Madi’s pov KAPAG minamalas ka nga naman. Siya pa ang nakatanggap nang tawag ng ama ni Joaquin sa telepono. “Yes sir?” tanong niya sa kausap na nagpakilalang si Senator Glenn Sandoval. “Pwede ko bang makausap si Joaquin? Hindi kasi sumasagot ng cellphone,” wika ng ama nito sa kabilang linya. May dumating lang na na babae ay nataranta na si Joaquin at hindi na marunong sumagot ng cellphone. “Okay po Senator. Sasabihin ko po na tumatawag ka,” wika niya. Pagbaba niya ng telepono ay napabuntong-hininga siiya. Napilitan siyang tumayo ay kumatok sa opisina ng lalaki. Narinig niya ang tinig ng babae na pinapasok siya. Pinihit niya ang doorknob. Nagulat pa siya nang makitang nakaupo sa ibabaw ni Joaquin ang babae. Nataranta si Joaquin nang makita siya. Kulang na lang ay ih

