_Chapter 05_💍💐

2418 Words
### BUSINESS PROPOSAL _by MS_kaliwete07_ ### CHAPTER 5: The Man Who's Not Used To Feel *PHOENIX PENDLETON POV* Hindi ako sanay. Sanay ako na ako yung nilalapitan. Ako yung hinahabol. Ako yung tinitilian pag bumaba ako ng kotse sa BGC. Ako yung inaabangan sa lobby ng Pendleton Tower. Ako yung binibigyan ng number sa table napkin, ng panty na may lipstick pa minsan na iniiwan sa hotel room ko nung college ako. Simula high school, ganun na. Pendleton name. Gray eyes. 6'1. Mayaman. Lahat ng babae, parang nakapila talaga. Isang tingin ko lang, lumalapit na sila. Isang ngiti ko lang, nahuhulog na sila. Kaya nung sinabi ko kay Saphire na "Maraming nakapila. I don't need to force you," totoo yun. Hindi yabang. Fact. Pero ngayong gabi, ako yung nakatingin kay Saphire habang natutulog siya sa kama ko, suot yung hoodie ko, at ako yung nagpipigil na hawakan siya. Putangina, Phoenix. Anong nangyayari sayo? 28 years old ka na, CEO ka ng 100 Billion shipping companies, at ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa isang babae na taga Nasugbu na nalugi Ang mga negosyo at Ngayon ay nag titinda nàlàng ng isda ? Hindi ko gets. *SAPHIRE POV - 5:30 AM* Alas-sais pa lang ng umaga, nasa St. Luke's BGC na ako. Maaga akong pinatulog ni Phoenix kagabi kasi maaga daw yung operation ni Emerald. 8 AM daw dapat nandun na. Pero pag gising ko, wala na siya sa kama. Yung pinag-higaan niya sa tabi ko, malamig na. Pero may amoy pa rin siya sa unan at sa kumot — Creed Aventus na amoy mayaman na nakakahilo. At yung unan wall na ginawa ko, wala na. Nasa sahig na. At ako, nakayakap sa unan niya na iniwan niya ata para hindi ako magising nung tumayo siya. Pagbaba ko sa kusina, nandun siya, naka black shirt na, naka kape, nakatalikod, nakatingin sa pool na blue pa rin kahit umaga na. Hindi ako tinignan. "Good morning," sabi ko, nahihiya pa rin kasi naalala ko na nakayakap ako sa dibdib niya kaninang alas-tres ng madaling araw. Naramdaman ko pa rin yung init niya. "Good morning," sagot niya, malamig ulit. Bumalik na naman siya sa suplado mode. Yung CEO mode. "Kumain ka. Hatid ka ni Manang sa ospital. May meeting ako ng 7 AM sa Makati. 30 Billion deal." "Akala ko sabay tayo pupunta? Opera ni Emerald ngayon, Phoenix. Sabi mo pupunta ka?" "I have a meeting. 30 Billion deal. Mas importante yun kesa... sa opera." Hindi niya tinuloy pero nasaktan ako sobra. Parang sinampal ako. "Ah... sige. Okay lang. Gets ko. Work mo yun. Bilyonaryo ka. Mas importante yun kesa sa kapatid ng peke mong asawa na taga ukay." Ngumiti ako pero pilit at nanginginig ang labi ko. Kumuha ako ng tinapay pero hindi ko makain. Doon siya lumingon. Tinitigan ako. Gray eyes niya may guilt at may something na hindi ko maintindihan. "Saphire—" "No, okay lang talaga, Phoenix. Hindi mo naman kapatid si Emerald. Hindi mo responsibilidad. Salamat pa rin sa 10 Million. Okay na yun. Sobrang okay na." Tumayo ako. Hindi ko na kinain yung tinapay. Tumakbo ako paakyat para kunin yung bag ko. At hindi ko siya nilingon. Hindi ko nakita na pagkaalis ko, binato niya yung kape niya sa lababo sa inis. Hindi sa akin galit, sa sarili niya. "Putangina, Phoenix, ang bobo mo," bulong niya sa sarili niya. *SA OSPITAL - 7:30 AM* VIP room, pero parang impyerno pa rin ang kaba ko. Kahit aircon, pinagpapawisan ako. Si Emerald, tinutulak na papuntang OR. Nakangiti pa rin kahit kinakabahan, yakap yung teddy bear na bigay ni Phoenix kagabi. "Ate, nasan si Kuya Phoenix? Sabi niya kagabi pupunta siya? Sabi niya hawakan niya kamay ko bago ako operahan?" "May meeting siya, baby. Pero nandito ako. Ako ang hahawak." Medyo nalungkot mukha niya. "Akala ko... akala ko nandito siya para hindi ako matakot." Naiyak ako. "Nandito ako, baby. Ako ang hahawak sayo. Hindi ka matatakot." Pumasok na siya sa OR. Pintuan at nagsara. At ang ilaw na pula ay bumukas na— OPERATION IN PROGRESS. Doon ako bumagsak sa upuan sa labas. Umiyak mag-isa. Naka oversized hoodie lang ako na galing kay Phoenix pa rin — yung gray hoodie niya na amoy siya — kinuha ko sa closet niya kanina kasi wala akong jacket at giniginaw ako sa kaba. "Ma'am, okay lang po kayo?" tanong ng nurse na mabait. "O-okay lang po—" "Si Mrs. Pendleton?" Isang boses ng lalaki. Matangkad, naka white coat, moreno, gwapo — parang K-drama doctor na lumabas sa TV. Nakangiti, may dimple rin pero hindi kasing lalim ng kay Phoenix. "Ako po si Dr. Ethan Ramirez, isa sa mag-oopera kay Emerald. Friend ako ni Phoenix nung college sa US. Sabi niya bantayan kita dito kasi baka atakihin ka sa kaba. Sabi niya iyakin ka raw." Si Phoenix pa rin. Kahit wala siya, siya pa rin nag-aalala at nagbilin. "Thank you, Doc—" "Call me Ethan," sabi niya at umupo sa tabi ko, medyo malapit. Inabutan ako ng tubig at panyo na may amoy alcohol. "Phoenix told me a lot about you. Sabi niya matapang ka daw. Taga Nasugbu? Ang layo ah. Kamusta dun?" Tumango ako, pinunasan ko ang luha ko. "Ang ganda mo pala pag umiiyak. Pero mas maganda ka kapag nakangiti ka, Saphire." Doon ako natawa kahit umiiyak. First time may nagsabi sakin ng ganyan na hindi bastos pakinggan. Kay Phoenix kasi pag sinabi niya maganda ako, parang nang-aasar. Si Ethan, magaan kausap. Hindi tulad ni Phoenix na laging nanunukso at nananakit ng damdamin. *PHOENIX POV - 9:47 AM - PARKING LOT* I cancelled all my meetings. Putangina nung 30 Billion deal. Sabi ko sa secretary ko, "Cancel. Emergency." Nasa parking ako ng St. Luke's. Kanina pa ako nandito, 8 AM pa lang. Pero hindi ako umakyat. Bakit? Kasi duwag ako. First time sa buhay ko na naging duwag ako. Nasanay ako na ako yung iniiyakan ng babae, hindi ako yung umiiyak para sa babae. Nasanay ako na ako yung pinaghihintay, hindi ako yung naghihintay sa labas ng OR na parang aso. At ngayon, nandito ako, naghihintay sa labas ng OR ng kapatid ng asawa kong peke, kasi gusto kong hawakan ang kamay niya pag lumabas kapatid niya. Gusto kong sabihin na nandito lang ako. Pero natatakot ako na baka hindi niya ako kailangan. Baka mas kailangan niya si Ethan. At pagtingin ko sa CCTV na pinabuksan ko sa admin — binayaran ko ang admin para makita ko siya sa waiting area — nakita ko siya. May katabing lalaki. Si Ethan. Naka hoodie ko pa siya. Hoodie ko. Gray hoodie na paborito ko. Tapos may ibang lalaki na naka white coat, nakangiti sa kanya, inaabutan siya ng tubig. At siya, nakangiti pabalik kahit umiiyak. At hinahawakan pa ni Ethan ang balikat niya. Parang sinaksak ang dibdib ko ng anchor tattoo ko mismo. Tumawag ako kay Ethan, nanginginig ang kamay ko sa selos. "Ethan, lumabas ka diyan sa OR waiting area. Nandyan asawa ko." "Pare, okay lang, kinakausap ko lang si Saphire, kinakabahan kasi—" "Sabi ko lumabas ka. Now. That's an order, not a request." Binabaan ko. Tumakbo ako paakyat, hindi na ako nag elevator. 5th floor, tinakbo ko hagdan. *SAPHIRE POV* Biglang bumukas ang pinto ng fire exit. Si Phoenix. Pawis, hingal, buhok magulo, naka black shirt pa rin pero gusot na at basa sa pawis sa likod. Gray eyes niya madilim na madilim, parang bagyo, nakatingin sakin at kay Dr. Ethan na nakaakbay na sakin kasi umiiyak ako. "Phoenix!" napatayo ako, gulat at kinilig kasi dumating siya. Hindi niya ako pinansin una. Kay Ethan siya nakatingin, mata niya parang papatay. "Dr. Ramirez, di ba nasa OR ka dapat? Bakit nandito ka at inaakbayan ang asawa ko?" "Ano, tapos na pre-op, hinihintay lang anesthesiologist, kaya lumabas muna ako para—" "So bakit nandito ka? At bakit ka tumatabi sa asawa ko na suot hoodie ko?" Doon natahimik buong hallway. Lahat ng nurse, lahat ng pasyente na dumadaan, nakatingin samin. Parang teleserye. "Phoenix, ano ba! Kaibigan mo siya! Pinapagaan niya lang yung loob ko! Umiiyak ako kanina!" sabi ko, hinila ko ang braso niya na mainit sa pawis. Tumingin siya sakin. Pababa. Nakita niya ang hoodie niya na suot ko. Mas dumilim mata niya pero iba na — hindi na galit, parang nagseselos pero nasasaktan. "Suot mo hoodie ko," sabi niya, boses mahina na siya lang nakarinig. "Oo, malamig kasi kanina, kinuha ko sa closet mo—" "Good. Akin lang yan. Wag mong huhubarin kahit mainit. Amoy mo na yan, akin pa rin yan." Tapos bigla niyang hinawakan yung bewang ko at hinila palapit sa kanya sa harap ni Ethan at ng mga nurse. Mahigpit, possessive, parang sinasabi na akin to. "Ethan, this is my wife, Saphire. Mrs. Saphire Del Rio Pendleton. Asawa ko. Hindi Saphire lang, hindi Mrs. lang. Mrs. Pendleton. At hindi mo siya dapat inaakbayan. Asawa ko siya." "Pre, nagbibiro lang ako, friend lang—" "I'm not joking, Ethan. Friend kita, pero asawa ko siya. Lumabas ka na. Pumunta ka na sa OR. Kapatid ng asawa ko ang inooperahan mo, galingan mo." Umalis si Ethan, medyo awkward. Kami na lang dalawa sa hallway. "Ba't ka nandito? Sabi mo may meeting ka na 30 Billion? Mas importante yun kesa samin?" tanong ko, inis pa rin pero sobrang kinikilig sa loob ko, kasi nagselos siya at dumating siya. Tumingin siya sa malayo, hindi sakin, kasi hindi siya marunong magsabi ng totoo pag nahihiya. "Wala. Cancel ko. Hindi ako makapag-focus sa meeting. Ang ingay ng utak ko." "Bakit maingay?" Kasi ikaw nasa isip ko buong meeting. Gusto niyang sabihin. Pero hindi niya masabi. Kasi hindi siya sanay na siya yung nag-iisip sa babae. Dati babae nag-iisip sa kanya. "Kasi... baka mamatay kapatid mo at sisihin mo ako habang buhay. Ayokong may utang na loob ka sakin na galit. Ayokong isipin mong pinabayaan ko kayo." Palusot. Alam kong palusot pero medyo totoo. "Phoenix, nagseselos ka ba?" diretsahan kong tanong. Doon siya napatingin sakin, gray eyes nagulat at depensa agad. "What? Selos? Ako? Don't be ridiculous, Saphire. Maraming nakapila sakin. Models, actresses, CEOs. I don't get jealous. Babae ang nagseselos sakin, hindi ako nagseselos sa babae. Never ako nagselos sa buong buhay ko." Bastos ulit! Paasa king! "Ah ganun? So hindi ka nagseselos? So okay lang na kausapin ako ni Dr. Ethan? Mabait siya eh, gwapo pa, parang K-drama—" Doon niya ako sinandal sa pader ng hallway. Hindi malakas, dahan-dahan pero madiin at maingat para hindi ako masaktan. Both hands niya nasa pader, nakakulong ako sa gitna niya. Amoy na amoy ko ang pawis niya pero mabango pa rin. "Don't," sabi niya, boses mababa, mapanganib, parang bulong na may halong sakit. "Don't say his name na parang ganyan, Saphire. I said I'm not jealous, but I'm possessive. May difference." "Ano difference ng seloso at possessive?" "Pag nagseselos ako, ibig sabihin insecure ako na mas gwapo siya sakin o mas mabait. Hindi ako insecure. Alam kong mas gwapo ako kay Ethan at mas mayaman. Pero pag possessive ako..." lumapit pa siya,ang noo niya halos dumikit na sa noo ko, "ibig sabihin ayokong may humahawak sa kung anong akin. Kahit sa papel lang. Kahit isang taon lang. Akin ka for one year, Saphire. At ayokong may humahawak sa iyo." Kinabahan ako. Kasi ang lapit na ng mukha niya. Kita ko ang pawis sa noo niya, kita ko yung pagod sa mata niya na parang hindi natulog, kita ko yung labi niya na tuyo. "Phoenix... nasa ospital tayo... maraming tao..." "I know. Kaya ako nagpipigil. Kung nasa mansion tayo ngayon, Saphire, kanina pa kita hinalikan para tumigil ka sa kakabanggit ng Ethan na yan." Nanlalaki ang mga mata ko. "Alam mo ba kung gano kahirap magpigil pag suot mo hoodie ko at amoy kita at umiiyak ka kanina at gusto kitang yakapin pero natatakot ako na baka isipin mong naaawa lang ako sayo? Na baka isipin mong niloloko lang kita?" Doon ako natulala. Kasi first time niyang sinabi niya yun. Na nahihirapan siya magpigil at natatakot siya. "Phoenix..." "I'm not used to this, Saphire," bulong niya, at ang noo niya dumikit na sa noo ko, nakapikit siya at humihinga ng malalim. "I'm not used to caring if a woman cries. Dati pag umiiyak yung babae sa harap ko, iniiwan ko. I'm not used to canceling a 30 Billion meeting for a 7-year-old kid na hindi ko kadugo at para sa babaeng peke lang na asawa ko. I'm not used to getting jealous over a girl in a hoodie na mukhang ukay at taga Nasugbu. This is new. And I don't like new things. Nakakatakot." Doon ako napangiti kahit umiiyak ulit ako. Kasi nasasaktan siya at nalilito. Kasi first time niya masaktan dahil sa babae na hindi siya hinahabol. Siya yung naghahabol ngayon. Ako yung hinahabol niya. "So anong gagawin mo ngayon?" tanong ko, mahina. Huminga siya ng malalim at lumayo ng konti. Bumalik sa pagiging CEO, pero yung kamay niya nakahawak pa rin sa bewang ko. "I'll wait. Hanggang matapos ang operation ni Emerald. Nandito lang ako sa tabi mo. Uupo ako sa tabi mo, hahawakan ko ang kamay mo, pero wag kang umasa na mahal kita, Saphire. Hindi kita mahal. Comfort lang to. Kasi asawa kita sa papel. At ayokong sabihin ng mga tao na pinabayaan kita." Paasa king talaga! Pero hawak pa rin niya kamay ko at hindi na binitawan. Umupo kami sa waiting area. Hawak kamay. Tahimik. Pero yung tahimik na yun, mas maingay pa kesa sa sigaw. Hanggang bumukas ang pinto ng OR. "Doc, kamusta ang kapatid ko? Kamusta si Emerald?" sabay naming sigaw ni Phoenix, sabay tayo. At nung sinabi ng doctor na "Successful operation, stable na si Emerald, 2 hours na lang magigising na siya," si Phoenix una kong niyakap ng mahigpit. At siya, kahit nagulat sa yakap ko, niyakap ako pabalik ng mas mahigpit, sa harap ng lahat ng nurse at ni Ethan na kakalabas lang ng OR, na parang totoong asawa na matagal ng kasal. At bulong niya habang yakap ako at umiiyak ako sa dibdib niya: "See? Sabi sayo mabubuhay siya. Magaling ako pumili ng doctor. Akin ka pa rin at may utang ka. Hindi ka pa tapos sakin, wifey." Bastos pa rin hanggang dulo. Pero yung yakap niya, hindi bastos. Safe. Mainit. Comfort. Yung tipo ng yakap na sinasabing Hindi kita iiwan hanggang sa huli — yung nandyan lang siya pag kailangan mo, kahit nasasaktan siya at hindi siya sanay. --- PLAGIARISM IS A CRIME COPYRIGHTS2025_Wattywriters07© AUTHOR: MS_KALIWETE07 2025®|Nov.2025
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD