DENNISE's POV***
♫ There was once a time
When I thought of no one else but you ♫
"We're done." Xerun said.
We're done your face. Asshole!
"OK. I guess... Hanggang dito na lang talaga tayo." sagot ko. Instead.
"Naging masaya ako noong tayo pa." he said.
Talaga lang ha? Masaya ka pala pero nakikipag-break ka? Funny!
"Ako din naman..." I smiled. Fake.
♫ You’d look into my eyes
And I’d see the whole world
In front of me ♫
Tumikhim si Xerun. "OK then, goodbye, Dennise. Thank you and... Good luck na rin!" Tinapik niya ako sa balikat.
What is that for "tapik sa balikat"? Ano ba niya ako, tropa? The heck!
Tinignan ko si Xerun habang papalabas siya ng Starbucks. Gusto ko siyang habulin at yakapin at sabihing hindi ako pumapayag sa pakikipag-break niya. Ayaw ko lang kasi na masasagi ang ego ko. Babae ako at ayaw kong magmukhang kawawa sa harapan niya.
Matapang ako. Matatag.
Gosh! Parang gusto ko talaga siyang...
Haist! Bahala na!
♫ We were perfect for each other
No one else would dare compare, no ♫
"Xerun!" Sa wakas. Naisigaw ko din ang pangalan niya. Tumigil siya at lumingon sa akin. "Sandali lang..." sabi ko at tumayo na agad ako sa aking kinauupuan.
Lumapit ako sa kanya.
"Bakit Dennise?" tanong niya.
"Xerun, hindi na ba kita mapipigilan? Baka naman magagawan pa natin ito ng paraan?"
"Akala ko ba OK-- "
"Hindi ako OK, okey? Ang tanong ko lang naman ay kung-- "
"Hindi na." Mabilis niyang sagot. "This will never work out, Dennise." dugtong pa niya.
♫ Thought that we were steadfast
But feelings don’t last
Oh no, no ♫
Mapait akong ngumiti sabay tingin sa kanya.
"Pero kung sakalaing magbago pa ang isip mo at gusto mo akong balikan, andito lang ako. Wag mo lang akong babalikan ng umiiyak ka dahil sa sinaktan ka ng ibang babae dahil sasapakin kita. Gets mo? Sasapakin kita!" At iniwan ko na siya.
Ewan... Nawala ang pride ko dun pero ayos lang.
Wish ko lang ay magbago ang isip niya at bumalik ulit sa akin si Xerun...
♫ But if you ever change your mind,
Don’t you dare come back to me cryin’ ♫
XERUN's POV
"DAMN, Xerun. You're late again?!" Sigaw sa akin ni Valeen. Ang babaeng ipinalit ko kay Dennise. "Dapat marunong kang magpahalaga ng oras katulad ng taong kilala ko noon!"
"Sorry, Valeen… May pinagawa pa kasi sa akin si Mama kaya ako na-late." sagot ko.
Tinignan niya ako. "Bakit? SIno bang mas importante sa iyo, ako o ang nanay mo?!"
I was so shock sa sinabi niya. "Valeen!"
"OK. Fine. Tara na nga!"
♫ I want you back again
‘Cause oh what we had was more than fine ♫
Hanggang sa magdesisyon na ako na..
"I want to end this!" sabi ko kay Valeen.
Natahimik siya..."End this, what? Conversation?"
"No. I want space..."
Nakita ko ang paglumbay ng kanyang mukha. "B-bakit hindi mo pa ako diretsuhin, Xerun?"
♫ I needed someone who would love me
More than he loved himself ♫
Yes, i broke up with Valeen dahil masyado na akong nasasakal sa relasyong meron kaming dalawa. At sa paghihiwalay naming dalawa ay isang tao agad ang aking naisip.
Si Dennise...
♫ You said you’d never lie
That you’d never make me cry, my dear
Did you mean every word you said
Or were you messin’ with my head
All these years ♫
DENNISE's POV
Three years after...
"Dennise... Dennise. Gising..."
"Hmmm. Antok pa ako Ma..." Ungot ko.
"Dadalawin natin ang Kuya Kenneth mo sa sementeryo ngayon.."
Bigla akong napabangon. Oo nga pala. First death anniversary ng Kuya Kenneth ko ngayon at ang girlfriend niya na si Victoria. Pagkabangon ko ay tinungo ko agad ang banyo upang maligo.
♫ Were we perfect for each other
Or was this all just pretend, ohh? ♫
Sa sementeryo...
Paalis na kami sa luagr na iyon nang matigilan ako dahil nakita kong nasa harapan namin si Xerun. Automatic na nag-flashback ang lahat-lahat ng ala-ala ko sa kanya.
Nang magkakilala kami...
Nang ligawan niya ako at sagutin ko siya...
Ang mga dates namin, tawanan at iyakan.
At ng iwanan niya ako...
♫ Seems it ended so fast
But feelings don’t last, oh no, no ♫
"Xerun..." Awtomatikong lumabas iyon sa aking bibig.
"Dennise..." At sinugod niya ako ng yakap.
♫ But if you ever change your mind
Don’t you dare come back to me cryin’
I want you back again ♫
Umiiyak na niyakap ako ni Xerun. "Dennise… Heto na ulit ako. I'm back... Alam mo ba na wala akong naging succesful na relationship after we broke up? Ang tanga-tanga ko kasi pinakawalan kita noon...Mahal na mahal pa rin kita Dennise... Andito na ulit ako. Hinding-hindi na kita iiwan!" aniya.
♫ ‘Cause oh what we had was more than fine
I needed someone who would love me
More than he loved himself
More than he loved himself
Himself, himself ♫
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin.
May pagtataka sa kanyang mga mata.
"Xerun..Hindi na tayo pwede eh..." Sabi ko.
Kumunot ang kanyang noo. "Ha? Bakit? Anong hindi na pwede?" Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat. "I am back, Dennise..."
Umiling ako.
♫ But if you ever change your mind
Don’t you dare come back to me cryin’
I want you back again ♫
Isang dalawang taong batang babae ang lumapit sa akin at hinigit ang laylayan ng aking palda. "Mama... Sino po tiya?" bulol na tanong sa akin ni Danielle.
Yumukod ako sabay pisil sa ilong ni Danielle. "Isang dating kaibigan, anak. Tara na, siguradong naghihintay na sa bahay ang Papa mo..." At kinarga ko na siya.
Hindi ko na kailangang magpaliwanag pa kay Xerun. Siya ang nag-iwan noon, hindi ako. Nakakatuwang isipin na bumalik siya sa akin na umiiyak pero hindi dahil gawa ng ibang babae. Bumalik siyang umiiyak dahil sa akin...
Iniwan kong nakatulala si Xerun...
Nagtatanong.
Lumuluha...
Nanghihinayang... Marahil.
♫ ‘Cause oh what we had was more than fine
I needed someone who would love me
More than he loved himself ♫