Jennifer Dellosa’s POV
“Tang..i….na…” mahabang, puno ng gigil at inis na inis kong bulong habang naglalakad sa mahabang daan ay tirik na tirik ang araw.
Hindi ko na matandaan kung ilang minuto na ang lumipas mag mula nang umalis ako sa bahay na iyon.
Wala akong pera. Wala akong pagkain, walang tubig at walang masisilungan.
“H*yop ka, Jennifer. Sobrang lakas ng loob mo na umalis tapos wala ka naman palang pera,” kausap ko sa sarili ko, hindi mapigilang sabunutan ang sarili.
Sino ba naman kasi ang nag-expect ma mangyayari ang ganitong eksena? Malay ko bang aabot sa puntong makikipagsagutan ako sa boss ko. T*ngina, first day na first day ko tapos ending lalayas pala ako kasi di ko masikmura ang ugali nang lalaking ‘yon!
Kahit saan talaga ay dala-dala ko ang malas, may balat ata sa pw*t ko kaya ganito ang nangyayari sa akin.
Sandali akong huminto sa paglalakad, sumilong sa isang puno na nasa tabi ng daanan. Mabuti na lang talaga at may punto pang nakatayo rito, dahil kung Wala ay tuluyan na kong natusta.
“Shout out dyan! Pakiusap, tigilan niyo na ang pagpuputol ng puno at pagsira sa ating kalikasan….”
Bumuntong-hininga ako, sumandal sa punong kahoy at iginagala ang paningin sa paligid. Mahirap na, baka may lumapit sa akin at kidnapin ako… wala akong pang ransom, wala nga akong pera pang ransom pa kaya.
Tahimik akong umupo sa damuhan, nang mapansin ko ang sasakyan na papalapit sa direksyon ko. Iniisip ko na baka wala lang ito at lalagpasan ko, pero nagulat ako nang huminto ito sa mismong tapat kung saan ako naka-pwesto.
At dahil masyado akong OA ay tumayo ako, yakap-yakap ang bag ko na walang lamanaliban sa t-shirt, shorts at ilang panty na may punit sa may pw*t at sira ang garter.
“Sino ba kayo?!” bungad ko sa lalaking lumabas mula sa sasakyan.
Nang makita niyang relasyon ko ay itinaas niya ang kanyang kamay sa paraan na iyon ay parang ipinapakita niya ma wala siyang gagawin. Pero hindi ako naniwala at mas lalo siyang sinamaan ng tingin.
“Ma'am, ako po ang personal driver ni Me Theodore. Nandito ako para sunduin kayo at ibalik sa bah–”
“At bakit naman niya gagawin iyon aber?” taas-kilay kong pagputol sa kanya.
Hilaw na natawa si kuyang driver, napapakamot na sa ulo niyang walang kahit ni isang pirasong buhok.
“Hindi ko po alam. Basta ang sabi ay pabalikin kayo sa bahay,” paliwanag nito. At dahil pagod na pagod na ako ay hindi na ako nagtanong ulit.
Nilagpasan ko si kuyang driver, binuksan ko ang pinto ng passenger seat at pumasok sa loob. Mabilis na isinuot ang seatbelt at nang nakapasok na si Kuya ay nakangiti ko siyang tiningnan at sumenyas na umalis na kami.
Hindi na din naman siya nakipag-protesta at pinaandar na ang sasakyan pabalik sa bahay.
******
“Sana naman ay may magandang dahilan kung bakit niya ako pinabalik rito. Dahil kung wala… naku talaga, baka mabangasan ko na talaga siya….” sa isip ko habang tahimik na naglalakad patungo sa opisina ni Sir Theodore…daw.
Apaka-bantot ng pangalan, parang ugali niya lang din.
Maya-maya pa ay nasa tapat na ako nang pintuan kung nasaan ang kanyang opisina. Pinagkatitigan ko nang ilang segundo ang pintuan bago lumapit at kumatok.. nang talong beses.
“Come in!” medyo pasigaw na saad nito mula sa loob ng opisina.
Bigkas tulog akong kinabahan… paulit-ulit na napapalunok habang unti-unting hinawakan ang doorknob.
“Relax lang, Jennifer,” bulong ko sa sarili ko at pagkatapos ay marahang itinulak pabukas ang pintuan at humakbang papasok sa loob.
Marahan ko rin na isinara ang pintuan, at nang humarap na ako sa kanya ay natigilan ako nang magsalubong ang tingin naming dalawa. Para bang kanina niya pa ako tinitingnan, pero hindi siya nagsasalita.
“Sit here,” biglang utos niya at doon niya lang inalis sa akin ang kanyang tingin.
Nakayuko akong naglakad, nilalaro ang aking daliri hanggang sa pumwesto na ako sa silyang nasa tapat niya.
“Sorry about what happened… earlier,” biglang bulalas niya.
Sa una ay hindi agad iyon pumroseso sa utak ko, parang lumabo ang pandinig ko at hindi ko matiyak kung tama ba ang narinig ko.
“Nagso-sorry ba talaga siya o imahinasyon ko lang iyon,” sa utak ko, may parte sa loob ko na iniisip na hindi iyon sinsero at lokohan lang upang utuin ako.
“Hey, are you going to keep staring at the floor and pretend you didn't hear what I just said?” dugtong niya.
Ayown…. wala na, sira na naman lahat ng moment ko. Kaka-sorry niya lang tapos ngayon galit na naman siya. May saltik ata ang lalaking ‘to.
“Pasensya na. Medyo nagulat lang po ako, hindi po kasi halata sa ugali at itsura niyo na nagso-sorry kayo,” banat ko, kitang-kita ko ang pagtiim nang kanyang bagang.
Halatang pikon na pikon sa sinabi ko.. Akala ko nga ay sisigawan na naman niya ako, pero kumunot ang noo ko nang hinilot na lamang niya ang kanyang sentido at padaskol na sumandal sa kanyang kinauupuan.
“I summoned you because I wanted to apologize… so please, stop ruining the moment and just don't speak if not needed,” asik niya, masungit at nanggigil..
Kung nagkataon siguro na lalaki ang kausap niya baka nasapak na niya sa sobrang pagkapikon. At gaya nga nang sinabi niya ay hindi ako nagsalita, tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya lahat nang ‘yon ay may kinalaman sa kambal.
“What?” nagtatakang aniya, napatingin ako sa kanya at binigyan siya nang nagtatanong na tingin. “Why are you looking at me like that? Wala kang gustong sabihin? Pipi ka ba?” sunod-sunod niyang asik.
“Hanep…. siya itong may sabi na wag aking magsalita kung hindi kailangan, tapos ngayon na tahimik ako magagalit na naman siya.”
“Hey? I'm asking you, Woman. Speak!” utos niya ulit, at doon lang ako nagsalita..
Pinaningkitan ko siya ng mata, “Sabi mi wag akong magsalita kung hindi kailangan! Kaya bakit ka nagagalit kung hindi ako nagsasalit–”
“F*ck!” asik niya, tinampal ang sariling noo na para bang stress na stress siya dahil sa akin.
Sumusunod lang sa utos ‘yung tao, tapos napapasama pa. Hyssttt hirap kausap ng lalaking ‘to.
“E bakit nga kasi ako pinabalik rito? Pwede bang direct to the point na lang, Sir,” nayayamot na talaga ako..
Pinagmasdan ko ang pag-angat baba ng kanyang dibdib, parang pinapakalma ang sarili bago niya ako muling hinarap sabay inilapit sa akin ang isang papel. Nagbaba ako ng tingin doon at agad na napuno ng pagtataka ang mukha ko nang mabasa ko ang nakasulat na ‘Contract’... kasi hindi ko alam kung para saan iyon.
“By signing that. You agreed to become the new babysitter of my kids…” saad niya, pero bakit?
Ang alam ko ay may babysitter na Ang mga kambal, kaya bakit kailangan nang bago?
Nag-angat ako ng tingin sa kanya para sana magtanong, pero bago ko pa man maibigkas ang mga salitang iyon ay naunahan na niya ako.
“Tinanggal ko na ang dalawang nagbabantay sa mga anak ko. They’re part of the house helpers starting today. You will no longer work as one of the house helpers, now you're a babysitter and you will only work for the twins,” paliwanag niya.
Muli akong nagbaba nang tingin sa papel at patuloy na binabasa ang mga nakasulat roon. Pababa nang pababa at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung magkano ang sahod na nakasulat sa pinaka-ibabang parte ng papel.
“Fifty thousand a month, ‘yan ang sahod mo bilang starter. Sa mga susunod na buwan ay aangat pa ‘yan at aabot nang one hundred thousand, lalo na kapag nagustuhan ko nang mga anak ko. It's hard to take care of kids, that's why the salary is way bigger than you expected. Wala akong problema sa pera, you can even demand the salary you want. I don't care even if it's two hundred thousand or more than that,” pabulong, ngunit seryosong sabi niya.
Ewan ko ba pero kahit konti ay wala akong marinig na bakas nang kayabangan sa boses niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Ang dating ay parang normal na normal lang sa kanya ang mga sinasabi niya. Pero dahil mahirap ako ay nanliliit ako kasi halos itapon niya lahat ng pera niya para lang sa mag-aalaga ng mga anak niya.
“And one more thing… let's not talk about their mother,” he added, at the same time remembering what I had said about his wife leaving him. “It's better if they won't hear anything about their mother. It's kinda complicated and I will appreciate it if you just shut up.”
Hindi ako nakasagot ako, tanging mariing paglunok ang ginawa ko at agad na pinermahan ang papel. Pagkatapos niyon ay tumayo na ako mula sa aking pagkaka-upo at walang paalam na lumabas nang opisina.
TO BE CONTINUED