Jennifer Dellosa's POV
“Sus.. nagta-trabaho daw! Sinong niloloko mo? Ang sabihin mo pupunta ka nang syudad para lum*ndi!” biglang wika ng kapatid kong babae.
Simula nang nasabi ko sa kanila ang balak kong makipag-sapalaran sa syudad ay wala silang nasabing maganda sa akin. Imbes na palakasin ang loob ko ay mas pinili nila akong kutyain at sabihang nang masasakit na salita.
Hindi naman iyon nakakagulat, dahil kahit noong buhay pa si inay ay lagi naman nila iyong ginagawa sa akin. Si inay lang ang nag-iisa kong kakampi sa pamilyang ‘to. Pero ngayong wala na siya ay wala nang ibang dahilan para manatili pa ako sa bahay na ito.
“Kita mo yan? Ang bastos talaga! Walang ganang sa nakakatandang kapatid. Nakapagtapos ng highschool kung umasta ay parang kung sino! Palibhasa kasi pinapaboran siya ng matandang mayaman d'yan sa tapat. Baka nga nilandi mo rin iyon kung kaya ay gano'n ka niya kung kampihan!” muling saad niya, pero mas pinili kong h'wag sumagot.
Wala naman akong mapapala kung makikipag sagutan ako sa taong katulad niya na walang ibang ginawa kundi gawing negosyo ang p*ke niya. Hindi niya kasi maakit ang matandang mayaman na kapitbahay namin kaya ako ang pinagdidiskitahan niya.
Wala ang iba kong kapatid sa bahay, siya lang at si papa ang nandito. Pero walang ibang inatupag ang tatay ko kundi ang mag-inom nang mag-inom. Nam*tay na lang si Mama dahil sa sobrang problemado niya sa tatay ko at iba kong kapatid.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay sinukbit ko na ang aking bag sa balikat ko. Nagsimulang humakbang palabas nang bahay habang ang kapatid ko ay hindi tumitigil sa pagtatalak.
“Ugaling palengkera talaga,” sa isipan ko.
Nang madaanan ko si papa sa labas nang bahay ay sandali ko lang itong tiningnan. Kahit tingnan niya man lang ako ay hindi niya ginawa, kaya bakit pa ako magpapaalam.
Dumiretsyo ako sa paglalakad, pero ilang sandali lang ay natigilan ako nang naramdaman ko ang pagtama ng bagay sa likuran ko.
“Sige! Mas mabuti pa nga kung umalis ka na lang dahil wala ka din naman silbi sa bahay na ito! Wala kang utang na loob at puro lang kalandian ang alam mo!” sigaw nito mula sa likuran ko.
Konting-konti na lang ay sasabog na ako, pero sa t'wing gusto ko siyang labanan ay bumabalik sa isipan ko ang bilin ni inay.
“H'wag mong hayaan na magaya mo ang ugali ng mga kapatid mo. Iba ka, mas marunong kang mag-isip kesa sa kanila…”
Kaya imbes na gumanti at sagutin siya ay bumuntong-hininga na lamang ako. Binalewala ang tingin at bulungan ng aming mga kapitbahay at tahimik na naglakad patungo sa kanto upang maghanap nang masasakyan.
Nasa kalagitnaan ako nang aking paglalakad nang biglang huminto ang isang tricycle sa harapan ko. Mula roon ay sumilip si Tatay Hulyo, nakangiti itong sumenyas sa akin na sumakay na sa kanyang tricycle. Napangiti ako at agad na naglakad papalapit sa tricycle niya at sumakay roon. Pagkatapos ay nagsimula na itong paandarin ang tricycle at bumyahe na kami papuntang kanto.
Makalipas ang mahigit kinse-minutos ay nakarating na kami sa kanto. Kumuha ako nang barya sa aking bulsa, upang magbayad pero nagulat ako nang hindi niya tinanggap ang bayad ko.
“H'wag na.. anak. Ang akin lang ay mag-ingat ka sa syudad,” nakangiti nitong paalala sa akin.
Kahit papaano ay may mga tao pa rin na mababait kagaya ni Tatay. Isa siya sa mga kapitbahay namin at wala siyang ibang pinakita sa akin kundi kabutihan. Para na ring tunay na anak ang turing niya sa akin. Bagay na hindi pinaparanas sa akin ng sarili kong ama.
“Masaya ako at nakapagdesisyon kana rin na umalis sa puder niyo. Noon ay maatim ko pa dahil buhay pa ang mama mo. Pero ngayon? Mas mabuting umalis ka na dahil baka kung manatili ka pa sa inyo ay magiging magulo ang buhay mo,” marahang usal nito, bakas ang matinding pag-aalala sa boses.
Hindi ko mapigilang maging emosyonal habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Tatay Hulyo. Sobrang pasasalamat ko dahil narinig ko ang mga salitang iyon, mas lalo nitong pinapatatag ang loob ko.
“Maraming salamat, Tatay Hulyo. Hayaan niyo, kapag nakaluwag-luwag na ako ay babawi ako sa inyo.” Wika ko, ngumiti ito at ginulo ang aking buhok.
“Wag mo na iyong isipin. Basta't mag-iingat ka doon, Anak. H'wag magpapaloko sa mga lalaki sa syudad dahil halang ang mga bituka ng mga iyon lalo na't napakaganda mong bata,” bilin nito, parang tatay na pinapaalalahanan ang kanyang anak.
“Trabaho po muna, Tay. Mag-aaral pa ho ako at isa pa alam niyo naman na pong may nobyo na ako,” paalala ko sa kanya.
Sumama ang mukha ni Tatay Hulyo, dahilan para matawa ako. Kahit papaano ay nakalimutan ko sandali ang problema ko dahil sa naging usapan namin.
Hanggang sa bumaba na ako nang tricycle, pero sinamahan pa ako nito patungo sa sakayan nang bus at naghintay hanggang sa bumyahe na ang boss kung saan ako sumakay.
******
Mahigit sa dalawang oras ang naging byahe ko patungo'ng Davao, sa mismong pagbaba ko nang bus ay agad akong sinalubong ng tiyahin ko. Nagulat pa ako nang bigla ako nitong niyakap at umiiyak pa.
“Tiya naman,” natatawang reklamo ko.
Lumayo siya sa pagkakayakap sa akin, pinupunasan ang kanyang luha.
“Pasensya na pamangkin. Hindi ko lang mapigilan umiyak kasi naaalala ko ang mama mo. Kamukhang-kamukha mo siya,” pag-amin niya.
Madalas ko iyong marinig mula sa mga taong nakakakilala sa pamilya namin. Hindi din naman talaga maipagkakaila na kamukha ko ang inay. Pero pasalamat din ako dahil gano'n ang nangyari. Mahirap din kasi kung maging kamukha ko ang tatay ko. Parang ang sama…
“O siya. Tayo na? Naghihintay na iyong sinasakyan kong taxi,” yaya nito, tumango ako at agad siyang kumapit sa braso ko at iginiya niya ako patungo sa taxi na sinasabi niya.
*****
Pagkarating namin sa tapat ng bahay na tinutuluyan ng amo ng tiya ko, hindi ko napigilang mapahawak sa dibdib ko. Namamangha habang pinagmamasdan ang malaking bahay.
Halos kasing-taas ng tatlong tao ang gate nito… kulay itim at gawa sa makapal na bakal na may ukit na mga linya at na parang mamahaling disenyo sa mga architectural magazines.
Sa gate pa lang ay alam mo takagang bigatin ang nakatira rito.
“Jennifer, dito tayo,” mahinahong saad ni Tiya habang kumakatok sa malaking intercom sa gilid ng gate.
Pagkalipas ng ilang segundo, marahang bumukas ang gate. Napalunok ako. Kasi sa pagkabukas niyon ay bumungad na agad ang tanawin na sa magazine at tv ko lang nakikita.
Malawak na garden, berdeng-berde ang damo at halatang inaalagaan talaga iyon. May pathway pa na gawa sa makinis na puting bato na diretso tatlong palabag na bahay, pero mas tama iyong tawagin na mansyon kasi sobrang laki.
Ang kulay ng pintuta nito ay pinaghalong itim, puti, at dirty white. Malinis tingnan, may malamig na dating. Ang first floor ay puro malalaking salamin, habang ang upper floors ay may terrace at modernong railings. Lahat premium. Lahat mamahalin. Lahat intimitado.
“Grabe…” bulong ko habang papasok kami.
Nilingon ako ni Tiya at ngumiti. “Di ba? Nagulat din ako noong unang beses kong dumating rito.”
Pagkapasok namin mismo ng loob ng bahay, mas lalo akong mamangha.
Parang biglang lumaki ang mundo ko nang dahil sa harap ko ay isang napakalawak na living room, halos kayang tumakbo ng mga bata nang hindi matatamaan ang kahit ano. Ang sahig ay makinis na puting tiles, expensive-looking. Sa taas namin ay nakasabit ang isang chandelier na hindi ko maipaliwanag kung gaano kamahal.. may mga crystals na kumikislap na animo'y mga bituin.
Sa kaliwa’t kanan ay naka-display ang iba't ibang paintings, mga abstract, mga portrait, at may ilan pang mukhang imported dahil kahit ang pag-frame pa lang ay mukhang milyon ang halaga.
“Ang yaman talaga…” hindi ko namalayang nasabi nang mahina.
Habang nag-iikot ang mata ko sa bawat sulok ng mansyon, bigla na lamang may naramdaman akong yumakap sa mga binti ko.
Kasunod niyon ay narinig ko ang maliit na tawanan at mahihinang hakbang. Nang magbaba ako ng tingin ay bumungad sa akin ang dalawang bata… malawak ang mga ngiti at… kambal. Babae at lalaki.
“Hi…” mahina kong bati sa kanila.
Nang bumaling ako kay tiya ay bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha habang papalit-palit ng tingin sa akin at sa kambal.
“Bakit po?” nagtatakang tanong ko.
“Hindi nila ginagawa ang ganito sa mga katulong rito, Jennie. Ikaw pa lang,” hindi makapaniwalang aniya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kambal, nakangiti pa rin silang dalawa habang nakatingin sa akin at sobrang kyut-kyut nilang dalawa. Dudukwang na sana ako upang kausapin sila, pero bago ko iyong magawa ay natigilan ako nang biglang umalingawngaw ang boses ng isang lalaki mula sa harapan.
“What are you two doing?”
Napatingin ako agad sa direksyon ng boses.
Nakatayo sa hindi kalayuan ang isang matangkad, makisig at gwapong lalaki na parang cover sa mga magazine at libro ng precious heart romance… Nakasuot nang itim na long sleeves at seryoso ang mukha habang nakatingin sa amin.
He was…. deadly gorgeous.
“Who is she?” malamig niyang tanong, iniwan sa akin ang tingin at bumalikg kay Tiya.
“A-ah, Sir… siya po ang pamangkin ko. Si Jennifer,” mabilis na pagpapakilala ni Tiya, bakas ang paggalang sa tono ng boses niya. “Siya ho iyong binanggit ko sa inyo nang nakaraang linggo.”
Sandaling tumigil ang lalaki. Walang reaksyon ang mukha. Walang kahit anong emosyon.
Pagkatapos ng limang segundong nakakapanindig, tumango lamang siya. Bukod doon ay wala na itong ibang sinabi.
Wala man lang “welcome” o kahit “okay.” man lang ay wala.
Pero kasi kahit sobrang simple lang ng ginawa niya ay ramdam ko pa din ang buhay ng kanyang presensya.
Maya-maya ay bahagya niyang tinaas ang kamay niya at agad namang tumigil ang lambing ng mga bata sa mga binti ko. Awtomatiko silang bumitaw sa pagkakayakap sa binti ko ay nagsimulang tumakbo patungo sa lalaki.
“Daddy!” sigaw nilang pareho.
Hindi siya ngumiti, pero inilagay niya ang kamay sa ulo ng mga bata, marahang hinaplos ang kanilang buhok.
Bago sila tuluyang naglakad papalayo ay muling lumingon ang kambal sa akin.
Sabay silang dalawa na kumaway sa akin kaya napangiti ako at kumaway din pabalik. Tahimik silang sinusundan ng tingin hanggang sa tuluyan silang nawala sa paningin ko.
“Halika na,” ani Tiya habang hinahatak ako palayo papunta sa hallway. “Ihahatid na kita sa kwarto natin.”
Naglakad kami sa mahabang pasilyo, pareho kaming hindi nagsasalita. Sobrang tahimik ng buong mansyon, tanging ugong lang ng aircon ang naririnig ko. Ilang sandali pa ay bumukas ang isang pinto.
Pagkapasok namin, huminga nang malalim si Tiya bago nagsalita.
“Jennifer…” tumingin siya sa akin, parang may gustong sabihin na mabigat.
“Po?” tanong ko.
Humugot siya ng hangin bago nagsimula.
“’Yung lalaki kanina… siya ang may-ari ng bahay. Siya ang boss natin.” Napalunok ako. Kahit obvious naman, iba pa rin pala marinig nang direkta. “Single dad. Iniwanan nang Asawa, strikto pero magandang magpasahod,” aniya.
Tumango-tango ako, kahit kinakabahan.
“Pero mukang mabait naman ho?” balik kong tanong sa kanya.
Hindii agad sumagot si Tiya. Nakatingin lang siya sa akin.
At doon pa lang… ay kinakabahan na ako.
“Masasabi kong… mabait naman siya. Dahil mabuti siyang boss at ni minsan ay wala Naman siyang pinahiya na katulong o kahit sino na sinasahuran niya.”
Humugot ulit ng hininga si Tiya. “Isa pa… H'wag ka nang magulat kung may makita kang mga babae na pumupunta rito. Iba-iba kada linggo.. Sanay na kaming lahat doon.”
Pagkarinig ko niyon ay napa ‘’Oh” ako, hindi naman din kasi imposible na walang gano'n lalo pa at hiwalay siya sa Asawa niya.
Isa pa wala naman akong pakialam… nandito ako kasi kailangan kong makapag-ipon para sa pag-aaral ko.
TO BE CONTINUED….