Guevarra’s pov MABUTI na lamang at wala siya sa nangyaring pagsabog sa kanilang bahay. Wala rin ang kanyang nag-iisang anak at asawa dahil nasa states ang mga ito at sa isang linggo pa ang balik. Madalas ay hindi siya sumasama sa mga ito kapag naiisipan ng mga ito na magbakasyon. Mas gusto niya pang manatili si Batanes upang makasama si George kaysa ang makasama ang kanyang pamilya na nagiging panakip butas lamang sa kanyang tunay na pagkatao. Isang malaking lihim ang itinatago niya sa Batanes. Ang buong akala ng iba ay malakas siya, matapang at tunay na lalaki. Ang hindi alam ng mga ito ay ang kanyang lihim na matagal niya ng itinatago. Bata pa lamang siya ay alam niyang pusong mamon siya pero itinago niya iyon dahil nag-iisang lalaki lamang siya sa limang magkaka

