Madi’s pov KASAMA niya si Dominic at Anna habang nagmamasid sila sa labas ng bahay ni Atty. Guevarra. Itinuro sa kanila ni Anna ang address ng bahay ni Atty. Guevarra. Wala naman silang makita sa loob ng bahay lalo pa at mataas ang gate. Wala ring lumalabas sa gate. Mukhang napakatahimik ng buong bahay at mahihirapan din sila kung papasukan nila ang bahay ni Atty. Guevarra. Hindi nila alam kung may mga tauhan ba si Guevarra sa loob ng bahay nito. “Nakapasok ka na ba sa bahay ni Guevarra?” tanong niya kay Anna. Si Dominic ang nagmamaneho kung kaya sa driver seat ito nakaupo. Si Anna naman ay nasa likuran ng sasakyan. “Hindi pa,” sagot ni Anna sa kanila. “Si Ara ang nagsabi sa akin na ito ang bahay ni Atty. Guevarra. Minsan na raw siyang dinala ni Guevarra sa bahay nito noo

