Track 09: SANA'Y MAGBALIK

1011 Words
♫ Bawat sandali Hindi mapakali Hinahanap kita Yakap mo’t mga halik Ba’t di na madama ♫ "LOUIE, bilisan na da natin sabi ni Sir Manny. Kailangan na daw niya ang mga flowers sa shop nila in 15 minutes!" sabi ko sa two-year-long boyfriend ko na si Louie. Nagtatrabaho kaming dalawa sa isang flower farm at sa delivery kami naka-assign. "Masyado namang nagmamadali iyang si Sir Manny. Aabot kaya tayo dun, Aizhey?" tanong niya. "Kung bibilisan mo ang pagdadrive!" At tumawa ako. Ganun na nga ang ginawa ni Louie. Medyo binilisan niya ang takbo namin... ♫ Bigla kang nawala Na para bang bula Di man lang nagpaalam Di ka ba nag-aalala Damdamin ko’y nasasaktan ♫ Hindi ko alam pero biglang nahulog iyong cellphone ni Louie. Ako na sana ang kukuha pero siya na mismo ang yumukod para kuhain iyon. Bigla akong napasigaw ng makita kong isang babaeng tumatawid ang mababangga namin. "Louie mababangga mo iyong babae!" Agad na nag-angat ng ulo si Louie. Kinabig niya pakaliwa ang manibela pero nabangga pa rin noon iyong babae. Nagpaekis-ekis ang takbo namin. Nang makita naming babangga kami sa isang poste ay agad akong niyakap ni Louie... ♫ Araw at gabi Wala ka na sa ‘king tabi Paano na ako Paano na tayo ♫ VICTORIA... Iyon ang pangalan ng babaeng nabangga namin ayon sa mga pulis. Nakakapagtaka na wala akong masyadong naging pinsala nang bumangga ang truck sa poste... Pero si Louie... Fifty-fifty ang chance na mabuhay siya. Comatose. Nagtungo ako sa chapel sa hospital. Lumuhod at nagdasal. Hindi ko napigilan ang aking mga luha. "Diyos ko... Huwag Niyo po sanang kukunin sa akin si Louie. Kailangan ko pa po siya. Marami pa kaming pangarap na tutuparin... Ibalik Niyo na po siya sa akin..." Tinapos ko ang dasal na iyon sa isang sign of a cross. Binalikan ko na si Louie sa kwarto nito sa hospital. ♫ Sana’y magbalik Maghihintay ako sa ‘yo Puso’y magtitiis Kahit di ko alam ang ‘yong pagbabalik ♫ Pagbalik ko sa kwarto niya ay tila maiiyak na naman ako sa kaawa-awa niyang hitsura. Lumapit ako sa kanya at idinampi ang aking labi sa labi niya. Pagpikit ko ay dumausdos na ang luha sa aking mga mata. Hindi na niya kayang gumanti sa mga halik at yakap ko. "Louie, bumalik ka na please... Mahal na mahal kita..." sabi ko. ♫ Kapag nag-iisa Naalala ka Umiiyak na lang Iniwan mong di ko alam ang dahilan ♫ MAHIGIT isang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Louie. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyadong nasanay ako na andiyan siya sa tabi ko. Mahal na mahal namin ang isa't-isa. Nakaupo ako noon sa park sa likod ng hospital. Nag-iisip. Pinapanood ko ang mga batang naglalaro roon. "Palagi kitang nakikita rito..." Isang boses ng babae ang narinig ko. May isang magandang babae ang nasa harapan ko. Nakangiti siya at napakaaliwalas ng mukha niya... ♫ Kung nasaktan man kita Kaya lumisan ka Di ko sinasadya Alam kong dito sa puso ko’y mahal kita ♫ "Pwedeng umupo sa tabi mo?" tanong niya ng hindi ako nakaimik. "S-sige..." Kimi ang boses na sagot ko. Umupo siya sa tabi ko at nagtanong. "Bakit lagi kitang nakikitang malungkot?" "Comatose kasi ang boyfriend ko at hindi pa namin alam kung kelan siya magigising..." "Nakakalungkot naman..." aniya. "Mahal na mahal mo siya ano?" "Sobra... Sobrang mahal na mahal. Kung pwede nga lang pati buhay ko ay ibahagi ko sa kanya, gagawin ko." "Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong pa niya. "Aizhey..." Nakangiti kong sagot. ♫ Araw at gabi Wala ka na sa ‘king tabi Paano na ako Paano na tayo ♫ NAMITAS ako ng bulaklak na white roses sa garden sa park ng araw na iyon. Ibibigay ko iyon kay Louie pagdalaw ko sa kanya... Maya-maya ay nasa loob na ako ng kanyang kwarto. Marami-rami ding bulaklak ang napitas ko. Hinagkan ko muna siya sa pisngi at inilapag ang white roses malapit sa kanyang kamay. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha..."Louie, mahal na mahal kita. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. Hinding-hindi ako mapapagod." Biglang gumalaw ang kanyang mata...Hanggang sa unti-unti iyong nagmulat... ♫ Sana’y magbalik Maghihintay ako sa ‘yo Puso’y magtitiis Kahit di ko alam ang ‘yong pagbabalik ♫ "Louie?" May halong saya ang pag-iyak ko ng oras na iyon. Gising na si Louie! Salamat po Diyos ko! "Louie...?" tawag kong muli sa kanya. "Uuugghhh..." Umungol lang siya. Bigla ko siyang niyakap. "Salamat, Louie, at bumalik ka na!" "A-aizhey..." sambit ni Louie. "Oo, Louie. Ako ito... Si Aizhey!" Tuwang-tuwang sabi ko. ♫ Araw at gabi Wala ka na sa ‘king tabi Paano na ako Paano na tayo ♫ Biglang bumukas ang pinto ang nakitang pumasok si Aling Madel ang nanay ni Louie. Nakita ni Louie ang kanyang nanay kaya tinawag niya ito. "Mama..." "Diyos ko, ang anak ko! Nagising na!" At agad na lumapit si Aling Madel sa anak at niyakap iyon. "Tatawag ako ng doktor, anak. Sandali lang!" Aalis na sana si Aling Madel ng hawakan ito ni Louie sa braso. "Mama... Asan po si Aizhey?" Ha? Nagpapatawa ba si Louie? "Louie, andito ako..." Malungkot na sumagot si Aling Madel. "Anak, wag ka sanang mabibigla pero...Hindi nakaligtas sa aksidente si Aizhey. Patay na siya anak!" Ha? Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "L-louie… Hindi totoo iyan. Andito ako, oh! Louie!" Sumigaw ako pero hindi niya ako naririnig. P-patay na ako? ♫ Sana’y magbalik Maghihintay ako sa ‘yo Puso’y magtitiis Kahit di ko alam ang ‘yong pagbabalik ♫ Biglang pumasok sa kwartong iyon iyong babaeng nakausap ko sa par. "Halika ka na, Aizhey...Kailangan na nating umalis." Aniya. "Anong umalis?" Naguguluhan kong sabi. "Ika-apatnapu at siyam na araw na natin. Oo nga pala, ako si Victoria..." pagpapakilala niya. May nakita akong liwanag at unti-unti ay hinigop kaming dalawa noon ni Victoria... ♫ Maghihintay ako sa ‘yo Puso’y magtitiis Kahit di ko alam ang ‘yong pagbabalik ♫
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD