawali iyang hawak mo.." sabi ko.
Kakamot-kamot sa ulo na sumagot si Ding. "Pasensiya ka na, Akira. Nagsisisi ka ba na nakapag-asawa ka ng bulag na tulad ko?"
Sa sinabi niyang iyon ay bigla ko siyang niyakap.
♫ Hindi alam kung bakit ako’y nahuhulog hulog sayo
Hindi alam kung ano bang nadudulot dulot nito (pero mahal kita) ♫
"Hinding-hindi ako nagsisisi, Ding!"
Oo. Ang totoo niya, DIng is blind. Kaya nga niya ako nabangga noong nagtitinda siya ng taho kasi di niya ako nakita. Nabugbog siya sa mga sangganong nag-rape-- Oopps! I lied. Hindi ako rereypin noon... Hinoldap ako ng pitong lalaki. At dahil bulag si Ding ay talagang nabugbog siya ng husto.
♫ Hindi ka naman gwapo
Macho, di masyado
Ngunit sabi ng puso’y oo oo (Ang pangit mo. Ang chaka mo.) ♫
Siguro nagtatanong kayo kung bakit masasabi kong maswerte ako sa tulad ni Ding na panget na nga ay bulag pa.
Dahil sa hitsura kong ito na mas panget pa kay Ding, maswerte na ang magkaroon ako ng asawa. Kung nakikita lang ni DIng kung gaano rin ako kapanget baka hiwalayan na niya ako!
Hindi naman ako choosy kasi di rin naman ako yummy...
♫ Sabi ng barkada (Paki nila.) wag na lang daw sana (Mahal kita)
Ngunit sabi ng puso’y oo oo ♫