Jennifer Dellosa's POV
“Maraming salamat talaga sa paglakaligtas mo kay Matthew,” biglang saad ni Teresa, hinahawakan ang kamay ko ay ramdam ko ang panginginig niyon.
Hindi ko ba alam kung bakit hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa din siya kahit mahigit dalawang buwan na ang nakalipas nang mangyari iyon.
“Hindi ko alam kung kaya ko bang patawarin ang sarili ko kung sakaling may nangyari sa bata,” muling aniya, at sa pagkakataong ito ay naging basag na ang boses niya.
Hindi ko tuluyan mapigilang naging emosyonal, kaya niyakap ko siya upang patahanin.
“Ano ka ba! Matagal na ‘yon, dapat ay kalimutan mo na. Isa pa hindi mo rin naman ginusto ang nangyari. Aksidente iyong Teresa, kaya sana ay bitawan mo na ang memoryang iyon,” pagpapalubog ko ng kanyang kalooban.
Nang naramdaman ko ang sunod-sunod niyang pagtango ay hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at bahagyang inilayo ang aming katawan sa isa't isa.
“Aaminin kong malungkot ako dahil hindi na ako ang nagbabantay kay Matthew, pero aminado din ako na malaki ang pasasalamat ko kay Sir Vincent at sa ‘yo dahil kahit gano'n ang nangyari ay nagta-trabaho pa din ako dito kahit bilang isang katulong na lamang. Pero alam kong maalagaan ko nang maayos ang dalawang bata at kitang-kita ko din naman na gustong-gusto ka nilang dalawa.” Wika niya, nakangiti at halatang masaya para sa akin.
Pero hindi ko napigilang magtaka nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya.
“Sir Vincent? Sino naman ‘yon, e Theodore ang pangalan ng masungit nating boss?” nagtatakang tanong ko.
Nagulat ako nang biglang tumawa si Teresa, mahina pero kahit papaano ay nakakataas pa rin nang kilay ang paraan nang pagtawa niya, e wala naman yata akong sinabing nakakatawa.
“P-pasensya na… nakakatuwa ka pala talaga. Ngayon alam ko na kung bakit tiklop si Boss kapag ikaw ang kausap…” muling banat niya at tuluyan ko nang pinagkrus ang aking mga braso.
“Si sir Vincent at sir Theodore ay iisa. Vincent Theodore.. ‘yan kasi ang pangalan niya,” paliwanag ni Teresa, at doon lang naging malinaw sa akin ang lahat.
Napatango-tango na lang ako at mine-memorize ang pangalan ni Boss sungit, baka kasi makalimutan ko at bigla na lang niya akong bubulyawan.
Patuloy kaming magku-kwentuhan ni Teresa nang biglang umalingawngaw mula sa likuran ko ang boses ng mga bata. Ngumuso si Teresa kung kaya ay agad akong umikot para harapin ang mga mata. Sa parehong pagkakataon ay natanaw ko din ang kanilang ama, naglalakad habang nakapaloob sa magkabilang bulsa nang pantalon ang mga kamay.
“Pogi nga, pero ang sama naman ng ugali,” sa isipan ko habang nakatingin sa kanya.
Ngunit agad ding naalis ang tingin ko sa kanya nang sabay-sabay na niyakap nang kambal ang magkabilang binti ko.
“Miss Jennie!” si Matthew, habang ang kambal niyang si Suzuine ay nakangiti lang at nakatingala sa akin.
Lalong lumawka ang ngiti ko at ginulo ang buhok ko lang dalawa, hindi ko pinansin ang matalim na tingin ng kanilang ama sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin, baka nga kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ko siya titingnan.
“I'm leaving… bukas pa ako babalik,” biglang usal niya, e hindi ko naman itinanong ang tungkol doon.
Nag-expect Ako na sasabihin niyang alagaan ko ang mga bata kasi trabaho ko naman iyon. Pero kabaliktaran ang ginawa niya, animo'y nagpapaalam at parang humihinge ng permiso.
“Okay,” tanging tugon ko, nang muli akong mag-angat ng tingin para makita ang reaksyon niya ay halos matawa ako.
Mukang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil imbes na matuwa siya ay dumilim ang mukha niya, naiinis na parang ewan.
He seems looked so disappointed about what I just said. He seems expecting to hear something else from me. Pero ano naman iyon?!
Mula sa kaliwang bulsa niya ay inilabas niya ang kamay niya, dinala iyon patungo sa kanyang batok at mimasahe niya ang parteng iyon..
“F*ck!” he groaned, and just like that. He turned his back in us and started walking..
“Ano na naman kaya ang problema nang lalaking ‘yon?” bulalas ko sa kawalan, pagkatapos ay muling yumuko dahil naalala kong may mga bata pa lang yumayakap sa binti ko.
Ngumiti ako, marahang pinanggigigilan ang kanilang mga pisnge. “Shall we go to your study room?” tanong ko sa kanilang dalawa, at agad na napangiti nang sabay-sabay silang tumango at bumitaw sa pagkakayakap sa binti ko upang hawakan ang kamay ko..
Bago kami tuluyan umalis ay bumaling muna ako kay Teresa, nakatayo pa din siya sa likuran ko… nakangiti habang kumakaway sa dalawang bata na kumakaway din sa kanya.
“Sa study room muna kami, ha?” anunsyo ko sa kanya, nag-thumbs up lang siya kung kaya ay tumalikod na din ako at hawak kamay na naglalakad kasabay ang dalawang kambal.
******
“Miss Jennie…. Do you have a boyfriend na po ba?” biglang tanong ni Suzuine, ngiting-ngiti pa habang nakatutok ang tingin sa akin..
Pinanliiitan ko ito ng mata, dahan-dahan akong dumukwang upang maglapit ang mukha naming dalawa…
“Yes po. May boyfriend na si Miss Jennie. Why did you ask, little miss?” marahang tanong ko sabay pinisil ang kanyang ilong.
She giggled and looked at his brother who was still busy with his unsolved puzzles. Pinagawa ko kasi iyon sa kanya, napansin ko kasi na mahilig siya sa puzzle. Kung Minsan ay bigla siyang seseryoso at mage-english, gamit ‘yong ekspresyon na lagi kong nakikita sa papa niya.
“Kuya! Miss Jennie already have a boyfriend,” balita sa kanya ni Suzuine.
Matthew is older, kasi nauna siyang iniluwal ng nanay nila at sumunod naman si Suzuine, after five minutes.
Pagkarinig ni Matthew nang sinabi ni Suzuine, ay agad niyang inalis ang tingin niya sa puzzle. Kumunot tuloy ang noo ko nang bigla itong ngumuso at tinabihan ang kapatid niya.
“How long?” tipid niyang tanong.
Ngumiti ako at inayos ang aking pagkaka-upo, “Two years. He's my first boyfriend,” sagot ko.
Lalong nalukot ang mukha ni Matthew kaya mas lalo akong nagtaka. It seems like he was sulking about something.
“Galit na siya kasi may boyfriend na ako?” sa isip ko.
Nilapitan ko siya at sinubukan kong ibalik ang kanyang tingin sa akin. Pero sa t'wing sinusubukan ko ay lalo niya lang akong tinalikuran. Lalong humahaba ang ngiso niya at pwede na iyong sabitan ng kaldero.
“Hey… Ano bang problema, you're not happy that I do have a boyfriend?” malambing, pero may bakas nang pang-aasar sa boses ko.
Sa tabi niya ay si Suzuine, humahagikgik dahil sa inaasta ng kanyang kapatid.
“No! Dapat wala kang boyfriend!” padaskol niyang usal, mas natawa ako hanggang sa hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at inangat siya…
Pinaupo ko siya sa aking kandungan, at dahil inggitera din itong kapatid niya ay naupo na rin sa kabilang side kung kaya dalawa na silang nasa kandungan ko.
“Is Miss Jennie not allowed to have a boyfriend?” I asked again.
“Allowed…. b-but,” nahihiyang sagot niya, hindi pa masabi-sabi nang diretsyo ang gustong sabihin.
“But, what?” usisa ko, hindi talaga ako hihinto hangga't hindi niya sinasabi sa akin ang dahilan niya.
Maya-maya pa ay unti-unti siyang tumingala sa akin hanggang sa nagtagpo ang aming mga mata. Natigilan ako nang mapansin ko ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata habang nakatingin siya sa akin.
“You can have a boyfriend… but it should be our Daddy…”
O_O
“What?!” gulat na gulat kong asik, hindi makapaniwala kung tama ba iyong narinig ko mula sa kanya..
“Nirereto niya ba ako sa daddy niya?” ideya sa utak ko, pero hindi pwede.
Ang sungit-sungit ng lalaking ‘yon, nakakainis kahit ilang hibla lang ng kanyang buhok ang mahagilap ng paningin ko ay naiinis na ako. Tapos itong batang ‘to, sinasabi na dapat ang daddy niya lang maging boyfriend ko. No way, high way!
“Matthew naman…. Please don't say that. May girlfriends ang Daddy mo kaya malabo kaming dalawa. Isa pa, ang sungit-sungit sa akin ng daddy niyo. Sa t'wing nakikita niya ako ay nagsasalubong ang kilay niya, para tuloy siyang si anger,” biro ko pa, kahit totoo naman talaga.
Ayaw ko lang siyang siraan sa mga anak niyaag baka mapagalitan na naman ako.
“Miss Jennie. They're not his girlfriends. I don't even like them, but I do like you. I want you to be my daddy’s girlfriend po. So please….. break up with your girlfriend po,” pakikiusap niya, para bang nanghihinge lang siya ng candy.
Bumuntong-hininga ako at napahilamos…
“Matthew… hindi gano'n kada—”
Natigilan ako nang marinig ko ang biglang pagbukas ng pinto, maging ang kambal ay sabay na napatingin sa pintuan.. Doon ay nakita ko ang isang matangkad at hindi pamilyar na lalaki, may nakapaskil na ngiti sa kanyang labi.
“Tito Yvron!” sabay-sabay na sigaw ng kambal, binitawan ko silang dalawa at tumakbo na sila papalapit sa tinatawag nilang Tito..
“Hey! How are you guys?” masiglang wika nito, buhat-buhat ang dalawa at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
“We're fine po. Miss Jennie take a good care of us,” si Matthew ang sumagot, nang marinig iyon ng lalaki ay agad siyang bumaling sa akin.
“Bago ka rito?” he asked..
I nodded, “More than two months,” paliwanag ko naman..
“It's nice to meet you, Jennie.” Aniya.
Kumpara sa boss ko ay mas magaan at mas maliwanag ang aura nang isang ‘to. Mukha ring friendly, Pala kaibigan at approachable. Baka kung ito ang ireto sa akin ni Matthew ay papayag pa ako.
Kesa doon sa tatay niya, parang pinaglihi sa sama ng loob sa sobrang sungit at babaero pa. Sino ba naman ang matutuwa sa gano'ng lalaki.
TO BE CONTINUED…