Chapter 1
Astrid's Pov
I was 10 years old when my parents past away. Namatây sila sa car accident, at ang sanhi daw nito ay ang pagkawala ng preno. Tandang-tanda ko ang unang araw na makilala ko ang Lolo ko at kung paano ako napunta sa puder nya.
Sabado ng umaga nun, yun ang araw ng libing ng mga magulang ko. May grupo ng mga kalalakihang dumating. Agaw pansin ang pag dating nila dahil pinalibutan nila ang buong facility. Para bang isang president ng bansa ang dumating dahil napaka daming security. Pero isang matandang lalaki ang lumapit sa kabaong ng parents ko. After nitong titigan ang kabaong ng parents ko ay tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
"S-sino po kayo?" Nauutal na tanong ko dito dahil sa takot.
"I'm your Lolo Jacinto, ako ang papa ng Daddy mo." Pag papakilala nito. Buong akala ko ay suplado ito dahil sa itsura nya, pero lumuhod ito sa harapan ko at ibinuka ang dalawang kamay nya upang alukin ako ng yakap.
Maraming na kwento sakin ang dad ko tungkol sa kanya. Kaya naman hindi na ako nag dalawang isip na yakapin ito. Sa pag yakap nito sakin ay naramdaman ko ang comport na kailangan ko. Umiyak ako ng malakas na tila wala ng bukas. Sobrang nasasaktan ako sa pag kawala ng parents ko, pero mapalad pa din ako dahil may Lolo pa ako.
After ng libing ng parents ko ay isinama na ako ni Lolo Jacinto sa bahay nya. Wala akong idea kung saan ito,pero mahaba ang naging byahe namin bago namin ito narating.
Tumigil ang kotse na sinasakyan namin sa malaking gate. Buong akala ko ay titira ako sa simpling bahay lang, pero isa pala itong mansion.
Pag dating namin sa loob ng mansion ay sinalubong agad kami ng mga tauhan ni Lolo. Mga guards, maids at iba pang katayuan sa mansion. Pero Isa lang ang nakaagaw ng pansin ko.
"Miss Astrid, ikinagagalak namin ang iyong pag dating. Ako nga pala si Kervin Acosta." Nakangiting pagpapakilala nito sakin.
Hindi ko maiwasan ang hindi humanga dito dahil napaka gwapo nya, siguro ay nasa highschool or college na ito. Yung mga mata nya nakakatakot, pero kapag ngumiti ito ay nagiging maamo na parang isang tupa. Agaw pansin din ang dalawang hikaw sa tenga nya na lalong nag pa cool sa itsura nya. Parang K-pop idol kung titingnan pero ramdam ko ang pagiging malakas nito.
"By the way Astrid, simula ngayon ay si Kervin na ang mag aalaga sayo. Ituring mo na sya na parang tunay mong ka dugo." Saad ni Lolo kaya muli kong tiningnan si Kervin. Ngumiti ito ng malapad sakin, napaka gwapo nya talaga.
**After 8 years**
Excited na ako, ito ang unang araw ko sa school bilang college student. Kahapon lang ay nag celebrate ako ng birthday ko kasama si Lolo at mga tauhan nya sa mansion. Naka received ako ng regalo mula kay Kervin at sa ilang mga kasamahan nito sa gang.
Hindi naging masaya ang highschool life ko dahil iniiwasan ako ng mga schoolmates ko. Wala din akong naging kaibigan dahil takot sila sakin. Alam kasi nila na apo ako ng isang gang leader. Kaya ngayong college ay sisikapin kong hindi nila malaman ang tungkol sakin.
Bago ako lumabas ng kwarto ko ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin. Nakalugay lang ang bagsak kong itim na buhok. Nag lagay din ako ng light make up, at inayos ko ang palda ko na hanggang legs lang ang haba. Maputi at makinis naman ako kaya may confident ako na suotin ang uniform na ito.
Pag labas ko ng kwarto ko ay nakaabang na si Kervin sakin, napalunok ako ng humarap ito sakin. Sa tuwing nakikita ko sya ay lumalakas ang t***k ng puso ko. Alam kong hindi na ito normal pero pilit ko itong tinatago.
"Miss Astrid, napaka ganda nyo po sa uniform nyo." Nakangiting saad nito sakin. Ganito sya palagi, lagi nya akong pinupuri sa bawat galaw ko. Lahat ng achievements ko simula nung dumating ako sa puder nila ni Lolo ay palagi sya ang nasa tabi ko.
Bukod kay Lolo ay sya na ang tumayong pangalawang magulang ko. Sa mga meeting sa school at activities, nandun sya palagi to support me. Sabi nya, gagawin nya daw ang lahat ng makakaya nya para protektahan ako, dahil para sa kanya ay isang pamilya kami. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na palihim itong mahalin. Kaya ang tanong, kung pamilya kami ano ako para sa kanya? Parehas ba kami ng nararamdaman para sa isa't isa? Or parang nakababatang kapatid lang ang tingin nya sakin?
"Wait lang Miss Astrid." Saad nito at bigla nalang nitong hinawakan ang jaw ko. Nanglaki ang mata ko ng medyo yumuko ito para pantayan ako. Napakatangkad kasi nito at hanggang balikat nya lang ako. Kung 5'5 ako, mga 6ft ito or mahigit pa.
Bigla nitong inilagay ang hinlalaki nya sa gilid ng labi ko. Tila may pinunasan ito at agad ding umayos ng tayo.
"Ayan okey na, medyo may kumalat lang na lips stick." Nakangiting saad nito at tumalikod na sakin. Napahawak ako sa dibdib ko, sobrang lakas ng kabog nito. Nakasunod lang ako kay Kervin hanggang sa marating namin ng dinning area.
"Good morning po Lolo." Bati ko dito bago umupo sa tabi nito.
"Good morning din iha, ngayon na pala ang 1st day mo as a college student. If you need anything mag sabi ka lang kay Kervin." Nakangiting saad ni Lolo kaya sinimulan na namin ang kumain.
Kasabay naming kumain si Kervin, Maxi at Estoy. Si Maxi at Estoy ay Isa din sa member ng Elite Gang na pinamumunuan ni Lolo, at si Kervin ang pangalawang leader ng gang. Si Maxi at Estoy naman ang kanang kamay ni Kervin kaya palagi din silang nandito sa mansion. Sa lahat ng member ng Elite Gang ay silang tatlo ang pinakang malapit sakin.
After breakfast ay hinatid na ako ni Kervin sa school, sa Almodians University.
-
Culinary Arts ang kinuha kong course at dahil yun kay Kervin. Ilang beses na kasi ako nitong ipinag luto at talagang napakagaling ng cooking skills nito. Kaya napag disisyonan kong mag aral ng pag luluto para sa susunod maipag luto ko din sya ng masarap na pagkain.
Pag dating ko ng room ay abala lahat ng mga magiging classmates ko. Huminga ako ng malalim at nag hanap ng mauupuan. Hindi ako magaling pag dating sa pakikipag kaibigan dahil iniiwasan ako sa dati kong skwelahan.
"Dude, tingnan mo may chikababes!" Dinig kong saad ng isa sa mga classmate ko. Nakayuko akong dumaan sa gitna ng grupo ng mga lalaki.
"Hi Miss, may silya kana ba? Dito ka nalang maupo sa tabi ko." Saad ng isang lalaki. Maya-maya pa ay may humarang sa harapan ko. Bigla nitong inabot ang kanang kamay nya para siguro makipag shake hands. Iningat ko ang ulo ko para tingnan ito.
"I'm Fierce Vergara, and you are?" Nakangiting tanong nito.
"I'm Kervin." Sagot ng pamilyar na boses na nasa likuran ko at ito na mismo ang nakipag kamay kay Fierce. Napatabon ako ng bibig ng ma confirm na si Kervin nga ito. Napakunot ang noo ko ng makita itong naka uniform ng tulad ng sa mga kaklase kong lalaki.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong ko dito. Hindi nito pinansin ang tanong ko dahil nakatingin ito ng masama kay Fierce. Si Fierce naman ay hindi natinag sa tingin nito. Hindi ba sya natatakot sa mga mata ni Kervin?
"Okey class, maupo na ang lahat!" Saad ng professor namin kaya naman hinila na ni Kervin ang kamay ko at naupo na kami sa available na silya. Hindi pa din ako makapaniwala na classmate ko sya. Anong naisipan nya at bigla nalang syang bumalik sa pag aaral? Sa dami nyang pwedeng kuning course, dito pa talaga sa culinary arts. Balak nya bang bantayan ako hanggang dito?
- Break time -
Hinila ko ito papuntang rooftop.
"Anong ginagawa mo dito!?" Inis na tanong ko dito. Nakangiti itong humarap sakin.
"Nag paalam ako sa Lolo mo na ipasok ako dito sa Almodians bilang classmate mo para mas lalo kitang ma bantayan." Nakangiting sagot nito at bahagya itong lumapit sakin para ayusin ang nagulo kong buhok dahil sa malakas na ihip ng hangin.
"Paano magiging normal ang college days ko kung nandito ka pa din!?" Inis na tanong ko dito.
"Huwag kang mag alala Miss Astrid, ililihim ko ang pagiging gangster ko. Nandito lang ako para masigurado ang kaligtasan mo. Iba ang mundo ng college sa mundo ng highschool kaya hindi ko maiwasan na mag alala sayo. Kaya mapapalagay lang ang kalooban ko kung nasa tabi kita." Saad nito kaya napabuntong hininga ako.
Paano na ito, mukang hindi ko talaga magagawa ang mga gusto ko. Gusto ko lang naman maging ordinaryong teenager. Mag karoon ng mga totoong kaibigan, maranasan ang pakikipag date, mag karoon ng boyfriend at mag karoon ng 1st kiss. Maranasan yung mga normal na ginagawa ng mga teenagers. Pero mukang hindi ko ito magagawa dahil kay Kervin. Ano ng gagawin ko????!!!!!!?