Track 02: ANONG NANGYARI SA ATING DALAWA?

861 Words
XERUN's POV ♫ Ikaw ang pinangarap Ikaw ang hanap-hanap ♪ ♫ Masaya kami noon ng babaeng mahal ko. Ganoon naman talaga yata kapag start pa lang ng isang relationship. Matamis...Parang hinog na mangga. Masarap sa una pero kapag napabayaan mo na... Nabubulok. Hindi naman sa sinasabi kong "nabubulok" na ang relasyon namin pero mukhang doon na rin ang punta noon... Nakakalungkot lang isipin na wala naman siyang ginawang masama at mali pero hindi ko alam ang talagang dahilan kung bakit ko gustong makipag-break sa kanya... Six years na ang relasyon namin. Bakit ngayon pa? Marahil ay nagsasawa na rin ako sa araw-araw naming routine... Routine... Dahil paulit-ulit na lamang... Gigising. Phone calls... Magkikita... Papasok sa trabaho... Sabay na uuwi... Phone calls... Hanggang sa makatulog. ♫ Ngunit bakit nagbago ang lahat Ang init ng pagmamahal Parang naging salat ♪ ♫ Noong bago pa lang kami, madalas niyang ipaalala sa akin ang kahit na napakaliit na bagay... "Xerun, hindi ka dapat kumakain ng masyadong mamantika na pagkain ha?" "Xerun, dapat kumuha ka ng crash course sa painting. Sayang, may talent ka pa naman doon, ha?" At marami pang iba na noon ay ikinatutuwa ko naman kasi aware ako na may pakialam siya sa akin... Pero hanggang sa maramdaman kong nasasakal na ako.. Binabago na ako ni Xerun ng dahan-dahan... Hindi dapat ganyan.. Dapat ganito. Nakakasawa na. ♫ Pangako habang buhay Nangakong di magwawalay Ngunit ba't lumamig pagmamahal ♪ ♫ Ngayong araw na ito. Tatapusin ko na ang lahat ng namamagitan sa aming dalawa ng girlfriend ko. Oo, alam ko. Mahal ko pa siya pero gusto kong mabuhay ng walang nagdidikta..Gusto kong ibalik iyong dating ako na binago ng mga demands niya... "I have meeting pero I cancelled it dahil sa gusto mo akong makita, Xerun," iyon agad ang bungad niya pagkadating niya sa favorite restaurant namin. Well favorite niya lang pala. I hate Japanese foods pero para sa kanya naging favorite ko na iyon. Favorite kolor ko dati blue, ngayon red na. Favorite ko dati ang manuod ng NBA, ngayon hindi na. Favorite ko noon ito, ngayon iyon na. OK naman talaga ang lahat eh... Hindi ko lang talaga alam kung ano na ba talaga ang nagyayari sa ming dalawa. ♫ Parang di na ikaw Sa Maykapal ang dinasal ♪ ♫ "M-may sasabihin nga pala sa iyo..." Kinakabahan kong sabi sa kanya. "Order muna tayo..." aniya. "No-- " "Ano bang gusto mo? Waiter!" tawag niya sa waiter. "No! Stop. I want to end this!" Bigla kong nasabi. Natahimik siya..."End this, what? Conversation?" "No. I want space..." Nakita ko ang paglumbay ng kanyang mukha. "B-bakit hindi mo pa ako diretsuhin, Xerun?" ♫ Anong nangyari sa ating dalawa Akala ko noon tayo ay iisa Ako ba ang siyang nagkulang O ikaw ang di lumaban Sa pagsubok sa ating pagmamahalan ♪ ♫ Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. Tinitigan ko siya sa magaganda niyang mga mata. Pilit kong hinahanap doon ang dating babae na minahal ko. Wala na siya. Wala na... "Papaano kung hindi na pala ako ito?" sabi ko sa kanya. "Paano kung gusto ko nang tapusin ang relasyon natin?" "So you want to break up with me." Umubo siya ng bahagya para matanggal ang bara sa kanyang lalamunan. "Meron bang iba, Xerun?" Umiling ako. "Nagkulang ba ako?" she asked again. "Hindi ka nagkulang. Sa totoo lang, sumobra pa nga at iyon ang ayaw ko. Masyado na akong nasasakal!" ♫ Anong nangyari sa ating dalawa Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na Damdamin ay nasasaktan Puso'y nasusugatan Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan ♪ ♫ Natahimik siya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Umiiyak na ako maging siya... "Xerun, bakit? Anong nangyari sa ating dalawa? Hindi ko akalain nahahantong ito sa ganito. iyong mga pangarap natin... Pangako sa isa't-isa. Papakasalan mo pa ako, diba? You promised that..." Hindi ko kayang makita siyang umiyak. "I still love you at mahirap nang mabago iyon... Kaya lang..." "Kaya lang ano?" ♫ Nasaan ang sumpaan Akala ko ay walang hanggan Ngunit bakit ngayo'y nasasaktan Hanggan dito na lang ba Ang ating walang hanggan ♪ ♫ Minasdan ko siya. "Valeen..Hindi na ako ito eh. Your'e transforming me into a another person. Ginagawa mo akong si Vince. Your dead boyfriend!" deklara ko. ♫ Anong nangyari sa ating dalawa Akala ko noon tayo ay iisa Ako ba ang siyang nagkulang O ikaw ang di lumaban Sa pagsubok sa ating pagmamahalan ♪ ♫ Napatayo si Valeen. "That's not true!" "Iyon ang totoo, Valeen. face it. Hindi ka pa rin nakaka-move on sa pagkawala niya. Hindi ba?" Mahinang tango ang nakuha kong sagot. Doon na lalong bumalong ang luha sa aking mga mata. ♫ Anong nangyari sa ating dalawa Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na Damdamin ay nasasaktan Puso'y nasusugatan Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan ♪ ♫ Tumayo na ako pero biglang nagsalita si Valeen. "Saan ka pupunta?" "Hiwalay na tayo, Valeen. Break na tayo..." "Pero mahal kita, Xerun..." Mapait akong ngumiti. "Mahal kita, Valeen, but I have to let you go dahil mali na itong nangyayari sa ating dalawa. And also you have to let go of your past bago mo sabihing mahal mo ako.." ♪ ♫ Anong nangyari ♪ ♫
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD