_Chapter 09_💍💐

1903 Words
*BUSINESS PROPOSAL by MS_kaliwete07* *CHAPTER 9: Emerald, The Doctor, and The Lie* *SAPHIRE POV* Kinaumagahan, 7:30am, Alabang Mansion. Nagising ako na katabi ko pa rin si Phoenix. Nakahubad pang-itaas, nakayakap sakin na parang ayaw ako pakawalan. Ang bango niya kahit ako amoy alak pa rin na worth 5 Million pesos— Petrus, Romanée-Conti, pati Hennessy Paradis na nilaklak ko sa Forbes kagabi. "Wifey gising ka na?" bulong niya, pikit pa ang mata. "Oo," sabi ko mahina. "Anong oras na?" "7:30. Pupunta pa tayo kay Emerald." Biglang dumilat si Phoenix. Si Emerald — 7 years old pa lang, bunso kong kapatid. 2 years pa lang patay si Mommy Dessa namin kasi inatake sa puso sa sobrang stress nung nalugi yung mga negosyo namin sa Nasugbo. Kaya ako pumayag sa business proposal na kasal na to. Hindi dahil sa pera, pero para sa hospital bills ni Emerald na may heart condition din, mana kay Mama. Dati business proposal lang kami ni Phoenix. Fake. Pero after nung kagabi, after nung pagbuhat niya sakin na parang sako ng bigas at after nung first time namin na paulit-ulit niya tinanong na "Are you sure, wifey?" at ang tanging nasagot ko lang ay "Yes, husby ikaw lang" — hindi na fake. Ngayon totoo na. Pagdating namin sa St. Luke's Alabang, 9am, dala namin yung Jollibee Chickenjoy, toys, at bagong coloring book. Pagbukas ng pinto ng private room... "ATE SAPHIRE! KUYA PHOENIX!" sigaw ni Emerald, tumakbo agad kahit may dextrose pa sa kamay. "Emerald dahan-dahan! Baka matanggal ang dextrose mo!" sigaw ko, binuhat ko siya. 7 years old lang siya pero ang gaan. Payat kasi dahil sa sakit. Si Phoenix lumuhod para ka-level niya, may dalang paper bag. "Emerald, may Chickenjoy si Kuya," sabi ni Phoenix, iba boses niya kay Emerald — malambing, hindi suplado na CEO. "Wow! Chickenjoy! At may crayons!" tuwa ni Emerald. Umupo kaming tatlo sa hospital bed. Ako sa gitna, si Emerald sa lap ko, si Phoenix sa tabi ko hawak ang baywang ko. Matching kami — ako naka white dress, siya naka white polo, si Emerald naka white hospital gown na may print ng unicorn. Very sweet , parang pang family picture talaga ang get up namin. "Ate bakit ka namumula? May lagnat ka?" tanong ni Emerald inosente, hawak ang pisngi ko. "Wala, mainit lang sa labas," sabi ko, lalo ako namula. "Ah! Sabi ni Manang kagabi amoy alak ka daw na 5 Million tapos binuhat ka ni Kuya Phoenix na parang sako ng bigas sa Forbes Park!" sabi ni Emerald, inosente talaga. Si Phoenix natawa ng malakas. "Sako ng bigas talaga narinig mo?" "Oo! Sabi ni Manang ganun daw!" "Emerald wag ka makinig kay Manang," takip ko sa bibig niya pero natawa na rin ako. Tapos biglang tanong ni Emerald, "Ate, Kuya, bakit ang sweet niyo na? Dati lagi kayo nag-aaway parang aso't pusa eh?" Nagkatinginan kami ni Phoenix. "Kasi dati business proposal lang," sabi ni Phoenix, tinitigan ako. "Ngayon, real proposal na. Wifey ko na talaga ang ate mo, at hindi na fake." "Anong fake? Parang laruan?" tanong ni Emerald. "Parang laro lang dati anak," sabi ko. "Ah! Ngayon hindi na laro? Kayo na talaga? Forever na?" Tumingin si Phoenix sakin, hinawakan kamay ko. "Forever na," sabi niya. Doon ako kinilig. Sa harap pa ng 7 years old na kapatid ko. Pero biglang tumunog yung phone ni Phoenix. _Ring ring._ Si Juliana. Tiningnan ni Phoenix phone niya, napakunot noo. "Wifey, si Juliana, emergency daw, nasa lobby ng hospital, kasama si Lola Victorina—" "Sige na, puntahan mo," sabi ko kahit ayoko. "Baka importante." "5 minutes lang, wifey. Babalik ako agad. Wag ka aalis dito ah," sabi ni Phoenix, hinalikan ang noo ko at ang noo ni Emerald. Umalis si Phoenix. Naiwan kami ni Emerald, nagko-color ng unicorn. _Tok tok._ Pumasok si Dr. Ethan Lim, naka white coat, may dalang lollipop at clipboard. "Oh! Saphire! Nandito ka pala? Nagra-rounds ako," sabi ni Doc, ngumiti ito at kita yung dimple niya. "Doc! Ikaw pala ?" sabi ko. Si Emerald, "Hi po , Uncle Ethan?" "Yes, in a few weeks pwede ka Ng lumabas dito cutie." Binigyan niya ng lollipop si Emerald. Strawberry. "Wow thank you Uncle Ethan!" tuwa ni Emerald. Umupo si Doc sa tapat namin. "Saphire, kamusta ka? Okay ka na after hangover mo kagabi? Balita ko 5 Million na alak ang nainom mo sa Forbes?" "Okay na Doc—" "You know, bilib talaga ako sayo," putol ni Doc, tinitigan ako. "Kasi Ang strong mo, nakayanan mong alagaan Ang Kapatid mo." "Ginagawa ko lang kaya ko Doc—" "Hindi lahat kaya yun. Most girls sa Forbes, pag nalugi negosyo, iyak lang. Ikaw lumaban ka. Kaya... ang galing mo kausap. Maganda ka na, witty ka pa, may common sense ka pa. Hindi ka tulad ng ibang babae na puro brand lang alam." Namula ako. "Thank you Doc—" "And sweet ka pa kay Emerald. Kita ko kanina kung pano mo buhatin, parang Mama ka na rin niya kahit ate ka lang." Si Emerald singit habang nagko-color, "Kuya Doctor, gusto mo si ate?" "EMERALD!" sigaw ko. Tumawa si Doc pero namula din ang tenga niya. "I mean... sino ba hindi magkakagusto kay Saphire? Maganda, witty, may common sense, at hindi mukhang pera." At habang tumatagal ang kwentuhan namin ni Doc — about sa Nasugbu, sa isda, sa school ni Emerald, sa pangarap ko maging teacher dati bago namatay si Mama — mas lalo siya nahuhulog. "Saphire, if you need someone to talk to, nandito lang ako ah. I live near Alabang lang. Alam ko hindi madali maging asawa ng Pendleton. Minsan need mo ng friend na makakausap, na naiintindihan ang pinanggalingan mo." "Thank you Doc, mabait ka—" "Mabait ako kasi... kasi gusto ko kausap ka. Iba ka kasi." 30 minutes na pala kami naguusap, hindi namin napansin. Pagbukas ng pinto, si Phoenix, hinihingal, kasama si Juliana na nakangiti pero fake. At nakita ni Phoenix na magkatabi kami ni Doc, nagtatawanan, habang si Emerald tulog na sa lap ko kasi 7 years old pa lang, napagod sa coloring. Nanigas panga ni Phoenix. "Dr. Ethan," malamig boses ni Phoenix. "Mr. Pendleton! Nag-uusap lang kami ni Saphire—" "Wifey, let's go," sabi ni Phoenix, pero mahina kasi tulog si Emerald. Binuhat ni Phoenix si Emerald ng sobrang ingat, nilagay sa bed, kinumutan. Tapos biglang nagsalita si Juliana, kunwari concerned. "Actually Phoenix, before kayo umalis, may gusto lang ako sabihin. Kanina habang wala ka, narinig ko si Saphire sabi niya kay Dr. Ethan... sabi niya after gumaling ni Emerald at makuha niya gusto niya sayo, iiwan ka rin daw niya." "ANO?! HINDI KO SINABI YAN!" bulong na sigaw ko kasi tulog si Emerald. "Sinabi mo," sabi ni Juliana, eyes kunwari naluluha. "Sabi mo 'After gumaling kapatid mo at makuha mo yung gusto mo kay Phoenix, iiwan mo rin siya kasi business proposal lang naman 'to, a contract at walang halaga sayo.'" Nakatiim ang bagang ni Phoenix sa mga narinig niya. --- Si Dr. Ethan tumayo agad. "Juliana, that's not true! I was there the whole time! Ang sinabi ni Saphire, gagawin niya ang lahat para kay Emerald kasi 2 years pa lang patay na Ang Mama nila at siya lang pamilya ni Emerald! At mahal niya si Phoenix! Hindi niya sinabing iiwanan niya ito!" Pero si Phoenix tahimik lang. Nakatingin sakin, pero yung gray eyes niya na kanina sweet na sweet, biglang bumalik sa dati. Yung malamig. Yung CEO. Yung arrogant. "Wifey, totoo?" tanong niya, pero walang lambing. Parang boss na nagtatanong sa empleyado. "Phoenix, 7 years old lang kapatid ko! Lahat ginagawa ko para sa kanya kasi patay na Mama namin dahil sa stress at atake nung nalugi kami! Pero hindi ko sinabi iiwan kita! Kagabi... kagabi binigay ko sayo lahat diba... tapos iisipin mo iiwan kita?" umiiyak na ako. Hinila niya ako palabas ng room para hindi magising si Emerald na tulog pa sa bed. Sa hallway ng hospital, akala ko yayakapin niya ako. Hindi. Binitawan niya ang kamay ko na parang diring-diri siya. "Saphire," sabi niya, malamig na malamig. Bumalik sa dati. "Don't be dramatic in the hospital." "Phoenix—" "You think after one night you can secure everything?" Sabi niya, tinitigan ako from head to toe. "You think after you gave me your virginity last night, hawak mo na ako?" Nanlamig ako. "Anong sinasabi mo—" "Business proposal lang to, Saphire. Don't forget that. Kaya ka nandito kasi may sakit ang kapatid mo. Kaya kita pinakasalan kasi kailangan ko ng wife for my Lola. Wag mong isipin na dahil may nangyari satin kagabi, mahal na kita forever." Tumulo ang luha ko. "Pero kanina sabi mo forever na—" "Kanina yun. Ngayon iba na. Kasi ngayon narinig ko ang totoo mong plano. After gumaling ni Emerald at makuha mo gusto mo, iiwan mo ako. Tama si Juliana. And don't worry, Malaya kitang pakakawalan, mag-di-divorce Tayo after Emerald's recovery." "Hindi totoo yun! Si Juliana nagsisinungaling! Si Doc nga sabi hindi ko sinabi—" gusto ko sanang isigaw sa kanya. kaso.. Divorce pala ang gusto niya. "Sana hindi mo ipinakilala ang good sides mo, para manatiling namumuhi ako sayo , Phoenix Pendleton" piping bulong ng puso ko. "And you expect me to believe you over Juliana? Over my family doctor? Saphire, fish seller's daughter ka lang from Nasugbu. Ako Isang matatag na Pendleton. Wag kang umasa na magiging real wife kita. Hindi Ikaw ang tipong kong babae, you're such a slut, di ka Rin naiba sa LAHAT Ng babae na naikama ko na." Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Phoenix parang isang matalim na punyal na tumatarak sa puso at buong pag katao ko. "Phoenix, husby—" "Don't call me husby," putol niya. "Mr. Pendleton pa rin ang itawag mo sakin outside the mansion. And fix yourself. Mukha kang kawawang umiiyak sa hallway." Tapos tumalikod siya at bumalik sa room ni Emerald, iniwan ako mag-isa sa hallway, umiiyak. Pagbalik niya sa room, buhat niya si Emerald na nagising na. "Let's go, Juliana," sabi ni Phoenix kay Juliana, hindi na man lang ako tinapunan ng tingin. "Phoenix, si Saphire?" tanong ni Juliana, kunwari concerned pero nakangiti. "She can commute. May Doctor naman siya dito na maganda daw siya, witty, at may common sense. Bagay sila." pag tutuya nito. . Sobrang sakit. Kagabi lang "I love you, wifey" siya. Ngayon "She can commute." Naiwan ako sa hallway. Si Dr. Ethan lumapit sakin, may dalang isang boteng tubig na naka bukas na. "Saphire... okay ka lang?" sabi ni Doc, inaabot ang panyo nito at ang tubig. Umiling ako, umiiyak pa rin. "I won't promise that I can fix everything. But I can promise that I won't make you feel alone while you're trying to get through it." "Please, stop crying Saph," dugtong pa ni doc Ethan. Lumingon Ako Kay Doctor Ethan .. Dr. Ethan Rafael Montenegro Height 6'0 - matangkad pero hindi kasing tangkad ni Phoenix na 6'2, mas approachable tignan, Morena, hindi mestizo tulad ni Phoenix. Yung moreno na malinis tignan,Yung buhok Niya color Black hair, laging naka-ayos, hindi gel na gel, yung natural lang Yung mga mata niya brown eyes, Almond shape eyes, Si Doc Ethan warm doctor, mabait at maamo ang mukha, di katulad ni Phoenix na napaka cold, arogante taglay Ang pagiging Isang Pendleton. Guwapo Si Doc Ethan, pero Yung puso Niya para lang Kay Phoenix Pendleton.. --- PLAGIARISM IS A CRIME COPYRIGHTS2025_Wattywriters07© AUTHOR: MS_KALIWETE07 2025®|Nov.2026
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD