bc

Entangled between the two Je

book_age18+
92
FOLLOW
1K
READ
second chance
goodgirl
CEO
sweet
bxg
campus
office/work place
first love
school
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Si Jelo Sanchez at Jeremiah Sanchez ay magkapatid sa ama, pero hindi iyon naging hadlang para mahalin at maging close sila sa isa’t-isa. Kahit hindi sila buo na magkapatid ay hindi naman sila mapaghiwalay. Gano’n sila ka-close. Kung anong hinihiling ni Jeremiah ay binibigay ni Jelo. Kahit wala na para sa kanya ay ibibigay niya dahil mahal na mahal niya ang kanyang kapatid. Nag-iisa lang niya itong kapatid at isa ito sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

 

“Kuya Je.” Napalingon si Jelo sa kanyang likod nang tawagin siya ni Jeremiah. Nakahawak ito sa mga tuhod habang habol nito ang hininga nang tumigil ito sa harap niya.

 

“May naghahabol ba sa ‘yo? Nagmamadali ka ba?” Kung makatakbo kasi ito kanina ay parang hinahabol ito.

 

“Kuya!” Bahagya siyang nagulat nang hinawakan nito ang magkabila niyang braso habang seryosong nakatingin sa kanya. “I think I’m in love.” Naningning ang mga mata nito habang sinasabi ang mga salitang iyon.

 

Mukhang in love nga ito dahil sa mga mata nito na kulang na lang ay maghugis puso.

 

“Talaga? Baka naman puppy love lang ‘yan.” High school pa lang sila at baka nasasabi lang nitong in love ito dahil ito ang unang beses na nagkagusto ito sa isang babae.

 

“No.” Umiling-iling ito at tinitigan siya sa mga mata nito. “Akala ko din crush ko lang siya, but no. I am sure that I love her. Every time I see her, my heart always skip a beat. I always wanted to see her. Tapos kapag kasama ko siya, parang… parang may kung anong meron sa tiyan ko na gumagalaw. Basta, basta, basta! Alam ko.” Tinuro nito ang puso nito. “I love her. I love her, Kuya Je.”

 

“Fine. Fine. Fine. You love her. Now tell me, who is this lucky girl?”

 

Ngumiti ito nang matamis. “Si Scarlet, Kuya Je.” Bigla siyang nanigas sa binanggit nitong pangalan. “I love Scarlet Hope, Kuya.”

 

Lihim siyang napamura sa kanyang isipan. Minsan talaga masyadong mapaglaro ang tadhana. Sinong mag-aakala na ang babaeng matagal na niyang lihim na iniibig ay mahal din pala ng kanyang kapatid.

 

Lahat ng meron siya ay binibigay niya kay Jeremiah, pero paano kung pati ang babaeng nagugustohan niya ay magustohan din ng kapatid niya? Handa ba niya itong ipaubaya para lang maging masaya ang kanyang kapatid? Handa ba niyang pakawalan ang babaeng mahal niya para lang sa kapatid?

chap-preview
Free preview
Prolouge
Si Jelo Sanchez at Jeremiah Sanchez ay magkapatid sa ama, pero hindi iyon naging hadlang para mahalin at maging close sila sa isa’t-isa. Kahit hindi sila buo na magkapatid ay hindi naman sila mapaghiwalay. Gano’n sila ka-close. Kung anong hinihiling ni Jeremiah ay binibigay ni Jelo. Kahit wala na para sa kanya ay ibibigay niya dahil mahal na mahal niya ang kanyang kapatid. Nag-iisa lang niya itong kapatid at isa ito sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya. “Kuya Je.” Napalingon si Jelo sa kanyang likod nang tawagin siya ni Jeremiah. Nakahawak ito sa mga tuhod habang habol nito ang hininga nang tumigil ito sa harap niya. “May naghahabol ba sa ‘yo? Nagmamadali ka ba?” Kung makatakbo kasi ito kanina ay parang hinahabol ito. “Kuya!” Bahagya siyang nagulat nang hinawakan nito ang magkabila niyang braso habang seryosong nakatingin sa kanya. “I think I’m in love.” Naningning ang mga mata nito habang sinasabi ang mga salitang iyon. Mukhang in love nga ito dahil sa mga mata nito na kulang na lang ay maghugis puso. “Talaga? Baka naman puppy love lang ‘yan.” High school pa lang sila at baka nasasabi lang nitong in love ito dahil ito ang unang beses na nagkagusto ito sa isang babae. “No.” Umiling-iling ito at tinitigan siya sa mga mata nito. “Akala ko din crush ko lang siya, but no. I am sure that I love her. Every time I see her, my heart always skip a beat. I always wanted to see her. Tapos kapag kasama ko siya, parang… parang may kung anong meron sa tiyan ko na gumagalaw. Basta, basta, basta! Alam ko.” Tinuro nito ang puso nito. “I love her. I love her, Kuya Je.” “Fine. Fine. Fine. You love her. Now tell me, who is this lucky girl?” Ngumiti ito nang matamis. “Si Scarlet, Kuya Je.” Bigla siyang nanigas sa binanggit nitong pangalan. “I love Scarlet Hope, Kuya.” Lihim siyang napamura sa kanyang isipan. Minsan talaga masyadong mapaglaro ang tadhana. Sinong mag-aakala na ang babaeng matagal na niyang lihim na iniibig ay mahal din pala ng kanyang kapatid. Lahat ng meron siya ay binibigay niya kay Jeremiah, pero paano kung pati ang babaeng nagugustohan niya ay magustohan din ng kapatid niya? Handa ba niya itong ipaubaya para lang maging masaya ang kanyang kapatid? Handa ba niyang pakawalan ang babaeng mahal niya para lang sa kapatid? “I LOVE YOU, Jelo.” Napatigil si Jelo nang marinig ang sinabi ni Scarlet sa kanya. Natigilan siya at nagulat dahil hindi niya inaakala na mahal din pala siya ng dalaga. Kung hindi lang ito gusto ni Jeremiah ay baka nagtatalon na siya sa tuwa at masayang niyakap ito. Masaya naman siya dahil mahal din pala siya ng dalaga, pero paano naman ang mahal niyang kapatid? Alam niyang masasaktan ito kapag nalaman nitong gusto siya ng babaeng mahal nito. Ayaw niyang saktan ito kaya hindi siya pwedeng maging makasarili kahit gusto niya. Mahal na mahal niya ang kapatid at ayaw niyang siya ang maging dahilan kung bakit magiging bigo ito sa unang pag-ibig nito. Lumingon siya dito saka tiningnan ito nang malamig. “Pero gusto ka ni Jeremiah.” “But I like him as a friend only. You’re the one that I love.” Lumapit ito sa kanya saka hinawakan ang kamay niya. Napapikit siya nang mariin dahil parang gusto niyang hawakan nang mahigpit ang kamay nito pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi siya pwedeng maging mahina at magpadala sa nararamdaman. “You love me, too, right, Jelo?” Napatingin siya sa mga mata nitong umaasa. Yes, I love you, too Scarlet. Umiling siya na ikinabagsak ng balikat ng dalaga. “I’m sorry, Scarlet, but I don’t love you.” Ito naman ang umiling-iling. Hindi naniniwala sa sinasabi niya. “No. Alam kong gusto mo din ako dahil nararamdaman ko. Nakikita ko kung paano mo ako alagaan kahit noon pang mga bata pa tayo. You’re always so kind and gentle to me. Iba ang nararamdaman ko sa lahat ng ginagawa mo. It’s like, it’s telling me that I’m important to you.” “At sa tingin ko naman ay normal lang na ginagawa ng isang kaibigan.” Napabuntong-hininga siya. “Look, kung kaibigan lang ang tingin mo kay Jeremiah ay gano’n lang din ang tingin ko sa ‘yo. Nothing else. I’m sorry, Scarlet. Importante ka sa akin, oo, pero bilang kaibigan. Para na kitang kapatid dahil simula pa pagkabata ay magkasama na tayo.” Gusto niyang yakapin ang dalaga nang magsimula na itong umiyak. Ayaw niyang nakikita itong nasasaktan at umiiyak kaya nga todo ingat siya dito na hindi ito masaktan, pero hindi niya inaasahan na siya lang din pala ang mananakit dito. He don’t want too, but he doesn’t have a choice. “Si Jeremiah na lang ang mahalin mo dahil mahal na mahal ka niya. I’m sure maibibigay niya ang pagmamahal na hindi ko kayang ibigay sa ‘yo.” Tumalikod na siya saka umalis. Hindi na niya kaya pangtingnan na umiiyak ang babaeng mahal niya. Mas lalo lang sumisikp ang puso niya. Nasaktan na niya ito, napaiyak niya pa. What a jerk he is! Nasasaktan man niya ngayon si Scarlet ay alam niyang maghihilom din ‘yon kapag pinadama ni Jeremiah ang pagmamahal nito dito. Jeremiah loves her so much kaya alam niyang gagawin ng kapatid ang lahat para mapasaya nito ang dalaga. He was hoping that Scarlet will love him back. Gusto niyang maging masaya ang dalawang tao na importante sa buhay niya kahit pa ang kapalit no’n ay ang pagkawasak ng puso niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook