Track 03: HANGGANG WAKAS

982 Words
VICTORIA's POV ROOM 401... 402... 403... ♫ Kay tagal kong naghanap ng isang katulad mo Katuparan ng pangarap ang ako'y mahalin mo ♫ Tumigil ako sa harapan ng hospital room number 403. Huminga ako malalim at nilakasan ang aking loob. Bumulong ako sa aking sarili, "Ano ka ba naman, Victoria. Parang first time mong makikita si Kenneth na nakahiga sa hospital bed na iyon at hinang-hina." ♫ Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin Ngayon nagtatanong bakit bigla kang babawiin ♫ Ngumiti ako. Isang ngiting alam kong pilit. Marahan kong itinulak ang pinto upang mabuksan iyon... "V-victoria?" Narinig ko ang mahinang pagtawag ni Kenneth. Nilapitan ko siya... "Paanong nalaman mo agad na ako ang dumating?" tanong ko. Marahan siyang tumawa. Kulang sa sigla. "Kilala ko na kung pano ka magbukas ng pintuan eh.." Hinalikan ko siya sa noo. "Hmm. Oo nga pala, ibinili kita ulit ng sari-saring prutas. Tapos bukas, dadalawin ka ng mga classmates natin. Sabado kasi at--" "Miss ko na ang school..." bigla niyang sabi. Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Naiiyak ako pero hindi ito ang tamang lugar. Hindi sa harap ng boyfriend ko na kulang-kulang dalawang buwan na lamang ay babawiin na sa amin ng Maykapal. "Namimiss ko na iyong pamamasyal natin... Kulitan..." pagpapatuloy pa niya. "Naipapasyal pa naman kita ah at nagkukulitan pa rin tayo, diba?" Umupo ako sa bangkong nasa gilid ng kanyang kama at masuyong pinagmasdan ang buo niyang mukha. ♫ Kung kailan pa natagpuan pag-ibig na walang hanggan Saka naman puputulin ng isang mabigat na karamdaman ♫ Napakagwapo pa rin ni Kenneth kahit inilugmok na siya ng sakit na leukemia. Kahit na maputla na ang dating mapupula niyang labi. Kahit na wala nang sigla sa kanyang mga mata at kahit na humpak na ang kanyang pisngi. Napakabata pa ni Kenneth para mawala at kulang pa sa akin ang isang taon kaming magkasama. Gusto kong siya na ang makasama ko habang buhay...At alam kong ganun din ang nais ni Kenneth. Gusto kong sabay kaming tatanda... Sabay kaming magkakasipon... Sabay na iindahin ang sakit ng rayuma... Nakakatawa kasi napakabata pa namin pero habangbuhay. Siguro nga ganoon lang namin kamahal ang isa't-isa. "Oo nga pero lagi naman akong naka-wheelchair..." malungkot na sabi ni Kenneth. "Hayaan mo paggaling mo-- " Umiling siya. "Harapin na lang kasi natin ang katotohanan Victoria. Mawawala na ako...Dalawang buwan? Isang buwan!" "Tumigil ka!" Napataas ang boses ko noon. Bumalong na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. ♫ Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi Mamahalin pa rin kita Kahit na alam ko na mawawala ka ♫ Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Kung may magagawa nga lang ako para pahabain ang buhay mo Kenneth ginawa ko na! Pero wala eh..Hindi ako Diyos. Pinipilit kong magpakatatag para sa iyo. Para hindi mo makitang nahihirapan din ako kapag nakikita kang ganyan..." "Gaya ng sabi mo, hindi ka Diyos...Tanggapain na lang natin ang kapalarang binigay niya sa akin..." ♫ Mamahalin pa rin kita Kahit na alam ko na mawawala ka Asahan mong pag-ibig ko'y wagas Tayong dalawa hanggang wakas ♫ Tumayo ako habang umiiyak. Biglang sumabog ang mga emosyong matagal ko nang kinikimkim. "Hindi mo kasi alam ang pakiramdam kung paano makitang ang taong mahal mo ay unti-unti nang mawawala, Nakakatakot na baka paggising ko wala ka na. Nakakatakot isipin na baka ito na ang huli nating pag-uusap... Baka ito na ang huling pagsasabi ko sa iyo kung gaano kita kamahal. Kenneth, naman... Ayaw kong mawala ka... Mahal na mahal kita..." Patuloy ako sa pagluha. Tumalikod siya ng pagkakahiga sa akin. "Mas mabuti pa sigurong ngayon pa lamang ay masanay ka nang wala ako… Umalis ka na, Victoria..." "K-kenneth...?" "Umalis ka na." "P-pero--" "Sabing umalis ka naaa!!!!" Umiling ako sabay takbo palabas. Hindi ko maintindihan si Kenneth. Tumakbo ako ng tumakbo habang panay ang laglag ng luha sa aking mga mata.. T.T ♫ Huwag ka nang mag-alala na ako'y mag-iisa Pipilitin kong kayanin masakit mang tanggapin Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin Ngayon di na magtatanong kung bakit babawiin ♫ Ang gusto ko lang naman ay ang makasama siya... Ang gusto ko lang naman ay ako ang huli niyang makikita bago niya tuluyang ipikit ang kanyang mga mata... Tumawid na ako sa kalsada... "Mababangga iyong babae!" Narinig kong sigaw ng ilang tao. Huh? Sinong mababangga? Hindi! Pagharap ko sa aking kanan ay nakita ko ang isang humahagibis na truck na tinutumbok ang kinatatayuan ko... ♫ Alam ko na ito'y paalam lang na pansamantala Balang araw ikaw rin at ako ay muling magkakasama ♫ KENNETH's POV Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko. Nakahiga ako sa hospital bed. Hinang-hina na ang katawan ko. Minasdan ko si Victoria sa kabilang kama. Nakahiga siya doon at nakapikit... Humihinga pero tila wala ng buhay. Brain dead na si Victoria. Tanging ang mga tubo at aparatong nakakabit sa kanyang katawan ang bumubuhay sa kanya. Naaksidente siya... Isang buwan na ang nakakalipas... Tanggap na ng pamilya ni Victoria ang sinapit niya... Hinihintay na lamang nila ang pagpanaw ko at tatanggalin na rin nila ang aparatong nakakabit sa katawan niya... ♫ Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi Mamahalin pa rin kita Kahit na alam ko na mawawala ka ♫ "Victoria..." tawag ko pero wala siyang sagot. "Alam ko na ang pakiramdam na ang taong mahal mo ay mamamatay na. Maskit… Mahirap...Victoria..." Kahit mahirap ay pilit kong inabot ang kanyang kamay at hinigpitan ko ang pagkakahawak roon. ♫ Asahan mong pag-ibig ko'y wagas Tayong dalawa hanggang wakas ♫ Naramdaman ko ang pagbagal ng aking paghinga. Parang gumagaan ang aking pakiramdam... At sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang pagkakagulo ng mga nurse hanggang sa tuluyan ko nang ipikit ang aking mga mata... ♫ Asahan mong pag-ibig ko'y wagas Tayong dalawa hanggang wakas ♫
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD