Chapter 7

1659 Words
Astrid's Pov Pag dating namin sa venue ay pumasok kami sa vip room kung nasan sila Lolo. Mukang kami nalang ni Kervin ang hinihintay nila. "Lolo" Nakangiting tawag ko dito at agad na nag bless dito. Nang laki ang mata ko ng makilala ang isa sa mga nasa table, si Yuan. Naupo na kami ni Kervin, katapat ko si Yuan kaya naman ngumiti ito sakin. "By the way iha, I would like you to meet my old friend Alfredo and his grandson Yuan." Nakangiting pag papakilala ni Lolo sa mga ito. "Hi Astrid, what a small world. Mukang pinag lalapit talaga tayo ng tadhana." Nakangiting saad ni Yuan sakin kaya napakunot ang noo ko dito. "Natutuwa ako dahil mukang kilala nyo na ang isa't isa." Nakangiting saad ni Lolo. Mukang hindi maganda ang kutob ko dito. Pa simply namang hinawakan ni Kervin yung kamay ko sa ilalim ng lamesa. "Yes po Lolo Jacinto, sa Almodians University din po ako nag aaral at madalas ko po na makita si Astrid doon. Usap usapan po kasi si Astrid sa University lalo na ng mga kalalakihan, napaka ganda naman po kasi ng apo nyo." Nakangiting paliwanag ni Yuan dito sabay tingin sakin. "Gusto kong malaman mo Iha na si Yuan ang gusto kong mapangasawa mo. Kaya nag set kami ng dinner date para makilala nyo ang isa't isa. Mas mabuti na yung maaga palang ay makilala nyo na ang isa't isa para wala ng maging problema in the future kapag handa na kayong mag pakasal." Saad ni Lolo kaya humigpit ang pag kakahawak ni Kervin sa kamay ko. Hindi nalang ako umimik dahil ayukong mapahiya si Lolo sa harapan ng kaibigan nya at ni Yuan. Kakausapin ko nalang ito kapag kaming dalawa nalang. Hindi ko gustong mag pakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Mukang magiging mahirap para samin ni Kervin ang sitwasyon na ito lalo na at nakapag disisyon na si Lolo na hanapan ako ng lalaking mapapangasawa. Bakit naman kasi lumayo pa sya, nandyan naman si Kervin. Kay Kervin sigurado na ako na hindi nya ako sasaktan at aalagaan nya ako higit pa sa pag aalaga nya sa sarili nya. - After ng dinner date namin ay bumalik na kami ng mansion at this time ay kasama na namin si Lolo. Habang nasa byahe kami ay hindi ko na natiis pa ang pananahimik. "Lo, sorry po pero hindi ko gusto si Yuan, ayukong maikasal sa kanya." Saad ko habang nakayuko. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Lolo kaya minabuti kong umiwas ng tingin dito. "Bigyan mo ko ng dahilan kung bakit hindi mo sya dapat pakasalan?" Tanong nito kaya napabuntong hininga ako. "Ang totoo po kasi nyan ay may nagugustuhan na ako." Saad ko dito at lakas loob itong tiningnan sa kanyang mga mata. "At sino naman ito, ipakilala mo sya sakin para makilatis ko ito." Inis na saad nito. Napatingin ako sa unahan kung nasan si Kervin, bahagya itong napalingon sa pwesto namin ni Lolo. Paano ko ba sasabihin kay Lolo ang tungkol dito? Natatakot ako na baka magalit ito kay Kervin at ilayo nya ito sakin. "Sige po, ipangako nyo po muna sakin na hindi nyo hahadlangan ang magiging relasyon namin?" Saad ko dito pero napakunot ang noo nito at napabuntong hininga. "Apo, ang gusto ko lang naman ay maging maayos ang kalagayan mo. Kaya gusto kong makahanap ka ng maayos na lalaki, yung katulad ni Yuan. Normal na kabataan lang sya, at gusto kong maranasan mo ang mag karoon ng normal na pamilya. Hindi na nga naging normal ang buhay mo simula ng dumating ka dito sa mansion. Kaya ang nais ko ay makapag asawa ka ng malayo sa kinagisnan mo. Yung walang naka ambang panganib at takot sa puso mo." Saad ni Lolo sabay hawak sa kamay ko. Sa mga narinig ko mula kay Lolo ay tiyak kong hindi ito matutuwa kapag nalaman nya na si Kervin ang lalaking minamahal ko. Paano na ito, mukang dapat na ilihim muna namin ang relasyon namin hanggang sa mag bago ang pananaw ni Lolo sa relasyon na gusto nya para sakin. Pag dating namin ng mansion ay hinatid na ako ni Kervin sa kwarto ko. "Ano ng gagawin natin, mukang hindi sasang-ayon si Lolo sa relasyon natin. Natatakot ako Kervin na ilayo ka sakin ni Lolo." Malungkot na saad ko dito kaya niyakap ako nito at hinalikan sa noo. "Handa akong harapin ang magiging punishment ko hanggang sa pumayag na sya. Pero sa ngayon ay mabuting huwag nalang muna nating ipaalam sa kanya ang relasyon natin. Ipaubaya mo nalang sakin to Miss Astrid, ako na ang bahalang makipag usap sa Lolo mo." Saad nito tiningnan ko sya sa mga mata nya. Alam kong matapang sya sa lahat ng bagay, pero ibang usapan na ito, hindi ko kaya kapag na wala sya sakin. **KINABUKASAN** Si Maxi ang sumundo sakin sa kwarto ko, naabutan ko naman si Lolo at Kervin na seryosong nag uusap. Pag lapit ko dito ay agad nilang tinigil ang pag uusap nila, mukang ayaw nilang mapakinggan ko ang pag uusap nila. "Good morning apo." Nakangiting bati nito sakin. Napansin kong hindi naka uniform si Kervin kaya napakunot ang noo ko, mukang wala itong balak na pumasok. "Hindi makakapasok si Kervin dahil may ipapagawa ako sa kanya, kaya si Maxi na muna ang bahalang mag hatid sundo sayo." Saad ni Lolo, mukang napansin kasi nito na kay Kervin ako nakatingin. "Pero paano po ang event sa school namin, kami ang representative ng department namin kaya hindi pwedeng wala si Kervin." Nakakunot noo na saad ko dito. "Dalawang araw lang naman syang mawawala, ako na ang bahala makipag usap sa prof nyo.|" Saad ni Lolo kaya naman wala na akong nagawa. Dalawang araw na mawawala si Kervin kaya dalawang araw ko din itong hindi makikita at makakasama. Noon naman ay okey lang sakin na wala sya sa mansion, umaabot pa nga ng isang linggo at mahigit pa kapag may inuutos sa kanya si Lolo. Pero ngayon na dalawang araw lang itong mawawala ay hindi ko na agad mapigilan yung lungkot na nadarama. ----- Pa sakay na ako ng kotse ng bigla akong hilahin ni Kervin. "Babalik ako agad, ingatan mo ang sarili mo lalo na sa Yuan na yun. Pag balik ko ay kakausapin ko na si Master Jacinto about sa relasyon natin." Saad nito sakin kaya napangiti ako. "Mag iingat ka Kervin, bumalik kang ligtas para sakin." Saad ko dito at hinaplos nito ang kanang pisnge ko. "Mamimiss kita Mahal kong Astrid." Nakangiting saad nito kaya bumalik na ako ng sasakyan. "Kayo na ang bahala kay Miss Astird, gawin nyong doble ang pag babantay sa kanya."Saad nito kay Maxi. "Huwag po kayong mag alala, mag ingat kayo ni Estoy sa lakad nyo." Saad naman ni Maxi at sumakay na kami ng kotse. Kumaway ako kay Kervin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. "Alam mo ba kung san sila pupunta ni Estoy?" Tanong ko kay Maxi na nakaupo sa tabi ng driver. Sa kanilang lahat, si Kervin lang ang may access na tumabi sakin sa sasakyan at sa kahit na anong upuan. Malaki ang respeto ng mga tauhan ni Lolo sakin kaya naman tiwalang tiwala si Lolo sa mga ito kahit na puro lalaki ang kasama ko. "Ang pag kakaalam ko Miss Astrid ay may mission silang pupuntahan, huwag po kayong mag alala at babalik naman na ligtas si second master." Nakangiting saad nito sakin napatingin ako sa labas ng bintana. Wala akong idea kung anong mission yun, pero isa lang ang ang sigurado ako, mapanganib yun. Never naman silang nag kwento sakin tungkol sa mga mission na pinupuntahan nila. Minsan bumabalik sila ng mansion na may mga bandaid na sa muka or ang mas malala pa ay bandage sa ulo or sa ibang bahagi ng katawan kung san sila napuruhan ng malala. Pero si Kervin naman ay hindi ko pa nakikita na malala ang lagay, kadalasan ay gasgas or maliit na hiwa lang sa balat. Ganun sya kagaling sa pakikipag laban,hindi ko nga alam kung para saan ang samahan nila. Kahit naman tanungin ko si Lolo ay hindi din naman nito pinapaliwanag sakin. Pag dating namin ng Almondians ay pinaliwanagan ko si Maxi tungkol sa sitwasyon ko. Naunawaan naman nito na lihim lang ang pagiging apo ng leader ng gangster ko. Pag baba ko ng kotse ay saktong dating lang din ni Lyzel at Ailyn. Napansin agad nila na si Maxi yung kasama ko kaya napakunot ang noo nito. "By the way guys, this is Maxi, ahmm assistant ng Lolo ko." Nakangiting pag papakilala ko sa mga ito. Kumaway naman si Maxi sa kanilang dalawa, titig na titig naman si Lyzel kay Maxi. Mukang na love of first sight ang bruha. Gwapo din kasi itong si Maxi, ewan ko ba kung bakit karamihan ng member ng Elite gang ay may mga itsura. Minsan nga tatanungin ko sila kung required ba na may itsura sa gang nila. Muka tuloy silang hindi gangster, sayang muka kapag na basag. Nag paalam na ako kay Maxi kaya hinila na namin paalis si Lyzel. Ang gaga kasi napag hahalataan. "Girl, mahal ko na ata si Maxi." Wala sa sariling saad ni Lyzel kaya pinag tawanan namin ito ni Ailyn. "Huminahon ka muna Lyzel, ngayon mo lang nakita yung tao tapos mahal mo na agad. Paano pala kung may kasintahan na ito, o di kaya asawa at anak?" Natatawa pa ding saad ni Ailyn. "Hindi na mahalaga yun, uso naman ang agawan." Natatawang saad nito kaya maging ako ay natawa na din sa biro nito. "Pero yung totoo girl, single pa ba si Maxi? Lakad mo naman ako sa kanya." Desperate na saad ni Lyzel na ikinagulat ko. "Ah eh, hindi ko alam eh. Hayaan ko at tatanungin ko sya mamaya." Nakangiting saad ko kaya naman niyakap ako nito sa braso. Nakakatuwa lang dahil sila ang naging kaibigan ko. Kahit papaano ay unti-unti ko ng nararanasan ang normal life ng isang teenager.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD