bc

MADLY IN LOVE WITH A FICTIONAL CHARACTER

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
fated
drama
comedy
sweet
humorous
multi-character
campus
rejected
school
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Kelly met Gin. Ang bida sa kuwentong isinulat mismo ng yumaong ama. She grew love for that character hanggang sa nag-dalaga siya. She daydreamed and dreamed about Gin most of the time that the character sometimes puts her to sleep in class. Until she reached a point where she wanted Gin to become a real person. And then she met Luke. Isang transferee sa school nila. Luke has the same personalities with Gin. Kaya agad inisip ni Kelly na nagkatotoo ang wish niya. Nagkatotoo ang fictional character na si Gin sa katauhan ni Luke.

Siya ang unang gumawa ng hakbang para mapalapit sa binata. Ginawa niya ang lahat upang makuha ang loob nito. Kahit mawala ang dignidad niya bilang babae. Ngunit ang binata naman ay patuloy siyang ini-ignora kahit na may nararamdaman na ito sa kanya.

He did everything he could to ignore her because he don’t want to deepen whatever attraction he have towards her.

But in the end, the world makes a move for them to get closer. Nalaman ni Kelly na in love rin pala si Luke sa isang Fictional Character named Dolly. At si Dolly ay ang bidang babae sa librong pinanggalingan mismo ni Gin.

Isang palaisipan kay Kelly kung papaanong nangyari na may kopya rin si Luke sa librong isinulat ng kanyang ama para sa kanya. Ang akala niya nag-iisa lamang iyon.

Ano ang ibig sabihin nito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER I
“ARAY ko naman, babe! Nambabatok talaga?” kunot-noong reklamo ni Kelly sa best friend niyang si Cindy matapos siya nitong batukan nang pagkalakas-lakas. Hindi niya kasi mapigilan ang mapatili dahil sa sobrang kilig sa binabasang fantasy-romance novel. “E, kasi naman, babe, ’yong tili mo abot hanggang Engineering Department!” inis na reklamo ni Cindy na may kasama pang pag-irap. They’ve been together since high school. Halos magkapalit na nga ang kanilang mga mukha sa sobrang dikit sa isa’t isa. At babe, as in babaeng best friend, ang tawagan nila. Second week na ng klase nila para sa first semester ng taon. Kasalukuyan silang nasa kanilang classroom at hinihintay ang kanilang terror na professor para sa susunod na subject. Graduating na sila sa college sa kursong Bachelor of Science in Fashion Designing ng paaralang La Sallete University, isang very competent at sikat na private school sa buong Pilipinas. Bente y anyos na si Kelly. Bata pa lang siya ay kinahiligan na talaga niya ang pagbabasa ng mga libro. Mula sa children’s stories hanggang sa mga novel. She snuggles up in a small sofa, looks at the cover of the book, and reads the summary over and over again to get ready. Then, finally she will dive into a whole new world. Like, she becomes a part of the text, as much as it becomes a part of her. “Hala, grabe siya! Ang OA naman n’on sa sobrang layo, babe.” Ngumisi siya. “Sorry na. Masyado lang talaga akong nadadala sa binabasa ko,” ani Kelly sabay pakita sa hawak niyang libro. “Hay naku, babe. Ilang ulit mo na ba ’yang nabasa? Hindi ka ba nagsasawa?” kunot-noong reklamo ng kaibigan. Ngumisi siya uli. “Siyempre hindi! Lalong-lalo na kay—” “Mr. Gin, the main character of that book and the love of your fantasy world, whatever chuchu,” putol ni Cindy sa sinasabi niya. “Alam mo, babe, ang KJ mo talaga. Totoo nga ang sinabi ni Papa sa unang pahina ng libro na “In this book, you will find your true love.” Kaya just be happy for me, okay?” nakangiting sagot niya sa kaibigan na tinaas baba pa ang mga kilay. Ngunit bahagyang sumagi ang lungkot sa puso ni Kelly nang maalala ang ama. It was already five years nang mamatay ito sa isang car accident. She was very close to her father. Noong nabubuhay pa ito ay parati nitong sinasabi sa kanya na ito ang pipili ng lalaking mapapangasawa niya. She disagreed with that idea. Dahil kung gagawin nito iyon ay magre-rebelde siya sa ama. Ang nararamdamang lungkot ay hindi niya ipinahalata sa kaibigan. Narinig niyang bumuntonghininga si Cindy. Paulit-ulit na lang kasi nilang pinagtatalunan ang ganoong topic. “Baka na-misinterpret mo lang ’yong sinabi ng papa mo riyan. My gosh! Babe, you’ve been obsessing over that character for what? For more than five years? People think you’re crazy! And look . . .” Kinuha ni Cindy ang makapal na notebook na nakapatong sa ibabaw ng mesa ni Kelly at binuklat ’yon. Isa-isa nitong tiningnan ang bawat pahina bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi lectures ang laman ng notebook mo, babe. Puro drawing at imaginary sketch lang nitong si certain character na kinababaliwan mo. Kaya walang nagtatagal na manliligaw sa ’yo, e!” “Oh, babe. You’re so dramatic! Well . . .” binawi ni Kelly ang notebook niya sa kaibigan, “that only means that I don’t deserve those guys. Wala rin akong paki kung ano man ang sinasabi ng iba tungkol sa ’kin. They’re not worth my attention. Sabi nga sa isang kanta, people always throw rocks at things that shine. At ako ’yong kumikinang na bagay,” sabi nito saka nakangiting tiningnan ang ginawa niyang drawing ng physical figure ni Mr. Gin. Gin is a human superhero. He was created perfectly and extremely cute and cool. His qualities are so incomparable to real people. That’s why Kelly grew love for this character for a long time now. People keeps on asking her, mostly ay mga manliligaw niya, why she’s so obsessed with this certain character e hindi naman daw ito totoo. But for Kelly, fictional characters are the best people to fall in love with. They don’t disappoint her. They don’t break her heart. They exist with her in this happy little bubble that can never be pop. She daydreamed and dreamed about Gin most of the time that the character sometimes puts her to sleep in class. Kaya minsan ay napapagalitan siya at nasisigawan ng professor nila. For Gin’s design, he’s six feet tall and has a beautiful pair of round blue eyes. He has dark-copper colored hair, a long fine nose, and kissable red lips. He has a muscular body. He’s wise as an elder and brave as a warrior. For overall view, he possesses a killer charisma that every girl would go crazy just to be with him. She can’t imagine her world without Gin, yet she is living in a world without him. Nalulungkot siya tuwing iniisip niyang hanggang sa fantasy niya lang ito makakasama. Because Gin only exists in a book of words crafted by a master and arranged in such a perfect way. “HAY, salamat! Tapos na rin ang mahabang araw ng klase,” usal ni Kelly habang naglalakad sa pathway palabas ng school nila. “Naku! Hindi ka naman talaga nakinig sa klase, e. Nagpantasya ka lang naman diyan sa peke mong iniibig!” napapailing na kontra naman ni Cindy. Napasimangot si Kelly sa sinabi ng best friend. Kahit kailan ay kontrabida talaga ’to. Inirapan niya na lang ang kaibigan imbis na sagutin dahil hindi rin naman ito magpapatalo sa kanya. Mapapahaba lang ang kanilang diskusyon. Patuloy pa rin sila sa paglalakad at pagkukuwentuhan kaya hindi nakita ni Kelly na may kasalubong pala siya. Aksidente silang nagkabanggaan dahilan upang matumba siya at mapaupo sa sahig. “Aw!” daing niya nang maramdaman ang sakit sa puwit mula sa hindi inaasahang pagkakaupo sa sahig. Semento pa naman ’yon kaya handa niyang awayin kung sino man ang taong nakabangga sa kanya. “Oh my gosh, babe! Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Cindy sa kaibigan at agad itong inalalayan sa pagtayo. Sasagot na sana si Kelly nang marinig niyang nagsalita ang nakabunggo niya. “Hindi ka kasi tumitingin, e!” Dahil sa narinig ay biglang nagpanting ang tainga niya. Ano raw? Pinapalabas niya ba na ako ang may kasalanan? aniya sa isip. Marahil ay hindi rin siya nakita ng binata kaya nagkabungguan sila. Ngunit bakit ito pa ang may ganang magalit gayong pareho naman silang may kasalanan at naging tanga? Tumingala siya upang makita ang nagsalita. Man in black. Iyon ang postura ng lalaking nakita ni Kelly. He was wearing a black hat, black mask, and a black coat na napapalooban ng kulay-kremang fitted V-neck undershirt. Itim din ang suot nitong maong at sneakers. Sa mag-aapat na taon niya sa La Sallete, she was sure that she had never seen the weird guy before. Nagpagpag siya ng sarili at hinarap ang lalaki. Napatingala siya dahil sa tangkad nito. Sa palagay niya ay lagpas anim na talampakan ang taas ng lalaki. Ngunit bigla siyang natigilan nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Bughaw ang mga mata nito, kasing bughaw ng kalangitan. Tinitigan siya ng binata. Bigla tuloy siya nakaramdam ng kaba dahil sa paraan ng pagtitig nito. Tila ba’y binabasa nito ang buong kaluluwa niya. Ilang sandali pa’y nakita niya kung papaano magsalubong ang kilay ng lalaki habang nakatitig sa kanya. Magsasalita na sana siya nang unahan siya nito. “Next time huwag kang tatanga-tanga, watch where you’re going!” tanging sabi nito saka siya nilagpasan. Sa narinig ay mas lalong uminit ang dugo ni Kelly. Susugurin na sana niya ang lalaki ngunit pinigilan siya ni Cindy. “Huwag na, babe! Hayaan mo na lang ’yon. Huwag mo na lang patulan.” “Hindi, babe! Sandali lang ’to. Gaganti lang ako sa kanya,” pagpupumilit niya para sugurin ang lalaki. Nanggagalaiti siya sa sobrang inis at hindi siya makakapayag na hindi siya makaganti. Ngunit pinigilan pa rin siya ng kaibigan. “Ano ba, babe?! Maghunos-dili ka nga,” saway nito. “Kailangan kong makaganti sa lalaking ’yon sa pagtawag sa ’kin ng tanga! Hindi ko matatanggap ’yon, babe. Kahit isang suntok lang solve na ako,” gigil na gigil niyang sabi habang nagpupumilit pa ring habulin ang lalaki. “Oo na, oo na. Pero palagpasin mo muna ngayon kasi na-ji-jingle na ako. Tara sa CR,” ani Cindy sabay hila sa kaibigan. Kaya wala na ring nagawa si Kelly. “BUWISIT talaga ’yong lalaking ’yon, babe. Nakakainis! Hindi ako makakapayag na hindi man lang makaganti sa kanya, ’no! I swear, gaganti talaga ako!” puno ng panggigigil ang boses ni Kelly. Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatalak hanggang sa nakarating sila sa isang café na malapit lang sa eskuwelahan nila. Um-order sila ng tig-isang frapuccino at chicken sandwhich na usual nilang ino-order sa café na iyon. Pagkatapos magbayad ay binigyan sila ng numero saka naghanap ng mauupuan. Maraming tao sa café. Mabuti na lang at may bakante sa isang sulok malapit sa glass wall. “Alam mo, babe, paulit-ulit ka na sa mga sinasabi mo. Nakakaumay na, ah. Hayaan mo na lang kasi. Just get over it!” nakairap na sabi ni Cindy. Napabuntonghininga na lang si Kelly at napanguso. “Nakakainis ka rin babe, e. Ayaw mo ’kong suportahan. Kung nandito lang sana si Gin ko, malamang ipagtatanggol niya ako sa lalaking ’yon.” Cindy sighed at what Kelly said. Kanina pa sila sa topic na ’yan. “Hay naku! Ayan na naman po tayo riyan sa FC na ’yan. Tigilan mo na nga ang kaka-illusion diyan sa FC na ’yan, babe! Negative zero point one percent ang chance na magkakatotoo ’yang Gin na ’yan,” nakairap uli nitong sabi sa kaibigan saka sumandal sa inuupuan. “Grabe naman ’to! Wala ka talagang support. Best friend ba talaga kita?” nakanguso pa rin nitong sabi at umaktong nagtatampo. “Oo naman! Kaya nga ginigising kita sa katotohanan, e!” masungit nitong sagot. Kelly sighed. “Paano kaya kung humiling ako sa mga falling star, o kaya ay sa wishing well, o kaya kay Fairy Godmother na buhayin niya in real life si Gin ko? Malay natin kinabukasan, nandiyan na siya sa tabi ko. Handa akong protektahan sa anumang mangyayari sa ’kin. Isn’t that romantic?” kinikilig niyang sabi saka pumikit at in-imagine ang eksenang gagawin nila ni Gin kung magkatotoo man ito. Cuddling, hugging, eating together, and kissing. Napangiti si Kelly sa kaisipang iyon. “Hala! Maghunos-dili ka nga! Ano ’yan? Magic? Snowhite lang ang peg? Nasa Disney ba tayo? Heler, gumising ka nga! Tigilan mo ’ko riyan sa mga drama mo, babe, ha!” saway sa kanya ni Cindy. “P-per—” Magsasalita sana uli si Kelly nang pigilan siya ng kaibigan. She just sighed and whispered, “I wish Mr. Gin is real.” Namagitan sa kanila ang mahabang katahimikan nang bigla silang makarinig ng isang pamilyar na boses malapit sa kanila. Pareho silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. And then, they saw Britanny Jean Pearson at ang dalawa nitong alipores. Pareho sila ng school na pinapasukan. Magkaiba lang ng kursong kinukuha dahil medical education ang kurso nito. “Bulag ka ba?” inis na singhal ni Brit sa babaeng kaharap. “Teka . . . parang kilala ko ’yang inaaway niya, ah,” ani Kelly. “Yeah, she’s the Miss Genius of our department. Katabi ng room natin ang classroom niya,” sagot ni Cindy. “S-sorry, hindi ko sinasadya. P-pasensiya na talaga,” nakayukong paghingi ng paumanhin ni Miss Genius. “Tatanga-tanga ka kasi, e! Naka-eyeglasses ka na nga hindi mo pa rin ako nakita?!” singhal uli ni Brit dito. Biglang nakaramdam ng inis si Kelly sa narinig. She felt sorry for Miss Genius. Well, hindi siya makakapayag na ginaganyan ang mga kabaro niya. Tumayo si Kelly at lumapit sa kanila. “Hey, where are you going?” takang tanong ni Cindy. “I’ll give you a show, babe,” sagot nito at kinindatan ang kaibigan. Nang makalapit kina Brit ay sinadya niyang banggain ito. Muntik nang mapaupo sa sahig ang dalaga kung hindi lang ito maagap na nasalo ng mga kasama. “Oops, I’m not sorry. Sinadya ko kasi. Kaya tabi riyan!” nakairap niyang sabi kay Brit pagkatapos ay hinarap si Miss Genius. “Hey, are you okay?” tanong niya kay Miss Genius. “O-okay lang ako,” nakayukong sagot nito. “Ano bang nangyari?” “H-hindi ko kasi siya napansin kaya hindi ko sinasadyang mabangga siya,” paliwanag ni Miss Genius. “A, gano’n ba? Humingi ka na ng sorry kaya wala ka ng atraso. So let’s go,” pag-aaya niya saka hinawakan ito sa braso at iginiya papunta sa table nila. Ngunit bago pa man sila makaalis ay hinarangan na sila ni Brit. “And where the hell do you think you’re going?” mataray na tanong ni Brit. “Bakit? Sasama ka? Well sorry, hindi kami nagsasama ng losers sa grupo. So, get out of our way!” taas-kilay naman na sagot ni Kelly. “Sa tingin mo ba ay palalagpasin ko na lang basta-basta ang ginawa mong pagbangga sa ’kin?” “O, bakit? Ano’ng gagawin mo? Gaganti ka? Babanggain mo rin ako? Sasapidin? Sasabunutan? Oh, come on, Brit. As if naman na kaya mo ’ko. Puro ka lang naman salita, e!” Hindi pa rin naaalis ang pagkakataas ng kanyang kilay. “Do you really think I can’t do it? Don’t you ever underestimate me, Kelly,” banta nito. Kelly smirked. “O, sige. Subukan mo, and I swear, imumudmod ko ’yang mukha mo sa kanal!” Magka-edad lang sina Kelly at Brit, at noon pa man ay talagang mortal na magkaaway na silang dalawa. Parati silang nagbabangayan at nagpapalitan ng mga maaanghang na salita sa tuwing nagkikita. “O, ano na? Naghihintay ako ng first move mo,” paghahamon ni Kelly sa dalaga. Ngunit hanggang tingin lang ang nagawa ni Brit, dahil noon pa man ay hanggang salita lang naman talaga ang nagagawa nito. “Wala ka naman pala, e. Puro ka lang talaga salita. Tabi nga riyan!” sabi ni Kelly at nagtuloy-tuloy na sila sa table kung saan naghihintay si Cindy. “I swear, you’ll pay for this, Kelly Pearl,” dinig niyang sabi ni Brit saka umalis kasama ang kanyang mga alipores. “Whatever.” Hindi na siya nag-abala pang lumingon. Nakita nilang pumapalakpak si Cindy pagkalapit nila sa table. “That was an amazing show. Meron na ba ’yon sa mga DVD? Plano ko sanang bumili, e. Papanoorin ko sana uli.” “Naku! Pasensiya na pero sold out na yata,” pagsakay ni Kelly sa kalokohan ng kaibigan. “Sayang naman. Hindi ko man lang nai-record,” ani Cindy na kunwaring sumimangot. “Huwag kang mag-alala. Sigurado akong may part two ’yon.” Pagkatapos ay nag-apir silang dalawa at natawa. “Hey, are you okay?” baling ni Cindy kay Miss Genius. “O-okay lang ako. S-salamat sa patatanggol mo, Miss Kelly,” nakayuko at nahihiyang sabi nito. “Okay lang ’yon. Hindi dapat tayo inaapi ng mga brat na ’yon, ’no!” sagot naman ni Kelly. “Ano nga pala’ng pangalan mo?” tanong niya. “C-Charielle Laine Samillano. Pero puwedeng Elle na lang.” “Okay, Elle. I’m Khrizcindy Tiu and this is my BFF, Kelly Pearl Montez. Welcome to the group,” nakangiting pagpapakilala ni Cindy na kinuha ang kamay ni Elle at kusang kinamayan. “Group?” takang tanong ni Elle na napaangat ang tingin sa dalawa. “Yes. I’m sure hindi ka na tatantanan ni Brit. Baliw ’yon, e. Kaya kailangan mong dumikit sa amin para walang mangyaring masama sa ’yo,” pananakot ni Kelly na siyang nagpatinag naman sa dalaga. “Mangyaring masama?!” gulat nitong tanong na siyang nagpatawa sa dalawa. “Ano ka ba? Biro lang ’yon,” natatawang bawi ni Kelly. “Matagal na ba kayong magkakilala ni Britanny? E, kasi, nang magsagutan kayo kanina ay parang kilala n’yo ang isa’t isa,” curious na tanong ni Elle at hindi na pinansin ang pagbibiro ni Kelly. “Well, noong naghiwalay ang mama at papa ko, lumipat ako ng school kung saan nag-aaral si Brit. Doon kami unang nagkakilala. Naging magkaklase kami. Kaya huwag ka ng magtaka kung mataray siya sa ’kin, at mataray rin ako sa kanya. Gano’n na talaga ang set up namin sa tuwing nagkikita kami. Parati talagang nakabusangot ang mukha niya kapag nakikita ako. Ang hindi ko lang talaga mawari hanggang ngayon ay kung dahil ba gano’n na talaga ang ugali niya, o kaya naman ay sadyang ayaw niya talaga sa ’kin, or . . .” bumuntonghininga siya bago nagpatuloy, “siguro dahil nahigitan ko siya sa pagiging maganda kaya gano’n na lamang siya kasungit sa ’kin,” taas-noong sagot naman ni Kelly. Hindi naman malaman ni Elle kung paniniwalaan niya ang sinagot ng dalaga. Pero ngumiti siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kelly. “So, tatlo na tayo. Para na tayong spice girls nito,” natutuwang ani Cindy. “We are better than spice girls, babe,” Kelly said with a wink. KINABUKASAN. Uwian na. Kasalukuyang nasa ladies’ room at nag-aayos ng sarili sina Elle at Kelly. Hindi nila kasama ang isa pang kaibigan na si Cindy sa mga oras na iyon dahil nagpaalam ito kanina na may dadaanan muna sa library. Pagkalabas nila ng ladies’ room ay sakto naman ang pagdating ni Cindy. “Bakit ang tagal mo? At saka bakit ka hinihingal? Tumakbo ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Kelly sa kaibigan. Huminga nang malalim si Cindy bago sumagot. “Reporter ka na ba, babe? Ang dami mong tanong, e.” Inirapan lang ni Kelly ang kaibigan saka nagtanong uli. “Ano ’yang dala mo?” pagtukoy ni Kelly sa dala nitong paperbag. “Libro, notebook, at tsismis.” “Ha?” nakaunot lang ang noo ng dalaga. Napansin nilang nagtatakbuhan ang mga estudyante kaya hindi nila maiwasang magtaka. “Hala! Ano’ng nangyayari? M-may sunog ba?” naaalarmang tanong ni Elle. “’Yon na nga ang dala kong tsismis, mga babe,” agaw ni Cindy sa atensiyon nila. “Totoong may sunog?!” gulat na sabat ni Kelly. “Anong sunog? Walang sunog. Ang OA naman ng mga ’to! I’ll explain to you. Tara na!” sabi ni Cindy sabay hila sa dalawang kaibigan patungo sa direksiyon papuntang basketball court. “Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Kelly. “We shouldn’t miss their game,” sagot naman ni Cindy. “Game? Anong game? Kaninong game?” naguguluhang tanong uli ni Kelly habang patuloy na naglalakad. “May laro kasi ng basketball ngayon sa court.” “Basketball?” gulat na sabat ni Elle. “Yes, sina Kenjie. I mean, ’yong team nina Kenjie. Maglalaro ngayon ang Slashers.” Slashers, iyon ang pangalan ng basketball team ng school nila. “Slashers? Laro? Sigurado ka ba? Updated yata ako parati sa schedule ng laro at practice game ng Slashers. Pero wala akong natatandaang may practice game o tournament sila ngayon. Bukas sure akong meron,” ani Elle. “Ow? Alam na alam? Fan ka?” baling ni Kelly kay Elle. Ngumisi lang ang huli at tumango bilang sagot. “Well, biglaan daw kasi ’tong larong ’to.” “Sino naman ang makakalaban nila?” tanong ni Kelly. “Isang transferee,” sagot ni Cindy. “T-teka, babe. Hindi ko maintindihan, e.” Huminto si Kelly sa paglalakad kaya napahinto na rin ang dalawang kaibigan. “Hay naku, babe! We don’t have much time to discuss. Magsisimula na ’yong game! Halika na,” naiiritang sabi ni Cindy saka hinila uli ang mga kaibigan at nagpatuloy sila sa paglalakad. May iilan silang mga nakasabayang estudyanteng papunta rin sa court. Nagmamadali rin ang mga ito, halatang ayaw magpahuli sa magaganap na laro. “Ganito kasi ’yon, babe. As I’ve heard earlier, may kakalabanin daw na bagong transferee itong team ni Kenjie. Yeah, you heard me right, babe. Transferee, walang ‘s’ kaya isa lang. Buong team ng Slashers laban sa isang transferee,” explain ni Cindy na pinagdiinan pa ang huling salita bago nagpatuloy. “Sabi sa chika, nabalitaan daw kasi ni Kenjie na isa raw ace player s***h MVP s***h team captain ng basketball team sa dati nitong school itong si transferee. Ayon, na-touch ang ego ni Kenjie. Hindi niya siguro matanggap ang rumors na kumakalat sa school na mas magaling daw itong si transferee kaysa sa kanya. Kaya hinamon niya ito sa isang laro. Ito namang si transferee, masyado yatang bilib sa sarili. Hayun! Hinamon ang buong team.” “What?! Seryoso ba sila?” bulalas ni Kelly na nagsisimula ng hingalin sa ginagawa nila. “I’m sure they are. And as I’ve heard, isang hottie raw itong si transferee. Good looks with a killer charisma, babe. Kaya ayokong palagpasin ang pagkakataong ito. This will be an epic basketball game at La Sallete University,” sabi nito na may halong excitement sa boses. “Talaga lang, ha?” tanging nasabi ni Kelly. Lalo pa nilang binilisan ang paglalakad na halos tumatakbo na. Hanggang sa marating nila ang court. Mula sa labas ay maririnig na ang sigawan at hiyawan ng mga estudyante. May nagchi-cheer para sa team ng Slashers at meron din sa transferee. “Wow!” bulalas ni Kelly sa sobrang mangha nang makapasok sila sa loob ng court. Puno kasi iyon ng mga estudyante. ’Yong iba ay nakatayo na kasi wala ng maupuan. Halatang ayaw rin nilang palagpasin ang larong ito. Pinilit nilang makisiksik sa may harapan ng mga estudyante. “Well, I guess manonood tayo nang nakatayo,” sabi ni Cindy na habol pa ang hininga dahil sa ginawa nilang lakad-takbo. Buti na lang at hindi pa nag-uumpisa ang game. In-explain pa ng manager ang magiging takbo at patakaran ng laro. Babae ang manager ng team, kaka-graduate lang din nito sa kursong Business Management sa La Sallete. Maganda ito at may pagka-boyish. Pero hindi ito kabilang sa third s*x. Ganoon lang talaga itong kumilos, astig na parang lalaki. Marami nga ang naiinggit dito na babae sa school nila dahil halos araw-araw nitong nakikita at nakakasama ang mga naggaguwapuhang players ng Slashers. Heaven! sabi nga ng karamihan. “So, we have Slashers here with their Team Captain Kenjie Keith Natividad versus Dwayne Luke Alford. Sino man ang unang makalimang puntos sa loob ng isang quarter ang siyang tatanghaling panalo. Kanina, bago pa man napagkasunduan ang larong ito ay nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan nina Kenjie at Luke. Kapag nanalo ang team ni Kenjie sa larong ito ay magiging utusan si Luke ng Slashers sa buong taon. Ngunit, kung si Luke naman ang mananalo ay papalitan niya bilang team captain ng Slashers si Kenjie.” “Unfair naman yata ’yon kasi nag-iisa lang ’tong si Luke,” komento ni Elle. “Well, tingnan natin kung unfair nga ba. Hindi pa naman natin nakikitang maglaro ’tong si Luke, e. Baka magkaroon ng himala,” komento naman ni Cindy. “Booo! Talunin n’yo ’yang hambog na ’yan! Sigurado akong hanggang salita lang ’yang mokong na ’yan! Ilampaso n’yo ’yan, Slashers!” Napatakip silang tatlo ng tainga dahil sa sobrang lakas ng sigaw ng lalaking mula sa kanilang likuran. “Hoy! Tumahimik ka riyan! Baka ikaw ang ilampaso ko sa kakasigaw mo! Nabibingi na ako rito. Walanghiya ka!” sigaw naman ng isang babaeng nakaupo sa bleacher malapit dito. Halatang nasa panig siya ng transferee. “Grabe! Ang lakas ng loob niya para tanggapin ang labang ’to! Hindi niya ba alam na ang team nina Kenjie ang pinakamagaling na manlalaro sa larangan ng basketball sa buong distrito? Hindi na ako makapaghintay na masaksihan kung paano siya maglaro. Hindi man lang siya kakikitaan ng anumang bakas ng pag-aalala sa mukha, oh,” komento ni Cindy na nakatingin sa direksiyon ng transferee. “Sa tingin ko mananalo siya,” biglang nasabi ni Elle kaya napatingin sa kanya ang dalawang kaibigan. “Manghuhula ka ba, babe Elle?” tanong ni Cindy. “Ha? H-hindi, ah. Nasabi ko lang ’yon. Baka lang naman manalo siya.” Tiningnan ni Kelly ’yong Luke. Tama nga ang kaibigan niya. Walang bakas ng takot at pag-aalala sa mukha ng binatilyo. Ngunit ang ipinagtataka niya ay tila ba isa siyang metal na na-magnet dito dahil hindi niya maalis ang paningin sa binata. Love at first sight, an actual feeling you get when you first lay eyes on that one special person. More special than anybody you’ve ever met. This person is who your heart just immediately falls in love with and decides that it wants to spend eternity with them. Bigla niyang naalala ang mga linyang iyon na isinulat ng kanyang ama sa libro nito. Ngayon lang siya napukaw ng isang lalaki. Ni minsan ay hindi siya tumitig sa isang lalaki nang katulad ng ginagawa niya ngayon. Marami siyang mga kamag-aral at manliligaw na pawang makikisig at sakto sa panlasa niya pero iba ang dating ng binata sa kanya. Matangkad ito, na sa tantsa niya ay nasa six feet ang tangkad. Mas nakakalamang ito ng ilang inches kay Kenjie. Bagay na bagay rito ang maging isang basketball player. Hindi siya sigurado sa kulay ng may-kahabaang buhok nito ngunit hindi iyon purong itim lang. Natatabingan n’on ang noo at natatakpan naman nang bahagya ang batok nito. He also had a pointy nose, kissable lips, at maamong mukha na masasabi niyang perfect! Biglang tumibok nang mabilis ang puso ni Kelly. Ramdam niya ang kilig na bumabalot sa buo niyang pagkatao habang nakatingin sa binata. Ano ba’ng meron sa lalaking ito at bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya? Ikaw na ba si Mr. Right? she thought. Habang tinititigan ni Kelly ang binata ay biglang kumunot ang noo niya. “He looks familiar.” “Ha? Ano ’yon, babe? Hindi kita narinig,” tanong ni Cindy. “Parang pamilyar siya, babe. Nakita na ba natin ang lalaking ’yan noon?” “Ha? I’m sure hindi pa. Ngayon ko lang ’yan nakita. In all fairness, ha, pogi si kuya, at ma-appeal. Sa kanya ako pupusta, babe,” nakangiting sabi ng kaibigan. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang laro. Nakapuwesto na ang players sa gitna. Biglang nayanig ang buong court sa hiyawan ng mga estudyante nang makuha ni Luke ang bola. “Wow! Ang bilis niya, ha!” bulalas ni Cindy. Nag-dribble agad si Luke. He tried to escape from the strong defense of the Slashers. Tumakbo ito ng ilang beses habang nagdi-dribble at para bang pinaglalaruan niya lang ang team. And then, in a blink of an eye, bigla na lang siyang nag-shoot sa malayong distansiya. Hindi man kapani-paniwala ngunit nagawa niyang makapuntos kahit wala pang isang minuto ang laro. Oo, nag-iisa lang siya at lima ang kalaban niya pero mabilis siyang kumilos. “Wow! That was unbelievable!” bulalas ni Kelly nang pumasok ang bola. Lumakas lalo ang hiyawan at sigawan ng mga estudyante sa loob. Lahat ay hindi makapaniwala sa ipinamalas na galing ng transferee. “Tingin ko hindi aabot ng fifteen minutes ay matatapos na itong game,” komento ni Cindy na manghang-mangha sa ipinamalas na galing ni Luke. “Kaya pala malakas ang loob niya na hamunin ang buong team ng Slashers, e. May ibubuga naman pala talaga siya,” ani Elle. Nasa Slashers ang bola. Kenjie tried to shoot the ball standing on a three-point line. Marahil ay gusto rin nitong magpasikat, but he failed. Hindi niya naipasok ang bola. “Rebound!” he shouted. Pero mukhang may lahing palaka itong si Luke sa sobrang taas tumalon. Naagaw niya ang bola. Ayan na naman ang hiyawan ng mga esudyante sa loob ng court. Opensa na naman si Luke. Tumakbo siya habang nagdi-dribble. Sinubukang agawin ni Kenjie ang bola, pero masyadong mabilis ang kamay ni Luke kaya hindi nagtagumpay si Kenjie. Pinaligiran siya ng Slashers. Nahihirapang makapasok si Luke dahil sa higpit ng pagbabantay ng mga kalaban niya. Nag-iisa lang siya at walang ibang mapasahan ng bola kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makawala sa mga nagbabantay sa kanya at makapuntos uli. Again, he dribbled. Tila ba kasing bilis ng kidlat ang mga sumunod na galaw niya. Tumakbo siya uli, ngunit may humarang na naman na tatlo. Nang makakita ng malulusutan ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na gumawa ng aksiyon. Ngunit naharangan uli siya ni Kenjie. Bigla siyang nahirapang makapasok dahil sa depensa nina Kenjie. Pero hindi siya magpapatalo. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang makalusot sa mahigpit na depensa ng mga ito. He needs to think fast or else, magiging kawawa siya sa isang buong taon sa university na iyon. Isa pa, he’s Luke. He never accepts failures because he was born undefeatable. Luke ran towards the center circle na siyang ipinagtaka ng Slashers. “OMG! Huwag niyang sasabihing ishu-shoot niya ang bola sa ganyan kalayong distansiya?” bulalas ni Cindy. Suddenly, he bends his knees and gets into a shooting position. Seryoso ba ito? ani Kelly sa kanyang isip. Lahat ay natahimik at nakaabang kung mashu-shoot ba nito ang bola. Parang nag-slow motion naman ang paligid sa paningin ni Kelly nang bitiwan na ni Luke ang bola para i-shoot. Papasok kaya? Sa sobrang intense ng laro ay hindi niya rin mapigilan ang kaba niya. Marami ang naglalabasang tanong sa kanyang isipan. Kung mashu-shoot ba nito ang bola o hindi? Paano kung hindi nito ma-shoot? Ano’ng gagawin nito? Ano’ng mangyayari dito? Hindi niya alam kung bakit but she don’t want to see him fail kaya bigla siyang napapikit upang hindi makita ang resulta. Ilang sandali pa ay isang malakas na hiyaw ang umalingawngaw sa buong court kaya agad din siyang napadilat. “Did he . . .” Nilingon niya ang mga kaibigan na nagtatatalon sa sobrang tuwa. Ibinaling niya ang tingin kay Luke.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Prince's Rejected Mate

read
554.7K
bc

Babysitting The Hockey Star's Niece for Christmas

read
1.8K
bc

Claimed By My Stepbrother (Cadell Security Series)

read
539.5K
bc

The Grey Wolves Series Books 1-6

read
355.6K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
8.5K
bc

The Last Royal Luna

read
107.2K
bc

My Stepbrothers Forced Me to Call Them Daddies

read
25.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook