_Chapter 03_ 💍💐

1421 Words
### BUSINESS PROPOSAL *by MS_kaliwete07* *CHAPTER 3: The 60-Year-Old Groom Is A Lie* *SAPHIRE DEL RIO POV* Hindi ako nakatulog buong gabi. Paano ka makakatulog kung alam mong bukas ipapakasal ka sa 60-year-old na bilyonaryo na hindi mo kilala? 60 years old, balo, siguro amoy menthol at may pustiso. Yun ang nasa isip ko kay Ginoong P. Alas-singko pa lang ng umaga, naligo na ako. Ginamit ko yung huling Dove shampoo na natira. Nagbihis ako ng pinakamagandang damit na meron ako — yung white dress na sinuot ko rin nung sinagip ko si P isang taon na ang nakalipas. Kasi yun lang ang malinis at hindi butas. Si Dad, tahimik lang habang nasa bus kami papuntang BGC. Hawak niya ang kamay ko na parang natatakot na baka tumakbo ako. "Saphire, pagdating doon, wag ka magtatanong ng marami ha? Pirma ka lang. Sabi ni Attorney, mabait daw si Ginoong P. Basta sundin mo lang yung mga kondisyon niya." Kondisyon. Isang taon na kasal. Isang taon na maging yaya ng matanda. Pagdating namin sa BGC, halos mahilo ako. Ang taas ng Pendleton Tower. 50 floors. Salamin lahat. Lahat ng tao naka-suit na mukhang 50k ang presyo. At ako, naka-white dress na 500 pesos at tsinelas na pinunasan ko lang para mag mukhang sapatos. "Good morning, Ms. Del Rio? 45th floor po, naghihintay na si Mr. Pendleton," sabi ng receptionist na ang ganda-ganda at nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa na parang isa akong dumi sa sahig. Sumakay kami ng elevator. Habang paakyat, lalo akong kinakabahan. 43rd... 44th... 45th... _Ding._ Bumukas ang pinto. Malamig. Sobrang lamig ng 45th floor. At amoy mamahaling pabango na pamilyar. Amoy... Creed Aventus ? worth 20,000 pesos ang halaga Ng pabango na yun .. "Mr. Del Rio, Ms. Del Rio, pasok po," sabi ni Atty. Ramirez, matandang abogado na nakangiti pero peke. Pumasok kami sa pinakamalaking opisina na nakita ko sa buong buhay ko. Mas malaki pa sa buong bahay namin sa Nasugbu. Floor-to-ceiling window, kita ang buong Manila Bay. May malaking black table sa gitna. At sa dulo, may isang swivel chair na nakatalikod. Nakatalikod ang lalaki. Naka-black suit. Malapad ang likod. Ginoong P. "Ginoong P, nandito na po si Saphire Del Rio at ang ama niya," sabi ni Attorney. Dahan-dahan umikot ang swivel chair. At doon, tumigil ang mundo ko. Hindi matanda. Hindi 60. Hindi kalbo. Hindi amoy menthol. Lalaki. 28 siguro. Sobrang tangkad. Black suit na halatang Armani, white shirt na nakabukas ang dalawang butones, kita ang collarbone. Buhok na itim na naka-gel paatras. Matangos ang ilong. Makapal ang kilay. Jawline na parang kayang sumugat. At... Gray eyes. Gray eyes na parang bagyo. Gray eyes na nakita ko na dati. Sa dagat. Nung gabing umuulan. Nung sinagip ko siya. "Ikaw," bulong ko. Nanlambot ang tuhod ko. Ngumisi siya. May isang dimple lang sa kaliwa. Yung dimple na hindi ko makakalimutan. "Long time no see, Saphire. Kamusta yung cufflink ko?" sabi niya, malamig ang boses pero may diin. Yung boses na yun. Yung boses na garalgal nung sinabi niyang "You saved me." Si P. Siya si P. Siya si Ginoong P. Hindi pala P ang initial ng matanda. P ang initial niya. Phoenix. Napaatras ako. "Ikaw yung... ikaw yung sa dagat... ikaw yung—" "Ako yung hinayaan mong nakatulog sa boathouse tapos ninakaw mo yung cufflink ko at ginawa mong kwintas," putol niya. Tumayo siya. Bawat hakbang palapit sa akin, parang lumiliit ang opisina. 6'1 siya. Ako 5'4. Kailangan kong tumingala. "Phoenix Pendleton," pakilala niya, pero hindi inabot ang kamay. Tinitigan lang ako mula ulo hanggang paa. "CEO ng Pendleton Group. 28. Hindi 60. Hindi balo. At definitely hindi naghahanap ng tagapagmana." Tumingin siya kay Dad na halos himatayin na. "Atty. Ramirez told your Dad I'm 60 para pumayag agad kayo. Because I knew, Saphire, pag nalaman mong ako yung sinagip mo, baka hindi ka pumayag. Baka singilin mo ko ng utang na loob. And I hate utang na loob." Nanlamig ako. "Anong... anong ibig sabihin nito?" tanong ko, nanginginig na. Ibig sabihin, lahat ng plano niya, lahat ng 143 Million na utang, lahat ng operasyon ni Emerald... kasama sa plano niya para makaganti dahil akala niya ninakaw ko yung P niya. Inilabas ni Atty. Ramirez ang kontrata. Makapal. 20 pages. "Ms. Del Rio, eto ang Business Proposal ni Mr. Pendleton," sabi ni Attorney. Binasa ko habang nanginginig ang kamay. _CONTRACT OF MARRIAGE - 1 YEAR_ _1. Mr. Phoenix Pendleton will pay all Del Rio debts amounting to Php 143 Million._ _2. Mr. Pendleton will pay for Emerald Del Rio's operation amounting to Php 3.2 Million and all post-op expenses._ _3. Ms. Saphire Del Rio will marry Mr. Pendleton and live with him as his wife for 1 year in his private residence._ _4. No intimacy required unless both parties consent._ _5. After 1 year, divorce. Ms. Del Rio will receive Php 10 Million as compensation and must return the gold cufflink with letter P._ _6. Failure to comply: Del Rio family must pay double - Php 286 Million._ Kailangan kong ibalik ang kwintas. Yung P. Yung nag-iisa kong lucky charm sa loob ng isang taon. Napahawak ako sa leeg ko. "Hindi... hindi mo pwedeng bawiin to. Bigay mo to sa akin... iniwan mo sa akin!" "Iniwan? Or ninakaw mo nung tulog ako?" malamig niyang sabi. Lumapit siya ng sobra, isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Amoy pa rin niya yung pabango nung gabing yun. "You know, Saphire, I was looking for you for a year. Not because I wanted to thank you. But because you stole something that belongs to my dead grandmother." Dead grandmother? Yung P, sa Lola niya pala. "So ngayon, pagbabayarin kita. Isang taon na kasal. Magiging asawa kita sa papel, katulong sa bahay, at display tuwing may party. In return, buhay ng kapatid mo at bahay niyo. Fair, di ba?" Fair? Fair ba na gawing bayad ang isang tao? Tumingin ako kay Dad. Umiiyak si Dad. "Saphire, please... pumirma ka na... para kay Emerald..." Tumingin ako kay Phoenix. Yung gray eyes niya, dati malungkot nung sinagip ko. Ngayon, galit. Sobrang galit na parang kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanya. Pero sa ilalim ng galit, may iba. May... guilt? May kirot? "Sige," bulong ko. Kinuha ko ang ballpen. "Pipirmahan ko. Pero may kondisyon din ako." Tumaas ang kilay niya. "What?" "Hindi mo pwedeng galawin ang kapatid ko at ang tatay ko. At hindi mo ako pwedeng pilitin sa kama. Nasa kontrata mo naman yan pero gusto kong marinig galing sa bibig mo." Lumapit siya lalo. Hinarap niya ako na parang... parang inaamoy niya ang buhok ko. "I don't f**k women who don't want me, Saphire. Maraming nakapila. I don't need to force you." Ang sakit, pero at least totoo. "Good. So pipirma ako." At pinirmahan ko. Sa bawat letra ng pangalan ko — S-A-P-H-I-R-E D-E-L R-I-O — parang pinirmahan ko rin ang kalayaan ko. Pagkapirma ko, kinuha ni Atty. Ramirez ang papel at ngumiti. "Congratulations, Mr. and Mrs. Pendleton. Your wedding will be in 3 days. Private. No media." Wedding in 3 days. Asawa ng lalaking sinagip ko sa dagat. Asawa ng lalaking akala ko multo lang. Asawa ng aroganteng CEO na galit sa akin dahil sa isang cufflink na letter P. Pagkaalis ni Dad at Attorney, naiwan kami ni Phoenix sa opisina. Kami lang dalawa. Tahimik. "Why did you do it?" bigla niyang tanong. "Ang alin?" "Why did you save me that night? You didn't know me. You could have died. The waves were strong." Tinitigan ko siya. Yung gray eyes niya, hindi na malamig. Nalilito. "Kasi kailangan mo ng tulong. Yun lang. Hindi ko kailangan ng rason para tumulong." Natigilan siya. Parang ngayon lang may nagsabi sa kanya ng ganun. "Interesting," bulong niya. "Lahat ng babaeng kilala ko, may rason pag lumapit sa akin. Pera. Fame. Status. Ikaw... wala?" "Wala. At hanggang ngayon wala pa rin. Hindi ko ginusto to." Tumawa siya. Pero ngayon, hindi na malamig. Medyo totoo na. "We'll see, wife. We'll see kung hanggang kailan mo masasabi yan." Lumapit siya at kinuha ang kamay ko. At sinuot sa daliri ko ang isang singsing. A Diamond. Malaki. Sobrang laki na halos hindi ako makagalaw. "Welcome to hell, Mrs. Pendleton." At hinila niya ako palapit at bumulong sa tenga ko. "At yung kwintas mo... akin pa rin yan. Isang araw, kukunin ko yan pabalik. Kasama ka." Napapikit ako. Kasi sa boses niya, hindi ko alam kung pagbabanta ba yun o pangako. --- PLAGIARISM IS A CRIME COPYRIGHTS2025_Wattywriters07© AUTHOR: MS_KALIWETE07 2025®|Nov.2026
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD