### BUSINESS PROPOSAL _by MS_kaliwete07_
### CHAPTER 7: The Dinner Where I Learned Why He's Broken
*SAPHIRE POV*
First time kong makikilala ang pamilyang Pendleton.
Birthday ni Doña Victorina Pendleton. 80th birthday. Lahat ng Pendleton nasa Forbes Park mansion.
Ako kabado na kabado. Wala akong alam sa buhay ni Phoenix. Ang alam ko lang, CEO siya, mayaman, suplado, arogante, bastos, pero nung lasing siya Nung gabing iyon, umiyak siya sa balikat ko at sinabing pagod na siya magpanggap na hindi niya ako gusto. At masakit pa rin yung pag iwan sa kanya ng mommy niya. Malabo yung ibang sinabi niya dahil sa sobrang kalasingan niya ..
Akala ko after nun, okay na kami.
Pero hindi.
Habang nasa Maybach kami papuntang Forbes, si Phoenix busy sa phone, kausap ang mga investor, at katabi si Juliana sa front seat — ako nasa backseat mag-isa na parang yaya lang.
"Wifey, dun ka muna sa likod, may kausapin lang kami ni Juliana about Singapore deal," sabi ni Phoenix, hindi man lang ako tiningnan.
Wifey ang tawag pero parang wala lang.
"Sige, hus— Sige, Phoenix," sabi ko.
Pagdating sa mansion, pagpasok pa lang, nakita ko na kung bakit ganun si Phoenix.
Ang laki ng mansion, parang museum na gold lahat. At nakaupo sa gitna, parang reyna, si Doña Victorina — matanda, payat, naka diamond necklace na kasing laki ng itlog pugo, buhok puti na naka pusod, at yung mga mata niya matalim kung tumitig sakin.
"So ikaw pala si Saphire Del Rio?" sabi niya nung lumapit kami, boses malakas para marinig ng lahat ng alta. "Yung asawa ng apo ko? Yung taga Nasugbu? Yung tindera ng isda?"
Ngumiti ako pilit.
"Yes po Lola, ako po si Saphire—"
"Del Rio? Familiar yang apelyido na yan. Di ba nalugi ang resort niyo sa Nasugbu? Kasi sugarol tatay mo? Alak, sugal, babae?"
Tahimik sa buong sala. Lahat nakatingin sakin.
Doon pa lang first savage na.
Si Phoenix, busy makipag kwentuhan sa mga kasosyo niya sa gilid, kasama si Juliana, tawanan sila, hawak ni Juliana sa braso si Phoenix, parang sila ang mag-asawa.
"Wifey, kuha ka muna ng wine dun," utos sakin ni Phoenix nung dumaan ako, parang katulong lang.
Pangalawang pahiya.
Umupo kami sa dinner table na mahaba, pang 30 katao. Ako sa dulo, malayo kay Phoenix. Si Phoenix sa gitna, katabi si Juliana at si Donya Victorina. Ako katabi ng mga pinsan niyang hindi ko kilala.
"Juliana, hija, bagay na bagay kayo ng apo ko," sabi ni Lola Victorina, malakas ulit, sinasadya para marinig ko. "Parehas kayong Kilala sa lipunan, parehas kayong maganda at gwapo, parehas kayong may class. Hindi tulad ng iba na hanggang palengke lang ang alam at hindi marunong mag French."
Pangatlong pahiya.
"Saphire, hija, anong natapos mo? Anong school ka?" tanong pa ni Lola.
"Second year lang po ako Lola, sa Batangas State po, huminto po ako para alagaan ang kapatid ko—"
"Huminto. Ah okay. Sayang. Si Juliana kasi nag aral sa Paris, nag Harvard, ikaw Batangas State tapos huminto pa." She chuckled.
Pang-apat na pahiya. Sunod sunod.
double savage at
Triple kill.
Tumingin ako kay Phoenix para tulungan ako, pero busy siya makipag kwentuhan at tawanan kay Juliana about stocks, about Singapore, about wine. Sweet sila sa isa't isa habang ako nasasaktan sa dulo ng table, mag-isa, parang hindi Ako ang asawa.
Doon ako naiyak pero pinigilan ko.
Tumayo ako.
"Excuse me po, mag CR lang po ako."
Tumakbo ako sa garden ng Forbes Park. Malaki garden nila, may fountain, may rosas, may bench. Dun ako umupo at umiyak mag-isa, tahimik lang pero tuloy tuloy.
"Akala ko totoo na... akala ko wifey na ako... bakit parang pang display lang ako..." himutok ko sa kawalan.
After 2 minutes, may umupo sa tabi ko. Si Mommy Celeste — yung second Mommy ni Phoenix na morena at mabait.
"Hija, okay ka lang? Kanina pa kita tinitignan sa table, alam kong masasaktan ka," sabi niya, hinawakan kamay ko.
"Mama Celeste, okay lang po ako—"
"Hija, wag ka na magpanggap sakin. Umiiyak ka. At alam ko kung bakit. Ganyan si Doña Victorina lalo na sa mga hindi niya kauri , matapobre, pero may puso naman siya hija."
Tumango ako.
"Hija, may sasabihin Ako sayo about sa kabataan ni Phoenix kasi wala kang alam at first time mo ma meet kami."
Tumingin siya sa fountain.
"Si Phoenix, 10 years old lang ng iniwan siya ng biological mother niya — si Clarisse. Maganda si Clarisse, model, pero dating mahirap lang din tulad mo Saphire. Tindera sa palengke ng Navotas dati."
"Si Clarisse po yung totoong Mama niya?"
"Oo. First wife ng Daddy niya. Mahal na mahal ni Phoenix ang Mama niya. Pero si Lola Victorina, hindi tanggap si Clarisse kasi mahirap lang ito. Araw araw pinapahiya siya ni Doña Victorina, sinasabihan na gold digger, na hindi bagay maging isang Pendleton. Hanggang isang gabi, hindi na kinaya ni Clarisse. Habang tulog si Phoenix, Umalis ito at sumama sa mayamang lalaki na taga Spain. Isang sulat lang ang iniwan niya para sa anak at nag lalaman na sana patawarin siya sa naging desisyon nito. At ang pag iwan niya sa mag ama,at isa rin ang Lola niya sa dahilan kung bakit umalis si Clarisse sa mansion."
Doon ako napahawak sa bibig.
"Kaya simula nun hija, naging arogante si Phoenix. Naging suplado, CEO na walang puso, nanakit ng babae bago siya masaktan. Kasi takot siya maiwan ulit. At hindi pa niya nararanasan ang manligaw, dahil Nung highschool siya laging ang mga babae ang lumalapit sa kanya.
"Paano niyo po nalaman yung tungkol po sa mama ni Phoenix?"
"Kinuwento ng ama niya sa akin at ipinakita sakin ang sulat Ng mama niya, at dose anyos siya nung maging asawa ako Ng daddy niya,at alam kong nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon pag naaalala niya ang Mama niya, lalo na pag nandyan ang Lola niya at si Juliana na gusto ni Lola para sa kanya."
Umiiyak na si Mama Celeste at ako rin.
"Pero ngayon Mama Celeste, ako naman ang nasasaktan... tuwing nakikita ko na magkasundo sila ni Juliana, sweet sa isa't isa, habang ako parang wala lang..."
"Alam ko hija. Kasi mahal mo na ang anak ko no?"
Tumango ako, umiiyak.
"Mahal ko na po si Phoenix, Mama. First meet pa lang namin nung niligtas ko siya, mahal ko na siya. Pero takot ako kasi CEO siya at ako tindera lang. Napaka layo ng agwat namin."
"Hija, hindi ka tindera lang. Asawa ka ng anak ko. At yung nakikita mong sweet sila ni Juliana, business lang yun. Takot lang ang anak ko na maging sweet sayo sa harap ng Lola niya kasi natatakot siya na pag naging sweet siya sayo, ipapahiya ka lalo ni Lola tulad ng ginawa kay Clarisse dati. Kaya lumalayo siya sayo para protektahan ka, pero hindi niya alam mas nasasaktan ka."
"Mahal ko na po ata Si Phoenix."
"Mahalin mo lang si Phoenix, huwag mo siyang sukuan, turuan mong maging mainit ang puso nya ulit."
Pagbalik namin sa dining hall, tapos na ang dinner. Si Phoenix naghahanap na sakin.
"Saphire! Saan ka galing?" sabi niya, kabado.
"Sa garden lang, nag usap kami ni Mama Celeste," sabi ko, yung mata ko maga sa iyak.
Tinitigan niya ako at alam niyang umiyak ako.
"Saphire, okay ka lang?"
"Phoenix, pwede ba tayo mag usap? Tayong dalawa lang?"
Dinala niya ako sa library ng mansion, walang tao.
"Saphire, sorry kanina busy ako sa mga kasosyo—"
Tumango lang ako sa kanya.
Lumapit na naman Si Juliana sa kanya
"Alam mo na ba na malapit nang ma ship Ang mga cargo natin Phoenix?"
"Oo. , Saphire just enjoy tonight may aasikasuhin lang kami ni Juliana," humapit ang mga braso ni Juliana sa bewang ni Phoenix na labis na nag padurog sa puso ko,dahil hinawakan din ni Phoenix ang mga bisig nito,kaya kung titingnan silang pareho magmumukhang naka yakap na sila sa isa't isa.
" Damn ashole, How can I stop to loving you, kung harap-harapan mo Naman akong sinasaktan Phoenix."mahinang sigaw ng puso ko.
"Sorry wifey, business lang," sabi ni Juliana sakin, pero hindi pa rin niya inaalis yung braso niya kay Phoenix. Nakangiti siya na parang nanalo.
"Sanay kasi kami ni Phoenix mag work together, diba Phoenix? Dati pa kami magka-team."
At doon pa lang, lumabas na si Donya Victorina galing hall, may hawak na wine, at ngumiti nung nakita silang dalawa na magkadikit.
"Ay perfect! Tingnan niyo sila, bagay na bagay! Phoenix at Juliana! Parang magazine cover! Noong bata pa kayo magkasama na kayo sa debut ni Juliana, ngayon magkasama pa rin sa negosyo! Bagay talaga kayo hija, hindi tulad ng iba dyan na napulot lang sa palengke," sabi ni Lola, malakas para marinig ko.
At hinila pa ni Lola si Juliana palapit lalo kay Phoenix para mas dumikit.
"Juliana, hija, tabi ka pa kay Phoenix, picturan ko kayo, ipadala ko sa mga amiga ko sa alta! Sabihin ko ito na ang next Pendleton wife!"
Pang-limang pahiya. Pero masakit yung pinagmamatch sila as couple habang ako andun.
Ako nasa sulok lang ng library doorway, nakatayo mag-isa, hawak ang wine na hindi ko naman iniinom, itsapwera lang na parang wala ako dun. Parang display lang na hindi kasali sa picture.
Si Phoenix, hindi man lang ako tinawag. Busy makipag tawanan kay Juliana at kay Lola.
"Phoenix, remember nung nag Paris tayo? Yung nag dinner tayo sa Eiffel Tower?" sabi ni Juliana, nakadikit pa rin parang nalagyan Ng super glue sa sobrang dukit Ng dalawa. At naiirita siya, gusto niyang sugurin si Juliana at pag sasabunutan ang blond nitong buhok.
tinungga ko ang hawak Kong wine.
"Oo, naalala ko, umorder ka ng 10k wine tapos nalasing ka," tawa ni Phoenix.
Tumatawa sila. Sweet sila. Parang sila talaga ang mag-asawa.
Dumaan Yung waiter, kumuha ako ng isa pang wine, at isa pa. At isa pa at isa pa. halos hindi na umalis sa tabi ko yung waiter , dahil sa kakainom ko ng alak sa tray na dala nito.
may brandy, whiskey, tequila , white wine , red wine at di pa Siya nakuntento sa tray Ng alak na dala Ng waiter, pumunta Siya sa counter at Doon umupo.
" Good day mademoiselle,"
" I want to try your all liquors."
"sure mademoiselle."
Ako nasa sulok, pinipigilan umiyak.
Si Mama Celeste lumapit sakin sa sulok, at bumulong:
"Hija, okay ka lang? Kita ko kanina pa kita tinitignan, nasa sulok ka lang."
"Mama, okay lang po ako," bulong ko pabalik, pero tumutulo na ang luha ko.
"Hija, yung kinwento ko sayo kanina sa garden about sa Mama ni Phoenix... kept mo lang yun ha? Wag mo muna sabihin kay Phoenix na kinwento ko. Hindi pa siya ready na malaman ng iba na alam mo na. Masakit pa sa kanya yun."
Tumango ako.
"Opo Mama, kept ko lang po. Hindi ko po sasabihin kay Phoenix. Promise."
"Good hija. Kasi nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon pag naaalala niya. Kaya minsan nagiging cold siya. Pero hindi ibig sabihin hindi ka niya mahal."
Tumingin ulit ako sa gitna — si Phoenix at Juliana magkadikit pa rin, si Donya Victorina kinukunan pa sila ng picture.
"Juliana, dikit ka pa kay Phoenix! Smile! Bagay kayo!"
"Yes Lola!"
At si Juliana, sinamantala, yumakap pa lalo kay Phoenix at humalik sa pisngi nito.
Sa pisngi ni Phoenix.
Sa harap ko.
Doon ako tuluyang nasaktan. Yung asawa ko hinahalikan ng ex niya sa pisngi sa harap ko habang ako nasa sulok lang, itsapwera, parang wala akong karapatan magselos kasi peke lang naman na asawa ako sa papel.
Pero nasasaktan ako kasi totoo na ang nararamdaman ko.
"Mama, ang sakit po," bulong ko kay Mama Celeste, umiiyak na talaga ako sa sulok.
"Alam ko hija, alam ko. Ganyan din ako dati kay Lola Victorina, itsapwera lang din ako kasi mahirap lang ako. Pero tingnan mo ako ngayon, nandito pa rin ako, lumaban ako. Lumaban ka rin hija, wifey ka ni Phoenix."
"Pero Mama, paano ako lalaban kung mismong siya hinahayaan lang si Juliana na dumikit ng dumikit?"
"Hija, takot lang ang anak ko. Hindi niya alam kung paano i-handle si Lola. Pero mamaya pag tayo tayo na lang, kausapin mo siya. Wag dito sa harap ng maraming tao."
Kaya tumayo lang ako sa sulok buong gabi. Hawak ang wine, at nakangiti ng peke pag may tumitingin, pero sa loob ko durog na durog ako. Pinapanood ko si Phoenix na sweet kay Juliana, pinapanood ko si Lola na pinagmamatch sila as couple, at ako parang multo lang na nandun pero hindi nakikita.
At si Phoenix, paminsan minsan tumitingin sakin sa sulok, kita niyang umiiyak ako, pero hindi siya lumalapit kasi hawak hawak pa ni Juliana at ni Lola.
Hanggang sa matapos yung dinner, hindi pa rin siya nakalapit sakin.
Paglabas namin ng mansion, sa parking lot na, saka lang siya nakalapit.
"Saphire, kanina ka pa tahimik—"
"Okay lang ako, Phoenix. Pagod lang ako," sabi ko, malamig.
"Wifey—"
Tahimik siya.
"Wifey, sorry—"
tumango lang ako sa kanya.
---
After ko malaklak lahat ng alak sa tray at lahat ng liquor sa counter — *Petrus, Romanée-Conti, Hennessy Paradis, Macallan, Patrón, Dom Pérignon* — ayun, nag maoy na ako!
Yung maoy na pang Nasugbu palengke level, hindi pang Forbes Park!
Si Phoenix binubuhat na ako palabas ng hall papuntang parking lot, pero ako nagwawala pa sa balikat niya!
"PHOENIX PENDLETON! IBABA MO AKO! HINDI PA AKO TAPOS UMINOM!"
"Wifey, lasing ka na, umuwi na tayo—"
Buhat na ako ni Phoenix sa balikat niya, palabas ng Forbes Park hall, parang sako ng bigas na may 5 Million na alak sa tyan - Petrus, Romanée-Conti, Hennessy Paradis, Macallan, lahat nilaklak ko!
At doon ako nagwala di ko na Rin alam kung anu ang pinag sasabi at ginagawa ko!
*SAPHIRE:* "PHOENIX! POSE-MOI PAR TERRE! JE NE SUIS PAS UN SAC DE RIZ!"
_(Phoenix! Put me down! I'm not a sack of rice!)_
*PHOENIX:* "Wifey, you're drunk, stop—"
*SAPHIRE:* "NON! JE SUIS JALOUSE! TU LAISSES JULIANA TE TOUCHER DEVANT MOI!"
_(No! I'm jealous! You let Juliana touch you in front of me!)_
Sinusuntok ko likod niya habang buhat niya ako!
*SAPHIRE:* "J'AI PASSÉ TOUTE LA SOIRÉE DANS LE COIN! COMME UN FANTÔME! VOUS BUVIEZ DU VIN À 500K ET MOI DE L'EAU!"
_(I spent the whole night in the corner! Like a ghost! You were drinking 500k wine and me water!)_
*PHOENIX:* "Wifey, I didn't—"
*SAPHIRE:* "TAIS-TOI! J'AI BU TOUT LE PLATEAU! LE BRANDY, LE WHISKY, LA TEQUILA, TOUT! ET AU BAR J'AI DIT 'I WANT ALL YOUR LIQUORS!'"
_(Shut up! I drank the whole tray! The brandy, the whisky, the tequila, all! And at the bar I said 'I want all your liquors!')_
*SAPHIRE:* "TU SAIS POURQUOI?! PARCE QUE J'AI MAL! J'AI MAL DE TE VOIR FAIRE 'CHEERS TO US' AVEC ELLE!"
_(You know why?! Because it hurts! It hurts to see you do 'cheers to us' with her!)_
*SAPHIRE:* "JE SUIS TA FEMME! MÊME SI C'EST FAUX SUR LE PAPIER, JE SUIS TA FEMME! ET TU LA LAISSES T'APPELER BABY?!"
_(I'm your wife! Even if it's fake on paper, I'm your wife! And you let her call you baby?!)_
Doon tumigil si Phoenix sa gitna ng parking lot, sa gitna ng mga Maybach at Rolls Royce. Binaba niya ako dahan dahan.
*PHOENIX:* "Saphire, say it again, in French, I want to hear it—"
Tumingin ako sa kanya, lasing, luhaan, nakakarga pa rin half sa balikat niya.
*SAPHIRE:* "JE T'AIME, PHOENIX PENDLETON! JE T'AIME MÊME SI TU ES ARROGANT! JE SUIS JALOUSE PARCE QUE JE T'AIME!"
_(I love you, Phoenix Pendleton! I love you even if you're arrogant! I'm jealous because I love you!)_
*SAPHIRE:* "ALORS NE ME PORTE PLUS COMME UN SAC DE RIZ! PORTE-MOI COMME TA FEMME!"
_(So don't carry me like a sack of rice anymore! Carry me like your wife!)_
At doon, binuhat niya ako ulit pero this time bridal style na, hindi na parang sako ng bigas, at hinalikan niya ako sa noo habang French pa rin ako nagsasalita!
*PHOENIX:* "Je t'aime aussi, ma wifey française et jalouse. Tu es ma femme, pas un sac de riz."
_(I love you too, my jealous French wifey. You are my wife, not a sack of rice.)_
--------
PLAGIARISM IS A CRIME
COPYRIGHTS2025_Wattywriters07©
AUTHOR: MS_KALIWETE07
2025®|Nov.2025