### BUSINESS PROPOSAL _by MS_kaliwete07_
### CHAPTER 6: The Night He Got Drunk And Said Too Much
*SAPHIRE DEL RIO PENDLETON POV*
Successful operation ni Emerald. Pero sabi ng doctor, need pa niya 3 days sa ICU for observation. Bawal pa iuwi, bawal pa bisitahin ng matagal.
Gusto ko pa mag stay sa ospital buong gabi. Sa sahig lang ako matutulog, okay lang. Sanay ako sa sahig eh, sa Nasugbu nga banig lang higaan namin.
Pero sabi ni Phoenix nung nasa hallway kami at hawak pa rin ang kamay ko simula kaninang umiiyak ako:
"Uuwi ka sa mansion. Magpahinga ka. Mukha kang zombie, Saphire. Namumutla ka na."
"Pero si Emeraldโ"
"Ako ang magbabantay kay Emerald tonight. May private nurse naman at dalawang guard sa labas ng ICU. Ako mismo ang magbabantay sa kanya. Umuwi ka, maligo ka, kumain ka. Amoy pawis ka na pero okay lang sa akin, mabango ka pa rin. But you need take a rest wifey."
Bastos pa rin kahit nag-aalala.
"Ikaw magbabantay? CEO ka, Phoenix. Di ka pwedeng hindi pumasok bukasโ"
"Cancel na yun. Sabi ko cancel. At asawa mo ako sa papel, remember? Kapatid ng asawa ko yan, so kapatid ko na rin for one year. Responsibilidad ko na rin siya. So uuwi ka. That's an order, Mrs. Pendleton."
At wala na akong nagawa. Hinatid ako ni Manang pauwi sa Alabang mansion.
Pagdating ko sa kwarto namin โ our room โ ang laki at ang tahimik.
King size bed na gray. Walang Phoenix sa couch. Walang amoy ng Creed Aventus na malakas. Walang nagbabatong panyo pag umiiyak ako. Tahimik na tahimik na parang ang laki lalo ng kwarto.
Alas-diyes na ng gabi, hindi pa rin ako makatulog. Kakahawak ko sa side ng kama kung saan siya natutulog dati pag may unan wall pa kami. Malamig yung bedsheet. Hindi tulad pag nandun siya, mainit palagi kahit naka 18 degrees yung aircon.
Nag check ako ng phone. Walang chat si Phoenix. Last chat niya kagabi pa:
_Good night, my wifey. Wag ka magpuyat. - P_
Alas-onse na, wala pa rin siya.
Alas-dose na, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng malakas. Parang sinipa.
Si Phoenix. Lasing na lasing.
Naka black shirt pa rin pero bukas hanggang dalawang butones, kita yung collarbone niya at konting dibdib at yung anchor tattoo niya. At ang buhok niya ay magulo na parang sinabunutan niya ang sarili. Yung gray eyes niya namumula, hindi dahil sa puyat, dahil sa alak at sa pagod. Amoy alak at pabango na pinaghalo โ amoy whiskey at Creed Aventus na nakakalasing lalo.
"Phoenix? Lasing ka? Anong oras na? Okay lang ba si Emerald?"
Ngumisi siya pero hindi yung mayabang na ngisi na pang CEO. Yung ngising pagod at nasasaktan at parang bata na naligaw.
"Medyo. Uminom ako sa bar sa baba ng ospital. Yung sa ground floor ng St. Luke's. After kong bantayan kapatid mo ng 5 hours. Tulog siya, mahimbing. Cute siya, parang ikaw pag tulog. Bumubuka bibig mo pag tulog ka, alam mo ba yun?" Tipsy niyang sabi.
Lumapit siya sa kama pero hindi siya humiga agad. Umupo lang siya sa sahig, nakasandal sa kama, sa side ko mismo, at yung ulo niya nakasandal sa kama malapit sa paa ko.
"Phoenix, tumayo ka diyan, sa kama ka na, malamig ang sahigโ"
"Wag. Dito lang ako sa sahig. Gusto ko lang dito kasi dito ka malapit. Sa baba ka. Amoy kita. Amoy mo yung shampoo na binili ko sayo. Yung vanilla."
Lasing na lasing talaga siya. First time ko makita si Phoenix Pendleton na ganito. Tao lang. Sugatan. Pagod.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka uminom?"
Kasi hindi siya sanay na mag-isip ng ibang tao. Hindi siya sanay na mag-alala.
Umupo ako sa sahig din, harap niya. Hinawakan ko yung mukha niya na mainit dahil sa alak.
"Phoenix, okay ka lang ba?"
Tinitigan niya ako ng matagal. Yung mata niya basa.
"Saphire..."
"Bakit?"
"Bakit hindi mo ako kayang mahalin?"
Natigilan ako. Parang tumigil ang ikot ng mundo at aircon.
"Ano?"
"Tanong ko, bakit hindi mo ako kayang mahalin?" ulit niya, boses basag, lasing pero totoo. "Ano kulang sakin? Pera? Meron ako, bilyon bilyon. Mukha? Gwapo ako, alam mo yan, lahat nagsasabi. Katawan? Nakita mo abs ko, nakita mo tattoo ko. Ugali? Aminado ako pangit ugali ko pero... pero nagbabago ako ah? Binayaran ko operation ng kapatid mo, binantayan ko siya, hindi ako bastos ngayon ah? Bakit si Ethan nginingitian mo kanina sa ospital pero ako pag nginitian kita ng totoo, iniiwasan mo ng tingin?"
Lasing na lasing nga siya talaga at pupusta siya bukas , pag gising nito, Wala na itong maalala sa mga confessions nito.
"Phoenix, lasing ka lang, bukas makakalimutan mo toโ"
"Hindi ako lasing! Medyo lang! 3 shots lang! Alam ko ginagawa ko! Hindi ako lasing pagdating sayo, Saphire! Alam ko ang nararamdaman ko!"
Sabi niya at biglang tumayo at umupo sa kama,naka harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko ng dalawang kamay niya. Mahigpit pero nanginginig. Mainit.
"Alam mo ba first time ko to? First time ko na ako yung naghahabol. Dati lahat ng babae, isang text ko lang na 'My condo, 9 PM' nasa condo ko na sila, naka dress na maikli. Pero ikaw? Isang ngiti mo lang kanina sa ospital nung sinabi kong successful operation, ako na yung nag ca-cancel ng 30 Billion deal. Putangina, anong meron sayo, Saphire Del Rio? Anong gayuma ang ginamit mo sakin? Taga Nasugbu ka lang ah? Nagtitinda ka lang ng isda dati ah? Bakit ikaw pa?"
Hindi ako makasagot kasi umiiyak na rin ako at nanginginig na rin ang kamay ko.
"Kasi takot ako, Phoenix."
"Saan ka takot? Sa akin? Mukha ba akong mananakit? Hindi ako nananakit ng babaeโ"
"Hindi! Takot ako na baka isang taon lang talaga ako sayo. Na after isang taon, pag tapos na ng kontrata, iiwan mo ako. At masakit. Kasi nasanay na ako na nandyan ka pag kailangan ko ng comfort. Nasanay na ako na kahit bastos ka, gentleman ka pa rin sa dulo."
Doon siya natahimik. Tinitigan niya ako ng matagal. Yung mga mata niya basa na rin , pero pinipigilan niya umiyak kasi Siya Si Phoenix Pendleton , hindi siya umiiyak sa harap ng babae. isa siyang mandaragit na CEO.
"Saphire, alam mo ba kung anong pinaka nakakatakot sa akin?"
"Ano?"
"Na baka totoo na tong nararamdaman ko. Na hindi na to papel. Na hindi na to business proposal. Kasi pag totoo na to, wala na akong laban. Wala na akong control. At ayokong mawalan ng control. Simula bata ako, tinuruan ako ng daddy ko na dapat may control ako sa lahat โ sa pera, sa tao, sa babae. Pag nawala ang control ko, masasaktan ako. At hindi ako marunong masaktan. Hindi ako tinuruan ng mama ko kung paano masaktan kasi iniwan niya kami nung 10 years old ako para sumama sa ibang lalaki. Kaya ayokong masaktan ulit."
Doon ko nalaman na may trauma rin pala si Phoenix. Mayaman pero broken family. Kaya pala malamig siya. Kaya pala hindi siya sanay na may nagmamahal na hindi dahil sa pera.
Lumapit ako. Hinawakan ko ang mukha niya na may stubble na kasi hindi siya nakapag ahit.
"Phoenix, hindi mo kailangan magpigil sakin. Hindi kita sasaktan. Hindi ako tulad ng mama mo. Hindi ako tulad ng mga babaeng humabol sayo dati na pera lang ang habol."
Tinitigan niya ako. Tapos dahan-dahan, binaba niya ang noo niya sa balikat ko. Umiyak. Tahimik na iyak na walang tunog. Yung balikat ko nabasa ng luha niya at ng pawis niya.
"Pagod ako, Saphire. Pagod ako magpanggap na hindi kita gusto. Pagod ako magpanggap na hindi ako nagseselos kay Ethan. Pagod ako magpanggap na hindi kita hinahanap pag wala ka sa kama."
Hinaplos ko ang buhok niya na mabango pa rin kahit amoy alak.
"Nandito lang ako. Hindi kita iiwan ngayong gabi. Kahit lasing ka at bastos ka at paasa ka at possessive ka."
"Promise? Hindi ka aalis?"
"Promise, husby. Dito lang ako."
At doon siya nakatulog sa balikat ko, nakaupo kami sa kama, yakap yakap ko siya na parang bata na 6'1. Ang bigat pero okay lang. Ang init.
First time siya natulog na hindi galit yung mukha niya. Hindi nakakunot noo. Parang anghel na lasing.
Inayos ko siya ng higa sa kama. Tinanggal ko ang sapatos niya. Kumuha ako ng bimpo at pinunasan ang mukha niya. Hindi siya nagising. Pagod na pagod.
Tumabi ako sa kanya, pero may distansya pa rin ng konti. Pero siya, kahit tulog, hinila ako palapit at niyakap sa bewang. Mahigpit.
Kinabukasan paggising ko, wala na siya sa balikat ko pero nasa kama na siya, katabi ko, nakayakap pa rin sa bewang ko, mukha niya nakasubsob sa leeg ko, humihinga ng malalim. Gising na pero hindi gumagalaw, kunwari tulog pa.
"Phoenix, gising ka na, alam ko."
Hindi siya sumagot. Mas hinigpitan lang Niya ang yakap N sa bewang ko.
"Phoenix!"
Doon lang siya dumilat. Gray eyes, malapit na malapit sakin. Amoy alak pa rin yung hininga niya pero nag toothbrush na ata kaninang madaling araw.
"Good morning, wifey," sabi niya, boses paos dahil sa alak at iyak kagabi.
"Good morning, lasinggero."
Tumayo siya agad at lumayo. Bumalik sa CEO mode. Kumuha ng shirt.
At may sticky note sa noo ko ulit, bago:
_Sorry sa kagabi. Lasing lang ako. Kalimutan mo lahat ng sinabi ko. Hindi kita gusto. Comfort lang yun. Wag kang umasa. Pero salamat kasi hinayaan mo akong umiyak sa balikat mo. First time ko yun simula nung iniwan kami ni mama. Don't tell anyone. - P_
Paasa king hanggang dulo pa rin! Pero yung yakap niya sa bewang ko kagabi, mahigpit pa rin at totoo.
At nung pababa na siya ng hagdan, narinig ko yung bulong niya na akala niya hindi ko narinig:
"Putangina, Phoenix, nahuhulog ka na."
-----
PLAGIARISM IS A CRIME
COPYRIGHTS2025_Wattywriters07ยฉ
AUTHOR: MS_KALIWETE07
2025ยฎ|Nov.2025