♫ Pwede bang ako na lang ulit
Ang ngalang lagi mong nasasambit ♫
"Jenny, pwede bang ako na lang ulit?"
Natigilan ako sa tanong na iyon ni Vince.
Napaisip ako...
Pwede pa nga ba?
Posible pa kaya?
May pag-asa pa ba?
♫ Baka sakaling magbago takbo ng isip mo
Kaya’t tinatanong ko na
Baka kasi pwedeng ako na lang ♫
Five months before...
"Jenny, let me explain! Hindi totoo ang nakita mo." Hinahabol ako ni Vince habang mabilis akong lumalakad. Gusto kong tumakbo pero wala ako sa track and field para gawin iyon. Nasa public place kami. Sa mall to be exact.
Pinagtitinginan na kami ng tao.
"Anong hindi totoo? Nakita ko kayong magkaholding hands na lumabas ng sinehan ng Valeen na iyon! Hindi ako bulag. Vince niloloko mo na nga ako pinagmumukha mo pa akong tanga!" Gusto ko siyang sampalin sa totoo lang.
Nakita kong papalapit sa kinaroroonan namin ang ahas na si Valeen.
♫ Pwede bang subukan pang isa
Baka naman ako’y mahal mo pa ♫
"Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya, Vince, ang totoo?" sabi pa ni Valeen.
"Ang kapal naman ng mukha mo, Valeen!" Matigas na sabi ko sa kanya. "Akala ko kaibigan kita. Ahas! Magsama kayong dalawa!"
♫ At kung wala nang damdamin sa aki’y ayos lang
Hindi ako magagalit
Pero baka pwedeng ako na lang ulit ♫
At ngayon, tinatanong ako ni Vince kung pwedeng kami na ulit after niya akong lokohin. Porke ba wala na sila ngayon ni Valeen? Ano ako panakip-butas niya?
"Jenny, pwede bang ako na lang ulit?"
"Vince, I’m sorry pero wala na eh. Wala na akong tiwala sa iyo.." sagot ko.
Hinawakan niya ako sa dalawa kong kamay. "Ibabalik ko ang tiwala mo sa akin. Just give me a chance, please." aniya.
Dapat ko nga ba siyang bigyan ng second chance?
♫ Hayaan mong ika’y tulungan ko
Hanapin ang lugar sa puso mo
Siguro kahit konti pa
Ako’y may daratnan
Buhayin ang nakaraan
Ako sana ay pakinggan ♫
Pag-iisipan ko...
Isang linggo at hanggang isang buwan na ang mabilis na lumipas. Nakita ko ang pagpupursige ni Vince na mahalin ko ulit siya.
Nililigawan niya na ako ulit. Sinusuyo.
Araw-araw ay ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako kaimportante sa kanya pero hindi ko ipinaparamdam sa kanya na naa-appreciate ko iyon dahil baka sabihin niya na ganun-ganun niya ulit ako makukuha.
Papahirapan ko pa siya ng konti pero ang totoo ay gust ko na siyang sagutin ulit..
Konti pa. Konting-konti na lang at magiging kami na ulit ni Vince...
♫ Dinggin mo ang hiling ng puso ko
Nanabik ang buhay ko sa ‘yo
Araw gabi wala akong ibang hinihiling
Magbalik na sa ‘king piling
Baka kasi pwedeng ako na lang ulit ♫
MAAGA akong nagising ng araw na ito. Medyo napuyat kasi ako kagabi sa paggawa ng letter para kay Vince. Ngayong araw ko na sasabihin sa kanya na pinapatawad ko na siya at pwede na kaming maging kami ulit.
Ang mabuti pa ay tawagan ko na muna siya para makipagkita...
Halos one week din kasi siyang hindi nagparamdam.
"Hello, Vince?"
"Jenny?" sagot niya.
"Vince, pwede bang magkita tayo ngayon?"
Pumayag naman siya. Sa park kami magkikita.
♫ Hayaan mong ika’y tulungan ko
Hanapin ang lugar sa puso mo
Siguro kahit konti pa
Ako’y may daratnan ♫
Nag-ayos ako bago pumunta sa park. Medyo nauna ako pero ilang sandali pa ay dumating na si Vince. Nagtaka lang ako kasi kasama niya si Valeen.
"Jenny, nagkabalikan na kami ni Valeen. Tanggap ko na sa puso o na hindi na pwedeng maging tayo ulit. Salamat Jenny at tinulungan mo akong maka-move on sa iyo. Lahat ng pambabalewala mo sa akin noong sinusuyo kita ay naging silibing pamukpok sa ulo ko para matauhan ako na wala na talaga tayo at kasalanan ko lahat ng ito..." Nakangiti niyang sabi.
"Pero-- "
"Salamat, Jenny. Hinding-hindi na kita guguluhin dahil kami na ulit ni Valeen..."
♫ Buhayin ang nakaraan
Ako sana ay pakinggan ♫
Nakatulala ako ng iwanan nila ako. Kumawala sa kamay ko ang sulat na aking ginawa. Tinangay iyon ng hangin...
Gusto kong habulin si Vince ng mga oras na iyon.
Gusto kong sabihin na mahal ko pa siya.
Na sana kung pwede ako na lang ulit...
Huli na pala ang lahat para sa amin. Sana ay noon ko pa sinabi at hindi ko na pinatagal pa!
♫ Ako sa ‘yo pa ri’y nagtatanong
Mahal pa ba ako hanggang ngayon
Baka kasi ang oras natin ay lumpipas na
At ang kahapo’y magbalik
Baka maisip mong ako na lang ulit ♫
Umuwi ako ng bahay na umiiyak.
Sinalubong ako ng kapatid ko na si Kuya Benjo. Isa siyang leader ng fraternity sa aming lugar.
May galit sa boses na tinanong niya ako. "Bakit ka umiiyak Jenny?! Sinong may gawa sa iyo niyan, ha?!"
Over-protected talaga sa akin si kuya.
Umiiyak na yumakap ako sa kanya. "Kuya… Si Vince. Si Vince, kuya..."
"Ang walanghiyang iyon!" Galit na sabi ni Kuya Benjo...
♫ Nanabik sa ‘yong halik
Pwede ba sana ako na lang ulit ♫