CHAPTER 02

1464 Words
Jennifer Dellosa's POV At dahil unang araw ko sa trabaho ngayon ay maagas akong gumising. Kailangan kong magpakitang gilas, mahirap na baka matanggal agad ako e, kakasimula ko pa lang. Dumiretsyo ako sa banyo upang maligo at humigit sa isang oras din bago ako natapos. "Alam niyo na? maganda tayo kaya dapat pati katawan ay malinis. Alangan naman maganda ka lang tapos puno ng libag katawan mo? H'wag gano'n mga sis... hilod-hilod din pag may time," Lumabas ako nang banyo at suot ko na ang uniporme na ibinigay sa amin. Laking pasasalamat ko nga at si tiya ang mayordoma sa bahay na ito.. Kasi kung nagkataon na hindi tapos masungit ang mayordoma ay magkaka-problema kami. “Magandang Umaga tiya,” ngiting bati ko nang makita kong gising na ito. Kahit bahagya pang nakapikit ang isang mata niya ay bumangon na siya at pinasadahan ako ng tingin.. “Pwede ka palang maging model, pamangkin. Ganda-ganda ng katawan ko tapos ang tanagkad mo rin,” puri nito sa akin. Nahihiya akong ngumiti, "Tiya naman. Masyado niyong pinapalakas ang loob ko,” saad ko, natawa lang din si Tiya at maya-maya ay nagpaalam na maliligo na raw muna siya at maghintay lang ako saglit dahil sabay na kaming lalabas nang kwarto. Hindi naman daw kasi talaga kailangang gumising nang maaga, dahil hindi naman daw nag-aagahan ang amo. Bukod doon, madalas ay gabi na ito kung umuwi at tanging babysitter ang kasama ng mga kambal.. Dahil tsismosa ako ay inalam ko din kay Tiya kung ano ang dahilan kung bakit naging single dad ang boss namin. Pero wala rin akong nakiha dahil walang nakakaalam sa kanila kung ano talaga ang nangyari. Basta isang araw ay nakita na lang daw nila ang Asawa nito na humihila ng maleta at sumisigaw na hiwalay na silang dalawa. Hindi man lang din daw nito sinama ang kambal kung kaya ay nasa puder sila ng kanilang ama. Mula noon ay lagi na itong nagdadala ng babae, kung minsan ay naririnig nila ang ingay na ginagawa nila mula sa kwarto ng amo. Sobrang marites ko talaga… dahil sa hinaba-haba ng sinabi sa akin ni Tiya at naaalala ko lahat. Kahit isang detalye ay wala akong nakalimutan. Pero… ilang saglit pa ay biglang pumantig ang tainga ko nang may marinig akong ingay na nagmumula sa labas. Hindi ko mapigilan ang matinding kyuryusidad na naghahari sa sistema ko kung kaya ay lumabas ako ng kwarto kahit na sabi ni Tiya na hintayin ko siya. Nagsimula akong humakbang papalayo sa kwarto, hinahanap kung saan nanggaling ang ingay. Hanggang sa narating ko ang garden na nakita ko kahapon kung saan matatagpuan ang malaking swimming pool. Nagtungo ako roon, naningkit ang mga mata ko nang mapansin ko ang isang babae na nakasuot ng uniform na gaya ko, sumisigaw at hindi alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin. Nang inilipat ko ang tingin ko sa pool ay doon ko lang napansin ang mga brasong pilit na nilalaban ang tubig… hindi ako kaagad gumalaw, pinagkatitigan ko pa iyon hanggang sa naintindihan ko na ang sitwasyon…. Isa sa mga kambal na yumakap sa binti ko kahapon… kasalukuyang nasa pool at nalulunod… Nanlaki ang mga mata ko at namalayan ko na lang ang sarili kong nagsimulang tumakbo papalapit sa pool at walang sabi-sabing tumalon. Mula sa ilalim ay lumangoy ay Ako hanggang sa naabutan ko ang bata, binuhat ko siya at agad naman siyang yumakap sa leeg ko. “Breath….” agad kong saad nang maramdaman ko ang panginginig ng katawan nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng tubig o dahil sa takot. Sa bawat segundong lumilipas at pahigpit nang pahigpit ang yakap niya sa akin. Sa kagustuhan kong pakalmahin siya ay yumakap rin ako sa kanya at lumangoy patungo sa gilid nang makaahon na sa tubig. Naupo ako sa gilid ng pool, habang pinapa-upo ang batang lalaki sa kandungan ko. Sinusubukan kong silipin ang kanyang mukha, pero sa t'wing gagalaw ako upang bahagyang ilayo ang kanyang katawan sa akin ay mas lalo lang humihigpit ang kapit niya. Takot na takot siyang bitawan ko siya. “M-matt….” nanginginig na boses ng babae mula sa likuran ko, nang balingan ko ito ay nakita ko ang babae kanina.. tingin ko ay babysitter ito ng kambal. “Maayos lang siya. H'wag ka nang umiyak,” pagpapakalma ko sa kanya, ngumuso siya at inabot sa akin ang makapal na tuwalya. “T*ngina… kakasuot ko lang ng uniform pero basa na kaagad,” sa isip ko. Mabuti na lang talaga at maaga akong nagising… dahil kung nagkataon na hindi ay hindi ko alam kung may sasagip sa batang ‘to. “Baby… are you okay?” muling sambit ko, hinahaplos ang batok nito at napangiti ako nang makita ko ang kanyang pagtango. “Pwede ko na bang makita ang pogi kong mukha?” pagbibiro ko, para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Ilang segundo akong naghintay, hinayaan ko siyang magdesisyon at muli akong napangiti nang bahagyang lumuwag ang yakap niya sa akin.. dahan-dahang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at tumingala para makita ko ang mukha niya. Parang nilakumos ang puso ko nang makita ko ang pamumutla ng labi nito, kitang-kita ko ang panghihina sa kanyang mga mata dahil sa walang tigil niyang paggalaw kanina upang iligtas ang kanyang sarili. “You are a brave, young man. A handsome and brave young man. Sa susunod ay h'wag na h'wag ka na ulit lalapit sa pool, okay?” Malambing ang boses kong wika, sunod-sunod naman siyang tumango kung kaya hindi ko napigilang panggigilan ang magkabila niyang pisnge. “Let's change your clothes,” muling wika ko, buhat-buhat pa din siya at sabay kaming naglakas ng babysitter papasok sa loob. Ngunit pareho kaming nagulat nang biglang sumalubong sa akin ang dumadagundong at pamilyar na boses ng isang lalaki. Ako pati na ang batang buhat-buhat ko ay sabay na tumingin sa harapan at hindi nga ako nagkamali ng makita ko ang tatay nila. Madilim ang mukha… nakakunot ang noo at halos masira na ang tiles na tinatapakan niya dahil sa bigat nang bawat hakbang nito. “Who gives you the right to carry and hold my son?!” sigaw niya sa mismong pagmumukha ko. Sobrang gulat na gulat ako lalo na nang bigla niyang kinuha mula sa pagkakabuhat ko ang bata. Sobrang agresibo niya na kulang na lang ay ibagsak niya ako sa kinatatayuan ko. “You are just a maid! Don't act like you're their mother! Wala kang karapatang na hawakan ang anak ko!” he added, halos pumutok na ang ugat sa leeg sa kakasigaw niya. Ang mga salita niyang iyon ay parang martilyo na humampas sa dibdib ko. Kailangan na kailangan ko ng trabaho, pero kung ganito lang din naman ang mararanasan ko araw-araw ay maghahanap na lang ako ng iba. Hindi ko napigilan ang inis ko, tumuwid ako ng tayo at diretsyo siyang tiningnan sa mga mata. “Hoy! Mister! Boss nga kita, pero wala kang karapatan na sabihan ako nang ganyan! Hindi porke maid lang ako ay hahayaan kitang okray-okrayin ako! Kung hindi ka ba naman kasi pabayang ama sana ay binantayan mo nang mabuti ang anak mo!” mariin kong banat sa kanya. Lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha niya, konting-konti na lang ay sasabog na siya sa galit. “Kung hindi ako lumabas ay hindi mo na makikitang buhay ang anak mo,” muling saad ko, sa sandaling iyon ay mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. “What the h*ll are you talking about?” he said, confused. Mapakla akong natawa, “Ang laki-laki ng bahay mo pero wala lang CCTV?” banat ko at binigyan diin ang salitang ‘cctv’. “Magpalagay ka ng maraming CCTV, para kahit babae ang inaatupag mo ay may alam ka pa rin sa nangyayari sa paligid mo. Baka kaya ka iniwan ng Asawa mo dahil pabaya kang Asawa at anak. May ka nga, pero hindi lahat ng tao ay kaya mong suhulan.” Wika ko, hindi siya nakasagot sa sinabi kong iyon. Hindi na din ako naghintay agad siyang nilagpasan. Pagbalik ko sa aking kwarto ay gulat na gulat si Tiya habang nakatingin sa akin. Nagtataka kung anong nangyari at kung bakit basang-basa ako. “Aalis na ho ako, Tiya. Pakisabi sa amo niyo na hindi ko kailangan ng boss na katulad niya. Kahit maganda siya magpasahod kung gano'n ang ugali niya ay wag na lang,” usal ko habang nag-iimpake. Sa labis na gulat ay hindi din nakapagsalita si tiya, hanggang sa natapos ako sa pag-aayos ng aking galit ay padabog na naglakad palabas ng bahay. Kahit mahirap ako ay walang kahit na sino man ang may karapatan na ganituhin lang ako. Pagkatapos kong gumawa ng kabutihan ah iinsultuhin niya ako. Ang kapal naman ng mukha niya! TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD