_Chapter 02_ ๐Ÿ’๐Ÿ’

1019 Words
### BUSINESS PROPOSAL *by MS_kaliwete07* *CHAPTER 2: How To Drown Without Water* *SAPHIRE DEL RIO POV* Akala ko nung pumayag ako kay Dad na pakasalan si Ginoong P, tapos na ang problema. Akala ko 89 Million lang at 2 Million lang. Isang matandang bilyonaryo lang ang kapalit. Hindi pala. Mas malala pa. Kasi pagdating namin sa Manila, hindi kami dinala ni Dad sa opisina ng Pendleton Group. Dinala niya ako sa ospital. Sa St. Luke's, pero hindi sa private wing. Sa public wing. Sa charity ward. Doon ko nakita si Emerald. 7 years old. Payat na payat. Maputla. May tubo sa ilong na tumutulong para makahinga siya. Yung buhok niyang dati mahaba at kulot, ngayon manipis na dahil sa gamot. Pero nung nakita niya ako, ngumiti pa rin siya. Ngiting walang ngipin sa harap. "Ate Saph! Ate Saph, dumating ka!" mahina niyang sabi pero pilit na masigla. Napaiyak agad ako. Niyakap ko siya. Amoy gamot siya. "Ate, bakit ka umiiyak? Okay lang ako. Sabi ni Doctor, heart lang daw may butas. Parang laruan lang daw, tatahiin lang." Heart lang daw. Parang laruan lang daw. Diyos ko, 7 years old lang siya pero mas matapang pa sa akin. Dumating ang doctor. Si Dr. Santos. "Ms. Del Rio? Ikaw ba ang eldest?" sabi niya, seryoso. "Opo." "Tawagin mo Dad mo. May kailangan tayong pag-usapan." Pumasok si Dad. Halatang iniiwasan ang tingin ni Emerald. "Mr. Del Rio, ilang beses ko na kayong sinabihan. Si Emerald, kailangan nang operahan within 60 days. Actually, mas maaga pa dapat. 45 days na lang ang meron siya. Yung butas sa puso niya lumalaki. Pag hindi naagapan, cardiac arrest. At pag nangyari yun sa labas ng ICU... hindi na namin siya masasagip." "Magkano?" Tanong ko. Kahit nanginginig ako. "2.1 Million para sa operasyon lang. Hindi pa kasama ang ICU after, mga gamot, at professional fee. Kung isasama lahat, nasa 2.8 Million." 2.8 Million. Tuminagin ako kay Dad. Yumuko siya. "Dad, di ba sabi mo 2 Million lang? Sabi mo may tumulong na?" Tahimik si Dad. "Dad!" "Saphire, anak... hindi lang pala 2.8 Million," bulong ni Dad. "May utang pa tayo sa ospital. 400k na. Simula nung na-confine siya last month, hindi pa tayo nakakabayad." 400k + 2.8 Million = 3.2 Million para kay Emerald pa lang. Parang sinuntok ako sa sikmura. "At hindi lang yan, Saphire," dagdag ni Dr. Santos, parang nahihiya pa. "Kailangan din namin ng downpayment na 500k bago namin ma-schedule ang operasyon. No downpayment, no schedule. Policy ng ospital." 500k downpayment. Ngayon na. Wala kaming 500 pesos sa wallet, 500k pa kaya? Lumabas kami ng kwarto ni Emerald. Doon, sa hallway, saka ko lang sinabunutan si Dad ng tingin. "Dad, anong nangyayari? Akala ko 89 Million lang utang natin? Bakit pati ospital may utang pa tayo?" Doon na bumigay si Dad. Umupo siya sa sahig ng ospital, sa harap ng maraming tao, at umiyak. "Saphire, anak, patawarin mo ko. Hindi lang 89 Million." Nilabas niya ulit ang folder. Pero ngayon, mas makapal. Binuklat niya. "Saphire, yung 89 Million sa bangko, yun lang yung principal. May interest na 12% per annum. 2 years na tayong hindi nakakabayad. So naging 112 Million na lahat." 112 Million. "Tapos yung sa mga suppliers natin ng diesel para sa barko, 15 Million." "Tapos yung sa BIR, hindi tayo nakapagbayad ng tax for 3 years. 8 Million, may penalty pa." "Tapos yung sa mga tao natin sa pier, yung sahod nila na hindi natin nabayaran bago natin sila tinanggal. 3 Million." "Tapos yung sa loan shark na pinag-utangan ko para may pang-ospital lang si Emerald nung una... 5 Million na ngayon dahil 20% interest per month." Nabilang ko sa utak ko. 112 + 15 + 8 + 3 + 5 = 143 Million. 143 MILLION PESOS. "Dad, paanoโ€” paano umabot ng ganito?" Sugal. alak. babae. Kasi simula nung namatay si Mama 2 years ago, gumuho na ang lahat kay Dad. Siya dapat ang kapitan ng pamilya, pero siya ang nagpalubog sa amin. "At Saphire... yung bahay sa Nasugbu, naka-auction na pala talaga sa September 30. May bumili na. Hindi na natin mababawi kahit bayaran pa ang 89 Million. Kasi may kasama pang ibang utang na nakasanla ang bahay." So wala na. Wala na talaga kaming bahay. Napaupo ako sa tabi ni Dad sa sahig. Dalawang Del Rio, nasa sahig ng ospital, umiiyak. "Ate Saph?" Lumingon ako. Si Emerald, nakatayo sa pintuan ng kwarto niya, hawak ang dextrose niya, nakatingin sa amin. "Ate, wag ka umiyak. Okay lang ako. Hindi na ako magpapa-opera para hindi ka na umiyak." Doon ako mas lalong naiyak. Tumakbo ako at niyakap siya. "Magpapa-opera ka! Magpapa-opera ka! Kahit ibenta ko ang kaluluwa ko!" At dun ko naalala si Ginoong P. Si Ginoong P na magbabayad ng lahat. Lahat ng 143 Million. Lahat ng operasyon. Kahit 60 years old siya. Kahit amoy matanda siya. Kahit wala siyang ngipin. Papakasalan ko pa rin siya. Para kay Emerald. Pag-uwi namin ng Nasugbu galing Lipa, hindi na kami dumaan sa bahay. Pumunta kami sa pier. Yung dating pier na may 5 yate kami. Ngayon isa na lang natira โ€” yung pinakaluma, butas-butas, at nakatali na lang kasi wala nang gas. Doon, tinawagan ni Dad si Atty. Ramirez, yung abogado ni Ginoong P. "Attorney, pumapayag na ang anak ko... opo, kahit anong kondisyon... opo, contract marriage..." Pagkababa ng phone, tumingin si Dad sa akin. "Bukas, 10 AM, nasa Pendleton Tower ka. BGC. 45th floor. Doon ka pipirma ng kontrata. At makikilala mo na si Ginoong P." Tumango lang ako. Wala na akong luha. Pumasok ako sa studio ko. Tumingin sa blankong canvas. At sa unang pagkakataon sa loob ng isang taon, nakapagpinta ako. Pininta ko ang dagat na galit. At isang babaeng lumulubog. Walang sumasagip. Ako yun. At habang nagpipinta ako, hawak ko ang kwintas kong P. "P, kung totoo ka... sana tulungan mo ulit ako. Katulad nung tinulungan mo ako nung gabing gusto ko nang malunod." Hindi ko alam, kinabukasan, makikita ko ulit si P. At hindi na siya yung sugatang lalaking sinagip ko. Siya na yung lalaking maniningil. --- PLAGIARISM IS A CRIME COPYRIGHTS2025_Wattywriters07ยฉ AUTHOR: MS_KALIWETE07 2025ยฎ|Nov.2026
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD