CHAPTER 06

1584 Words
Jennifer Dellosa's POV “Magandang Umaga, Teresa. Sabay na tayong kumain,” yaya ko sa kanya pagkatapos kong kumuha ng pagkain. May hawak-hawak pa din siyang pinggan, para bang kanina pa siya nakatayo sa likuran ko at naghihintay. “Kuha ka na, hintayin na kita dito. Nandon pa din sa kusina si Tiya, kumukuha rin ng pagkain kasama iyong ibang katulong dito sa bahay,” nakangiting saad ko, tumango siya at pagkatapos ay naglakad na patungo sa kusina. Ako pa lamang ang nasa hapag kung saan kumakain lahat ng nagtatrabaho dito sa bahay. May sarili kasi kaming dining area, pero ‘yung iba ay hindi naman sumasabay sa amin, lalong-lalo na sa akin. Hindi ko naman alam kung anong ginawa ko at sobrang init ng dugo nila sa akin. Pare-pareho lang naman kaming trabahanter rito kaya nakakapagtaka na inis na inis sila sa akin at ayaw nila akong pakisamahan. Tahimik akong nakaupo sa silya, hinihintay si Tiya at Teresa dahil nga sabi ko sabay na kaming kakain. Peoe maya-maya pa ay iba ang nakita kong pumasok sa loob ng dining area. “Upo ako ha?” patanong ni wika ni Lucio, tumango lang ako at bahagyang gumalaw upang makita niyang malaki pa ang pwesto sa tabi ko. Ilang saglit pa ay muli siyang bumaling sak akin, bumaba ang tingin niya sa pagkain ko at agad din ibinalik ang tingin sa mukha ko. “Bakit hindi ka pa kumakain? May hinihintay ka?” usisa niya, hindi ako nagsalita at tumango lang. Ang alam ko kasi ay may nobya si Lucio, isa sa mga katulong na medyo matagal na rin na nagta-trabaho rito. Iniisip ko kasi na baka isa iyon sa mga dahilan kung bakit kulong-kulo ang dugo ng iba sa akin. Baka kako naisip ng nobya niya na inaahas ko itong Lucio pati na iyong ibang trabahanteng lalaki rito sa bahay. Mula sa driver, hardinero, tiga linis ng swimming pool at mga maintenance. Sa sobrang friendly ko ay baka minasama na nila ang intensyon ko, e gusto ko lang naman maging kasundo ang lahat maliban sa boss ko. Pero may mga tao talagang makikitid ang utak na laging may masasabi sa bawat kilos na ginagawa mo kahit wala ka namang masamang instensyon. “Tahimik mo ah? Nang nakaraan napakadaldal mo. May galit ka ba sa akin?” biglang banat ni Lucio, bahagyang tumaas ang kilay ko at nang mapansin kong nakatitig siya sa mukha ko ay umakto ako nang normal. “Ang hirap talaga kapag may subtitle ang mukha mo,” sa isip ko, sunod-sunod na umiling at mapaklang tumawa para hindi na siya mag-isip nang kahit ano. “Pasensya na. Ayos lang ako, hinihintay ko lang si Tiya at si Teresa, sabay kasi kaming kakain,” nakangiting paliwanag ko. Ngumiti siya Lucio at tumango-tango, akala ko ay hindi na siya magsasalita pa, pero ilang segundo lang ay muli na naman siyang nag tanong. “May nobyo ka na ba, Jenni?” tanong niya, sa puntong iyon ay hindi ko na pinigilan ang anon mang ekspresyon na kusang lilitaw sa mukha ko. Sobrang personal naman na kasi ng tanong niya, hindi naman sa oa ako, pero ayaw ko sa mga gano'ng usapan. Pakiramdam ko kasi ay pinapakalma ang personal kung buhay kahit hindi naman na dapat. “Oo, may nobyo na ako,” mariing saad ko, at bawat salitang binibitawan ko ay binibigyan ko nang diin bawat pagkakasabi. Kitang-kita kong bumukas ang matinding pagkadismaya sa itsura niya. May kung ano sa loob ko na nasiyahan dahil alam kong hindi na siya ulit magtatanong nang gano'n. Maya-maya at lumagpas ang tingin ko sa may pintuan ng dining area namin at mula roon ay natanaw ko si Tiya at Teresa. Kapwa nakangiti na para bang may magandang nangyari habang kumukuha sila ng kanilang pagkain. “Ganda ng ngiti niyo ah? Anong meron?” agad kong tanong kay Teresa pagkaupo niya sa kaliwang bahagi sa tabi ko. Abot hanggang tainga ang ngiti ni Teresa nang balingan niya ako, dahilan para mas lalong nagsalubong ang aking kilay. “Nakipag-kwentuhan kami saglit sa driver ni Sir Vincent.” Si Tiya ang nagsalita, kaya inilipat ko sa kanya ang tingin ko. Gaya ni Teresa ay ngiting-ngiti din ito, “Nalaman namin na mahigit dalawang linggo nang walang babaeng nakakasama si Sir Vincent. Sinabi niya din na sa susunod na linggo ay aalis ito, iiwan ang kambal dahil sa isang business trip at lahat ng trabahante dito sa bahay ay hahayaan niyang mag bakasyon…” anunsyo niya. Nakaramdam ako nang tuwa, excitement at marami pang iba. Hindi dahil sa wala na itong nakakasamang babae kundi dahil sa bakasyon… Pero sa mga sandaling sumagi sa isipan ko na iiwan pala ang kambal ay agad na napawi ang ngiti sa aking labi. “Tiya… ibig sabihin ay hindi pa rin ako makakapag-bakasyon dahil iiwan niya ang kambal, e ako nag-aalaga sa dalawa,” nakangusong asik ko. Bumanat si Tiya, malakas na tumawa at gano'n din si Teresa. Kaya mas lalo akong naasar at busangot ang mukha habang sinusubo ang kutsarang may lamang pagkain sa bibig ko. “Ang alam ko ay magiging doble ang sahod mo, Jennie. Maiiwan ang driver ni Sir Vincent, at ang sabi ay libre kang gumala pero kasama mo nga lang ang kambal. Maganda din iyon para makalabas din ang mga bata, ayaw mo no’n? Doble ang sahod, makakagala pa tapos walang gastos kasi sagot ni Sir lahat,” pampalubag niya ng kalooban ko.. Sa una ay medyo nagdadabog pa din ako, pero dahil naisip ko na double pay, ay naging okay rin ako kalaunan. Ibang usapan na kasi kapag pera, kailangan ko rin ng pera kaya ayos na lang din. Nang makita nila ang eksoeeko ay ngumiti silang dalawa. Nagsimula na kaming kumain at wala ni isa sa aming lahat ang gumawa pa ng kahit anong ingay. Hanggang sa natapos na kaming lahat, kanya-kanya kaming nilinis ang aming pinagkainan at nauna akong natapos kaya lumabas na ako nang dining area. Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad para puntahan ang kambal sa kanilang kwarto nang biglang lumapit sa akin si Anna. Dali-daling ibinigay sa akin ang isang brown envelope. “Hindi ko na talaga kaya, Jennie. Ikaw na magbigay nito kay Sir Vincent. Nandon siya sa opisina….” nagmamdaling aniya, hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ang kumaripas siya nang takbo, hawak-hawak ang pw*tan na para bang natatae talaga. Napabuntong-hininga na lamang ako, wala na akong magagawa kundi ang idaan na lang ito sa kanyang opisina. Malapit lang naman iyon sa kwarto ng mga bata. Naglakad na ako paakyat sa hagdan, tahimik at kung minsan ay mahinang kumakanta para maibsan ang sobrang katahimikan sa paligid ko. Nang nasa tapat na ako ng pintuan nang kanyang opisina ay paulit-ulit akong bumubuntong-hininga, kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag kasi bigla-bigla ko na lang nararamdaman. Inangat ko ang kamay ko at kumatok… naghintay ako nang tatlong segundo pero walang sumagot kaya kumatok ulit ako, pero gano'n pa rin ang nangyari. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng inis kasi nabuburyo na ako sa kahihintay. “Importante daw ‘to e, kaya bahala na, papasok na ako sa loob at ibinigay ko ito sa kanya,” sa isipan ko. Hinawakan ko ang doorknob at itinulak iyon pabukas, bago ako pumasok sa loob ay sumilip muna ako at nakita kong walang tao sa loob. “Saan naman kaya siya nagpunta?” bulong ko sa kawalan, tuloyang pumasok sa loob at inilapag ang envelope sa ibabaw ng kanyang mesa. Inayos ko pa iyon para maganda siya tingnan at para hindi na naman siya magalit. “Yan…. Maayos,” mahinang sambit ko, tumalikod na para lumabas nang opisina, pero napahinto ako nang bumungad sa harapan ko si Sir Theodore… Walang suot na pang-itaas na damit at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa kanyang bewang… “What are you doing here?” baritonong boses niyang tanong at hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya. "Ah... Eh," parang tangang bulalas ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilan ang mga mata kong dumapo sa katawan niya. May umaagos pang tung doon mula sa basang buhok niya na halatang kakatapos lang maligo. “Eyes up… Jennifer…” muling bigkas niya, parang nangatog ang tuhod ko sa paraan kung papaano niya bigkasin ang pangalan ko. Umiling-iling ako upang alisin ang maduming senaryo na umiikot sa utak ko. Pinilit kong iyon sa kanyang mukha ang tingin ko at hindi nakatakas sa akin ang tipid na ngising gumuhit sa kanyang labi. “M-may… h-hinatid lang po ako. P-pasensya na po… t-talaga,” utal-utal na usal ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at humakbang na ako, bahagya ko pang nabangga ang kanyang balikat. “Juskoo…” usal ko nang tuluyan na akong nakalabas, nakahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas nang t***k ng puso ko.. Parang pati ang p*ke ko ay pumipintig din nang maalala ko ang umbok niya, taragis na yan. Kahit nakabalot ng tuwalya ay nasisiguro kong malaki ang t*te ni Sir Theodore… “Ang halay mo, Jennifer,” mariing saad ko sa sarili, binabatukan ko pa ang sarili ko habang naglalakad para puntahan na ang mga bata. Pero kahit anong gawin ko ay hindi maalis-alis sa isipan ko ang imahe na iyon ni Sir Theodore, may abs siya… bakat na bakat.. pati ang t*te ay bumabakat din. “Mawawasak ata ang k*ffy ko kung nagkataon na pasukan ako nang bagay na iyon.” TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD