Joaquin’s pov HINDI INAASAHAN ni Joaquin ang pagdating ng kanyang Mama Wilma sa kanyang opisina. Simula nang maging pulis siya ay never pa siyang pinuntahan ng ina sa trabaho. Siguro dahil hindi na siya umuuwi sa bahay nila simula nang magtalo sila ng ama. Siya na lamang ang iiwas sa ama upang hindi na humaba pa ang kanilang pag-aaway. Tumayo siya at sinalubong ng yakap ang ina. Napansin niya ang lungkot sa mga mata nito nang tingnan niya ito. Masayahin ang kanyang Mama Wilma kaya nalulungkot din siya at pati ito ay naiipit sa pagtatalo nila ng ama. “Nagdala ako ng mga pagkain na pwede mong initin kapag nagugutom ka,” wika ng kanyang Mama Wilma. Isa-isa nitong nilagay sa refrigerator niya ang dalang pagkain. “Pwede mong iuwi sa bahay mo ang iba para hindi ka magutom,”

