001

1221 Words
VRIGITTE FAITH VILLIENA Ang amoy ng alak, sigarilyo, at mamahaling pabango ay agad na bumungad sakin pagkabukas palang ng pinto ng bar. Hindi ito basta bar. Mula sa ilaw, sa musika, hanggang sa mga taong nakaupo sa malalambot na sofa—lahat ng bagay dito ay sumisigaw ng pera at kapangyarihan. Pero wala akong pakialam. Hindi ako nandito para uminom o makipagparty. Nandito ako dahil desperada na ako. Desperadang humingi ng tulong para sa buhay ng kapatid kong si Kairo. “Excuse me, ma’am, members only,” sabi ng guard sa pinto. Malaki ang pangangatawan, naka-earpiece, at parang isang maling salita ko lang ay tatalsik ako palabas. “I-I’m here for… someone. I was told to deliver something.” Nilabas ko ang maliit na brown envelope—ang papel na ibinigay ng kaibigan kong si Migs. Migs. Siya ang nagsabing makakatulong daw sakin si Zaitan Raiv Gulliermo na siya lang daw ang pwedeng tumulong sakin para mailigtas si Kairo. “Miss?” tinig ng isang babae sa gilid ko. “You’re not supposed to stand there. Do you have an appointment?” tanong pa nito. “I… I just need to talk to Mr. Gulliermo,” saad ko habang pinapanatiling steady ang boses kahit ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. The woman raised an eyebrow. “No one talks to him without permission.” may pang uuyam na sabi nito. Huminga ako ng malalim para makiusap pero napatigil ako ng may magsalita. “Let her in.” sobrang commanding ng boses, na kapag narinig mong nang utos dapat ay sundin agad, kung hindi, ay hind mo magugustuhan ang mangyayari. Lahat ng tao sa paligid napalingon. At bago ko pa mapigilan ang sarili ko, nilapitan ako ng dalawang bodyguard at dinala sa mesa niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa—mula sa lumang sapatos ko hanggang sa puting blouse ko na manipis lang ang tela. “Mr. Gulliermo,” sabi ng babaeng naghatid sakin, “are you sure—” “Let her speak,” malamig na sabi ni Zaitan, hindi man lang tiningnan ang babae, kaya pasimple akong napairap sa kawalan. Ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Diretso at parang binabasa ang kaluluwa ko. “Who are you?” tanong niya, sobrang kalmado lang pero nakakaintimidate yung dating ng boses niya. “Vrigitte. Vrigitte Faith Villiena,” sagot ko, halos maubos ang lakas ko dahil sa pagpipigil na manginig ang boses ko. “I need your help.” dagdag ko pa. Bahagya siyang ngumiti, ngiting nang iinsulto.. “My help,” he repeated, slowly. “And what makes you think I give that away for free?” saad pa niya, hindi parin naaalis ang ngisi sa labi. “I’ll pay you back. I just… I need money. Five million pesos.” matapang kong sabi, habang nakakuyom ang mga kamay ko. He laughed softly, low and amused, parang narinig na niya ‘to a thousand times. “Five million?” “Yes,” sagot ko agad. “My brother… he’s in trouble. They’ll hurt him if I don’t—” He raised a hand to stop me. “You came here… thinking I’m some sort of savior?” nakangisi parin siya pero salubong na ang mga kilay. “No, I—” “I don’t do charity, Miss Villiena” putol pa niya ulit sakin. Parang may bumagsak sa dibdib ko. Gusto kong sumigaw, pero nakatitig lang siya sa akin, kalmado, parang nag-eenjoy sa pagguho ng mundo ko. Tahimik akong nakatayo sa harap niya habang pinaglalaruan niya ang baso ng alak. Then, after a moment, he spoke again. “If I do give you five million… what will you give me in return?” tanong niya, nakangisi at nakatitig sakin na tila ba alam na niya ang isasagot ko. “Anything,” sagot ko… “’l'll do anything.” paniniguro ko pa. “Anything?” he echoed, at biglang tumaas ang isa niyang kilay. “Such a dangerous word.” saad pa niya, tila nag eenjoy sa set up namin ngayon. “Whatever it takes, I’ll pay the price.” matapang kong sabi, kahit halos bumaon na ang kuko ko sa palad ko. Napatigil ang pangangatog ng tuhod ko ng bigla siyang tumawa, dinig na dinig ang tawa niya ng kahit na sino. “And what exactly do you think you can offer me, Miss Villiena?” tanong nito sakin at bahagyang pinunasan ang tila tears of joy sa gilid ng mata niya. “My body.” Mabilis kong sagot. “You’ll give me your body?” he repeated. “And you think your body worth 5 million? oh Ms. Villiena… Kaya kong bumili ng babae na mas higit pa sayo ng hindi gumagastos kahit half a million… tapos iooffer mo sakin ang katawan mo for 5 million?” pang iinsulto nito. Tama naman siya, kaya niyang kumuha ng babae ng hindi gumagastos ng milyones, o kahit nga siguro libre pa e, dahil babae mismo ang naghahabol sakaniya. Pero may isa akong alas, na alam kong pinagkaiba ko sa mga babaeng natikman na niya. “Yes, because… I’m a virgin.” matapang kong sagot, at bahagyang napalunok. Pero ng tignan ko siya ay napailing lang siya at natawa, tila ba nakarinig siya ng biro na swak sa pandinig niya. “And you expect me to believe that?” pangiinsulto pa niya. I lifted my chin up. “You don’t have to believe me. Just take it—To see is to believe, right?” panunukso ko sakaniya. For a second, parang nagbago ang hangin sa pagitan namin. Ang kaninang mapanginsulto niyang tawa napalitan ng seryoso niya ngayong mukha. “Careful, sweetheart,” he murmured while leaning forward towards me. “You’re playing a dangerous game.” bulong pa nito. “Then play with me,” nakangisi kong sabi at hinawakan ang butones ng blouse ko para buksan ang mga ito. Isa… Dalawa.. Tatlo… Sa pag apat ay halos ayaw ng kumilos ng kamay ko, dahil sa pang apat na bukas ko ay talagang kita na ng buo ang malusog na dibdib ko. “Stop,” saad niya, nakasalubong ang kilay at matalim na tumingin sakin. “Follow me.” saad pa niya at tumayo. Napalunok ako. “W-Where are we going?” “To see if you’re worth the five million you’re asking for.” sagot niya ng nakangisi at nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik kaming naglakad papunta sa isang hallway na may mga pintuang tinted at may mga pulang ilaw. The deeper we went, the quieter it got—wala nang tawanan, wala nang musika. Hanggang sa huminto siya sa dulo ng hallway. A massive black door stood there—may nakaukit na letrang “VVIP” sa tuktok. “This room,” sabi niya habang binubuksan ang pinto, “is mine. No one enters unless I say so.” Pagbukas ng pinto, malamlam ang ilaw sa loob—hindi ko pa man nakikita ang kabuuan ng kwarto, pero ramdam ko agad ang bigat ng atmosphere, dahil mabigat rin ang prisensya ng may-ari. He turned his head slightly, while looking at me over his shoulder. “You said you’d do anything, didn’t you?” saad niya kaya naman napakapit ako sa laylayan ng skirt na suot ko, at bahagyang napalunok.. Kaya ko ‘to! alang alang kay Kairo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD